Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xx. small talks

xx. small talks

Gusto kong tusukin tig-iisa sa pwet 'tong mga 'to gamit 'yung trident ni Daddy. 

Seryoso. Bakit may party rito? I mean, masaya ba silang nasaktan ako or something? Pati rin ba sila nakikiisa? Team Night sila ganon?

Paano ba naman kasi, pagkadating na pagkadating ko sa palace nakita ko na 'tong mga lamang dagat na nagpaparty at nagkakasiyahan. Nung nakita naman nila ako eh agad silang tumigil. Para silang nakakita ng multo pero pagkatapos ng ilang minuto bigla silang sumigaw. 

"WELCOME BACK STACY!" Sigaw nilang lahat. Hay nako andito 'yung mga sinasabi ko sa inyong mga kapatid ko except dun sa mga kabayo kasi nga 'di ba common sense, hindi sila makakahinga rito sa ilalim ng dagat. 

Anyway, tinignan ko sila ng 'what-the-fuck' look pero ngitian pa rin sila ng ngitian. Tamo 'tong mga 'to. Nung nandito ako halos kaladkarin na nila ako papunta sa dryland dahil lang sa inis nila sa'kin pero ngayon may nalalaman pa silang welcome party. Hindi kaya inutusan lang sila ni Daddy na makisama tapos magkunwaring masaya na nandito na ulit ako? Ah, ganon nga siguro. Impossibleng magdidiwang 'tong mga 'to nang dahil sa'kin. 

Hinanap ko si Triton sa paligid pero hindi ko siya natagpuan. Nakakulong nga siguro talaga siya. Ano na kayang itsura niya ngayon? Siguro abot Olympus na pagsusumpa sa'kin nun. Hah, natatawa tuloy ako. Ano ka ngayon Triton? The queen is back. 

Joke.

Ew.

Ayoko maging queen ng dagat. Ayokong maging queen ng mga bangus, tilapia, lapu-lapu, dugong, jellyfish, daing, tinapa at kung ano-ano pang lamang dagat. Papaubaya ko na kay Amphitrite tutal happy naman siya sa trabahong 'yun.

So ayon, hinayaan ko na lang silang magparty at pumunta na sa kwarto ko. Ganon pa rin naman 'yung kwarto ko sa ilalim ng dagat. Puno ng seashells tapos mga coral reefs. 'Yung kurtina, bed sheets at kumot ko gawa sa seaweeds. Napahiga ako sa kama ko't napapikit. Nakakamiss din pala rito. 'Yung amoy ng dagat, 'yung mga iba't ibang sea creatures, 'yung palace. Ano bang pumasok sa isip ko't umalis-alis pa 'ko rito? 

Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto pero imbes na tumayo at pagbuksan 'yung kumakatok agad kong hinila 'yung kumot ko sa buong katawan ko't nagpanggap na natutulog na. Ewan. Wala siguro ako sa mood makipagusap sa kahit sino ngayon. Gusto ko lang matulog. Bahala na bukas kung anong mangyayari. 

Narinig kong bumukas 'yung pinto atyaka may unti-unting tumabi sa'kin. Naramdaman ko 'yung kamay niya sa buhok ko.

"Dad please. You're creeping me out," hindi na ako nakatiis at sinabihan siya. Agad ko namang narinig 'yung tawa niya. No choice na 'ko kundi umupo sa kama ko at kausapin siya. 

Nung una hindi siya nagsalita at tumingin lang sa'kin. Habang nakatingin siya sa'kin nakita kong ang lungkot niya. Hindi ko maintindihan kasi nga 'di ba andito na ako, bakit pa siya malulungkot? Siguro dahil kina Triton at Night? Nang dahil sa'kin wala sila rito ngayon kaya hindi makokompleto 'yung happy family na pinapangarap niya? I don't know. Hindi naman equation si Daddy na sandaling panahon mo lang i-analyze makukuha mo na 'yung solution. 'Yun 'yung natutunan ko sa dryland. Hindi equations ang mga tao. Hindi sila mina-manipulate, hindi sila ini-extract, hindi sila tina-transpose at mas lalong hindi sila sino-solve. You just have to accept them just the way they are. Same goes to the gods and their kids. 

"Andito na 'ko. Bakit ang lungkot mo pa rin?" Tanong ko sa kanya. 

Napabuntong hininga ito at ngumiti ng bahagya. "I just figured out I'm not the best father," sagot nito sa'kin.

"Of course you're not," sabi ko naman agad sa kanya na mas lalong nagpalungkot sa kanya. Pinilit kong hindi matawa sa naging reaksyon niya pero napangiti pa rin ako. "You're not the best father but you're the one I need, the one I deserve," bigla namang parang nag-twinkle 'yung mga mata ni Daddy at ngumiti sa'kin ng malawak.

"But you don't want this place," wika nito sabay tingin sa paligid. "'Yun 'yung rason kung bakit umalis ka, hindi ba?" Tanong nito sa'kin at muli ay bumalik sa mukha niya ang lungkot.

Napaisip tuloy ako. Tama kaya 'yung ginawa ko? 'Yung naging masama akong anak tapos lumayas ako kasi feeling ko 'yun lang 'yung way para bumalik siya sa dati niyang ugali? You know, 'yung hindi masyadong focused sa'kin. Para kasing mas pinalala ko pa eh. Parang mas napasama pa 'yung lagay niya. I feel like I broke him harder than before and I thought I was fixing him. But what if he doesn't need fixing? 

Grabe. Ang shit na ng buhay ko. 

"I love seaweeds. I love my siblings. I love your palace. I love the sea. And I love you, Dad," unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbi-build up ng luha ko kaya dali-dali kong kinalma 'yung sarili ko para pigilan 'yung tuluyang pagtulo nun. "You used to be moody, you know? Like the seawater. Then you stopped being you when I came home brokenhearted," ngumingiti-ngiti pa 'ko sa kanya pero mas lalo lang nanganganib tumulo 'yung mga luha ko kaya hinintuan ko na. "Feeling ko ako 'yung dahilan kaya napapabayaan mo na 'yung sarili mo. Tignan mo nga o, may mga wrinkles ka na," pagbibiro ko pa sa kanya. Ngumiti ako pero luha 'yung lumabas sa mga mata ko. Wow, bad choice. "I'm sorry, Dad." Yumakap ako kay Daddy ng mahigpit at dun na tuluyang naiyak. 

Last time na umiyak ako habang yakap-yakap niya 'ko eh nung nag-open up ako sa kanya tungkol kay Night. Nung time kasing nagbreak sila ni Nina sobrang naging malungkot siya. Palagi siyang walang ganang kumain tapos palaging nasa kwarto. Oo 'pag minsan pumupunta siya kina Kite or kay Dani pero pagdating niya rito ganon pa rin 'yung mukha niya, malungkot. Magkatabi lang kasi 'yung kwarto namin nung kapatid kong 'yun at 'pag minsan naririnig ko rin siyang umiiyak. Syempre kapatid ko 'yun kaya hindi ko napigilang maawa. Gusto kong sisihin nun si Daddy pero kasi in-explain naman ni Night dun sa ex niya 'yung sitwasyon kung bakit nga napagkasunduan nila Daddy at Uncle Zeus 'yung kasal nila dapat ni Dani. 'Yung nereid lang talaga na 'yun 'yung may problema. 

Tapos ngayon, umiiyak ulit ako sa bisig ni Daddy. Nakakatakot, mamaya maging hobby ko na 'to. Pero bahala na. Bahala na bukas. 

"Hindi mo kasalanan. Gusto kitang protektahan. You're my daughter and I'll do everything for you. Nung nalaman ko 'yung ginawa ni Triton sa'yo? Gusto ko siyang bagsakan ng pinakamalaking coral reef o lahat na lang ng coral sa buong dagat pero hindi pwede kasi anak ko rin siya at kailangan kong intindihin 'yung pinagmumulan ng galit niya sa'yo. Sa huli, kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagkaganon," wika ni Daddy. Bakas ang lungkot sa boses niya kaya mas lalo pa akong naiyak.

Hindi naman ganito si Daddy eh. Olympian siya, one of the big three... hindi niya dapat sinisisi 'yung sarili niya sa kahit ano. Naiinis ako kapag ganito siya, kapag malungkot siya. Naiinis ako kapag 'yung mga taong mahal ko malungkot tapos wala akong magawa. Dati, naisip kong umimbento ng vaccine na kokontra sa mga hormones na nagpapaiyak o nagpapalungkot sa'tin. Bakit ba hindi ko 'yun tinuloy? 

"Si Night gusto kong parusahan. Gusto kong gawing electric eel 'yung dila nila para hindi na siya makapagsinungaling sa'yo pero naisip ko ulit, ako rin 'yung dahilan kung bakit niya nagawa 'yun sa'yo. Kaya siguro sarili ko na lang ang paparusahan ko," dali-dali naman akong napakalas sa kanya at tinignan siya ng maigi. Nakatungo siya at lumuluha rin katulad ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero hindi dapat ganito. Ayokong nakikitang ganito si Daddy. Dapat may gawin ako. 

"Dad, stop it. Okay na. Nandito na 'ko and eventually magiging okay rin ang lahat. Babalik din dito si Night," I assured him.

Hindi naman kasi si Daddy 'yung dahilan kung bakit banned si Night dito eh. Ako 'yung nakaisip nun at ni-request ko lang. Hindi dahil sa galit ako sa kanya o kung ano man. Oo naiinis ako sa kanya kasi ginago niya 'ko pero kapatid ko pa rin siya kaya kahit anong mangyari huhupa rin 'yung inis ko sa kanya. Ginawa ko 'yun kasi gusto ko dun muna siya sa dryland at makalimutan si Nina. Para naman pagbalik niya rito hindi na siya malungkot kada-nakikita niya 'yung nereid na 'yun. Gusto ko makahanap siya ng bagong mamahalin dun. Gusto ko maging maayos siya tulad ng dati. Gusto ko maka-move on siya.

"Tapos mare-realize din ni Triton na maling kainggitan niya 'ko. Kasi sa lahat ng mga anak mo siya 'yung pinaka-nagmana sa'yo, 'di ba? Magiging okay rin lahat. Stop being so grumpy, alright?" Wika ko sa kanya sabay pilit ng ngiti. Tumango naman si Daddy at pilit ding sinuklian 'yung ngiti ko. Niyakap ko ulit siya at kinumbinse nga ang sarili kong magiging tama rin lahat-lahat. 

* * * * * * * * *

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Basta ang naaalala ko eh nagiiyakan kami nun ni Daddy. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong nagising ngayong hatinggabi. Siguro namimiss ko si Night? O ang dryland? Ewan. Bakit ko ba binibigyan ng kung ano-anong meaning 'yung pagkakagising ko ngayong hatinggabi? Hindi ba pwedeng nagising lang talaga ako at 'yun na 'yun?

Ilang oras akong nakaupo sa kama ko hanggang sa nakaisip ako ng isang baliw ng ideya. 

Bumaba ako sa pinagtratrabahuan ng mga cyclopes kong mga kapatid at nadatnan silang natutulog (ng naka-shorts lang) sa sahig yakap-yakap 'yung mga ginagawa nilang armas. May nakita rin akong nakaakap sa isang barbie doll pero hinayaan ko na lang. Nagingat ako sa paglalakad kasi syempre ayoko silang magising at mas lalong ayokong magalit sila sa'kin. I-sass mo na ang lasing (uhmmm no thanks kay Lord Dionysus kasi baka gawin pa 'kong dolphin nun gaya nung ginawa niya sa mga dumakip sa kanyang mga pirates lol katuwa nga akala niya game-game lang kunwari pirate din siya 'yun pala hostage na siya hahahaha) 'wag lang ang bagong gising. 

Anyway, mabilis ko namang nahanap 'yung kwadra (taray parang kabayo hehehe) ni Triton. Nakakulong siya sa isang metal na kulungan na may mga metal bars (wow ano pa ba). In fairness, ang ganda nung kulungan niya kasi may sariling CR, lamesa tapos bed. Parang kwarto lang din. Naks, VIP treatment. 

Mas lumapit pa ako run sa mga metal bars at sinilip siya. Nakahiga siya sa kama niya na nasa sulok. Nakapatong 'yung left forearm niya sa mga mata niya. Tinawag ko siya gamit ang pinakamaliit na boses na magagawa ko at ayon mabilis naman siyang napabangon. Sa bagay, hindi ko naman siya ini-expect makatulog ng mahimbing dito sa malamig niyang selda. 

Napalingon agad siya sa'kin at umupo sa kama niya. 

"Lumapit ka sa'kin, gaga ka ba? Paano kita makakausap ng maayos dyan?" Sabi ko sa kanya. Kitang-kita sa mukha niya 'yung pagkainis sa'kin. Tapos na-realize ko ang pangit pala ng pagka-approach ko sa kanya. Anyway, isinindi ko 'yung ilaw sa room na 'to para naman makita ko ng maayos 'yung kapatid ko lalong-lalo na 'yang urat na urat niyang mukha nang dahil sa'kin hihihihi.

No choice si Triton kundi lumapit sa metal bars, sa akin. Nakita ko 'yung mga pasa sa mukha niya sa malapitan. Naalala ko 'yung pambubugbog sa kanya ni Night na dinagdagan pa ni Daddy. Nakita ko rin 'yung kalyado at may sugat-sugat niyang mga kamay. Ibig sabihin pinagtratrabaho rin siya rito kasama 'yung mga cyclopes. Bigla naman akong naawa sa kanya ng unti. 

"Anong kailangan mo?" Iritadong pagkakatanong nito sa'kin. Napansin ko naman 'yung green niyang buntot na puno ng kaliskis. Maganda naman 'yung buntot niya pero ewan ba nasanay na ata akong naka-on 'yung mga paa niya. Napangiwi na lang ako't ibinaling ang atensyon ko sa mukha niya. "Gusto mo bang sabihin sa'kin kung gaano ako katanga kaya ako nandito?" Tanong ulit nito sa'kin.

Taray-taray naman nito. Napakunot ako ng noo, inirapan siya at napailing-iling. 

"Alam mo, hindi ko maintindihan eh. Bakit ba insecure na insecure ka sa'kin eh higit sa aming lahat na mga kapatid mo," napatigil naman ako kasi para siyang nandiri nung sinabi ko 'yung 'mga kapatid mo'. Aba, ang kapal talaga ng kaliskis nitong sardinas na 'to. Dapat nga maging proud siya't kapatid niya 'ko kasi sobrang talino ko. Maging proud din siya kay Night kasi ang pogi-pogi nung kapatid kong 'yun! "Anyway, 'wag kang mainggit kasi sa ating lahat ikaw 'yung pinakanagmana kay Daddy. Tignan mo, may buntot ka tapos may mini trident pa! Palagi mo ring kasa-kasama si Daddy kapag may mga laban ganon ganon ano pa bang dahilan at inggit na inggit ka sa'kin?" Sermon ko sa kanya. Mukha naman siyang bored habang nakatingin sa'kin. 

"Alam mo naman 'yung sagot sa tanong mo 'di ba? Matalino ka nga 'di ba?" Bored na bored na pagkakasabi nito sa'kin. Para pa siyang lasing magsalita. Kaurat 'to.

Pero tama siya. Parang alam ko na nga kung anong pinagmumulan niya. Siguro kasi masyadong protective sa'kin si Daddy kaya hindi na niya napapansin 'yung mga nangyayari sa iba niyang mga anak. O 'di ba mali si Daddy. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng lahat ng 'to. 

"I'm sorry," bigla kong sabi sa kanya. Nabigla siya run pero dali-daling bumalik sa normal niyang bored look. "Sorry kung hindi mo makuha 'yung atensyon na deserve mo nang dahil sa'kin. Sorry kung palagi kitang sinasass. Sorry kung palagi kitang minamaliit. Aaminin ko, you almost got me. You know, when you talked to Goddess Aphrodite," wika ko pa sa kanya. Nakayuko ako.

Hindi naman kasi magiging ganito si Triton kung pumirme lang ako rito't iniwasang kumire-kire sa dryland 'di ba? Kasalanan ko lahat eh. Na-realize ko ring sobrang sama ko na. Alam ko ang weird pero pagkatapos kong malaman 'yung totoo kila Kite napaisip ako. Napasobra na talaga ako kaya ganon na lang sila ka-eager mapaalis ako. 'Yung gagawin na lang nila kahit masaktan ako mapaalis lang nila ako. Pumasok sa isip ko, bakit ba 'ko nagsa-sass ng mga tao? Bakit ko ba sila sinasaktan gamit 'yung words ko? Bakit ko ba sila minamaliit? Kung tutuusin hindi naman ako perfect kaya bakit ako nagi-expect na 'yung mga nasa paligid ko maging perfect din? Sa kauna-unahang pagkakataon, na-kwestyon ko 'yung pinagmamalaki kong talino. Feeling ko kasi ako na 'yung pinaka-shallow na demigod sa buong mundo dahil dun sa mga nagawa ko.

"Many people, many demigods don't like me now... I hate me now," napasabi ako. Unti-unting tumulo 'yung mga luha ko. 

"Stacy..." nasambit ni Triton pero nanatiling nakayuko 'yung ulo ko.

Sumagi sa isip ko 'yung mukha ni Kite nung nagsinungaling ako sa kanyang mahal ko na rin siya. Bakit ko ba ginawa 'yun? Oo, niloko niya 'ko pero karapatdapat bang gantihan ko rin siya? Hindi ba pwedeng komprontahin ko na lang silang lahat? 

Bakit ba ganito ako? 

Naisip ko rin 'yung mukha niya nung sinabi ko sa kanyang hindi totoo 'yung nararamdaman niya para sa'kin. Ang sakit-sakit makita siyang ganon. 'Yung feeling na ayokong umalis kasi hindi ko siya maiwan? 'Yung feeling na gusto ko na ring maniwala na totoo talaga 'yung mahal niya 'ko? 'Yung gusto ko na lang kalimutan na pinana lang siya ni Lord Eros? 'Yung gusto ko lang siyang makasama tapos yakapin? 

"Not all of us hate you, you know? Kite loves you," sabi nito sa'kin.

"And I really want that to be real. I want him to love me for real. Not because of that stupid arrow but because he really loves me. I love him and I hate it because it feels so one sided," pagtatapat ko sa kapatid ko. 'Yung hindi ko maamin sa sarili ko, nagawa ko sa kapatid kong muntik ng pumatay sa'kin. Funny isn't it? 

Idinikit ko 'yung noo ko sa malamig na metal bars habang tuloy-tuloy pa rin ang pagiyak. Hindi ko alam kung bakit ko ba 'to ginagawa. Bibisitahin ko lang sana si Triton at magsosorry sa kanya pero bakit pati 'to ginagawa ko rito? Pero at least 'di ba? Makakabawi na sa'kin si Triton. Matutuwa na siya kasi nasasaktan ako. Makakaganti na siya kasi ang sakit sakit na ng pakiramdam ko. 

Nagulat na lang ako nang biglang idinampi ni Triton 'yung kaliwang kamay niya sa balikat ko. Hindi ito 'yung ini-expect kong magiging reaksyon niya pero hinayaan ko na lang. Simula ngayon, hahayaan ko na lang muna lahat-lahat. Kung ano 'yung mangyayari eh 'di sige. Bahala na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro