eight - pierced
Kitang-kita ko sa salamin ang pasang gawa nung makapal na yelong pumalibot sa leeg ko. May parteng mamula-mula pa pero unti-unti na ring nagkukulay violet yung pasa. Pati 'yung boses ko medyo garagal din dahil nadali ang voice box ko.
Nagising ako sa sanatorium kinabukasan. Sabi nila nahimatay raw ako sa labas ng study room. Buti na lang may mga knight na nakakita sa'kin at dinala ako kaagad sa ospital. Maingat nilang tinanggal kung ano man 'yung makapal na yelong nilagay ni Tita Elvir sa leeg ko. Kung walang nakakita sa'kin baka pinaglalamayan na ako ngayon.
Hindi ko lubos maisip na kaya ni Tita Elvir gawin 'yun. Kadugo pa rin niya ako kahit Semi or Iced lang ako. Alam ko kasalanan ko kasi wala akong isang salita. Sinabi kong kanya na 'yung throne pero anong ginawa ko? Pinaasa ko lang siya. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari 'yung nangyari eh. Hindi ko naman alam na mamamatay 'yung reyna. Kung ako nga lang ang masusunod, kung hindi lang ako pinuputakte ng konsensya ko, ngayon mismo ibibigay ko na 'yung korona kay Tita Elvir.
"Gusto mong takpan?" Tanong ni Daddy habang may hawak na benda.
"Hindi na po. Parehas lang din naman nilang tatanungin kung anong nangyari itago ko man o hindi."
Ipinatong ni Daddy ang benda sa kalapit kong table at nag-cross arms. "Dapat ipaaresto mo na 'yung Elvir na 'yun eh," galit niyang sabi.
"Nadala lang siya ng galit niya. Kasalanan ko naman eh. Nagpromise-promise ako tapos hindi ko rin pala kayang tuparin," saad ko.
"Tinangka ka niyang patayin. Hindi mo 'yun kasalanan," giit niya.
"Relax, okay? Kung ako rin 'yung nasa katayuan niya at ganon ako ka-powerful? Ganun din gagawin ko sa mga hindi tumutupad ng usapan," natatawa ko pang sagot.
"No. You're not like that."
"Basta. Hayaan muna natin siya. Kapag naupo na akong reyna ang unang-una kong gagawin ay alisin 'yung banishment niya mula sa Arctic Castle."
Wala ring nagawa si Daddy kundi bumuntong hininga. Naalala ko dati 'yung sinabi niyang masyado raw akong mabait. Ang hindi niya alam hindi ako ganon kabait sa iniisip niya. Selfish ako. Hindi ako perfect.
Nung tanghali ring 'nun, pinayagan na ako ng doktor kong umuwi ng palasyo. Pinagpapahinga ako ni Daddy pero wala akong ibang maisip kundi 'yung naiwan ko sa Ashwood na dagger na binigay sa'kin ni Halvar. Bumisita kasi siya sa sanatorium nung nalaman niya ang nangyari sa'kin. Nagpaabot siya ng pakikiramay at nagkumustahan kami. Nagkatong natanong niya 'yung tungkol dun sa armas na binigay niya kaya na-guilty akong iniwan ko 'yun sa Ashwood kaya naisipan kong magbihis at magpaalam kay Daddy na babalikan ko 'yung dagger. Syempre nung una hindi pumayag si Daddy kasi nga muntik na akong mamatay kahapon pero wala rin siyang nagawa. Ibinalita ko kasi sa kanyang siya ang itinalaga kong bagong History teacher ko at magsisimula na siya sa Lunes. Sinabi kong kailangan niyang maghanda kaya ayun aligaga na siyang mag-refresh ng mga natutunan niya dati sa Haegl.
Kung kanino ako nahirapan na mas masahol pa sa pagpapaalam ko sa tatay ko? Kay Ark. Yes naman. Sino pa ba? Kulang na lang itali niya ako sa gilid niya para lang hindi ako makaalis at mabantayan niya ako palagi. Mas marami rin siyang tanong kesa kay Daddy. Ramdam na ramdam ko talaga 'yung fatherly side niya tuwing kausap niya ako.
Pati 'yung polo ni Clyde na nadala ko sa Haegl noon? Hindi rin nakaligtas sa panguusisa ni Ark. Naisipan ko kasing dalhin 'yung polo. Wala lang. Nagbabakasakali lang na maibalik ko 'yun kay Clyde kung magkakataong makita ko siya sa Ashwood. Pero siguro mga ten percent lang 'yung chance na makita ko siya run. Ano naman kasing gagawin niya run sa bahay 'di ba?
"Uunahan na kita, ha? Wala akong balak tumakas. Itutuloy ko 'yung training ko at magiging queen ako," wika ko.
"Sasamahan na kita," seryoso niyang sabi. Binaliwala niya 'yung pagpapaliwanag ko. Nice.
"Huwag na. Alam kong huli ka na sa mga training mo dahil nga run sa special task ng reyna dati sa'yo. Kaya ko na 'to."
"Hindi ako matatahimik ng hindi ka nakikita."
Napahinto ako sa sinabi niya. Naramdaman niyo na ba dati 'yung gusto niyang hawakan 'yung kaliwang dibdib niyo kasi ramdam na ramdam niyo 'yung feels tapos feeling niyo naguumapaw 'yun? Ganon 'yung naramdaman ko sa sinabi niya. Jusque. Ang hirap Ark. Huwag mo ng mas pahirapin pa.
"Sandali lang 'yun. Isang oras. Pwede mo ba akong hindi mamiss kahit isang oras lang?" Pagbibiro ko sa kanya.
Okay hindi 'yun mukhang biro. Parang panglalandi na 'yun eh. Ew, Cari. Ew.
"Isang oras. Kapag wala ka pa rito susundan na kita."
Nag-thumbs up na lang ako bilang sagot atyaka na tumakbo palabas ng Haegl.
Sinalubong ako ng mga knight guards sa gate. Sinamahan nila akong bumaba nung napakahabang hagdan atyaka tinulungang makasakay ng bangka. Nagpasalamat ako sa kanila atyaka na nagsimulang sumagwan. May kalayuan pero keri naman. Gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nasa dagat ako kaya nai-enjoy ko ang pagsasagwan.
Idinaong ko ang bangka sa seashore at naglakad na mula roon. Tumakbo lang ako nung nasa forest na kasi naalala kong magiimpake pa pala ako ng mga gamit at meron lang akong isang oras para gawin 'yun. Yes naman. Salamat sa bago kong magulang na si Ark. Imbes na madama ko ang last day ko sa Ashwood eh nakikipag-karera sa orasan ang kinalabasan ko.
Nung makarating ako sa loob ng bahay, agad kong kinuha 'yung dagger at isinupbit 'yun sa gilid ko. Pinuno ko ng damit 'yung bagahe ko dahil nga lahat ng comfortable kong damit eh nadala ko rito nung naglayas ako. Pati 'yung kay Daddy ako na rin ang kumuha. Kapag hinayaan ko kasi siyang bumalik dito baka hindi na siya umalis.
Nung sa tingin ko ay okay na ang lahat tinignan ko ang orasan ko at nakitang may twenty minutes pa ako bago ako pagsarhan at i-ground ni Ark. Grabe. Ang galing talaga.
Dala-dala ang dalawang bagahe namin ni Daddy, lumabas ako ng bahay at ni-lock ang pinto. Paglingon ko sa gate nakita ko si Clyde na nakaupo sa bonnet ng sasakyan niya. Naka-uniform pa rin siya at mukhang galing sa karera dahil sa gulo-gulo niyang buhok. Agad siyang bumaba run nung makita niya ako. Sinalubong namin ang isa't isa sa gate at ilang minutong nagtinginan. Weird. Dapat nagdadaldal na siya ngayon eh.
"Hi," awkward niyang pagkakasabi.
"Kanina ka pa rito?" Tanong ko.
"No, not really. Ten? Twenty minutes?"
"So kanina ka pa nga. Alam mong nasa loob ako pero hindi ka pumasok?"
"I don't wanna disturb you."
Napatingin siya sa polo niyang nakasampay sa bag ko. Naalala kong ibabalik ko nga pala 'yun sa kanya kaya dali-dali kong ibinaba 'yung mga dala ko at iniabot sa kanya 'yung damit niya. Agad naman niya 'yung binola at umakting na parang basketball player at shinoot 'yun sa sasakyan niya. Dahil sa ginawa niya naalala ko tuloy kung gaano siya kagarapal. Garapal na nakakatawa.
"What happened to your neck?" Tanong niya.
Automatic naman akong napahawak sa pasa ko sa leeg. "Mahabang kwento."
"Here we go again with that, huh?" Sabi niya sabay ngiti at iling.
"Next time na lang. Mahaba kasi talaga."
"Really? Next time? Princess, look at you. It's obvious. You're not going back anymore," natatawa niyang pahayag.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan na last day ko na rito. Kailangan ko na ring magpaalam sa kanya. Halos isang linggo lang kaming nagkasama kaya hindi naman siguro ganun kahirap magba-bye sa kanya, ano? Although mamimiss ko 'yung kakulitan niya kailangan na naming maghiwalay ng landas. Hindi ko naman siya pwedeng isama sa Haegl 'di ba? Baka maging instant snowman pa siya run dahil sa sobrang lamig.
"Sorry. Sorry kung hindi na ako makakapagkwento sa'yo. Kailangan ko na kasing maging reyna eh," biro ko pa.
"Oh yeah. I'm sorry for your loss nga pala."
Tumango na lang ako bilang pag-acknowledge sa sinabi niya.
Ipinagpilitan niyang ihatid ako sa bangka ko. Akala ko may mga sasabihin pa siya kaya siya sumama pero awkward silence lang naman 'yung namagitan sa'min habang naglalakad. Hanggang sa makarating kami run sa pinagdaungan ko nung bangka ko hindi pa rin siya nagsalita. Tinulungan niya akong ikarga 'yung mga bagahe sa bangka atyaka ulit kami nagtinginan.
"Bye?" Patanong kong sabi.
"Yeah. Goodbye..."
Itutulak ko na sana 'yung bangka para tuluyan na akong makaalis nung marinig kong magtanong si Clyde.
"How do I know you're not shitting me?" Napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo kasi hindi ko talaga naintindihan 'yung pinupunto niya. "I mean, you know, if you're really from Weird Town."
Lumapit ako sa kanya, ngumiti, at idinampi ang kanang palad ko sa pisngi niya. Ilang sandali pa ay agad niyang tinanggal 'yung kamay ko at napaurong ng konti mula sa'kin.
"Holy shit that was cold!" Reaksyon niya habang nakahawak dun sa pisnging hinawakan ko kanina.
"Tirik na tirik ang araw 'di ba? Kita mo nam—"
"Cari!"
Nasa gilid ko na si Clyde, 'yung polo niyang puting-puti kanina ay namumula na ngayon sa harapan sa may bandang dibdib dahil sa dugo. Nakatingin siya sa'kin pero hindi makapagsalita. Kitang-kita sa maluha-luha niyang mga mata ang sakit. Tumingin ako sa likuran niya para tignan kung sinong pumana sa kanya pero wala akong nakita.
Sa sobrang pagkataranta ko, isinakay ko siya sa bangka atyaka iyon itinulak sa tubig. Sumakay ako run at mabilis na sumagwan. Ilang beses nang muntik malaglag sa kailaliman ng dagat 'yung sagwan ko dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Nakatuon ang atensyon ko sa nakatagilid at namimilipit sa sakit na si Clyde. Dalawang pana ang nakabaon sa likuran niya at halos magsisigaw na siya sa sakit.
"Kumalma ka lang, okay? Malapit na tayo," saad ko habang mas binibilisan pa ang pagsagwan.
Hindi ko inalintana ang animo'y pag-apoy ng mga braso ko dahil sa pagod. Para sa'kin 'yung dalawang pana na 'yun pero sinalo niya. Nawala na sa'kin ang nanay ko. Hindi ko na ulit kakayanin pang mawalan ng isang tao sa buhay ko.
Hindi na nga ako makapag-focus sa dinadaanan ko, mas lalo pa 'yung pinalala ng mga luhang nagpapalabo ng mga mata ko.
Ilang beses kong sinigawan si Clyde pero tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nung makarating kami ng gate ng Haegl agad ko siyang pinabuhat sa mga knight guard at ipinasugod sa sanatorium. Kinuha ko lahat ng damit panlamig ni Daddy at ipinalibot sa kanya.
Nanginginig ang buo kong katawan habang ipinapanalangin kay Eistius ang kaligtasan niya. Hindi na kakayanin ng konsensya ko kapag may isa pa ulit namatay nang dahil sa'kin. Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay ng may ganung kabigat na guilt sa puso ko. Kaya please, kung totoong may Ice God, kung totoong may mga deity, huwag naman sana nilang hayaang mawala si Clyde.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro