Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

five - plateau

note - lmao note na lang palagi pasensya anyway i realized i cant use sungjae anymore bc kung natatandaan niyo siya na si zico sa tbup sooooo hello ayan na nasa taas na si ark ark vibes pa rin naman hehehe thank you guys ily

p.s. kahit sino naman pwede actually bahala na kayong mag-imagine hahaha x

_______________________________________________________

          Nadatnan kong nagkakape si Daddy sa mesa. Mukhang malalim ang iniisip niya. Siguradong upset pa rin siya dahil sa nangyari kahapon. First time kong makitang mag-talk back si Daddy sa reyna kaya siguradong pati siya nagulat sa ginawa niya. Ganun pa man, thankful pa rin ako. Kung hindi 'yun ginawa ni Daddy baka nakaladkad na ako pabalik sa Winter Wonderland.

          Naupo ako at sinamahan si Daddy. Hindi niya ako agad napansin kahit ang lapit ko na sa kanya dahil sa lalim ng iniisip niya. Kahit hindi niya sabihin alam kong pinagluluksa niya na 'yung chance nilang magkabalikan ng reyna dahil sa ginawa niya kahapon.

          "You lost your chance with her," saad ko.

          Napatingin siya sa'kin at ngumiti. "It's fine. As long as you're here."

          Tumayo si Daddy at naghain ng bacon and eggs sa mesa para sa'kin. Sabi niya wala raw siyang ganang kumain kaya hindi na niya ipinaghanda ang sarili niya. Kahit wala akong gana pinilit ko na lang ding kumain para hindi naman masayang ang effort niya.

          Ano na kayang susunod na gagawin ni Queen Genima? Hopefully mag-give up na siya at ibigay na lang sa iba 'yung throne. Wala rin namang mangyayari kung habol ka ng habol sa taong ayaw namang tanggapin 'yung ibibigay mo. Kung sana kasi hindi namatay 'yung unang anak nila Daddy at ng reyna, eh 'di sana wala na kaming problema lahat.

          Narinig kong may bumusina sa labas ng bahay. Sinilip ni Daddy mula sa bintana kung sino 'yun. Nung nakita na niya, tumingin siya sa'kin dala-dala 'yung mug ng kape niya.

          "Si Clyde."

          Nakakatawa talaga kasi everytime na maiisip ko si Clyde o kahit marinig ko lang 'yung pangalan niya naiisip ko kaagad 'yung ginawa niya run sa lalake kahapon. I swear, 'yung alaala na lang na 'yun ang nagpapatawa sa'kin. Hindi ko talaga ini-expect na gagawin niya 'yun. Pero ayos din eh 'no? Ginawa niya 'yun para lang mapatawad ko siya kaagad. O baka gusto niya lang talagang subukang manghalik ng lalake?

          "Naipaliwanag mo na ba sa kanya?" Tanong ni Daddy. Naudlot tuloy 'yung pagalala ko run sa kissing scene ni Clyde 'tas nung lalake kahapon.

          Hindi ko pa naipapaliwanag sa kanya. Paano ba naman kasi ako magseseryoso at makakapag-focus sa pagkwekwento eh tawang-tawa talaga ako 'nun. Buong biyahe pabalik ng bahay puro halakhak ginawa ko samantalang si Clyde inis na inis.

          "Ipapaliwanag ko rin po," sagot ko.

          Matapos kong magpaalam kay Daddy, lumabas na ako at sinalubong si Clyde. Nakasandal siya sa convertible niya habang nakatingin sa kawalan na parang nagmomodel. Sarap niyang batuhin ng bote.

          Napakunot siya ng noo nang makita ako. Usually ngingitian niya ako pero iba ngayon.

          "Cari please. Alam ko na 'yang tingin na 'yan eh. Tumigil ka na nga kahapon ka pa eh," iritado niyang sabi.

          "Ano? Ano na namang ginawa ko?" Natatawa kong tanong.

          Napailing na lamang siya at sumakay na sa kotse. Agad naman akong sumunod sa kanya. Habang ini-start niya 'yung engine nakatingin pa rin ako sa kanya habang pinipigil ang tawa ko. At least 'di ba nakakabawi na ako sa panggagarapal niya sa'kin noon.

          Napansin ko 'yung pasa sa pisngi niya. Hahawakan ko sana 'yun pero bigla siyang tumingin sa'kin. Nung una nakakunot ang noo niya at halatang nagulat din dahil nakalapit na 'yung kamay ko sa mukha niya hanggang sa unti-unti ulit lumitaw 'yung nakakainis niyang ngiti.

          "What the hell are you doing?" Tanong niya habang nakangiti ng malawak.

          Na-realize kong nakalapit pa rin 'yung kamay ko sa mukha niya kaya agad ko 'yung binawi at inilagay sa side ko. Nagkunwari akong nagconcentrate sa daan habang nagda-drive siya.

          "You want to touch me, don't you?" Pangaasar niya.

          Tinignan ko siya ng matalim sabay irap.

          "Go on. Don't be shy," sabi niya sabay lapit pa nung pisngi niya sa'kin.

          Sasampalin ko na sana siya ng mahina para matauhan siya pero nahuli niya 'yung kamay ko. In-intertwine niya 'yun sa kanya. Ang sarap niyang hampasin dahil sa ngiti niya eh. Hindi pa siya nagpaawat, hinalikan pa niya 'yung likod ng palad ko. Holy snowballs. Namumuro na talaga 'tong halimaw na 'to.

          "Namimiss ko na talagang magka-girlfriend," pahayag niya habang nakatingin na sa daan.

          Marahas kong binawi ang kamay ko at pinunasan 'yung parteng hinalikan niya.

          "Eh 'di mag-girlfriend ka. Hindi 'yung ako ang pinagtritripan mo."

          Pagkatapos ng mga mahihinang sampalan at asaran, nakarating din kami sa bookstore. Muntik ko na nga siyang sipain nung sinabi niyang magi-skip siya ng klase para sa'kin. Buti na lang binawi niya rin. Magrereview raw siya para sa quiz nila sa Aral-Pan kaya magi-stay muna siya sa bookstore para magbasa.

          Naka-set up na sina Pilar. Kakatapos lang ding maglinis ni Karl kaya habang wala pa naman masyadong customers, pumirme muna ako sa counter. Kumuha ako ng isang poetry book at nagbasa muna. Himala namang good mood si Pilar dahil hindi ako sinita. In fact, nginitian pa ako. Ewan ko kung kikilabutan ako o matutuwa na lang kasi for the first time hindi galit si Pilar.

          Touch na touch na sana ako run sa binabasa ko nang biglang pumwesto sa harapan ko si Clyde. Inilagay niya 'yung librong binabasa niya sa tabi nung binabasa ko atyaka nagkunwaring wala ako run at nagpatuloy sa pagbabasa. Seryoso ba siya?

          "Anong ginagawa mo rito?" Mahinang tanong ko sa kanya pero nandun pa rin 'yung pagkainis ko.

          "Hush, princess. I'm reading," sagot niya. Hindi siya tumingin sa'kin basta naka-focus lang siya run sa binabasa niya.

          "Bakit ka nandito? Doon ka sa sulok! Mag-squat ka run!"

          "Why? Am I distracting you?" Tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko.

          Sarap niya talagang hampasin kahit kailan. Buti sana kung sobrang lapad nitong countertop. Ang problema manipis lang tapos ang lapit pa niya sa'kin. Atyaka sino ba namang matinong tao ang hindi madi-distract sa kanya eh isa siyang nabubuhay at naglalakad na distraction. Letche.

          Kasabay nung pagirap ko kay Clyde eh ang pagpasok naman ni Ark. Halos lahat kami napatingin sa pinto dahil sa kanya. Naka-black sweatshirt siya tapos black pants. Ang weird tignan kasi nasanay akong palagi siyang nakaputi. Para tuloy akong nakatingin sa ibang tao. Siguro kung ako pa rin 'yung dating Cari baka naglupasay na ako sa sahig dahil sa kapogian ni Ark. Pero iba na kasi ngayon. Kapag nakikita ko siya naaalala kong hindi pa rin secured 'yung pagi-stay ko rito sa Ashwood. Anytime pwede niya akong isako at iuwi ng Haegl.

          Bumalik lang 'yung atensyon ko sa libro nung nakapasok na ng inventory si Ark. Naramdaman ko naman 'yung intensity ng titig ni Clyde sa'kin kaya napatingin ako sa kanya.

          "He's your ex-boyfriend," wika niya.

          "Hindi."

          "But you certainly have something, right? Hindi naman kayo magtitinginan ng ganun kung wala."

          "Lumabas ka na nga. Late ka na o," saad ko sabay pakita nung relo ko sa kanya.

          "Shit!" Sambit niya nung makita niya 'yung orasan. Agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng bookstore. Nakipag-patintero rin siya sa pagtawid dahil sa pagmamadali. Natawa na lang ako sa pinaggagawa niya.

          Dala pa rin 'yung librong binabasa ko, sinimulan ko ng magpatrolya sa mga aisle. Inayos-ayos ko rin 'yung mga librong hindi maayos na naibalik ng mga customers.

          Napa-squat ako sa sulok dahil hooked na ako sa binabasa ko. Hindi ko napansing nakatayo na pala sa gilid ko si Ark. Hindi ko na sana siya papansinin kasi alam ko namang away na naman kakahinatnan ng paguusap namin pero nairita akong nakatayo lang siya sa gilid na walang imik. Alam kong trainee knight siya at parte ng trabaho niya ang magbantay, tumayo, at manatiling nakatikom ang bibig kapag hindi kinakausap pero utang na loob wala kami sa Haegl. Hindi ba niya pwedeng isantabi muna 'yung mga 'yun at i-approach ako ng maayos? Like, Cari hello pwede ba kitang makausap, mga ganon ba?

          Tumayo ako at naghintay na magsalita siya pero nung nakasigurado na akong hindi siya magsasalita hanggang sa mauna ako eh dinaldal ko na siya.

          "May sasabihin ka ba?"

          "Palagi mong kasama 'yung lalaking 'yun," sabi niya.

          "Si Clyde? Anong problema dun?"

          "You're the future queen of Haegl. Dapat hindi ka sumasama sa mga hindi mo pa gaanong kakilala. Mahalaga ka... mahalaga ka sa Haegl. Sana isipin mo kung anong mangyayari sa mga taong nagmamahal at umaasa sa'yo kapag may nangyaring masama sa'yo," sermon niya.

          Wow, okay. Typical Ark. Overprotective. Ganyan naman siya eh. He doesn't let me live. Alam ko ginagawa niya lang ang trabaho niya pero kaya ko ang sarili ko. Hindi ako ganun katanga para sumama sa mga taong alam kong walang maidudulot sa'king mabuti. Atyaka matagal ng kakilala ni Daddy si Clyde. Papayagan ba niya akong sumama sa hinayupak na 'yun kung masamang tao talaga siya?

          Noon ding nasa Haegl pa ako, nung una akong nakipagkaibigan kina Jules at Van, inakusahan niya 'yung dalawa na bad influence. Kaya raw hindi ko siniseryoso 'yung trainings ko kasi bini-B.I. nila ako. Kesyo sila raw 'yung dahilan kung bakit ayaw kong maging queen. Kaya nga sa tuwing nakikita nila Jules at Van si Ark nagpapaalam na sila sa'kin kaagad kahit kakakita pa lang namin eh. Si Ark din ang dahilan kung bakit madalas mag-senti 'yung dalawang mokong na 'yun. Kesyo raw hindi sila bagay na maging kaibigan ko kasi mababang lebel lang sila. Nakakainis.

          Sawang-sawa na talaga ako sa pangingialam ni Ark. Kaya hindi kami magkakasundo kahit kailan eh. Kung nagkataong hindi siya semi at trainee knight? Kung nagkataong natuloy 'yung something namin? Sigurado maghihiwalay din kami kaagad.

          "Hindi siya masamang tao. Hindi niya ako sasaktan," bwelta ko.

          Okay hindi ako sure na hindi ako sasaktan ni Clyde. Baka bigla na lang niya akong mabigwasan kapag pinaalala ko pa 'yung kissing scene niya sa kapwa niya lalake eh.

          "Paano ka nakakasiguro?"

          "Alam mo tama na. Palagi ka na lang ganyan eh. Napaka-judgmental mo. Atyaka ilang beses ko bang ipapaalala sa'yong wala na tayo sa Haegl? Huwag mo ng sabihin sa'kin kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. Kasi alam ko. Kaya ko ang sarili ko," inis kong sabi sa kanya.

          Sarap sanang mag-walk out pero bago ko pa 'yun maisakatuparan, nagsalita siya kaagad.

          "You know you can't blame me. I want to be a knight because that's the only way I could protect you. You are my priority. You've always been," wika niya sabay walk out.

          Imbes na matuwa ako sa narinig ko mas lalo pa akong nainis. Kasi ang hirap. Ang hirap-hirap mag-move on tapos gagatungan pa niya 'yung feelings ko para sa kanya? Akala ko ba hindi kami pwede? Siya na rin 'yung nagsabi 'nun tapos ganito na naman gagawin niya sa'kin? Ginagago niya ba talaga ako?

          Dahil sa sinabi ni Ark, mukhang pinagpalit ata kami ng universe ni Pilar ng mood. Ako 'yung bad trip tapos siya 'yung chill chill lang.

         


           Nakalipas ang ilang oras. Balik pagmamaasim na ulit si Pilar dahil sa nasigawan siya ng isang customer. Wala kasi 'yung librong hinahanap nung customer eh pilit siya ng pilit na meron kaya ayun. Syempre kung bad trip si Pilar, damay-damay kaming lahat. Sayang akala ko pa naman magkaka-record na si Pilar at makakatagal ng isang araw na hindi nagmumura.

          Hindi ko na rin nakitang lumabas ng inventory room si Ark. Mabuti na rin 'yun para hindi na ako masyadong mainis. Matagal-tagal din bago nag-cool down 'yung dugo ko sa kanya.

          Buti na lang at alas singko na. Dumating na si Clyde para sunduin ako. Hindi ko inaasahang matutuwa akong makita siya ulit pero gustong-gusto ko na talagang umalis sa bookstore ngayon. Nagsimula 'yung araw na okay lang pero natapos na 'meh'.

          Kahit nung nakalayo na kami ng bookstore hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Ark kanina. Nakakainis pero hindi ko maiwasang magisip ng paraan para kami 'yung maging end game. Kasalanan niya 'to eh. Kung hindi niya sana sinabi 'yung mga sinabi niya kanina eh 'di sana nakikipaglokohan na lang ako kay Clyde ngayon.

          "You okay, princess?"

          Dahil sa pagiisip at pagi-imagine ko ng kung ano-ano hindi ko namalayang hindi ako sa bahay namin idiniretso ni Clyde. Bumalik kami run sa pinagganapan nung mock race kahapon. Ano 'to gusto niyang i-revisit 'yung tamis ng unang halik nila nung lalake kahapon?

           "Bakit tayo nandito?" Tanong ko.

          "I want to show you something," sabi niya sabay taas nung eyebrows niya.

          Bumaba siya sa convertible at naglakad. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Madami kaming nadaanang plateaus pero parang may natatangi siyang gustong puntahan. Focused na focused siya sa paglalakad samantalang ako nagkakanda-puwing-puwing na dahil sa alikabok. May pagka-disyerto kasi itong pinuntahan namin. May mga damo pero tuyong-tuyo naman.

          Hindi ko na natiis. Nagreklamo na ako dahil sa init at sa alikabok. Siya naman sabi ng sabi ng worth it daw kaya nagtiis na lang ako. Hanggang sa wakas eh makarating din kami sa harapan ng pinakamataas na plateau sa lugar. Siguro mga dalawa't kalahating Clyde ang taas 'nun. Eh nuknukan na ng tangkad itong si Clyde.

          Nagsimulang umakyat si Clyde. Syempre ako wala ulit choice kundi sumunod. Kapag ito talagang sinasabi niyang worth it eh kabaliktaran ihuhulog ko siya sa inaakyatan niya.

          Matapos ang kaliwa't kanang pagco-complain at pagayaw, nakarating din ako sa tuktok. Halos mapaluhod na ako run dahil sa pagod. Habang si Clyde parang wala lang. Upo kung upo kahit madumi at naka-uniform pa siya. Umupo ako sa tabi niya at sinubukang hanapin kung ano man 'yung tinitignan niya.

          "Anong ipapakita mo sa'kin?"

          "There," sagot niya sabay turo sa araw.

          "Seryoso ka ba? Kahit naman nasa baba ako o nasa bahay makikita ko pa rin 'yan eh," reklamo ko.

          "Have you ever seen sunset before?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa papalubog na araw.

          "Hindi pa."

          Bilang isang Haeglic, hindi ako masyadong fan ng araw katulad ng mga tao sa pinanggalingan ko. You know, because the sun melts the ice? Basic Science, bro. Actually, hindi namin nakikita ang araw sa Haegl. Eistius made it possible for the sun to not directly hit Haegl. Natatakpan ang buong Haegl ng sobrang kapal na clouds. Sa sobrang kapal 'nun hindi 'yun masyadong napi-penetrate ng rays ng sun. So ang lagay ng Haegl, palaging mukhang gloomy at gray.

          Nakisali na rin ako sa panunood sa paglubog ng araw. Wala namang special. Wala akong naramdaman. Siguro kasi mas gusto ko ng gabi kesa sa araw?

          "You don't find it beautiful?" Tanong ni Clyde na kanina pa pala nakatingin sa'kin. Umiling ako bilang sagot. "Me too."

          "Eh bakit mo 'ko dinala rito?"

          "Kasi akala ko magugustuhan mo. This is overrated. Mas gusto ko ng sunrise," sabi niya sabay ngiti.

          "Ang weird mo. Dinala-dala mo 'ko rito eh hindi mo rin pala gusto 'yung titignan natin."

          "I don't know, okay? I just felt like it's the right moment... with the right person."

          Nakatingin na siya sa'kin kesa run sa overrated daw na sunset. Weird pero mas nakaka-satisfy siyang tignan kesa 'yung paglubog ng araw. Feeling ko nararamdaman ko rin 'yung "right moment right person". Ewan. Ang weird talaga. Ibang Clyde ulit 'yung nakikita ko and he's making me feel weird things na hindi ko sure kung gusto ko o hindi.

          "I guess we missed it," pahayag niya.

          Pareho kaming napatingin dun sa araw pero wala na 'yun. Dumilim na ang paligid at lumamig ng kaunti. Nakita kong hinubad ni Clyde 'yung polo niya at isinampay sa balikat ko. Napasabi ako ng salamat pero hindi ko alam kung narinig niya kasi mahina 'yung pagkakasabi ko.

          Bago pa maging mas awkward ang atmosphere, niyaya na niya akong bumaba ng plateau. Hindi katulad nung kanina, inalalayan niya ako pababa. Habang ginagawa niya 'yun nagiisip ako ng mga paraan kung paano mababalik 'yung nakakainis na Clyde. 'Yung masarap batuhin? Kasi hindi ako sanay sa pinapakita niya ngayon. Ewan ko kung siya mismo 'yung uncomfortable o 'yung nararamdaman ko. Ew.

          Tahimik kami buong biyahe. Siguro pareho lang kaming nagwo-wonder kung anong nangyari kanina kasi hindi naman kami ganon. Hindi nagiingay 'yung bibig ko pero 'yung utak ko kung ano-anong iniisip. Naisip kong may mga similarities din kami. Mahilig kami sa karera. Palaging gusto namin may nauungusan kami. Pareho naming gusto palaging lumabas. 'Yun bang hindi papatali sa iisang lokasyon lang? Pareho rin kaming hindi na-entertain ng sunset.

          "Wala ka bang gustong malaman tungkol sa'kin? O sa Haegl?" Pagbubukas ko ng topic.

          "Maybe not now," sagot niya. "I mean, let's take it easy. I want to get to know you but I don't want you dropping huge ass infos that are way too much for me."

          "Okay... so paano?"

          "Unti-untiin na lang natin. Kapag nagtanong ako, kung ano 'yung tanong ko 'yun lang sasagutin mo."

          "Okay."

          Wala akong choice kundi ibalik 'yung moment na nakipaghalikan si Clyde sa kapwa niya lalake para ma-break 'yung awkwardness. As expected, naging matagumpay 'yun. Bumalik na 'yung ulupong na Clyde na nakasanayan ko.



          Nung makarating kami sa tapat ng gate, sinalubong agad kami ng mga knights ng Haegl. Syempre sa pangunguna ni Ark. Tatlong knight ang nakahilera sa tapat ng gate namin habang hindi naman mapakali si Ark na pabalik-balik sa paglalakad. Naka-complete armor 'yung tatlo. Nakatakip ang mga mukha nila ng helm samantalang nawawala naman 'yung kay Ark.

          Agad akong kinabahan. Paano kung sapilitan na nila akong iuuwi ng Haegl? Anong gagawin ko? Tatakbo?

          Pagkababa ko ng sasakyan agad na tumakbo papalapit sa'min si Ark. Mukha siyang stressed, kinakabahan, at natatakot. Humahangos siya nung humarap siya sa'kin kahit ang lapit lang naman nung nilakad niya. O baka kinakabahan talaga siya kaya ang bigat ng paghinga niya.

          "Cari," tawag niya sa'kin.

          "Anong meron? Isasako niyo na ba ako? Mga backup mo ba 'yan?"

          "Cari please umuwi ka na," pakiusap niya. May halong frustration ang tono ng boses niya kaya napataas iyon.

          "Ayoko nga. Sinabi ko na noon hinding-hindi na ako babalik—"

          "The queen is dead! Your mother is dead!" Sigaw ng trainee knight.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro