Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

one - icy escape

          Mas lalo akong naha-hype kapag sinisigaw na ng mga tao ang pangalan ko. Kapag 'yung mga kalaban ko isang kilometro na ang layo sa'kin tapos ako pa-chill chill pa rin pero 'yung mga tao ako pa rin ang bet.

         Kinondisyon ko ang sarili ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa reins ni Blizzard, tinapik ko ang gilid ng tyan niya atyaka na siya umarangkada. Inililipad ng malakas na hangin ang buhok ko habang pabilis ng pabilis ang takbo ng arctic wolf ko. Nag-flying kiss ako sa unang kalaban na naungusan ko at natawa. Holy snowballs, this is life.

          Kung papipiliin ako kung saan ko mas gustong umupo, kung sa throne ba o kay Blizzard, syempre pipiliin ko pa rin si Blizzard. Hindi naman ako mabibigyan ng ganitong satisfaction ng throne. Kapag sumasali ako sa mga wolf race feeling ko reyna na rin ako kaya bakit ko pa kakailanganin ng throne? Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong maging Ice Queen. Kapag naupo na ako run sa upuang 'yun, hindi na ako makakapagkarera kahit kailan. Syempre magiging busy na ako sa pagdinig ng mga kailangan ng mga tao. Hindi sa ayokong tumulong, alam ko lang na hindi ko kayang maging kasinggaling ni Queen Genima.

          Fourteen pa lang ako nung una akong sumali rito. Every month may ganitong event sa White Forest kaya palagi akong nagi-spend ng time kasama si Blizzard. Pinangalanan kong Blizzard ang wolf ko dahil sa balahibo at sa bilis niya. Kapag tumatakbo kasi siya para lang siyang humahalo sa snow dahil sa bilis niya. Nirerentahan ko lang siya kasi wala pa akong sapat na pera para mabili siya pero sa'kin lang siya maamo kaya walang ibang nakakasakay sa kanya. Sabi nila natural lang na magaling sa wolf racing ang mga descendants na galing sa royal blood. Well, kung in-born ka ng magaling, training na lang talaga ang kailangan mo para mas lalo ka pang maging epic.

          Narinig ko ang hiyawan ng mga tao. 'Yung iba isinisigaw ang pangalan ko, 'yung iba naman 'yung kay Blizzard. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Sinabihan ko ng words of encouragement si Blizzard hanggang sa magtuloy-tuloy pa ang paglagpas namin sa mga ibang kalahok.

          "Tangina Cari, magpapanalo ka naman!" Sigaw ni Jules mula sa likuran ko. Tinawanan ko na lang siya. "Van bilisan mo nandyan na si Cari!"

           "You're going down, Van!" Panunukso ko.

          Lumingon si Van at pinabilisan sa wolf niya ang pagtakbo. Hindi katulad ni Van, hindi ako mahilig tumingin-tingin sa likod o gilid. Nakaka-pressure kasi 'yun. Sabi ni Van effective daw ma-pressure pero meh, ano nananalo ba siya laban sa'kin? Hindi pa rin.

          Tuluyan ko na ngang naungusan si Van. Ako na ang leading sa karera. Para akong nalalasing sa mas lumakas pang hiyawan ng mga tao. Habang papalapit ako ng papalapit sa finish line, mas lalo silang nai-excite. Sinusubukan pa rin ng mga ungas na makahabol pero secured na ang pagkapanalo ko atyaka parang hindi naman na sila sanay matalo.

          Nung makarating ako sa finish line narinig ko ang tunog ng malakas na pagbato ng mga helmet nila Jules at Van sa permafrost. Naalala ko tuloy nung una ko silang natalo sa karera. Ganyang-ganyan din ang reaksyon nila.

          "Still undefeated Cari Arrowhead!" Anunsyo ng nagpasimuno ng karera sabay taas sa kaliwang kamay ko.

          Paulit-ulit na sinasambit ng mga tao ang pangalan ko. Habang tinitignan ko silang lahat hindi ko napigilang mapangiti. Hindi nila ako chini-cheer kasi alam nilang ako ang susunod na reyna nila, chini-cheer nila ako kasi magaling ako, kasi champion ako. Simple lang naman gusto ko sa buhay eh, 'yung ganito lang.

          Nung nakaalis na ang mga tao at naibalik na rin ang mga wolves sa kulungan nila, nilapitan ako nila Jules at Van. Umupo kami sa isang putol na puno na nagsilbi na ring bench nung naglaon. Iniabot ko sa kanila 'yung napanalunan kong isang basket ng frozen roses. Kapag nananalo ako ibinibigay ko sa kanila 'yung premyo. Mas kailangan nila 'yun. Marami kasi sa Arctic Castle 'nun.

          Frozen roses ang pinakamahalagang tanim sa buong Haegl. Gawa nga ng puro yelo ang paligid, wala kaming tubig. Nasa taas kami ng dagat kaya doon kami kumukuha pero dahil nga sa salinity ng tubig dagat, hindi namin 'yun mainom. Ngayon, dahil nga mabait ang Ice God na si Eistius, nagiwan siya ng isang garden ng frozen roses sa loob ng castle. Isang petal nun kapag na-dissolve sa isang galong tubig pwede ng inumin.

          "Hindi pa rin talaga kami makapaniwalang kaibigan ka namin," saad ni Van habang pinaghahatian nila 'yung bigay ko.

          "Oo nga eh. Biruin mo 'yun, susunod na reyna katropa natin," dagdag pa ni Jules sabay ngisi.

          Napailing na lang ako sa kadramahan ng dalawa. Hindi ko rin naman ini-expect na magiging kaibigan ko sila. Bago pa kasi ako nagsimulang manalo sa mga karera, sila ang mga champion. Nung una ko nga silang natalo tapos in-offer ko 'yung napanalunan ko nainis sila sa'kin pero tinanggap din naman nila. Pagkatapos 'nun naging magkabarkada na kami. Habang ako nagtri-train bilang reyna, si Jules naghahandang farmer, samantalang baker naman si Van.

          "Alam mo Carita, mamimiss ka talaga namin," sabi ni Jules sabay hawak sa kanang balikat ko. Ang lungkot ng tingin niya sa'kin pero natawa pa rin ako. Una kasi Carita pa rin tawag niya sa'kin, pangalawa kasi ang drama niya. P.S. hind Carita pangalan ko. Nabingi lang si Jules nung unang pagpapakilala ko sa kanya kaya imbes na Carissa, Carita narinig niya. Simula nun 'yun na tawag niya sa'kin.

          "Sa kabilang banda, hindi ka talaga namin mamimiss kasi mananalo na ulit kami kapag nawala ka na," mabilis namang nag-agree si Jules sa sinabi ni Van.

          Hindi na sikreto sa kanila ang binabalak kong pagtakas. Halos isang buwan ko na ring pinaplano ito. Simple lang 'yung nabuo kong idea pero kasi palagi akong nagaalangan kaya inabot ng isang buwan bago ako magkaroon ng final decision.

          Pinanood ko ang dalawa habang nagbibilang ng frozen roses. Alam ko namang mamimiss din ako ng mga ulupong na 'to eh. Mamimiss ko rin naman sila.

          Naalala ko pa nung una akong sinama ni Jules sa pagtatanim nila sa likuran ng market. Kwinento niya sa'kin kung paanong nakapagpalago ng mga halaman at nagkaroon ng mga hayop sa Haegl. Gawa raw 'yun ng mga genius na farmer noong unang panahon. Nagawa nilang mag-mutate ng mga halaman para tumubo sa permafrost. 'Yung mga hayop naman daw naka-adapt na rin sa malamig na klima ng Haegl nung nagtagal. Pagkatapos nung kwento niya pinagbabato niya ako ng snowballs para raw malaman ko kung gaano kahirap magtanim. Lintek lang kasi anong connect ng pagbato ng snowballs sa pagtatanim?

          Si Van naman, kapag magkasama kami lagi akong busog. Kaya nga tuwing fitting ng mga gowns laging sumasakit ulo ni Miss Grace kasi hindi magkasya sa'kin. Kaya para tumagal ang pagaayos ni Miss Grace sa mga gown, bumibisita ako kay Van para tumaba ako at hindi magkasya sa'kin 'yung mga dapat kong isuot.

          "Dala niyo ba 'yung pinapahanap ko?" Tanong ko sa kanila. Agad naman silang tumingin sa'kin. Nagtinginan sila saglit tapos bumalik ulit sa'kin at ngumiti ng nakakaloko. May hinugot si Van sa bulsa niya tyaka ipinasa kay Jules at ipinasa sa'kin.

          Isang maliit na vial na may lamang colorless liquid ang ibinigay nila sa'kin. Sinuri ko 'yun at inikot-ikot. Tinitiyak ko kung legit talaga. May tiwala naman ako sa kanilang dalawa pero mainam na ang sigurado.

          "Kailangan naming magpanggap na hindi matae para lang makuha 'yan dun sa sanatorium," wika ni Van.

          Ibinulsa ko ang vial at nginitian sila. "Salamat. Salamat talaga."

          "Sigurado ka na ba dyan sa gagawin mo?" Tanong ni Jules.

          "Ano ba, gusto niyo na ba talagang manalo ulit?" Pagbibiro ko sa kanila. Hindi sila umimik at tinignan lang ako ng malungkot. "Guys, alam kong mamimiss niyo 'ko pero hindi talaga ako dapat dito eh. Nai-imagine niyo bang magiging reyna ako? Queen Carissa?"

          "Pero kasi..." nagaalangang sabi ni Van.

          "Jules, Van, hindi ko na kaya. Sakal na sakal na 'ko run sa palasyo. Lahat sila pini-pressure na ako."

          Hindi ko maintindihan kung bakit atat na atat silang matanggap kong magiging reyna na ako. Bata pa naman si Queen Genima. Kung hindi ako nagkakamali, thirty-seven years old lang ang reyna at wala siyang sakit. Seventeen pa lang ako. Hindi ko pa alam kung ano-ano talagang gusto kong gawin pero sigurado akong ang pagiging reyna ng Haegl ay wala sa mga iyon.

          "Basta ingatan mo sarili mo run. Huwag kang papagago," maangas na payo ni Jules.

          "Atyaka huwag kang magalala, papakainin namin si Bliz araw-araw. Baka nga pagdating mo rito hindi mo na siya masakyan kasi kami na amo niya," dagdag pa ni Van.

          "Sigurado ka bang hindi mo na kami kailangan?" Tanong ni Jules. Napatingin ako sa kulot niyang buhok kasi nag-bounce din 'yun nung umiling siya.

          "Okay na 'ko. Huwag niyo na akong dramahan," sagot ko.

          Sabay kaming naglakad papuntang market. Unang humiwalay si Jules kasi pipitas pa siya ng mansanas sa taniman. Bago naman bumalik sa stall nila si Van, pinabaunan niya ako ng paborito kong croissant.

          Kahit maggagabi na hindi ko pa rin binilisang maglakad. Kung pwede nga lang libutin ko buong Haegl ngayon gagawin ko eh. Kung magiging matagumpay ang plano ko, ito na ang huling gabi ko sa malamig na lugar na 'to. Mahirap umalis kasi may mga tao akong maiiwan pero kung hindi ako aalis forever na akong mai-stuck sa isang bagay na hindi ko kayang gawin.

          Nung makarating ako sa Arctic Castle, pagbukas na pagbukas pa lang nung mga guards sa pinto, sinalubong kaagad ako ng nakasimangot na si Ark. Syempre, aakto na naman siyang tatay ko at sesermonan ako. Hindi naman sinabi sa'kin ni Queen Genima na kasama pala sa training para maging knight ang umaktong parang tatay.

          "Nakalimutan mo na bang may meeting ang council?" Tanong niya habang sinusundan akong naglalakad.

          "Nah. Wala lang talaga akong pakialam."

          "Akala mo hindi ko alam kung saan ka pumupunta every month? Gusto mo atang isumbong na kita—"

          "Eh 'di isumbong mo! Isumbong mo na ako para ma-promote ka na kaagad, para maging full-pledged knight ka na, at para lubayan mo na rin ako!" Sigaw ko sabay harap sa kanya.

          Tuwing nagaaway kami kadalasan ginagago ko lang siya pero iba ngayon. Magulo ang utak ko, kailangan kong magisip kaya wala akong panahon para makipagtalo sa kanya. Okay pa kami noon eh. Classmate ko siya sa Academy for two years. Four years dapat ang pagaaral pero minadali ako't pinagkasya na lang sa dalawang taon kasi kailangan kong magaral kung paano maging reyna. Close kami ni Ark 'nun to the point na magkagusto ako sa kanya pero nagdecide siyang maging trainee knight kaya sinukuan ko na siya.

          Naiinis ako kay Ark. Naiinis ako kasi isa siya sa mga taong pumi-pressure sa'kin. Naging magkaibigan kami pero hindi niya maisip na ayoko ng ganitong buhay. Nakakainis kasi parang kinalimutan niya na lang.

          "Bakit ba hindi mo na lang tanggaping magiging reyna ka?" Agad akong natawa sa tanong niya.

          "Ikaw ba natanggap mo ng forever ka ng mai-stuck dyan sa armor mo? Na forever alone ka na kasi bawal kang magkapamilya? Natanggap mo na ba? Ark, huwag mong sabihin 'yan sa'kin kasi pareho lang tayo. Nagkataon lang na mas kino-consider ko ang mga choices ko," pahayag ko sabay walk out.

          Nakwento niya sa'kin dati na pinipilit siyang maging knight ng mga magulang niya. Kaya nga kami naging close noon kasi pareho kami ng sitwasyon pero anong ginagawa niya ngayon? Hah, unbelievable.

          Thankfully, hindi na ako sinundan ni Ark. Pumuslit ako sa blacksmithing room. Nadatnan ko si Halvar na nagfo-forge ng espada. Huminto siya nung napansin niya ako. Binati niya ako at pinaupo sa harap ng mesa kung saan siya nagde-design ng mga creations niya.

          Katulad ko, half-Haeglic din si Halvar. Ang amazing kasi sa mga half-Haeglic, half-human, kaya nilang makapag-direct contact sa apoy at kaya rin nilang magtagal kasama 'nun.. Almost two hundred years ago kasi may epidemia na kumalat sa buong Haegl. Puro pure-bloods pa nago-occupy rito 'nun at hindi pa sila civilized or something. May isang Haeglic na nagka-direct contact sa apoy. Nagkaroon siya ng malalang fever na as in para raw talagang nasusunog ang buong katawan mo ang feeling. They called it Liarde's touch. Liarde because she was the Fire Goddess. So ayun, 'yung ibang Haeglic lumikas muna sa mortal world tapos dun sila nakapagasawa. Nung okay na, atyaka lang sila bumalik sa Haegl tapos dun nila napagalaman na immuned ang mga half-half. Kaya dito sa Haegl, dapat half-human ka para makapagtrabaho ka bilang chef, baker, or forger. Katulad ni Van at ni Halvar.

          Binigyan ako ng kape ni Halvar. "Kumusta?"

          "I'm going to do it tonight, Halvar."

          Si Halvar ang unang nakaalam ng plano kong pagtakas. Siya kasi ang lagi kong napagsasabihan ng mga problema ko. Para ko na siyang lolo. Sixty plus na siya pero malakas pa rin. Dati siyang knight commander pero mas ginusto niyang maging blacksmith.

          "Sigurado ka na ba? Sobrang magagalit ang nanay mo kapag nalaman niyang lumayas ka," wika niya.

          "At least kapag nagalit siya hindi ko na maririnig kasi malayo na ako sa kanya," pagbibiro ko. Umiling na lang ang dating knight commander at nangiti.

          Ayokong iwanan ang Queen. Mahal ko siya. Nanay ko pa rin siya kahit hindi ko siya pwedeng tawaging Mommy, Mama, or whatever. It's just... she doesn't make me do anything. Masyado niya akong dinidiktahan. Mahal ko siya pero hindi ibig sabihin 'nun hahayaan ko siyang kontrolin ang buhay ko.

          Tumayo si Halvar at tumungo sa kwarto niya. Humigop ako ng kape habang hinihintay siya. Bumalik siyang may dala-dalang maliit na pahabang bagay na nakabalot sa leather. Umupo siyang muli sa tapat ko at in-undo ang mga tali nung balot. Pagkatapos 'nun inilabas niya ang isang dagger na may silver hilt. Namangha ako kasi glass 'yung blade tapos parang may ice sa gitna. Iniabot niya 'yun sa'kin. Nung una natatakot akong hawakan kasi baka mabasag ko pero hindi na rin ako nakapagtimpi at agad na hinangaan ang dagger.

          "Holy snowballs..." sambit ko.

         "Para sa'yo 'yan."

          Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Muntik ko na ngang mabitawan 'yung dagger.

          "Seryoso? Bakit? Baka masira ko lang," malungkot kong sabi.

          "Wala pa akong ginawang nasira."

          Napangiti ako ng malawak. Tumayo ako, lumapit sa kanya, at niyakap siya. Naluha ako nung yakapin niya rin ako pabalik. Malayo ako kay Daddy kaya parang siya na rin ang nagsilbing tatay ko rito sa Haegl. Isa siya sa mga dahilan kung bakit mahihirapan akong lisanin itong lugar na ito.

          "Magingat ka palagi," bilin niya nung humiwalay na siya sa pagkakayakap. Nakita kong nangingilid na rin ang mga luha niya kaya mas naiyak pa ako. "Sige na, hapunan na. Siguradong hinahanap ka na ng reyna."

          "Para sa huling sermon," sabi ko atyaka sabay kaming natawa.

          Huminga ako ng maluwag nung makalabas ako sa blacksmith room. Inalala ko nung una akong napunta run. Curious kasi ako sa kanya kasi palagi ko siyang nakikitang may bakas ng uling sa katawan kaya sinundan ko siya 'nun at ayun nga, natagpuan ko kung saan siya nagtratrabaho.

          Nakakainis na kailangan kong iwan ang mga taong nakapagpasaya sa'kin at nakapagpagaan sa sitwasyon ko. Sila Jules, Van, Halvar... pati na rin 'yung mga tumutulong sa'kin dito sa palace. Mahirap umalis pero kailangan.



          Hindi tinawag na Ice Queen ang reyna dahil sa may ugali siyang cold or ano. Literal talagang Ice Queen siya. Ayon sa History ng Haegl na itinuro sa'kin ni Mister Junix, ang mga royal blood daw ay mga descendants ni King Alric. He's the first ever king of Haegl at isa sa tatlong unang creations ng Ice God. May dalawa pa siyang kapatid, si King Arren, at Queen Aemilia. Sa kanilang tatlo, si King Alric lang talaga ang namumuno kasi siya 'yung parang 'born leader'. Si King Arren ang soldier at si Queen Aemilia ang ice wielder. So dahil tatlo lang sila noon, wala silang choice kundi mag-incest so 'yung mga anak nila ang mga naging royal bloods. Lahat ng mga may royal blood, it's either they're incredibly strong, leaders, or ice wielders. Nagkataong born leader at wielder si Queen Genima.

          As usual, nagdinner kami sa long table. Tahimik ang reyna pero alam kong na-disappoint ko na naman siya dahil sa hindi ko pagsipot kanina sa council meeting. Hindi ko magalaw ang pagkain ko dahil sa kakatitig sa kanya. Ewan siguro sinusulit ko na kasi alam kong last na ito. Tinitignan ko ng mabuti 'yung buhok niyang kasing puti ng yelo, 'yung complexion niyang puting-puti rin, atyaka 'yung mga mata niyang kulay abo. Habang tinitignan ko siya mas lalo akong naco-convinced na wala talaga akong namanang kahit ano galing sa kanya. Itim ang buhok ko, brown ang mga mata ko, atyaka, okay sige siguro namana ko 'yung puti niya pero wala eh mas maputi pa siya sa papel. All in all, ang ganda niya, ako mukhang anemic lang.

          "Queen Genima," tawag ko sa kanya. Agad ko namang nakuha ang atensyon niya dahil napatingin siya sa'kin. "Ayoko pong maging reyna."

          Ilang beses ko na bang sinabi ang line na 'yan sa kanya? Basta simula pa lang nung i-pull out niya ako sa academy para mag-'queen training' sinabi ko ng ayokong sumunod sa yapak niya. Ilang beses na rin akong napagalitan dahil dun. Ganon pa man, hindi pa rin ako nadadala. Umaasa pa rin akong sa muli kong pagtatanong um-oo na siya. Kaya siguro ako bigla na lang nagtanong ngayon. Nananalangin ako na sana pumayag na lang siya para hindi ko na kailanganing umalis.

          "Carissa please don't bring this up again," wika niya.

          "Hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan?"

          "Sinabi ko na sa'yo noon. Hindi pwede."

          Bokya ulit. Talaga nga atang pinapaalis na ako ng Ice God sa Haegl.



          Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at nagpaalam ng magpapahinga. Nung nasa kwarto na ako inilabas ko na 'yung pink kong backpack na pinaglagyan ko ng mga gamit ko. Isiniksik ko run 'yung ibinigay sa'kin ni Halvar. Matagal na akong naka-impake. Lakas ng loob lang talaga 'yung matagal kong hinintay.

         Naglagay ako ng tubig sa dalawang baso at pinatakan ng tigi-isang patak ang mga iyon nung liquid na nasa vial na ibinigay sa'kin kanina nila Van. Laxative 'yung pinakuha ko sa kanila at kung hindi ako nagkakamali, five minutes lang ang kailangang hintayin para tumalab ito.

          Lumabas ako sa pinto at iniabot ang dalawang baso sa mga knight guards ko. Normal ko na itong ginagawa kaya hindi sila nagtaka at agad na ininom ang bigay ko. Para akong tangang nakaabang sa wall clock pagkatapos kong bumalik sa loob ng kwarto. Halos magsi-six minutes na nung narinig kong kumaripas sila ng takbo palayo sa pinto ko. Of course I felt sorry pero 'yun lang naisip kong mas madaling paraan para mapaalis sila.

          Isinuot ko ang sweatshirt ko at inayos ang hood nito para matakpan ang ulo ko atyaka na pumuslit palabas. Marami pang knight guards na nakapaligid sa Arctic Castle pero nakahanap ako ng shortcut palabas. Ginamit ko 'yung back door kaya sa likod ako ng palasyo nakalabas. 'Yun talaga ang plano ko kasi may isa pa akong kailangang kumbinsihin. Dito na magkakatalo-talo. Kapag hindi siya pumayag tulungan ako magiging isang malaking epic fail ang lahat ng ito.

          Naglakad ako ng halos isang metro para makarating sa cottage niya. Naka-limang katok ako bago niya ako pagbuksan ng pinto. Nakasuot siya ng manipis na manipis na night gown at wala siyang panloob kaya imbes na siya ang magulat sa presensya ko, ako ang nagulat sa kanya. Nginitian niya ako at pinapasok nung sinabi kong gusto ko siyang makausap.

          Pinaupo niya ako sa sofa at in-offer-an ng tea pero humindi ako kaya siya na lang ang uminom magisa. Umupo siya sa tapat ko at nag-cross legs. Nailang ako kasi lantad na lantad 'yung legs niya. Medyo matagal ko na rin siyang hindi nakikita kaya in-appreciate ko muna 'yung kagandahan niya. Tulad ng reyna, kasing puti ng yelo ang buhok at complexion niya. Darker nga lang 'yung mga mata niya. 'Yung kay Queen Genima kasi malapit na rin sa puti ang pagka-gray. Mahilig din siyang ngumiti hindi katulad ng nanay ko. Kaya nga lang, nakaka-intimidate ang ngiti niya.

          "When are you going to start talking, love?" Tanong niya sa'kin. 'Yung boses niya hindi katulad ng kay Queen Genima na firm at serious. May halong kalandian 'yung kanya eh.

         "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong tulungan mo akong makaalis dito," paglalahad ko.

          Natawa siya ng malakas. Agad naman akong nagdasal sa Ice God na sana hindi niya ako kaladkarin pabalik ng palasyo at isumbong sa nanay ko.

          "Bakit kita tutulungan?" Natatawa pa rin nitong tanong.

          "Because you want to be the queen."

          Elvir Vilarphe. Ang nakatatandang kapatid ng reyna. Gusto niyang maging queen kaya ipinagpipilitan ko noon kay Queen Genima na siya na lang ang pumalit sa'kin. Kaso sabi niya hindi magaling na leader si Tita Elvir. Sabi niya wielder lang ang kapatid niya at walang kakayahang pamahalaan ang Haegl. Sinubukan din akong tulungan ni Tita Elvir na makaalis sa sitwasyon ko nung nagpresenta siyang maging tagapagmana ng throne pero nainis ang reyna sa pagpupumilit niya kaya ipinatapon siya rito sa White Forest.

          "Your mother will never let me," sabi niya. Sa wakas ay nagseryoso na rin siya.

          "Wala na siyang magiging choice kapag nawala na ako. Kaya nakikiusap ako sa'yong tulungan mo ako," pakiusap ko sa kanya sabay luhod.

          Hindi ko na kasi kayang lusutan 'yung mga guards sa labas ng palasyo pati na rin 'yung mga nakaabang sa labas ng Haegl. Siya lang ang makakatulong sa'kin.

          Tumayo siya at pumunta sa harapan ko. "Stand up, love. You don't need to beg."

          Kinuha niya ang white coat niya na gawa sa balahibo ng isang arctic wolf gaya ni Blizzard. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa dulo ng forest. Nasa edge na kami ng Haegl at tanaw na namin ang dagat na kakabagsakan namin kapag nahulog kami run. Kaya ko siya kailangan. Hindi ako pwedeng lumabas sa Haegl at sabihin sa mga knight guards na hihiram ako ng bangka nila dahil maglalayas ako. Kailangan ko ng ice wielder na makakapagtawid sa'kin sa dagat.

          May mga mamimiss naman ako sa trainings ko. Mamimiss ko 'yung combat. Kasi kahit may mga guards, kailangan pa ring marunong makipaglaban. Sabi ni Queen Genima dati, "Hindi mo mapro-protektahan ang Haegl kung hindi mo kayang protektahan ang sarili mo." Mamimiss ko rin 'yung ice wielding. 'Yun talaga ang pinakamamimiss ko. Sabi nila wielder din daw ako katulad ng nanay ko at kailangan ko lang ng training para mailabas 'yung full powers ko. Kaso hanggang pagpapalamig pa lang ng mga bagay-bagay ang kaya ko.

          "Follow me when you're ready," sabi ni Tita Elvir.

          Pinanood ko siyang mag-step forward. Imbes na mahulog siya, nung umapak siya sa hangin, may namuong bloke ng ice dun. Tuloy-tuloy 'yun hanggang sa mapalapit na siya sa kalahati. Tumakbo ako para maabutan siya. Ang epic lang kasi na-maintain pa rin niya 'yung poise niya habang nagwi-wield siya. Kapag minsan nga naiisip kong mas magaling pa siyang wielder kesa sa nanay ko. Tuloy-tuloy lang 'yung path sa taas ng tubig hanggang sa tuluyan kaming makatawid ng dagat. Gumawa si Tita Elvir ng hagdan para makalapag ako sa shoreline.

          "Thank you," sigaw ko sa kanya habang tinitingala siya sa itaas.

          "No, love. Thank you," ngumiti siya atyaka na bumalik sa Haegl. Nung malayo na siya at parang nakabalik na, isa-isang nagbagsakan 'yung mga bloke ng yelong ginawa niyang path.

          Inilabas ko 'yung phone ko mula sa bulsa ko. Iyon ang nagsilbing ilaw ko sa tabing dagat. Tinawagan ko si Daddy para magpasundo. Akala niya niloloko ko lang siya pero sa huli ay nakumbinse ko rin siyang puntahan ako.

          Sa wakas. Malaya na rin ako.

          "Welcome to Ashwood, love," sabi ko sa sarili ko habang ini-imitate ang tono ni Tita Elvir.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro