Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11 : Rambol sa ground

Pansamantala kung tiningala si Brix habang nakatitig sya sa malayo ganon din si Luke na nakatitig sa mukha ni Brix. Ang layu nang tingin nila.

“Ba’t di mo binigyan nang pagkakataon na  Bumalik sya sa‘yo?”

“Kapag ba ibinigay ko ang pagkakataon na‘yon matatabunan non ang sakit nang nararamdaman ko nong niloko nya‘ko!”

Nanatili lang ako nakatitig sa kanilang dalawa halatang pareho silang may problema.

“What are you doing here?” kunot noong tanong ni Brix kay Luke.

“Why? Is there something wrong na tumambay ako dito?”

Ano ba pinagsasabi nila?

Napalingon naman ako nang may biglang dumating tapos hingal na hingal at tila ba pawis na pawis.. Tumakbo siguro to. Pero ba’t  naman sya tatakbo?

“Kayo ‘yong kasamahan nang exo diba?”

Tanong nito saka huminga ulit nang malalim.

“why?”

“Nasa ground kasi sila nakikipagrambulan  sa mga soccer player.”

“WHAT?!” sabay na napatayo si Luke at brix nang madinig nila ang sinabi nong lalaking may dalawang bilog sa mata.

Napanguso ako nang iwan nila ako dito tapus sila mabilis na tumakbo. Ano ba kasing meron ba’t kasi di ko sila gaano maintindihan puro nalang kasi ano ‘yon? What tapus may Whay kyyaaahhhhh!!!

*****

√SHAN CLIEN‘S POINT OF VIEW√

Nanatili kaming nakaupo dito banda sa may ground para manood nang mga nag lalaro nang soccer nang mapansin naming nagtatawanan ‘yong mga soccer player kaya tumayo ako.

“Oy dre san punta mo?”

naibaling ko ang tingin ko kay  lester nang magtanong ito sa‘kin.“May ti—BOOOOOGGSSHHH!”

“FUCK!” mura ko nang may babaeng binato nang bola sa batok at saktong sa harap ko natumba kaya naman dalawa kaming bumagsak sa semento.

“HAHAHAHHAHAHA SAPUL PAREE!!!”

“AYOSSS DUDE GALING NANG TIRA MO AH. SAPUL OH!”

Dinig kung tawanan nang mga tarantado.

Mabilis naman akong napatayo nang maitayo nila  tristan ‘yong babae na nakadagan sa‘kin kanina.

“Ayos kalang ba?”

Tanong ni  kenno dito.

“so-sorry.” she said.

Hindi ko makita ‘yong mukha nya nakatabon kasi ‘yong buhok nya dito. Tinignan ko nang maigi ito mula ulo hanggang paa.“Sorry ta-talaga!” pag hihingi nya nang tawad sa‘kin.

Madami nading studyante ang nakapalibot samin habang ‘yong mga soccer player patuloy na nagtatawanan.

“HOY! MGA TARANTADO BA KAYO? KITA NYONG MAY BABAE ITATAPON NYO TO!”  sabay sabay kaming napalapit don sa ground nang mapansing nandon na si  clenthon kaharap nong mga gago.

“Oh eh ano naman? Bakit sino ba kayo!” maangas na tanong nong isang lalaking may tinapunan ni clenthon nang bola sa mukha.

“Anong karapatan mo na tanungin samin ‘yan bakit sino ba kayo?”

Balik na tanong ni kris dito. With matching galaw galaw nang ulo.

“Kami lang naman ang soccer player dito sa exo university. Eh kayo who the hell are you para maki alam sa mga babaeng binubully namin huh?” naghahamon na sabi nong lalaking kasing taas ni  Sean kaya naman umatras ako eh sa mataas eh.

“Ba’t ka umatras?”

Mahinang tanong sa‘kin ni  Daryl.“Mataas eh. Ikaw kaya mo‘yan?”

“Bakit sinabi ko ba?”

“HOY KAYONG DALAWA!” turo samin ni Daryl kaya nagkatinginan naman kami nang wala sa oras.

“Oh ano kami?” pang hahamon ni Daryl dito.

“OMYGOOSSSH THE EXO BOYS AND SOCCER BOYS NAG AAWAY!”

“ALAM NAMIN NAKIKITA NAMIN!”

“WALA BA KAYONG BALAK AWATIN ANG MGA YAN?”

Dinig namin sa paligid.

“Tapang mo ah,  ano pinag mamalaki mo? Yang pagiging unano mo HUH?” pang iinsulto nong isang member nang soccer.

“Nilait ka daryl oh?” natatawang saad ni Clenthon dito.

“Ang dami nyong sinasabi upakan na‘yan !” singit nong isang lalaki saka ibinato ang bula kay tristan at sinuntok ito.

Ano tatanga paba gami. Syempre nakipag rambulan nadin kami. Di uso ang manood ngayon dapat pag laban nang isa laban nang lahat.

“Hoy!” tawag ko don sa isang soccer player na balak sanang suntukin si kris at sakto pag harap nito sa‘kin ay inunahan kuna agad nang suntok.

Halos dumadami kami na nagkagulo dito dahil ‘yong nga umaawat napapasabay nadin sa gulo. Tapus ‘yong ibang soccer player nakisali nadin.

“HOYY TAMA NA‘YAN!” napatingin kami kina luke at brix na kakarating lang saka umilag nang tatamaan ito nang suntok at pilit na inaawat ang lahat.

Tumingin lang kami sa kanila nang saglit saka balik ulit sa pakikipagsuntukan.

“Hey shan tama na—BOOGGGSSHHH!!”

“PUTANGINA BAKIT AKO?”

reklamo ni brix nang matamaan ito nang suntok ko.“Sorry dre umilag eh.”

Sabi ko. Embes na magpatuloy ‘yong pag awat nang dalawa( luke and brix) ito sila na ‘yong nakipagbugbugan. Napatigil muna kami saglit saka napatingin don sa dalawa tapus suntukan ulit.

“MR BRIX DENVER ZENITHERO AT MR LUKE TERRENCE RAMOS! PROCCED TO THE PRINCIPALS OFFICE NOW AND ALL OF YOU!”

*************

  [At the principals office]

“Mr Brix Denver Zenithero what the hell are you doing? First day of school nang gugulo kayo sa ground at mga soccer player pa talaga ang ginulo nyo!”

“what! Anong ako? Umaawat lang ako dinadamay na ako!”

“At nangangatwiran kapa? Asan ang mga parents nyo at kailangan kung makausap!”

Saad nong Dean samin saka kami tinignan nang masama. Tangina ba’t kami pa may kasalanan.

“Nong pinagalitan ba kami sa bahay , pinatawag kaba nang parents namin?”  pambabara ni Daryl dito.

“Ang aangas nyo kasi,  akala nyo naman kilala nyo binabangga nyo!” natatawang sabi nong leader nang soccer player.

“Eh kung supalpalin ko kaya ‘yang ngalangala mo at nang tumahimik ka!”

Galit na napalingon si Tristan dito saka nya sinabi ‘yon.

“Sige nga subukan mo!”

“Oh ano!”

“ANO HUH!”

“ANO!”

“OH ANO!! SUNTOOK!”

“SHUT UP! Anong bang problema nang groupo nyo at nagkagulo kayo huh?”

Galit na tanong nong Dean samin.

“Hoy shan ikaw na mag explain?” sabi sa‘kin ni kent.

“Anong ako,  hoy clenthon ikaw na mag explain.”  reklamo ko dito.

“Anong ako ba’t di ito ang tanungin nyo!”tulak nya don sa lalaking sumuntok sa kanya kanina.“Yan ang tanungin nyo!”

“PURO KAYO TULAKAN ! BAKA GUSTO NYONG SUSPENDE KAYONG LAHAT SA UNANG SCHOOL NYO PALANG! AT IKAW NAMAN MR BRIX ISA KA SA MAY ARI NANG SCHOOL NATO PERO IKAW PA ANG NAGPASIMUNO NANG GULO DITO!”

gulat naman na napatingin si brix don sa Dean pagkatapos syang ituro.

“anong ako! Umaawat lang ako don kanina idadamay ako! Ito kasing si shan eh sinuntok ako.”

“Hindi ko naman sinasadya eh sa umilag ‘yong onggoy eh.”

“Sinong unggoy huh?”

biglang singit nong isang soccer player na sinapak ko kanina na umilag.“Ikaw bakit angal ka?” sagot ko.

“Oo ano huh?”

“OH ANO!”

“ANO LABAN!”

“Puro kayo ano! Wala bang suntukan nalang huh?” sabat ni Sean na kinatigil namin.

“Meron![BOOOOGGSSHH]” sabi nong isang soccer player saka sinapak si Sean sa mukha.

“Putangina kaba! Masakit ‘yon gago!”

At ‘yon nagkagulo na ulit sa loob nang office hindi na kami sumali kaya umawat na kaming labing isa mahirap na. Sayang naman future namin kung masususpende lang kami sa sarili naming school.


“Next time kung mag aaway kayo wag dito sa campus! Humanap kayo nang lugar at don kayo magpatayan!”

Napakamot ako sa batok ko nang sabihin nang Dean namin ‘yon.

“Ito kasing si clenthon eh. Sumugod agad!”

“Si shan kasi eh. Tumayo tayo pa!”

Luh kasalanan kubang di ako manhid at alam kung bully ang mga lokong ‘yon.

“Di kaba mag sosorry sa‘kin shan dahil nasuntok mo‘ko?”

Napalingon ako kay brix at tinignan ‘yong pasa aa labi nya AMP! HAHAHAHA nagmarka nga.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro