Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xviii. one step ahead

xviii. one step ahead

So everybody decided to go out without me. Great. I really, really appreciate the love, guys. 

Anyway, hindi naman pwedeng sila lang 'yung may lakad 'di ba? Syempre meron din ako. Ngayon ko na kasi naisipang tumungo ng Olympus para nga magtanong na kay Lord Eros nung tungkol dun sa... alam niyo na. Lalo pa ngayon at lumalalim na 'yung something sa'min ni Kite. Naguguluhan pa rin kasi ako pero may part ng utak (or heart ew what) na nagsasabing i-enjoy ko na lang 'tas hayaan ko na lang. Pero wala eh, my curiosity killed it. So here I am, riding my winged horse older brother. 

Nung makarating ako sa Olympus eh as usual tahimik pa rin at wala 'yung ibang mga deities. Ganito naman lagi rito eh. Kung saan-saan kasi naglalakwatya 'yung mga gods, mostly sa mortal world or sa mga sacred places nila. 

Dumaan ako sa throne room pero walang deity na nandun. Alam ko kasi si Daddy nasa underwater palace pa niya kasi nga 'di ba si Triton. Ewan ko lang kung nasaan si Uncle Zeus. Anyway, ayaw ko rin naman siyang makita so thank the gods. 

Hindi ko alam kung saan excatly 'yung kwarto ni Lord Eros dito or kung meron man siyang sariling place dito kaya minabuti kong lumibot na lang muna. Nadaanan ko 'yung kwarto ni Goddess Aphrodite at sa harap nun ay nakatayo ang kalaguyo (errr just the truth my lord) niyang si Lord Ares na animo'y nagbabantay sa pinto. 

Ayoko na sanang puntahan at kausapin pa siya kasi nga 'di ba war freak. Alam niyo naman God of War (sighhhhhhs), pero wala naman kasing ka-deity-deity rito sa Olympus at kahit anong tawag ang gawin ko kay Lord Eros hindi pa rin siya nagpapakita sa'kin. So ayon, napagdesisyonan kong magtanong kay Lord Ares since siya naman tatay nung hinahanap ko. 

"Lord Ares," tawag ko sa kanya sabay bow para naman hindi ako masabihing bastos. Mamaya ibala pa 'ko nito sa kanyon 'no. 

Agad naman niya akong sinamaan ng tingin at tinutukan nung spear niya. Anak ng tokneneng naman o. Magsama kayo ni Hercules! Pareho kayong may anger issues! 

Sadly, hindi ko 'yun masasabi kasi nga baka ituhog niya sa'kin 'yung nakaamba niyang spear. Sa halip eh nginitian ko na lang siya't sinubukang kausapin ng mahinahon. Papaka-Goddess Aphrodite muna ako baka sakaling gumana kahit wala pa 'yung ganda ko sa hinliliit niya. 

"I'm just gonna ask," panimula ko atyaka sinamahan ko ng ngiting matamis. Pwe. "Nandito ba si Lord Eros?" Tanong ko sa kanya. Kahit ngawit na ngawit na 'ko sa kakangiti sige pa rin. Kesa naman sa maging instant isaw ako rito 'di ba?

Ibinaba ni Lord Ares 'yung spear niya atyaka ako nginisian. Wait, wala naman siguro siyang binabalak na masama sa'kin 'di ba? Ang creepy kasi nung ngiti niya. 

"Stacy Dane," rinig kong sabi ng isang soooobrang gandang boses sa likuran ko. Pagharap ko eh muntik na 'kong ma-lesbi. Seryoso. 

Nakita ko kasi si Goddess Aphrodite na naglalakad palapit sa'min. 'Yung lakad niya pang supermodel talaga eh. Walang sinabi sina Barbara Palvin 'tas Cara Delevingne. Teka, hindi ko masimulan i-describe 'tong goddess na 'to. Oo nakita ko na siya sa mga paintings ganon pero iba talaga sa personal eh. Alam mo 'yung kahit hindi mo siya type kahit soooooobrang layo ng itsura ng ideal girl mo sa kanya wala kang magagawa kapag nakita mo siya mabubura lahat 'yun kasi bam! Goddess Aphrodite is the exact synonym of perfection, I am telling you. Blonde din siya katulad ng anak niya tapos shit ang perfect niya talaga, kainis. Buti na lang hindi ko na-tyempuhang hubad siya. It's either ma-tibo na talaga ako o maiyak ako dahil sa pagsadsad ng self-esteem ko dahil sa kanya. Ganon kasi si Goddess Aphrodite mahilig maghubad-hubad ganon. Proud kasi siya sa super sexy niyang katawan :3

"I love your locks," sabi niya sa'kin sabay hawak niya sa ilang hibla ng buhok ko. Tinabihan niya si Lord Ares habang nakangiti sa'kin. 

"I love it too, thank you," sagot ko naman sa kanya. Napalunok ako at inayos ang sarili ko. Grabe, ano 'to male-lesbi ako sa kanya? Ultimate girl crush pwede pa pero okay na 'ko sa anak niya, siya na lang hihihi. Anyway, bago pa 'ko tuluyang bumigay eh inulit ko na 'yung tanong ko. "Nandito ba si Lord Eros?"

Nagulat naman ako sa biglaang pagiiba ng expression niya. Maganda pa rin oo pero mukhang mangangain na ng tao. I mean, parang nagalit ata siya? Ano 'to ayaw niyang binibisita anak niya? Strict parents pala sila ni Lord Ares? Naks, bawal pumarty, bawal cig, bawal uminom, bawal lahat???? Anyway, kidding aside, huminga ako ng malalim at nagpaliwanag. 

"Kailangang-kailangan ko lang talaga siyang makausap," dagdag ko. 

Tinignan ako ng nanay ni Lord Eros ng sobrang sama feeling ko nasusunog na 'ko. Habang nakahanda naman na 'yung spear ni Lord Ares at naka-point na ulit sa'kin. Letche, grounded ba si Lord Eros kaya ginaganito ako ng mga magulang niya?

Or...

Tinatago nila 'yung anak nila. Pero bakit? 

"You can't see him," sagot sa'kin ni Goddess Aphrodite. Bumalik na 'yung ngiti niya sa'kin pero hindi na ako na-distract kasi iniisip ko na kung ano bang dahilan at ayaw nilang ipakita sa'kin ang anak nila. 

"Please? I'm madly in love with your son and I think I'm going to burst if I don't confess what I feel for him," madramang wika ko sa kanila. Sinamahan ko pa ng konting luha atyaka ginawa ko talaga 'yung best ko para magmukhang convincing. 

Sinukat ulit ako ng tingin ni Goddess Aphrodite. In fact, kanina pa 'ko ina-analyze nung kabit (sorry my lord just the truth mwah) niya kaya mas dumoble 'yung kaba ko. Paano kung bigla na lang nila akong gawing daga or new creature? Eh 'di nasayang 'yung talino ko? Omgs, so help me gods. 

Ewan ko ba kung bakit 'yun 'yung naisip kong palusot para payagan na nila akong makita 'yung anak nila. Siguro kasi alam kong hindi matitiis ni Goddess Aphrodite ang love kasi nga 'di ba forte niya 'yun. Malay niyo baka lumambot 'yung puso niya sa'kin 'tas payagan na niya 'ko. 

Pero 'yung mga tingin niya... mukhang hindi siya convinced sa'kin. Shit, sabi ko na nga ba dapat in-enroll ko 'yung acting class eh. 

"You used love to fool me? How dare you," mataray niyang pagkakasabi sa'kin habang uma-advance siya palapit sa'kin. "Go home, girl. Before I blast you to pieces."

So ayon, hindi ko man ma-imagine, kumaripas ako ng takbo. Jusko, Goddess Aphrodite tapos samahan mo pa ng God of War, anong magagawa ko run? Kung isa-sass ko silang dalawa baka ma-cremate lang ako ng wala sa oras.  'Yung mga ganong klase kasi ng mga deity, hindi sina-sass. Lalong-lalo na 'yun si Lord Ares? Nako, don't. 'Pag may mga anger issues kaharap mo, be nice. 

Tumakbo ako sa hallway hanggang sa mahagip ng atensyon ko 'yung hindi masyadong naisarang pintuan ng kwarto ni Cy. Taray, may place sa Olympus. Siya na big time. Anyway, kahit hindi ako sigurado kung alam niya kung nasaan 'yung kapatid niya eh pinush ko pa rin ang luck ko't pumasok sa kwarto niya. Nadatnan ko siyang nagmumukmok sa kama pero wala akong pake (since kasalanan naman niya kung bakit nangyayari sa kanya 'yan) at tinanong agad siya tungkol sa pinaka-pakay ko rito sa Olympus. 

"Nakita mo si Lord Eros?" Tanong ko agad sa kanya, pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto niya. 

Nabigla naman siya pero agad din niyang na-regain ang sarili niya't sinagot ako. 

"Hindi. Hindi ko alam kung nasaan siya," sagot niya sa'kin. 

Gods. As expected, wala siyang alam. Siguro nga puro pagmumukmok lang ginagawa nito rito eh. Ako tuloy nasasayangan sa immortality niya. Ang haba-haba ng buhay niya tapos ganito lang? Dito lang siya forever? Kung ganon naman pala eh bakit hindi na lang niya gilitan leeg niya? Kaurat 'to o. 

"Pero kailan mo siya huling nakita rito?" Tanong ko ulit sa kanya. Kung nai-istorbo ko man siya well sorry but not really. Mas importante 'tong problema ko kesa sa pagbi-bitter niya 'no. 

"Kahapon? Ewan, hindi ko naman na siya nakitang umalis ng Olympus. Siguro nandito pa rin siya hanggang ngayon," saad nito. 

Tama nga ang hinala ko. Tinatago nung magkalaguyo ang anak nila. Pero bakit? Alam ba nilang pupunta ako rito't magtatanong? Tapos bakit naman nila 'yun haharangan eh wala namang kinalaman sa kanila 'yung itatanong ko? Ano bang nangyayari rito? Aish! Ayaw na ayaw ko talaga kapag ang dami-dami kong tanon tapos patong-patong pa. 

Mabilis akong nagpasalamat sa kanya't palabas na sana ng pinto nang bigla ulit itong magsalita. Natigilan naman ako dahil alam niyo na, tinamaan ng curiosity. 

"She's not my Mom," biglang sabi ni Cy. Humarap agad ako sa kanya't hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Aphrodite. She's not really my Mom," pagpapatuloy pa nito. 

Woah. Woah. Woah. What an interesting revelation. 

Pasimple naman akong umupo sa tabi ni Cy dahil nga ito, super curious na ako kung ano ba talagang totoo. Kung paanong may powers siya kung hindi naman talaga siya demigod. O kung sinong mga magulang niyang tunay. O kung bakit sa akin niya sinasabi 'to at hindi sa pinsan kong lukaret na si Dani. 'Wag niyang sabihing gagawin niya 'kong messenger dito dahil wala akong balak magpaka-Hermes para sa kanila 'no. 

"If you're not a demigod... then what the Hades are you?" Tanong ko sa kanya. Meron akong mga hypotheses pero syempre gusto ko manggaling sa kanya. Mahirap nang mamali. 

"You know Adonis right?" What the-- of course I know him! I'm a freaking genius for gods' sake! "Goddess Aphrodite turned him into a flower when he died. Now, the goddess made a garden in her room. I mean, there's an extension in her room where she keeps the garden hidden. The garden consists of Adonis flowers. Everyday, she visits and you know she still loves him," natigil si Cy na parang hindi niya alam kung paano niya ie-explain 'yung mga susunod niyang sasabihin. Huminga siya ng malalim atyaka pinilit na ipagpatuloy 'yung kwento niya. Good, kasi nabibitin ako. "I came from that garden. I came from an Adonis flower. Goddess Aphrodite gave me powers and told me to pretend that I'm her demigod so that I can live with her," paliwanag nito. 

Okay...

Kaya naman pala magkamukha sila ni Adonis. Kaya naman pala happy-ng happy sa kanya si Goddess Aphrodite. Haaay...

Gusto kong mabigla pero mehhh. 'Yung mga deities nga kung saan-saan galing kaya normal na lang sa'kin. Si Goddess Athena galing sa ulo ni Uncle Zeus. Si Goddess Aphrodite galing sa sea foam kung saan tinapon 'yung (ahem) genitals ni Kronos nung chinop-chop siya ni Uncle Zeus. Si Lord Hephaestus naman anak mag-isa ni Goddess Hera, as in walang tatay. Sino pa ba? Ang dami-daming gods, demigods and mortals na nagmula lang kung saan-saan so no big deal na para sa'kin 'yung pinagtapat ni Cy. Pero seryoso bakit niya 'to sinasabi sa'kin?

"So basically, your Momma is Adonis?" Sabi ko sa kanya habang pinipigilan 'yung tawa ko. 

Hindi siya sumagot. Sa halip eh tinignan niya lang ako ng parang 'seriously?' look. So ayon, nagseryoso na lang ako. 

"Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?" Tanong ko sa kanya. 

"I don't know. I just want you to know that I really didn't 'shag' my Mom like what you said," sagot nito sa'kin. Oh, true. Sobra pala siyang naapektuhan nung sinabi ko? Grabe ha. 

"You told Dani about this?" Tanong ko ulit sa kanya. 

"Yeah," sabi niya sabay tango pa. "She said it doesn't matter anymore because she's already in love with Neon," ang lungkot niya habang sinasabi 'yun. 'Yun siguro 'yung pinagusapan nila sa party ni Kite dati? Wow, tindi na talaga ng tama ni pinsan kay isang pinsan. 

"Kasalanan mo rin naman kasi. 'Di mo sinabi kaagad so ayan, mukmok forevs ka na lang," wika ko sa kanya. "You're immortal, you know that right? You're god-like. You have forever with you. Spend it wisely, dickhead!" Payo ko sa kanya atyaka na tumayo para ipagpatuloy ang paghahanap ko kay Lord Eros nang biglang naging malinaw sa akin ang lahat. 

Napahinto ako habang ninanamnam ang realization. Ang sarap, sarap, sarap talaga ng pakiramdam kapag naso-solve mo 'yung mga tanong sa utak mo! Feeling ko na-refill ako eh. 

Humarap ulit ako kay Cy at nginitian siya ng sobrang lawak. Hindi dahil sa natutuwa ako sa ikwinento niya sa'kin ha? Siya kasi ang dahilan kung bakit naliwanagan ang utak ko. 

"You said there's a garden in Goddess Aphrodite's room," panimula ko habang ngumingisi-ngisi pa. "You know where exactly it is?" Tanong ko sa kanya. 

"Oo naman," mabilis nitong sagot sa'kin. Nagtuloy-tuloy ang ngiti ko. 

Kaya naman pala bantay sarado ng War God 'yung pintong 'yun. Nandun pala 'yung hinahanap ko. Pero paano nalaman ni Goddess Aphrodite na hahanapin ko ang anak niya? Minomonitor ba niya 'ko? Kelan pa siya nagkaroon ng interes sa'kin? Anyway, hindi na masyadong mahalaga 'yung mga 'yun. Ang mas importante eh matunton ko si Lord Eros para matanong ko na 'yung gusto kong itanong sa kanya. Sa wakas magkakaron na rin ng sagot 'yung tanong ko. 

Ngayon, kailangan ko ng tulong nitong si Cy para maisakatuparan ang plano ko. 

"The Goddess of Love still fancies you?" Tanong ko ulit sa kanya. 

"Yeah?" Patanong niyang sagot. Well, that's enough for me. 

"Okay look, you have to help me," pakiusap ko sa kanya.

"Why would I?" Sabi naman nito sa'kin. 

"If you help me I'll let you date one of our nereids--" Hindi na niya 'ko pinatapos at nagsalita na agad. Gods, kaka-frustrate. 

"Why would I want to date a nereid?!" Pagalit na tanong nito sa'kin.

Oh gods, aarte pa eh siya na nga 'tong hinahanapan ng bagong love life, kaloka. Kung gusto niyang mabulok dito o 'di sige pero kailangan niya muna akong tulungan. 

"Because they are pretty, you stupid!" Sabi ko sa kanya sabay batok pa sa kanya. Hindi ko na siya pinayagan pang makapagreklamo't sinabi agad ang plano ko. "Ako na ang bahala kay Lord Ares -- gods bless me; ikaw naman kay Goddess Aphrodite. Wala akong pakialam kung magpacharming ka sa harapan niya o maghubad ka, basta ilayo mo siya, okay?" I elaborated. 

"I'm sorry Stacy but I can't help you--"

"Please... please help me..." Sincere kong pakiusap sa kanya. Alam kong hindi siya agad papayag pero gagawin ko lahat-lahat para mapa-oo siya.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong malaman 'yung sagot kung bakit biglaan 'yung love sa'kin ni Kite. Basta sinusunod ko lang kung ano 'yung nasa isip ko. Kung ano 'yung alam kong tama. Ewan, siguro at the end of this day wala akong makuhang explanation. Baka totoo 'yung sinabi sa'kin ni Night na love at first sight nga o kung ano man. Baka mali nga ako't hindi talaga napana ni Lord Eros si Kite... na mahal lang talaga niya ako. Pero wala eh, kailangan ko ng sagot, ng explanation. Ganito nga ata talaga siguro kapag buong buhay mo binase mo sa mga libro. Palaging may conclusions, explanations... ewan, bahala na. 

"Alam ko hindi tayo close tapos nasabihin pa kita ng kung ano-ano kaya sorry sa mga 'yun pero please, kailangan ko ng tulong mo ngayon. Please..." Patuloy kong pakiusap sa kanya. 

"You're a strange demigod, Stacy," wika nito. "Fine, I'll help you.

Ngumiti ako agad-agad, niyakap siya at nagpasalamat ng maraming beses. Atyaka na kami lumabas ng room niya at tumungo sa harapan ng pinto ng Goddess of Love. Ayon, nandun pa rin silang dalawa at nagbabantay, sabay loving-loving pa. Tsk, tsk, tsk. Ngayon, paano ko naman mapaghihiwalay 'tong dalawang 'to ng hindi namamatay o nagiging bulaklak o hayop? Well, kaya nga nandito si Cy. Kapag nanloloko ka, kailangan mo ng taong maganda at pogi para mas effective. 

Siniko ko si Cy atyaka na siya naglakad palapit kay Goddess Aphrodite. Samantalang naiwan naman akong nagtatago sa isang poste habang pinapanood sila. Mabilis na kumalas si Goddess Aphrodite kay Lord Ares nang makita niya si Cy. Wow, nice one. Nagpa-charming-charming 'tong si Cy at hindi ko na alam kung ano-ano pang sinabi niya pero mabilis niyang nayaya somewhere 'yung fake nanay niya. Holy Poseidon, ang tindi ni Cy. Ilang sentence lang sumama na kaagad sa kanya 'yung pinakamagandang deity sa Olympus and probably sa buong mundo. Nagpaalam si Goddess Aphrodite kay Lord Ares at ewan pumayag naman agad siya. Ginamitan siguro niya ng charm. 

Nung um-exit na 'yung dalawa eh agad akong lumapit kay Lord Ares. Tinignan ulit niya ng 'ko ng masama pero meh I kept it cool. Naglakad ako sa harapan niya't nginitian siya. 

"So Lord Ares," panimula ko sa kanya. "The gods are now fighting over this certain topic--"

"Fighting?" Ulit nito.

"Yes," sabi ko sabay tango pa. "It started between my dad, Poseidon and Uncle Zeus."

"What is it?!" Bitin na bitin at iritado niyong pagkakatanong sa'kin. Pinigilan kong mapangisi para hindi mahalatang nagsisinungaling ako.

"Who's more powerful, Dani or Stacy?" Saad ko.

Napatigil ito sandali at nagisip. Para magtuloy-tuloy eh mas ginatungan ko pa 'yung pagsisinungaling ko. Haaay... kapag fight fight na talaga eh 'no?

Damn it Stace, you're a freaking genius. 

"You wanna stay here or do you wanna witness the other gods take sides? You know, another Trojan War," pagkasabing-pagkasabi ko nung salitang 'war' eh kumaripas na ng takbo si Lord Ares. Wow, sooner than I thought? 

So ayon, wala ng nagbabantay sa pinto ng kwarto. Nag-alis ako ng isang hair pin sa buhok ko at sinimulan ko na ang paga-unlock dun sa pinto. Wala eh, sumasabay kasi sa uso 'tong mga deities kaya pareho na rin doorknob nila sa'tin. 

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang 'click' senyales na nabuksan na ang pinto. Dali-dali akong pumasok sa loob at hindi ko na sinuri 'yung buong kwarto basta hinanap ko na lang 'yung pulang kurtinang sinabi ni Cy. Tulad ng kwento ni Cy, parang normal na pader lang pagkabukas mo 'nun pero pagka-tap mo ng tatlong beses eh biglang nawala 'yung harang at tumambad ang Adonis garden. Yellow, red, yellow, red -- 'yun ang pagkakasunod ng mga hilera ng bulaklak sa garden. Sa pinakahuling hilera ay nakita kong nakaupo si Lord Eros sa isang upuan. Tumakbo ako kaagad sa kanya. 

"Stacy," sambit nito nang makita ako. 

"I know I'm not supposed to be here but I really, really need you to answer this," sabi ko kaagad at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Mamaya ko na siya kakamustahin o kung ano man. Kailangan ko na ng sagot. "Pinana mo ba si Kite kaya siya na-in love sa'kin?" Tanong ko rito.

"Stacy, I'm so sorr--

"Oo o hindi?" Pagputol ko sa sentence niya. 

Hindi mapakali 'yung mga mata niya. Pabalik-balik sa'kin atyaka sa ground. Hinawakan niya 'ko sa magkabila kong braso. Sinubukan niyang magsalita pero hindi niya naituloy. Para bang nagaalangan pa rin siya kung sasagot ba siya o hindi. O kung magsasabi ba siya ng totoo o hindi. 

"Oo," sagot nito sa'kin. "Ginawa ko 'yun kasi inutusan ako ni Mommy," tuloy pa nito. 

Wow. 

So ito na 'yung sagot sa tanong ko. 

Tama 'yung hinala ko. Pinana lang si Kite. Hindi natural 'yung love niya. Hindi totoo. Hindi ko alam kung bakit naninikip 'yung dibdib ko't nate-temp akong umiyak. Naisip ko naman na dati 'di ba? Pero bakit parang ang sakit? Bakit parang paulit-ulit na pinipiga ng sobrang higpit 'yung puso ko? Bakit parang gusto kong bawiin ni Lord Eros 'yung sinabi niya? Bakit parang gusto kong sabihin niyang natural 'yung nararamdaman ni Kite? Bakit ganon? Bakit?

He doesn't really love me. All of it, was because of that freaking arrow. Wow. Ibig sabihin, kung hindi 'yung ginawa ni Lord Eros parang wala lang ako kay Kite ngayon. Bakit ang sakit? Akala ko ba like to the tenth power pa lang ako? Bakit ganito na 'yung epekto sa'kin nung katotohanan? 

"Tell me all of it... please," pakiusap ko sa kanya. Aware ako na tumulo na 'yung mga luha ko pero hindi ko 'yun pinunasan. Ewan, baka kasi mas lalo lang akong maiyak. Hindi ko alam. Wala akong gustong gawin ngayon kundi tumayo. Makinig sa lahat ng sasabihin ni Lord Eros. 

"Night has a plan. He asked Kite to make you fall in love with him and break your heart. Your brother believes that it will make you wanna go home and never go back ever again," tumigil sa pagkwekwento si Lord Eros para pahidin 'yung mga luha ko. Pero mas lalo lang silang tumulo. "Triton found out. He doesn't want you to return. He hates you very, very much. So he came to my mother and asked for help. I don't know how he did it or what he gave to her but my mom," napalunok ito. Nahalata kong ayaw na niyang ituloy 'yung kwento pero hinintay ko pa rin siya. Hinintay ko siya hanggang sa nagkaroon na ulit siya ng lakas ng loob para magpatuloy. "My mom commanded me to hit Kite and you with my arrows to make you fall in love with each other, so that you'll never wanna leave. That day when you first saw me at school, that was the day I did it. But when I saw you, I don't know... I kinda lost it. I can't hit you."

"That arrow you gave to me on my birthday," panimula ko. "That was meant to me, right?" Tanong ko sa kanya. 

Tumango ito. "I'm sorry," ang tanging nasabi nito sa'kin.

Ang hindi ko matanggap eh 'yung si Night. Kapatid ko siya eh. Akala ko susuportahan niya 'ko sa lahat-lahat ng gagawin ko. Kasi ako ginawa ko 'yun. Oo marami akong side comments pero hinayaan ko naman siya. Pero bakit nung ako na ang kontrabida niya? Ayos 'yung plano niya ah. Wala siyang pakialam kung masaktan ako basta mapabalik niya lang ako sa ilalim ng dagat 'no? Wow. Grabe. Tapos pumayag pa si Kite dun sa plano niya. Kaya pala tuwang-tuwa sila nung in-announce ni Kite na nililigawan na niya 'ko. Tuwang-tuwa sila kasi may progress na 'yung plano nila. 

Tapos si Triton... wow. Sobrang WOW. Ang talino rin pala niya 'no? 'Yung akala kong wala siyang back up plan? Tama ako but damn that sardine was one step ahead of me. Gods damn it. Sukdulan talaga 'yung galit niya sa'kin 'no? 

So ano 'to? 'Yung dalawang kapatid ko parehong may plano laban sa'kin. Grabe. 'Yung kapatid kong mahal na mahal ko atyaka 'yung isang galit na galit sa'kin. Grabe, ang galing nilang dalawa.

"Your heart is yours, Stacy. I can't take that away from you," saad pa ni Lord Eros.

"Night, Kite, Dani, Neon, Cherish, Irene, Hector, Herod..." Napatigil ako sa pagbibilang sa mga daliri ko. "Who else knew about this?" Tanong ko sa kanya pero napayuko lang siya. "Eris?" Tanong ko pa.

"Eris knew but she doesn't want me to tell you. I was supposed to tell you everything but she said it'll shatter your ego," paliwanag nito. Tumango-tango ako. At least, inisip ni Eris 'yung ego ko. Fine, no harm done. 

"Alam ba ni Daddy?" Huling tanong ko.

"No. He's too focused in you," sagot nito. 

Right. Buti na lang. Kasi kapag nalaman kong alam din ni Daddy ewan ko na lang. Baka magpakamatay na lang ako ganon. Pero shit, lahat-lahat sila alam 'yun. Lahat-lahat sila nakabantay sa'kin na para bang nasa maze ako. 'Yung tipong kapag malapit na 'ko sa dulo bigla nilang iibahin 'yung ruta o 'di kaya maglalagay sila ng kung ano-ano para maudlot 'yun? 

Ganon na ba 'ko kasama para lahat sila gawin 'to sa'kin? Nasobrahan na ba talaga ako sa pagsa-sass kaya lahat sila galit na sa'kin? Bakit parang sobra-sobra naman ata 'to? Bakit parang doble, triple pa 'yung sakit kesa run sa mga sinabi ko sa kanila? Bakit ganon? 

Ang dami-dami ko ng naipong 'bakit' pero wala namang sagot. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. 

Lumapit si Lord Eros sa'kin at niyakap ako. Hinagod-hagod niya 'yung likod ko't nagsalita ng kung ano-ano para gumaan 'yung pakiramdam ko. Pero wala akong ibang naiisip ngayon kundi 'yung dagat. Wala akong gustong kalagyan ngayon kundi sa ilalim ng dagat. Gusto ko ng umuwi. Gustong-gusto ko ng umuwi. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro