seven - meeting
Pinanood ko kung paano i-crystallized ng wielding teacher ko ang reyna. Kung kasing talented lang sana ako ng nanay ko ako na mismo ang nag-crystallize sa kanya. Sa Haegl kasi hindi ibinabaon sa lupa ang katawan ng namatay na. Isa sa mga trabaho ng wielders ang gawing ice ang bangkay atyaka iki-crystallized. Mare-reduce ang katawan ng namatay sa maliliit na crystals. Parang diamonds pero ang kaibahan hindi 'yun kumikinang at gawa iyon sa yelo.
Kasama ng halos buong populasyon ng Haegl, naglakad kaming lahat papunta sa ice walls ng Haegl. 'Yung mga ice walls na nakapaligid sa buong kingdom para maiwasan ang aksidente. Kapag wala kasi 'yung mga proteksyon na 'yun pagkahulog kaagad sa dagat ang aabutin namin. Kaya ang labas parang cylinder na walang takip sa itaas ang itsura ng Haegl.
Nagbukas ang nagiisang pinto ng wall, unang lumabas si Daddy dala-dala 'yung urn na naglalaman ng crystals ng queen. Sumunod ako sa kanya atyaka sabay naming ikinalat 'yung crystals sa dagat. Habang ginagawa ko 'yun parang nasa dagat 'yung pagiisip ko eh. Iniisip ko kung ano kaya kung tumalon na lang din ako mismo mula rito? At least maisasalba ko pa ang Haegl sa katangahan magagawa ko kapag ako na 'yung reyna nila. Natatakot ako. Hinihiling ko na sana pagkatapos naming maikalat 'yung crystals ng reyna mabuo siya ulit tapos mabuhay siya. Kahit isang milagro lang sana.
Pinilit kong alisin ang pagpapatiwakal sa isipan ko at tumingin kay Daddy. Hindi katulad ko, kitang-kita 'yung mga luha niya. Hindi siya natatakot ipakitang umiiyak siya. Nakakalungkot kasi namatay ang reyna nang hindi man lang nasasabi ni Daddy na mahal niya pa rin siya. Iniisip ko pa lang 'yung matinding panghihinayang na 'yun sa part ni Daddy naninikip na rin 'yung dibdib ko eh. Kasi deserve nilang maging masaya. Deserve nilang mag-reunite. Pero dahil sa ka-selfish-an ko nawala lahat ng chances ni Daddy. Lahat nga ata kasalanan ko eh.
Nung natapos na namin 'yung gawin, bumalik kami sa loob at hinayang sumunod ang mga Haeglic na magtapon ng mga bulaklak sa dagat. Pinanood ko sila saglit at nakita ko kung gaano nila kamahal 'yung nanay ko. Kung gaano siya ka-distant sa'kin ganun naman siya kalapit sa mga nasasakupan niya. Naging full time nanay siya sa kanilang lahat pero part time lang sa'kin. Nagagalit ako pero pilit kong inaalis 'yun kasi isa na naman 'yung selfish thought at bilang susunod na reyna ng Haegl hindi na dapat ako nagkakaroon ng ganon. Haegl muna bago ang sarili ko at ang mga taong mahal ko.
Pagkatapos ng lahat-lahat, isa-isa ng nagsibalikan sa mga kanya-kanya nilang lugar ang mga Haeglics. Ako naman nagpaalam kay Daddy na pupunta muna sa White Forrest para mapagisa. Pinayagan niya ako kasi alam niyang kailangan niya ring mapagisa.
Naglakad ako patungo run sa lugar na lagi naming tinatambayan nila Jules at Van. Nakita ko na silang dalawa pero hindi ko sila malapitan kasi hindi pa ako handang magkwento sa kanila. Naupo ako run sa natumbang katawan ng puno na inuupuan din namin. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar atyaka naalala 'yung mga panahong nagkakarera pa ako. Isa na rin 'yun sa mga hindi ko magagawa kapag nagsimula na ulit akong mag-training.
Hindi ko alam kung magaling lang talaga akong mag-imagine o tunay ngang papalapit na sa'kin 'yung arctic wolf na palagi kong sinasakyan kapag may mga karera. Nakita ko 'yung kulay ginto niyang mga mata atyaka 'yung kulay puti niyang balahibo. Napatayo ako nung tumakbo na siya papunta sa'kin. Dinagma niya ako at dahil sa bigat niya napahiga ako sa permafrost. Sinisinghalan ako ni Blizzard pero nung hinawakan ko na 'yung leeg niya unti-unti na siyang umamo sa'kin at kalaunan ay dinilaan na lang ako.
"Carita!" Rinig kong tawag ni Jules.
Tumayo ako para makita sila. Pareho silang naka-hood ng puti habang tumatakbo papunta sa'kin. Nahuhuli si Van at ilang beses pang muntik madapa. Napansin kong ang laki ng itinabi niya samantalang mahigit isang linggo pa lang akong nawala sa Haegl. Nakangiti sila sa'kin atyaka nila ako niyakap ng mahigpit. Ginulo-gulo nila ang buhok ko habang tumatawa pero nakita kong maluha-luha na ang mga mata nila.
"Ang baklang sabihin pero namiss ka namin!" Bulalas ni Jules.
"Okay ka lang ba?" Concern naman na pagkakatanong ni Van. "Condolence nga pala."
"Salamat," sagot ko sabay ngiti ng kaunti. "Kumusta na kayo?"
"'Yan si Van unti-unti ng nagiging mundo ko. Bumibilog eh," pagbibiro ni Jules. Agad naman siyang siniko ni Van.
"Si Jules torpe pa rin. Walang pagbabago," kwento ni Van.
"Hoy ungas umayos ka nga! Sipain kita eh!"
"Sino na namang nililigawan mo?" Tanong ko kay Jules.
"Lahat naman kayang ligawan niyan maliban lang dun sa Miss Universe ng buhay niya," sagot ulit ni Van. Inambahan siya ng suntok ng pikon na si Jules pero itinawa lang ni Van 'yun.
Swabe naman sa lahat ng babae si Jules. Playboy nga eh pero may isang babae lang talagang nakakapagpatiklop sa kanya. 'Yung nanalo ng Miss Haegl 2014. Hindi malapitan ni Jules 'yun, ni hindi nga niya matignan sa mata.
"Aminin mo na kasi 'tol na kinukulam mo love life ko kasi gusto mong maging tayo," saad ni Jules kay Van sabay akbay.
"Ulol kabahan ka nga sa sinasabi mo!"
Hindi ko inaasahang sina Blizzard, Jules, at Van lang pala ang kailangan ko para mangiti ulit. Naupo ako at hinimas ang mga balahibo ni Blizzard habang pinapanood magbangayan ang dalawa. Nung magsawa na sila naupo sila sa magkabilang gilid ko. Ilang minuto kaming natahimik tapos nagtanong si Jules.
"Totoo ba? Magti-training ka na ulit?"
Nakarating na sa buong Haegl na magbabalik na ako sa pagti-training. Nag-announce na rin ako ng meeting kasama ang mga instructors ko dati ngayong araw. Balak ko ng magsimula next week bilang Saturday naman ngayon.
"Kailangan ng reyna ng Haegl eh," sagot ko.
"Akala ko ba 'yung auntie mo na ang magmamana ng throne?" Tanong naman ni Van.
"Gusto ni Queen Genima na ako ang pumalit sa kanya. Binigo ko na nga siya dati hanggang ngayon ba naman bibiguin ko pa rin siya?"
"Sigurado ka na ba? Buong buhay mo pilit mong tinatakasan 'yang responsibilidad na 'yan 'di ba?" Napabuntong hininga ako sa tanong ni Jules.
"Ano ba, relax lang kayo. Maka-react kayo parang worst case scenario nang magiging reyna niyo ako," pagbibiro ko.
"Carita kasi ayaw naming mahirapan ka. Alam naman naming hindi mo gagaguhin ang Haegl eh. Nagaalala lang kami na baka ang buong Haegl ang gumago sa'yo," pahayag ni Jules na agad namang sinang-ayunan ni Van gamit ang pagtango niya.
Nakita ko kung paano nakihati sa nanay ko ang mga Haeglics. Nakita ko kung paano siya mamroblema at ma-stress sa pamamahala niya sa buong kingdom. Si Tita Elvir, si Daddy, at ako hindi niya naasikaso dahil sa responsibilidad niya. Tama na 'yung mga nasaksihan kong 'yun para kumaripas ako ng takbo at hayaan na lang ang ibang umupo sa trono pero iba na kasi ngayon eh. Nandito na 'yung konsensya ko atyaka 'yung pagsisisi.
"Bahala na. Kaya nga may training 'di ba? Para hindi ako mahirapan? Kaya ko 'yan. Nandyan naman kayo eh."
"Basta kapag hindi mo na kaya magsabi ka lang. Tutulungan ka ulit naming tumakas," sabi ni Van.
Naglabas ng mga tinapay si Van atyaka kami kumain. Tumumal daw ang bentahan ng tinapay sa stall nila kaya siya ang kumakain ng mga natira kaya ayun bumilog ang katawan. Nawala na raw 'yung abs niyang hindi naman talaga kailan nag-exist. Sinamahan ko silang ibalik si Blizzard sa kulungan niya atyaka na nila ako inihatid sa Arctic Castle.
Pagkabukas ng pinto, nakita ko ang throne at ang koronang nakapatong dun. May humigit sa pulso ko kaya napatingin ako sa gilid ko at nasilayan si Ark. Nung nakita ko siya sobrang gumaan 'yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because he feels like home. Gusto ko siyang yakapin pero naalala kong nasa Haegl na ulit kami. Trainee knight na ulit siya at ako na ulit 'yung future queen niya.
"Magsisimula na ang meeting," bulong niya sa'kin. Tumango ako atyaka naglakad kasabay siya.
"Ark," tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa'kin. "Alam mo na ang mangyayari 'di ba?"
"You're going to be the queen."
"At magiging knight ka na. As in full pledged."
Limang buwan na lang magiging eighteen years old na siya. Kailangan na niyang magdesisyon kung gusto niya talagang maging full pledged o mag-pursue ng ibang trabaho. Pero knowing Ark? Siguradong itutuloy niya ang pagiging knight niya.
"I loved you," bulong niya. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"And I loved you too. Pero kung gusto talaga nating ma-work ito, kung gusto mo talagang maging knight at kung gusto ko talagang maging queen, kakalimutan na natin. Kasi kahit saang anggulo natin tignan, hindi talaga pwede," paliwanag ko. Nakakainis kasi pang-knight pa rin 'yung tingin niya sa'kin. Stone-cold. Parang wala lang.
"Alam ko."
Simula nun hindi na kami nagusap. Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Iyon ata 'yung unang beses ulit naming nagusap na hindi nagsisigawan. Ang weird sa pakiramdam. Ito na talaga. Pinaplantsa ko na lahat-lahat para wala ng aalalahanin kapag training na. Wala na talagang atrasan. Hindi na pwedeng mag-back out ulit.
Nakarating kami sa tapat ng pinto ng study room. Doon kadalasang ginaganap ang mga pagpupulong. Pati 'yung meeting ng council. Binuksan ni Ark ang pinto para sa'kin. Nakita kong nakaupo ang ilang instructors ko noon. Napatingin ako sa bakanteng upuan na nasa unahan ng mesa. Doon nakaupo dati si Queen Genima. Kahit kailan hindi ko pinangarap o inisip na ako 'yung susunod na uupo dun. Nakakatawang isipin na kahit pare-parehas lang 'yung mga upuan. Kahit pare-pareho lang na gawa sa kahoy, nagiiba 'yung tingin ng iba run depende sa uupo. Depende sa title nung uupo. Kahit siguro sira-sirang upuan, kapag inupuan ng hari o reyna magiging espesyal at sagrado sa ibang mga tao kapag naglaon.
Pumasok ako sa loob at umupo sa upuan ng reyna dati. Nakatingin sila sa'king lahat at animo'y binabantayan ang bawat galaw ko. Napansin kong tatlo lang ang dumalo sa pagpupulong samantalang anim silang lahat na instructors ko. Nasa kaliwa si Sedonnah Avi na teacher ko sa Wielding. Siya rin ang nag-crystallize kanina sa reyna. Nasa kanan ko naman ang tulog na instructor ko sa Leadership na si Berges Fell. Katabi niya ang knight na si Troy na nagtuturo naman sa'kin sa Defense.
"Wala na ba tayong hinihintay?" Tanong ko. Umiling si Sedonnah sabay ngiti sa'kin. "Nasaan 'yung iba?"
"Inis pa rin si Memphis sa'yo dahil sa ginawa mong pagtakas pero huwag kang magalala, tuturuan ka niya sa session niyo. Masasayangan 'yun sa bayad. Alam mo naman 'yun mukhang pera," sagot pa rin ng Class-A wielder. Gaya pa rin ng dati na-amaze ulit ako sa butch-cut hair niya. Siya lang ang kilala kong kayang magpagupit ng ganyan kaikli pero maganda pa rin.
Magkaklase sina Queen Genima at Sedonnah dati sa academy. May mga rumors na lesbian si Sedonnah at nagustuhan niya ang nanay ko. Sabi pa nga ng iba hanggang ngayon mahal pa rin niya ang dating reyna. Napansin ko rin kanina habang kini-crystallize niya 'yung katawan ni Queen Genima, ang bigat-bigat ng pakiramdam niya at nagi-struggle siyang makuha 'yung inner peace niya para magawa 'yung trabaho.
Si Memphis Mayor nga pala 'yung instructor ko sa Economics. Strikto siya at maikli ang pasensya. Siya 'yung pinakatakot kong instructor dati. Mas okay nga sa'kin kung mag-quit na lang siya tapos humanap na lang kami ng iba pero ayun nga, medyo mukha siyang pera kaya kahit ayaw na ayaw niyang magturo titiisin niya para run sa bayad.
"Eh si Miss Grace po?" Tanong ko.
"'Yung teacher mo sa Poise? Buntis siya kaya maghanap ka na lang ng iba. May kilala ka bang pwedeng magturo sa'yong magsuot-suot ng heels?" Sabi ni Sedonnah.
Muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya. Napansin ko ring napangisi si Troy. Si Berges naman kahit anong ingay hindi pa rin maawat sa pagtulog.
Saglit akong nagisip ng pwedeng magturo sa'king maglakad na naka-heels at magsuot ng mga gown. Naalala ko 'yung sinabi ni Van kanina tungkol kay Jules. Tungkol dun sa Miss Universe niya?
"Eh si Laurice po? 'Yung Miss Haegl 2014?"
"Laurice Noe?" Sabat ni Troy. Bigla siyang naging interesado sa paguusap namin. Nakita ko rin 'yung malawak niyang pagngiti. Kahit kailan talaga nakaka-intimidate 'yung blond hair niyang hanggang shoulder. Kapag nagdi-dwelo kami pinupusod niya 'yan pero nakakainggit pa rin.
"I heard they're calling her Beauty Queen Maker," saad ni Sedonnah.
Simula kasi nung pagkapanalo niya nung 2014, nagti-train na siya ng mga gustong sumali sa mga pageants. Kulang na nga lang magpanggap na gustong maging Miss Gay ni Jules para lang makalapit sa kanya eh. At least kapag siya na 'yung naging instructor ko mailalakad ko na si Jules sa kanya.
"Kakausapin ko siya para sa'yo."
"Thank you, Miss Sedonnah."
Pakiramdam ko mas excited pa si Troy kesa sa'kin dahil kay Laurice eh. Bawal magkapamilya ang mga knight pero kilalang playboy si Troy. Parang pampalipas oras niya lang ang mga babae ganon. Palibhasa bata pa kasi. Sixteen lang siya nung naging knight siya. Accelerated dahil magaling. Ngayong twenty na siya isip teenager pa rin ang loko.
"Si Mrs. Diana rin po pala hindi na kayang magturo. Kahapon po kasi lumapit siya sa'kin tapos sabi niya medyo nakakalimutan na niya 'yung ibang history bits," wika ko.
"May kilala akong magaling sa History. Bata pa siya kaya matuturuan ka niya ng maayos," suggestion ni Sedonnah.
"Hindi. Okay na po. Ako na pong bahala."
Balak ko kasing italagang bagong History instructor si Daddy. Noon kasi kapag may Haeglic na nakapangasawa ng mortal, kailangang malaman nung mortal lahat-lahat tungkol sa Haegl bago siya tuluyang lumipat dito. Si Queen Genima mismo ang nagturo ng lahat kay Daddy kaya confident akong kayang-kaya niya 'yung trabaho.
Nung napagusapan na namin lahat, ginising na namin si Berges atyaka na sila umalis lahat. Naiwan ako sa study room ng ilan pang minuto. Sabi kasi ng reyna dati, dapat huling umaalis ng meeting ang leader para masigurong wala ng gustong sabihin 'yung mga ka-meeting. Baka raw kasi may gustong makipagusap ng sarilinan ganon.
Paalis na sana ako nang biglang bumukas ng malakas ang pinto at pumasok si Tita Elvir. Nagulat ako hindi dahil sa biglaan niyang entrance kundi ulit sa suot niya. Naka-red halter dress siya at nakapusod ang snow-white niyang buhok. Kahit kailan hindi ko siya nakitang dumalaw sa lamay ng reyna. Kahit kanina absent siya tapos naka-pula pa siya ngayon. Anong gusto niyang palabasin?
"What are you doing?! You said I am going to be the queen!" Sigaw niya.
"Tita—"
"I helped you escape Haegl. You said the throne is mine once my sister is dead. I trusted your word!"
Bilang half-Haeglic hindi ko masyadong nararamdaman ang lamig pero bawat salitang binibitawan ni Tita Elvir unti-unti kong nararamdamang bumababa ang temperatura sa kwarto. Tumatayo ang mga balahibo ko at nanunuot sa balat ko ang lamig.
"Patawarin niyo po ako pero ito po ang gusto ng reyna. Gusto niyang ako ang magmana ng korona."
"You're going to regret lying to me, love."
May ibinato siya gamit ang powers niya. Hindi ko alam kung ano 'yun pero naramdaman ko na lang na parang may sumasakal sa leeg ko. Nung kinapa ko 'yun may nakakabit sa leeg kong matigas, makapal, at malamig. Kung hindi ako nagkakamali, yelo 'yun. Ngumiti sa'kin si Tita Elvir atyaka lumabas ng pinto. Pinanood ko siyang maglakad papalayo habang sinusubukang tanggalin kung ano man 'yung ikinabit niya sa'kin at humingi ng tulong. Lumabas ako pero walang naka-posteng knights kahit saan.
Inilibot ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung naghahallucinate ako o kamukha lang ni Clyde 'yung nakita kong dumaan sa may 'di kalayuan. Sinubukan ko 'yung tawagin pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Naramdaman ko na lang ang matinding pagkahilo at pagdilim ng paligid ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro