Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

67

It’s January 15  birthday ni Brix ngayon. Ako,  lester, tristan, kent, daryl,  chester , kenno,  clenthon at brix lang ang nandito. Si Mich shan, luke , sean and xaijohn nasa ospital padin at nanatiling nakabantay kay Maxine.


Sobrang nag aalala nanga kami. Dahil hanggang ngayon di padin sya nagigising. Nong pumunta kami sa ospital nag collapse sya non kaya sobrang iyak ko. Pero naging ok din naman pero bakit ayaw nya pading magising.


“Anong ginagawa nang babaeng iyan dito?”
Napalingon ako sa unahan dahil sa sinabi ni kent. And I saw Kim na nakangiting papalapit samin.

Akala koba nasa ibang bansa na‘to? Eh,  ano pang ginagawa nya dito?

“Where’s brix. I need to talk him?”


“Bakit?”


“Will,  huwag munang itanong pa. Where’s brix?”

Tinuro ni  kenno kung san si brix. At nang papunta na ito doon. Sinundam naman namin. Para nga kaming tanga eh ang daming tao pero hindi na namin pinansin ang mahalaga ngayon ay kung ano ang sasabihin ni Kim kay brix.


Nasa bandang may likuran sila nang mga table at kami nandito kunwari paupo upo lang pero deep inside pinagmamasdan itong dalawang ito.


“I miss you brix.”
Malanding pagkakasabi ni kim dito saka ito niyakap.


“An-anong ginagawa mo dito?”
Tarantang tanong ni brix saka lumingon sa gawi namin.

Nanatili lang kaming nakamasid sa kanila. Hanggang sa biglang hinalikan ni Kim si Brix sa lips dahilan para mapatayu sina tristan. Inis din akong napatayu. Pero mas nagulat ako nong biglang gulat na tumayo sina Daryl sa kinauupuan nila at gulat na napatingin sa bandang may gilid.


“Putangina si MAX Ba‘yon?” biglang sambit ni kenno.

Kita naman namin kung pano naikuyom ni max ang kamay nya. Pero anong ginagawa nya dito? Gising na pala sya? Ba’t di manlang tumawag samin sina Sean.


“MAX!!! WAIT??” sigaw ni brix. Siguro nakita nya ito kaya naman mabilis nyang tinulak si Kim at tumakbo sa gawi ni maxine pero umalis na ito. Dahilan para hinabol ni brix.


“Anong bang ginawa mo huh? Hanggat kailan talaga ang landi mo padin.” bulyaw ko.


“No! Nag-nagkakamali kayo,  hinalikan ko si Brix to make sorry for him at wala nang iba. Hindi kuna sya gusto dahil may iba na akong gusto.”


Lintik na pagsosorry yan may pahalik halik pa.“So ka—blllaagggg!”


“AGAIN PREE TANGA KA PADIN.” bulyaw nong dalawa(kent,  tristan) kay chester pagkatapos nila itong tulungang tumayo sa pagkakatumba.

Ayuko nang tumawa sanay na ako dyan eh.

Napatingin naman ako kay lester nang dumunog cp nito.

“Oh ,  dre bakit?”


“[Si maxine gising,  na papunta na dyan]”
Dinig kung saad ni  Sean sa kabilang linya.


“Tarantado kayo,  nagkagulo nanga dito.  Tapus ngayon palang kayo tatawag! Anak kayo nang ama nyo! Pumunta na kayo dito.”

________

√Luke’s Point Of view√

⚫⚫⚫⚫

Nasa ospital kami ngayon,  birthday ngayon ni brix pero andito kaming lima nang babantay kay Max. Ba’t kasi ang tagal nyang magising.


“Boybest? Guys? Gutom naba kayo? Bili muna ak—.”


Sabay sabay kaming napatingin kay maxine nang biglang itong huminga nang malalim at biglang nagising kaya naman napalapit agad kami dito.

“Ma-max? Gising kana ba?”


“Hindi,  tulog pa ako.”
Sagot ni maxine sa tanong shan dito.


“Ba’t kayo lang? Asan ang iba?” tanong nito.


“Nasa birthday ni Brix. Nandon na sila  nagpa iwan kami dito para bantayan ka. I miss you na talaga namiss ko kasungitan mo maxine.” sagot ni Mich saka ito niyakap.

Syempre nadala kami kaya yumakap din kami dito.“Hindi ako makahinga.” saad nya kaya naman mabilis pa sa isang oras humiwalay kami sa kanya.


“Gutom kaba max,  bibili kami nang pagkain.”

“No,  pupunta akong party sumunod nalang kayo kung gusto nyo. ” nito.


“Pe-pero MAX?!”


“OK na ako. Tumabi kayo!”
Napakamot nalang kaming lahat saka lumayo sa kanya. Halatang ok nanga sya ang sungit na eh.  Nang tuluyan itong makalabas iwan ko kung mag bibihis pa ito. Eh sinapok ko naman si Sean.

“Ba’t kaba nananapok ang sakit.”

“Sorry.” lumapit ako dito para yakapin ito. HAHAHAHA kawawa naman baby boy namin.


“Just call lester at sabihin mong papunta na dyan si Max. Kunin nyo nadin mga gamit nyo susunod tayu don.”
Saad ko mga ilang minutes pa nang paghihintay saka bumalik sa gawi namin si Sean.


“Nagkagulo nadaw don.”


“WHAT!” kaming lahat. “BAKIT DAW?” kami ulit.

Nagkibit balikat naman ito. Kaya umalis na kami sa  ospital. Nakabihis na naman kaming lahat si sean ok na naman ang damit nya kaya hinila na namin ito papunta don.


Mga ilang minuto pa nang makarating kami at kita namin sina lester na nasa may gate banda naghihintay.

“Teka? Anong ginagawa ni Kim dito?” tanong ko.

“Malay! Mukha bang alam namin.” napalingon ako sa pabalang na sagot ni bespen. Tssk para nagtatanong lang ako eh.


“Oh asan na si max at brix?” tanong ni Xaijhon nang makababa kami.

“Andon hinabol ni Brix si max ito kasi eh. May pahalik halik pa kay brix.”
Turo ni Ani don kay max.


“Eh kung upakan ko ka—

“Ohhh! Easy lang mabuti pa sundan nalang natin sila baka san pa mapunta mga iyon eh.”
Saad ni Kenno. Sumang ayon naman kami sa sinabi nya.


____

√Maxine Point Of views√

⚫⚫⚫

Napatakbo ako nang wala sa oras dahil sa nakita ko. Ganito ba‘yung nasasaktan? Halos di muna alam kung san ka papunta?

“MAX!”

“MAXINE STOOP ANO BA!!”
Napahinto ako , pero hindi ako humarap sa kanya. Ayuko syang makita dahil ang sakit ang sakit na makitang naghahalikan sila. Hindi ko alam kung may kami o wala pero parang wala eh.


“I’m so-sorry ok? Ma-magpapaliwanag ako.”


“Para saan?”
Pagkukunwaring tanong ko.

“Max naman,  alam kung nakita mo. Ay alam kung nasasaktan ka. Pero pwede ba kahit ngayon lang pakinggan mo ako?”
Ngumiti ako sa kanya saka pinahid ang mga luha ko na kanina pa gustong tumulo. Lalapit sana sya sa‘kin pero pinigilan ko.


“Hu-huwag kang lalapit. Al-alam mo ba brix. Sa buong buhay ko ito ang unang beses na nag mahal ako nang buo.. Na nagmahal ako na walang halong pag aalinlangan.. Pero bakit naman ganito? Bakit sa tuwing magmamahal ako. Sobrang sakit ang kapalit nito sa‘kin. Wala naman akong ginawang masama hindi ba? Minahal lang naman kita. Minahal kita brix.. Pinilit kung pumunta dito kahit pagod ako. Kahit  gutom ako kasi gusto kitang makita. Kasi gusto ko sayu nasa harap ko ang taong mahal ko sa tuwing nagpapahinga ako. Pero bakit iba ang nakita ko. Bakit ,  mas lalong nadurog ang puso ko! Sana pala.... Sana pala di na ako lumaban.. Sana pala... Sana pala hinayaan ku nalang na mamamatay ako. Dahil hindi ako mamamatay sa tama nang baril kundi sa selos. Sa selos ako mamamatay Brix alam mo ba ‘yon HUH!”
sumbat ko sa kanya.


“So-sorry.. Pls max?”

“Pe-pero ayos lang,  sino ba naman ako sa buhay mo diba? Hindi ako ang una , hindi din ako ang pangalawa kasi pangatlo ako sa puso mo. Pero sana kung mahal mo ba di muna ako minahal kasi sobrang sakit ,  sobrang sakit dito oh.” turo ko sa puso ko saka tumalikod.

“MAX”


“Ayaw kitang makita.” saad ko tatalikod na sana ako pero biglang may mga sasakyan ang huminto sa harapan ko.


“MAXX!!”
tawag ni brix sa‘kin. Lalapit na sana sya pero tinutukan sya nang mga baril dahilan para mapahinto sya.. Sasapukin ko sana yong isa sa mga tumutok sa kanya pero may pumalo sa batok ko dahilan para mawalan ako nang malay.

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro