Chapter Nineteen
CHAPTER NINETEEN: YOUR PRETTY LITTLE SECRET
Jeni
MATAMA ko pinagmasdan si Thirdy na natutulog pa kahit pasado alas otso na. Ito lang ang view ko mula kanina ng magising hanggang sa pagkatapos kong maligo. He sleeps like a baby and I couldn't remember when did I sleep like this. Siguro kagabi kasi bagsak kami pareho after several rounds of sexual intercourse. Sadyang maaga lang ako magising talaga kahit anong puyat ang gawin ko.
Nakatawag naman na ako kay Miss Angel na masama ang pakiramdam ko kuno kaya hindi makakapasok. Mag-i-inquire na lang ako sa U.P. Law School tungkol sa entrance exam nila at mga requirements na kailangan para maayos ko na ngayon pa lang.
"Stop staring at me. . ." ani Thirdy na gumulat pa sa akin. Hindi ko malaman tuloy saan ibabaling ang tingin. "You're going now?"
"Oo pero hindi ko alam paano lalabas na hindi nakikita ng iba."
"Off to work?" tanong niya ulit saka bahagyang bumangoy at umisod palapit sa akin para mahalikan iyong leeg ko. "Don't go, Jeni."
"Hindi ako sa trabaho pupunta." Umahon siya mula sa leeg ko at sinalubong ang aking tingin. "Sa U.P. ako pupunta. Magtatanong tungkol sa entrance exam nila at requirements for enrollment. Ta's pupunta din ako sa UST para sa transcript ko at good morals."
"I'll go with you. Use my jacket and go to the fire exit. Meet one of my guards there. He can bring you to my car without getting so much attention."
"I like the idea of sneaking out of this penthouse of yours. Parang sa pelikula ko lang ito nakikita. Ang cool kasi ngayon magagawa ko na."
"Puwede naman tayong hindi ganito kung willing ka na makilala ng lahat. I will be the proudest man ever because my girl has a dream of becoming a lawyer."
"Hindi dahil sa 'yo kaya ako mag-a-abogado, ha." Niyakap niya ako. "And let's keep trying this relationship in your way, Thirdy. I hope this goes as private as you are as a person. Hindi ako pamilyar sa ibang bagay pero kaya ko naman mag-adapt?"
Hindi talaga ako sigurado pero sabi niya huwag ako matakot dahil nasa tabi ko lang siya.
"Tutulungan kita." Naningkit ang mga mata ko. Ngunit ng halikan niya ako sa labi ay napawi din iyon. "Go now. My guard is waiting for you."
"I'll see you later," I say, kissing him on his cheek. Bago pa niya ako mahila ay nakalayo na ako at kumaway na lang sa kanya. Kumuha ako ng jacket niya sa closet at iyon ang sinuot katerno ng cap at sunglasses.
Maraming beses ko sinabi na hindi ako aabot sa punto na ganito pero heto ako at dito pa rin nauwi. Wala naman siguro masama na maging normal na babae ako kahit paminsan-minsan lang. I started off being innocent woman until someone ruined that innocence of mine, leading me to try earthy things and be addicted to sex.
"Miss Jeni. . ." anang lalaking nasaubong ko sa fire exit. Sinamahan niya ako maglakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan ni Thirdy at doon ko siya matamang inabangan.
Malinis sa sasakyan ni Thirdy nakakahiya na magkalat kasi baka mamaya ay singhalan niya ako. I focused myself on checking my social media accounts. Marami akong nakitang pictures na kuha kahapon sa event dito. Wala ako dahil pinili ko na tumakas at matulog sa penthouse ni Thirdy.
"Sir, where are you going?" Iyon ang narinig ko na tanong sa labas. Umayos ako ng upo at inabangan si Thirdy na buksan ang driver's seat door.
"U.P. Law School and UST. Please don't tell anyone who am I with today, okay? You can tell my schedule to Mom but not my companion." Binukas niya na ang pinto at ngumiti ako agad bago tuluyang sumakay.
"What am I? Your pretty little secret?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili.
"You're my Jeni. Only mine." Hindi ako nakakibo at sinubukan ko na itago ang kilig na aking nararamdaman ngunit bandang huli ay nabigo rin ako. "Are you good?" he asked, checking if I properly wear my seatbelt.
"Tara na at huwag mo ako gawing baby, okay?"
"I'm just checking if you're good." Siningkitan ko siya ng mga mata na mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin. Hinalikan niya muna ako sa aking pisngi bago isinara iyong pinto at patakbong umikot sa driver's side. "You're blushing, Jeni,"
Hinampas ko siya ng ilang ulit bago niya hinuli ang kamay ko at hawakan iyon ng ilang segundo. "Ang daming alam na kalandian," sabi ko saka binawi ko na ang aking kamay.
"Hindi ko rin alam saan galing itong nalalaman ko." Maang ko siya tiningnan dahil hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi niya. "Maybe my students influenced me already."
"Oo nga pala nagtuturo ka ngayon," binalingan ko siya ng may maalala ako. "Wait, kung puwede ka na makipag-sex, ibig sabihin puwede ka na rin tumanggap ng kliyente ngayon sa firm, right?"
"Yeah, but I enjoy teaching social science and humanities to senior high school students. Ayoko magturo sa law school kasi baka maging estudyante pa kita."
"Ah may dahilan ka pala. . ."
Tumawa siya. "I prefer teaching younger kids. I want them to surround me always. At habang natuto sila sa akin, natuto rin ako sa kanila." Thirdy manuever the car our the hotel's parking lot. "Ngayon ko lang nalaman na UST ka nagtapos ng pol-sci. Bakit hindi mo tinuloy doon ang law?"
"Marami kasi nagsasabi na mas maganda sa U.P. mag-aral ng law. Saka doon graduate iyob idolo ko. He's another reason why I choose to become a lawyer someday."
"Who?"
"Atty. De Luna. Your father." Mukhang pareho lang kami Thirdy ng sub reason bakit pagiging lawyer ang gusto tahakin. "Did you idolize him too?"
"Oo. Lagi ko nga siya ginagaya noong bata pa ako. But only this profession piqued my interest. Ayoko talaga sa politics." Ngumiti siya at lalo iyon nakadagdag sa gwapo niyang itsura. "My mother tried to convince my father not to run because it will be dangerous. But he said, he was needed by the people of this country. Kaya rin palitan-lipat kaming nagkakapatid para sa proteksyon."
"Ayoko rin sa politics kaya nga noong inaya ako ni Atty. De Luna, nagsisi ako kasi puro iyon ang paska nila."
"I noticed that." Hindi na ko nagulat kasi parang gustong-gusto niya na lagi akong tinitingnan. "My eyes were on you that day and I just couldn't help myself but to stare."
"Hilig mo naman naman na panoorin ko kumain."
"It became a hobby and there's nothing wrong with admiring the woman I like."
"Ewan ko sa 'yo! Magmaneho ka na lang diyan. . ."
"Stop fighting your feelings, Jeni." Paalala pa niya uli sa akin na ilang beses na inulit kagabi. Pinili ko na huwag kumibo na lang para naman 'di ko siya masaktan. I've been unfair to him in the past. Knowing that he has a deep rooted trauma he's fighting day by day.
Baka dapat huwag ko na labanan ito? Pero nakakatakot pa rin. Pero bahala na nga!
PAGKATAPOS ko magtanong kung kailan ang entrance exam, nagtungo na ako sa admission office para kumuha ng enrollment requirement slip. Gusto ko kasi may listahan ako ng mga kailangan kuhain sa UST para hindi babalik-balik pa. The LAE will be two months from now. May oras pa ako para mag-review at hindi ako puwedeng ma-distract para mas maka-focus ako. I have to talk to Thirdy so we can arranged our schedule together.
And that's what I did when we were walking on the quadrangle.
"Live with me, Jeni." Hindi ito ang unang beses na may lalaking nag-alok sa akin na tumira kasama sila. In fact, Thirdy is the third guy. Una iyong lalaking dahilan kaya ako naging prostitute at pangalawa ay si Mico na isang buwan ko rin nakasama.
"Grabe naman ng alok mo. Pinaamin mo lang ako na gusto kita ta's titira na tayo sa ilalim ng isang bubong?"
That's funny to think off actually. The more I pushed him away, the more he cling to me. At mahulog ako sa kanya pero dahil nilalabanan ko ang nararamdaman ko, nagagawa ko na itaboy siya. Pero kagabi iba iyong pakiramdam lalo na noong marinig ko ang mga salitang binitiwan niya.
Kahit pelikula hindi ko pa iyon narinig at sinserong-sinsero siya sa mga sinasabi na tila humaplos sa puso ko. Isang dahilan kaya nasabi ko na gusto ko rin siya. Simula't-simula naman ay tila may hipnotismo na ang bawat salitang bitawan niya. Iyong tipong kahit ayoko magsalita ay napapasalita niya at ang matindi ay napaamin niya ako.
Thirdy chuckled softly and that send me back to reality. Pang-ilan na iyon at kung puwede ko lang siya kasuhan ay ginawa ko na.
"Mas convenient sa penthouse ko kaysa sa apartment mo. Walang ingay doon at kung ang iniisip mo naman ay iyong makakakita sa 'yo, iyong fire exit kanina at eksklusibo mo ng daanan simula ngayon."
"Puwede ko bang pag-isipan muna?"
"Why?"
"Nakaka-distract ka kaya sa pag-aaral."
"I'll try not to distract you."
"Promise?" Hindi siya kumibo kaya hinampas ko ang braso niya. Para kaming bumalik bigla sa pagkabata dahil sa pag-aasaran namin hanggang sa magawa ko na makapangako siya sa akin. "Can we go far from here? Iyong tayo lang. . ."
"My guards will follow us but I tell them to give us space."
"Sige puwede na din iyon. Basta sa malayo tayo pupuntang dalawa."
"It's time to bring you in my island, Jeni. I'll show you my little beach sanctuary outside Manila. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro