Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

« prologue »

          "Cari kapag naabutan kita patay ka talaga sa'kin!"


          Meh, kapag lang naman eh. Never naman niya akong maaabutan kasi sanay na sanay na akong tumakbo ng nakapaa sa yelo. Wapakels din sa lamig kasi sanay na rin ako. Kahit tumakbo pa akong naka-bra't panty rito keri lang. Okay sige, sabihin na nating trainee knight siya pero mas maliksi pa rin ako kasi walang kung ano-anong metal na nakakabit sa'kin.


          Hindi na ito pangkaraniwan sa mga tao rito sa palace. Kapag narinig na nila si Ark na nagsisisigaw o kapag nakita na nila akong tumatakbo, agad na silang gumigilid para magbigay daan sa habulan namin. Hindi kami naglalaro, seryoso talagang "patay" ako kapag naabutan niya ako.


          Schedule kasi ng pagsusukat ko ng mga gowns at heels at pagpra-practice maglakad suot ang mga iyon. Iyon ang pinakaayaw kong session kaya kada-Sabado nagpapaka-Barry Allen ako. Kakagaling ko nga lang kahapon sa madugong pagmememorya ng history ng Haegl tapos pati ba naman paa ko kailangan pa ring magdugo?


          Ako at ang mga tao rito sanay na ewan ko lang kay Ark. Baka nga hindi na siya mag-full pledged knight dahil sa'kin. 'Yung mga seven to eighteen years old kasing mga lalake pinapapili kung anong gusto nilang maging 'pag laki nila. Pwedeng knight, chef, teacher, farmer, blacksmith, o kung ano-ano pang trabaho. Kapag nineteen na sila mamimili sila kung itutuloy nila 'yung pinili nila o magiiba ng career.


          "Cari!" Sigaw pa ni Ark habang binabagtas namin ang mga hallways ng palasyo. Naririnig ko na 'yung metal armor niya kaya mas binilisan ko pa ang takbo.


          Trainee knight slash babysitter ko si Ark. Kapag hindi niya ako nahuli patay siya sa Mom—kay Queen Genima. Yep, bawal kong tawaging Mommy, Mama, o Nanay ang reyna kahit 'yun naman talaga ang dapat. Sabi niya kapag ginawa ko 'yun para ko na ring pinapamukhang nakakaangat ako sa mga nasasakupan niya. And yes, wala rin akong title. Hindi ako princess or other shits. Sabi kasi ng Queen, lahat dapat pantay-pantay sa paningin niya. Asawa, anak, o kapatid—lahat tulad lang ng mga ordinaryong tao sa Haegl kaya wala dapat special treatment.


         Maayos na sana ang lahat. Ayoko rin naman ng title at mas lalong ayokong tinitingala ang kaso nga lang panay ang parinig ng Queen na ako na ang susunod sa throne niya. Masaya dapat kasi magiging queen ako 'di ba? Hindi. Ayokong maging queen. Gusto kong ganito, simpleng Cari lang. Wala 'yung Queen blah blah the first blah blah blah.


          "Alam mong pagagalitan ka pa rin ng reyna mahuli man kita o hindi kaya tumigil ka na," malakas na sabi ni Ark.


          "'Yun naman pala eh. Bakit mo pa 'ko hinahabol?" Tanong ko habang unti-unting binabagalan ang takbo ko since malayo pa naman siya.


          "Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?!" Nanggagalaiti niyang saad.


          "Bakit ba kasi ang kulit mo?!"


          "Bakit kasi sobrang ganda mo?!"


          Muli atang nabuhay ang Ice God para itigil ang oras? Charot. Natigil kasi ako sa pagtakbo at agad na napaharap kay Ark. Nagjo-jog na lang siya palapit sa'kin. Holy crap. Sabi ko na nga ba hindi lang dahil sa utos ng Queen kaya palagi akong sinusundan nito eh. Noon pa lang talaga feel na feel ko ng bet na bet ako nito eh. Dinadaan niya lang sa pagsusungit para hindi halata.


          Tinanggal ni Ark ang helm sa ulo niya. Naghahabol siya ng hininga habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok siya kaya nahawa ako't napalunok din. Hinihintay ko siyang magtapat kasi obvious namang 'yun na ang patutunguhan ng dramang ito.


          "Eh 'di tumigil ka rin," napangisi ang trainee knight sa'kin atyaka ako inilagay sa balikat niya't binuhat na parang isang sako ng bigas.


          Lahat na ng makakatulong sa'kin sa pagupo ko sa trono in the future itinuturo na sa'kin. Kaso may isang bagay ata silang nakalimutan? Hindi ko kasi maalalang tinuruan nila ako kung paano hindi mag-assume.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro