Chapter 26
"Bakit ako sasama sa iyo?! Hindi nga kita kilala!"
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Selena kay Mama sa hapagkainan. Hindi ko alam kung tungkol ba sa alok ni Mama ang pinag-aawayan nila pero mukhang yun nga base sa ekspresyon ng mukha ni Selena.
"Selena, anak..." si Papa.
"Ayoko! Hindi ko iiwan si Papa dito! Kahit isang kahig, isang tuka lang kami, at least alam kong mahal ako ni Papa!" she was getting emotional because of her hormones. Kung hindi lang siya buntis, alam kong hindi niya masasagot nang ganito si Mama.
My mother sighed. "Hindi pa naman final, Selena. Gusto ko lang malaman niyo na magiging masaya ako kung sasama kayo sa akin."
"Dun ka na din manganganak, Selena." Dagdag naman ni Papa. "Magiging US Citizen ang anak mo."
"Papa naman, eh!" napasabunot na sa buhok si Selena dahil sa sobrang frustration. "Bakit mo kinakampihan ang babaeng ito?! Iniwan ka niya tapos magpapakasal na siya ngayon sa iba!"
"Selena!" saway ni Sonny, nagagalit na. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Mama!"
"Bakit? Totoo naman, ah? Magpapakasal ka dahil sa green card? Para maging permanent US citizen ka? Tapos ano? Bubuo ka ulit ng bagong pamilya doon dahil failure kami dito?"
Hindi sumagot si Mama at nag-iwas nalang ng tingin pero kitang-kita sa mukha niya na sobra siyang nasasaktan sa sinabi ni Selena. Ang kapatid ko naman, umiiyak na ngayon habang sinusumbatan siya.
"Pagkatapos ng ilang taong hindi ka nagpakita, bigla kang uuwi tapos aayain mo kami sa states? Laro-laro lang ba 'to sa iyo, Mama? Hindi mo ba alam na ang sakit-sakit ng mga ginagawa mo sa amin?"
"Selena, tama na yan..." pinaupo na siya ni Papa. "Gusto lang ng Mama mo na umayos ang buhay niyo. Tama na, anak, please. Makakasama yan sa bata..."
Marahas na pinunasan ni Selena ang mga luha niya at nagdadabog na pumunta sa kwarto. Nakatayo lang ako sa pintuan ng kwarto ko at nanunuod sa kanila. Nang magtama ang tingin naming dalawa ni Papa, kaagad akong nag-iwas at pumasok ulit.
Hindi na naging payapa ang bahay namin simula noon. Halos araw-araw nang inaaway ni Selena si Mama. She made sure she hears all of her pains. Palagi niyang isinusumbat sa huli ang mga kakulangan niya sa amin. Wala namang ginawa si Mama kundi tanggapin lahat ng binabato ni Selena sa kaniya.
"Raya, anak, kumain ka na..." nanginginig pa ang boses ni Mama nang ayain niya ako isang umaga. Nag-away ulit sila ni Selena at pagkatapos siyang sigaw-sigawan ng kapatid, pumasok na ito sa kwarto niya. She turned to the side and discreetly wiped her tears away. Tahimik akong naupo sa lamesa at tinitigan ang hinanda niyang ulam.
"Susunduin ka ba ni Ivo ngayon? Nagluto ako nang marami dahil baka gusto niyang kumain dito..." ani Mama na pinipilit pasiglahin ang boses kahit na mukhang maiiyak na ito.
I sighed. I hate that she's pretending that everything's okay in this household when we are all falling apart. Ang tagal kong hinintay na ma-kompleto kami pero hindi naman namin maatim ang isa't isa. Napaka-ironic talaga ng buhay.
"Hoy, grabe ang tagal na nating hindi nakapag-dagat, ah?" Celeste excitedly pointed to the entrance of the resort. "Ang gara na ng resort!"
Napatingin din ako. Birthday ngayon ni Avery kaya naman umuwi siya at inaya kaming mag-dagat. Dahil inako na ni Mama ang mga gawain ko sa bahay, malaya na akong nakakasama sa kanila.
Noon, halos hindi ko 'to magawa dahil kailangan kong bantayan ang mga kapatid ko. I never knew it felt so liberating just by simply having a mother at home.
"Ivo, sure na ba yang 50% discount sa entrance fee? Hindi ba pwedeng libre nalang?" panloloko naman ni Karlo.
"Oo nga, Ivo! Para namang hindi kaibigan!" dagdag pa ni Celeste.
"Pambayad mo nalang sa mga pulutan na kinuha mo sa tindahan namin!" tumawa si Yari. Ginawa din namin 'tong double celebration ngayon dahil kakaalis lang ng braces niya sa paa.
Ivo groaned and nodded. Nagsaya kaagad sila dahil libre na daw ang entrance fee. Simula kasi nang i-renovate ang resort, tumaas na din ang entrance fee at nagkaroon ng corkage. Noon, puro kubo lang ang mga cottage pero ngayon may mga semento na. Nagkaroon din ng maliit na building at hinati-hati sa iilang rooms para sa mga guests na gustong mag-overnight. Nakita ko sa lobby na nag-o-offer na din sila ng scuba diving, surfing lessons, at banana boat na wala naman noon.
Sumunod ako sa kanila para patungo sa cottage. Si Ivo at Karlo ang nagbubuhat ng mga cooler habang sina Avery at Yari naman sa mga pagkain. Kami ni Lulu at Celeste ang nagdala sa mga bag nila.
"Tingnan mo, pang-instagram na ang view dito! Dati tagpuan lang 'to ng mga jowang walang budget, eh!" tumawa nang malakas si Celeste.
"Speaking of jowa, buti naman hindi niyo dinala ang mga kabiyak niyo. Magwa-walk out talaga ako." Dramatic naman si Yari habang isa-isang nilalabas ang mga pagkain.
Tumawa si Celeste at inakbayan siya. "Alam mo, may kuya si Ravi, eh. Gusto mo, isa-isa tayo?"
"Ayoko sa showbiz." Tinulak ni Yari ang mukha ni Celeste palayo.
"Kaya nga non-showbiz girlfriend, eh!"
"Kahit na. Ang gulo ng mundo nila."
Napatingin ako kay Celeste. Simula nung i-announce ni Ravi na mayroon siyang non-showbiz girlfriend, mas lalong umingay ang pangalan niya. Binabash kasi siya noon na kaya lang siya sikat dahil palagi niyang nakakapartner on-screen ang iba pang mas sikat na mga aktres. It wasn't long enough before their fans found out about Celeste. Sa tuwing nags-scroll ako sa Facebook, nakikita ko ang mga pictures nilang dalawa na nirerepost ng mga fans.
"Cel, i-shout out mo naman ako sa IG! Dami mo ng followers, eh!" ani Karlo.
"Mga fans lang naman yun ni Ravi na napadpad sa account ko," she shrugged.
Tumulong nalang ako kay Yari na ilabas ang mga pagkain habang nagpi-picture sila doon. Ipo-post daw nila sa IG story ni Celeste tapos ita-tag nila ang sariling accounts para dumami ang mga followers nila. Napailing nalang ako dahil kahit na umabot na kami ng college, para pa rin kaming mga bata.
May pool na rin sa resort kaya dun muna kami naligo habang sobrang init pa sa dagat. Nag-unahan pa sila na parang mga bata habang nakaupo lang kaming dalawa ni Lulu sa cottage.
"Minsan, mapapaisip ka nalang talaga kung bakit ko sila kaibigan..." Lulu chuckled.
Napangiti ako sa sinabi niya. Tinulak ni Ivo si Celeste kaya napatili ito nang malakas bago bumagsak sa tubig. Na-eskandalo tuloy yung mga matatandang naliligo din doon. Si Yari naman at Karlo, nag-aagawan ng bola dun sa tabi.
"Tara, bihis tayo."
Tumango ako at sumunod sa kaniya sa C.R. The weight of my bikini inside my bad is dragging me down. My body is starting to mature and I can't see myself wearing rash guards or tank tops anymore but I still don't have the confidence to flaunt myself in a bikini.
Lulu was humming to herself when she entered the cubicle. Inilagay ko ang bag sa sink sa harapan at kinuha ang ipampapalit ko. I took a deep breath and went inside.
Stripes iyon na bikini at conservative pa rin dahil highwaisted at parang cropped tank top lang ang pang-itaas. Nagsuot nalang ako ng maong shorts para pagtakpan iyon at white off-shoulder naman sa taas.
Nasa labas na si Lulu at nag-iipit ng buhok. She looked radiant in a sunny yellow bikini with string ties. Nginitian niya ako nang makita.
"Dalaga ka na talaga, Raya." I was stunned when she leaned closer and fingered the strap of my bikini top, snapping it back to my skin. "Kita mo, nagbibikini ka na!"
Pulang-pula ang pisngi ko sa pang-aasar niya sa akin pero ininda ko nalang iyon at nagsuklay ng buhok. Nakita ko pang nagd-dm si Lulu kay Kael sa Instagram kaya kaagad kong iniwas ang tingin para bigyan siya ng privacy. She held her phone up and took a cute selfie in her bikini. Nakangisi niya iyong isinend sa boyfriend.
"Let's go!"
Bumalik kami sa cottage. Parang mga basang sisiw sina Ivo at Celeste doon na kumakain ng nilagang saging. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ni Celeste dun sa pagkain namin kaya sinaway ko siya at pinalayo.
"San sina Yari?"
Ngumuso siya sa buhanginan. Sinundan ko iyon ng tingin at nakitang naglalaro ulit ng volleyball ang kambal pero nakahanap ata sila ng ibang players dahil marami sila doon sa net at maiingay pa. Napailing nalang ako.
"Raya, gusto mong mag-surf?" aya sa akin ni Ivo.
I looked at the waves. Hindi naman gaanong kalakas, pero hindi rin gaanong kahina. For a beginner like me, it was perfect for surfing. But still, I haven't touched the board for years. High school pa ata kami nung huli niya akong tinuruan na mag-surf kaya hindi ako confident doon.
"Parang nakakatakot—"
"Okay lang, tandem tayo."
Nagulat ako nang kuhanin ni Ivo ang kamay ko at marahan akong hinila dun sa maliit na hut na nagpapa-renta ng mga surf board. Malawak na nakangiti ang babaeng nagbabantay doon at tinanong kami kung anong size ng surf board ang rerentahan namin.
Pinili ni Ivo iyong pinakamalaki at umikot pa sa likod ng hut para kuhanin iyon dahil hindi kasya sa maliit nilang bintana. I waited anxiously in the sand while Ivo retrieved the surf board. Aalis na sana ako kaso naabutan niya akong tumatakas kaya pumirme din ako at alanganin siyang nginitian.
"Tara..."
Sumunod ako sa kaniya. Nakita pa kami ng kambal habang naglalaro sila at kinawayan kami. Inilapag ni Ivo ang surf board sa buhangin at lumuhod sa harapan ko. Nagulat ako nang itali niya iyong leash sa paa ko nang wala man lang pag-aalinlangan.
I could feel my breath hitching while his hand is on my ankle. Ang init ng kamay niya! Parang gusto kong bawiin ang paa ko at ako nalang ang gumawa nun! I took a deep breath to calm myself. Tumayo na si Ivo at tiningnan ako.
"Uh... may suot ka bang pang-ilalim?" tanong niya habang nakatitig sa suot ko.
"Huh?" napatingin naman ako sa suot, naguguluhan sa tanong niya.
"Hindi advisable na magsuot ng damit kapag nags-surf. Dapat sana wet suit o..." he shrugged.
My cheeks reddened. Wala na kasi siyang pang-itaas at naka-board shorts lang habang ako naman, balot na balot! Tumalikod si Ivo sa akin nang makita niyang nakahawak na ako sa dulo ng shirt ko. I took a deep breath again and pulled it over my head. Wala akong balak hubarin ang shorts ko kaya kinalabit ko siya.
"Okay na ba?"
He stared at me with wide eyes. Kaagad din niyang iniwas ang tingin at napahawak sa batok. Sunod-sunod naman siyang tumango.
"O-Okay na yan. Ge, tara na."
Mabilis na naglakad si Ivo papunta sa dagat kaya humabol ako. Pinasakay niya ako sa surf board habang dinadala sa malalim na parte ng dagat. Ramdam ko na ang malalakas na hampas ng alon sa parteng ito. Below me, the water is dark and deep. Napalunok ako.
"Okay, sabay tayong magpa-paddle tapos kapag sinabi kong tayo, pop up agad ha? Huwag kang mag-alala, aalalayan naman kita sa likod." Ivo instructed while hauling himself at the back of the board.
I bit my lower lip and lowered my body just like he instructed. May paparating na malaking alon at balak niya iyong hulihin kaya nagsimulang mag-paddle si Ivo. Ginaya ko iyong ginagawa niya hanggang sa makarating kami sa dulo ng alon, saka niya marahang hinawakan ang beywang ko para makatayo kaming dalawa.
The wave got bigger as we glided through it. Nanginginig ata ang dalawang tuhod ko at ipinikit ko pa ang mga mata dahil natatakot akong wala na akong ibang nakikita kundi tubig lang. Ivo chuckled behind me. There was no space between us! Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko! It was a miracle I haven't fallen off the board yet.
It was Ivo who turned the board to exit the wave. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang adrenaline rush ngayong sakay kami ng alon. Ibinalik niya ang dalawang kamay sa beywang ko at hinawakan ako nang mahigpit. We were about to fall and he made sure I was above him so I wouldn't hit the reef.
Mabilis akong umahon pagkahulog naming dalawa sa tubig. Ivo's head popped up in the water, grinning at me.
"Ayos ba?" he yelled through the wind.
I nodded slowly. Okay naman, kaso nakapikit ako sa sobrang takot, eh. Ang cool lang tingnan ng mga surfers kapag nasa dagat sila pero sobrang nakakatakot pala. But Ivo is the kind of person who enjoys uncertainty and challenges. Siguro ang bagay na ikinakatakot ko ay siya mismong hinahanap-hanap niya.
"Let's try again."
We both hauled ourselves back into the board. This time, I kept my eyes open. Pinilit ko talaga ang sariling huwag matakot hanggang sa makatayo kaming dalawa. Mas malaking alon ang sinasakyan namin ngayon. Ivo placed his hand at the small of my back, guiding both me and the board.
The waves are rising and falling before my eyes. It was an adrenaline rush that I could never put into words as we glided and the wave and made a dip. Hinila ulit ako ni Ivo palapit sa kaniya bago pa kami mahulog kaya halos hindi man lang ako nahirapan.
I found myself enjoying the waves and the glory of being one with the tides. Paulit-ulit namin iyong ginawa hanggang sa magkaroon na ako ng confidence na tumayo mag-isa. When we got tired, we swam back to the shore. Our cheeks are red from the sun and our limbs were sore from surfing. Gayunpaman, masaya ako.
"Raya! Napanis na ata ang ulam sa tagal niyo dun sa laot!" reklamo ni Celeste pagkabalik ko sa cottage. Nagpunta pa si Ivo sa hut para isauli ang surf board.
I gave her an apologetic smile. "Sorry."
"Extreme niyo talagang maglandian 'no, dinadala niyo talaga dun sa malayo!" tumawa si Celeste habang pinagsasandukan ako.
"Hindi kami—"
"Raya, tingnan mo!" Lulu excitedly showed me her phone. I didn't notice she was recording us while we were surfing! Napatitig ako dun sa video. It's exactly as how I imagined, but I didn't know that Ivo kept on looking at me from behind. Akala ko sa alon siya nakatingin. May isa pa dung natumba at nahulog talaga kami dahil hindi niya napansing pa-exit na at nakatingin pa rin sa akin nang hindi ko alam.
My cheeks burned.
"Yiee! Kayo ha!" siniko-siko ako ni Avery. Nakikinuod din pala siya!
Kaagad akong umiling. "Wala yun. Tinuturuan lang ako ni Ivo mag-surf."
"Nagpaturo din naman ako sa kaniya noon pero hindi ako pinansin!" Yari laughed. "Nag-iba na talaga si Ivo."
Hindi ko nalang pinansin ang mga pang-aasar nila dahil sanay naman din ako. Kumain lang ako doon at nakatulog sa cottage sa sobrang pagod. Pagkagising ko, naglalaro na silang lahat ng volleyball dun sa buhanginan. Ivo was playing with them as if the surfing tired none of his limbs!
I drank some water and gathered my things. Balak ko na sanang magbihis dahil natuyo na ang buhok ko pagkatulog ko kanina pero hinila naman ako ni Celeste para maligo sa dagat. Hapon na kasi kaya hindi na mainit ang araw. Sumama nalang ako sa kanila at sabay na kaming mga babae na bumalik para magbanlaw at magbihis.
Kinagabihan, lumipat kami dun sa isa sa mga buildings kung saan naroon ang mga rooms. Nakakahiya dahil kumuha pa talaga ng en suite room si Ivo para sa amin. Malaking room iyon na may sampung kama kaya kasya kami lahat. Nag-unahan pa sila dun sa kama na malapit sa terrace dahil mas malamig daw.
Nagsuklay nalang ako ng buhok habang pinapanuod silang magbangayan. Ivo and Karlo's bed were on the far side of the room. Magkakatabi naman kaming mga babae.
"Inuman na!" Celeste yelled while holding a bottle of liquor.
Napailing ako dahil sunod-sunod silang nagpunta sa terrace at nagpaikot habang si Cel naman ang nagtitimpla ng alak. She always made sure to make it sweet and tolerable whenever Lulu and I are joining. Pero pagdating sa mga lalaki, puro hard ang pinapainom niya.
In-off ni Ivo ang mga ilaw sa loob pati na rin sa labas para daw mas dama iyong fairy lights na naroon. May live band din sa resort kaso tinatamad silang magpunta at rinig din naman daw dito ang kanta kaya okay na.
"Paano kung si Ravi pala ang nagli-live band doon?" pagbibiro ni Yari habang nagce-cellphone.
"Eh di pupunta ako! Duh!" diretsong sagot ni Celeste habang nagbubuhos ng alak sa baso. Ibinigay niya 'to kay Karlo.
"Anak ng, andami nito—"
"Huwag mong ubusin!" Singhal sa kaniya ni Celeste. "Paka-arte nito, akala mo hindi ka naglalaklak sa Piyu."
Karlo rolled his eyes and emptied the bottle. Nagsamaan pa silang dalawa ng tingin ni Celeste. Karlo had his own set of friends back in Manila. Palagi ko silang nakikita sa IG story ng lalaki, puro din sila mga aeronautical engineering. Tatlo sila doon.
Nagulat ako nang biglang tumabi si Ivo sa akin. Hawak niya ang film camera. Ngumiti lang siya sa akin at itinaas ang camera tapos itinapat kay Lulu. Nag peace sign naman siya at hinila si Yari palapit sa kaniya kaya tuloy gulat na gulat ang mukha niya sa picture.
"Ivo, inom ka!" ani Celeste habang inaabot ang baso sa kaniya.
Kaagad na umiling si Ivo. "Bakit? Ayoko!"
"Uminom ka na noon, eh!" diin naman ni Celeste.
"Para kay Raya naman yun!" ganti niya naman. "Okay na ako sa Chuckie."
Celeste rolled her eyes and gave up on him. Talagang ayaw niyang uminom kahit na anong pilit, huh? I wonder how he'd react if I'm the one to force him to drink.
Ako na mismo ang lumayo sa sarili ko sa kaniya dahil kahit hindi pa ako lasing, kung anu-ano na ang iniisip ko. Nagtatawanan si Avery at Celeste at may kung anong pinag-uusapan. Si Karlo naman, nagvi-video dahil pang IG story niya daw.
Unang nalasing si Avery sa amin dahil totoo naman ang sinabi ni Karlo na ang dami talaga ng tagay kapag si Celeste ang tanggero! Nahihilo lang ako pero naiintindihan ko pa naman ang sinasabi nila di tulad noon na hindi ako makasabay sa usapan.
Inihatid ni Ivo si Avery sa loob ng kwarto dahil pagewang-gewang na itong maglakad at kaagad na bumalik sa amin. He was taking pictures of everything and everyone. Tapos ngumingiti pa kapag nakatingin sa viewfinder ng camera niya.
"Ayoko na, lasing na ako..." si Lulu naman ang umayaw nang umabot ulit sa kaniya ang ikot. Celeste laughed and drank the glass for her. Mukhang hindi ata malalasing ang babaeng 'to, eh!
Pumasok na sina Lulu at Yari sa kwarto kaya kaming apat nalang ang naiwan sa labas. Celeste smirked while pouring the drink.
"Ano, one on one tayo?" panghahamon niya kay Karlo.
Inirapan siya ng lalaki. "Ayoko. Mukha kang alak. Hindi ako papatol sa 'yo, 'no!"
She laughed before drinking from her glass. Napatingin si Karlo sa tabi ni Celeste nang makita niyang umiilaw ang phone niya. Actually, kanina pa iyon umiilaw pero hindi naman niya pinapansin.
"Si Ravi, oh..." puna ni Karlo at pinulot ang cellphone ni Celeste. Kaagad naman siyang umiling.
"Ilagay mo lang d'yan."
Huminto ito sa pagv-vibrate at lumabas ang lockscreen ni Celeste na picture nilang dalawa ni Ravi. Kumunot ang noo ni Karlo sa nakita.
"67 missed calls na, Cel! Nag-away ba kayo?"
She shook her head. Inabot niya sa akin ang baso at alanganin ko naman iyong tinanggap dahil mukhang nawala siya sa mood.
"Hindi kami nag-away..."
"Pero—"
"Hayaan mo na, Karlo! Ang kulit, eh. Mabulok siya kakatawag d'yan!"
Ivo chuckled. "LQ nga."
Karlo sighed. "Hay, mga kabataan talaga."
Sinamaan siya ng tingin ni Celeste. "Porket gorang ka na at walang jowa, pwede mo kong ganyanin! Ihagis kita d'yan sa terrace, eh."
"Kung sino pa yung maliit, sila pa yung matatapang." Karlo chuckled while scrolling on his phone.
Humindi na ako sa sunod na ikot ng baso kaya silang dalawa nalang ni Karlo ang naiwan. Gusto ko na sanang pumasok sa loob kaso ayaw ko namang iwanan si Celeste mag-isa dito at mukhang malungkot pa naman ito.
Nang maubos nila ang bote, si Karlo na mismo ang sumuway sa kaniya at sinabing matulog na siya. She sighed and gave him a nod. May pinag-usapan naman sina Ivo at Karlo tapos umalis din sa terrace. Kaagad akong lumapit sa kaniya.
"Ayos ka lang?"
She nodded slowly. "Ayos lang."
"Wala akong experience sa kahit anong relationship, Cel, pero pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka. Makikinig ako."
She gave me a sad smile and reached for my hand. Marahan niya iyong hinawakan.
"Alam kong gusto mo si Ivo," ani Celeste.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bakit ako ang pinag-uusapan?
"Gusto hindi bilang kaibigan... diba?" tiningnan niya ako sa mga mata kaya agad akong nag-iwas. Celeste let out a humorless laugh.
"Cel..."
"Huwag na, Raya." She sighed. "Sa totoo lang, naiinggit ako sa inyong dalawa. You could love each other without even being in a relationship. Relationship is such a mess. Huwag mo nang subukan... magsisisi ka lang."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Celeste grunted and hauled herself up. Pagewang-gewang na siya kaya agad ko siyang hinabol at inalalayan patungo sa kama niya. She fell into her bed with a thud and within seconds, she's fast asleep.
Napabuntong-hininga ako. Dahil nasa tamang wisyo pa naman ako, nagpunta ako ng CR para mag-tootbrush at maghilamos. Nagbihis din ulit ako ng damit dahil amoy-alak na yung suot ko bago ako nagpunta sa kama ko.
I was starting to fall asleep when I heard footsteps. Nagtatawanan pa at nagmumurahan. Alam kong sina Ivo at Karlo iyon. Karlo said something and then I heard the door closing again. Tumahimik ang paligid.
Akala ko lumabas na silang dalawa kaya hindi na ako nag-abalang silipin pa kung anong nangyayari. My senses came back to life when a shadow fell over me. I heard someone sigh.
Hindi ko iminulat ang mga mata ko at nagkunwaring natutulog lang. I know it was Ivo. Hinawi niya ang bangs na tumatakip sa mga mata ko.
"Hoy, tulog ka na?" mahinang tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot. I heard him sigh.
"Anong gagawin ko, Raya?" bulong niya sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pero hindi man lang ako makagalaw. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi naman 'to surfing na kapag nahulog ako, makakaahon pa ako..." Ivo let out a painful exhale. "Hulog na hulog na talaga ako sa 'yo..."
-
#HanmariamDWTWChap26
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro