xvii. like^100
xvii. like^100
"So Triton tried to kill me because he's jealous?" Natatawa kong pagkakasabi. Lahat naman sila nakatingin sa'kin at hinihintay ang magiging reaksyon ko. "Oh come on, tell me something I don't already know," dagdag ko pa sabay pakita nung signature smile ko (na ayon kay Dani eh sobrang nakakabwisit muntik na niya akong bangasan).
Noon pa naming magkakapatid (except dun sa mga 'freaky' siblings namin, you know 'yung mga monster-like) issue 'yan 'no, para namang hindi pa nasanay si Triton na forever na siyang third best sa'min ni Night (syempre ako 'yung first duh). Pero seryoso na, pantay naman talaga 'yung pagtingin sa'min ni Daddy, kahit isama mo pa 'yung mga kapatid pa naming hindi mukhang tao. Nagkataon lang na mas protective sa'kin si Daddy kasi nga 'di ba nagka-trauma-trauma ako nung nagago ako ni Allen (a.k.a Uncle Zeus, errr). Sinusustentuhan naman ni Daddy 'yung wish ni Triton na maging hero tapos palagi pang bago 'yung trumpet niya tapos ang shiny pa nung buntot niya (merman siya sa dagat oki), o ano pang problema niya?! Ano pang ipinagpupuputok ng hasang niya?! Kaurat 'yon.
Ako nga dapat mainggit sa kanya kasi may sarili siyang trident (pero mini trident lang) eh. Tapos lahat pa ng lamang dagat kabarkada niya. Palagi rin siyang kasama ni Daddy kapag may mga laban laban ganon. Haaay...
'Di kaya sumisirena 'yung kapatid kong 'yun at gusto niyang parang prinsesa rin trato sa kanya ni Daddy?
"Binubully mo kasi siya palagi. Ayan tuloy nag-fire back lahat sa'yo 'yung mga ginawa mo sa kanya," komento naman ni Night na nakaupo sa armrest ng upuan ko. Simula nung pinagtangkaan talaga ako nung isa naming kapatid palagi nang nadikit sa'kin 'to si Night eh. 'Di na nga halos umuuwi 'to sa ilalim ng dagat. Pero buti na rin 'yun para maka-move on na siya't baka makahanap pa ng susunod na mamahalin (ewwww) dito sa dryland.
"Excuse me," sabi ko sa kanya sabay taas ng kaliwang kilay. "Sino bang nakakulong ngayon at bantay sarado ng mga brother cyclopes natin? Ako ba? Syempre ako pa rin 'yung nakalamang sa kanya. Bukod sa epic fail 'yung plano niyang murder at prisoner na siya ngayon, galit pa sa kanya si Daddy," saad ko 'tas sinamahan ko pa ng smug smile.
Nagiba naman lahat 'yung expressions nila. From naaawa to naiinis. Wait, ano na naman bang nasabi ko? Anyway, hindi ko naman kailangan ng awa nila. Naka-survive naman akong mag-isa (well may konting tulong ni Daddy), so all of them can go burn in tartarus for all I care -- joke masyadong harsh.
"Sayang talaga. Kung naghanap lang ng back up si Triton unang-una siguro akong magprepresenta at for free pa," komento naman ni Dani. Nginitian ko siya ng peke atyaka inirapan.
Kompleto na naman kasi 'yung barkada nila. Ewan, curious siguro sila sa kung anong nangyari sa'kin. Sina Cherish, Irene, Hector and Herod naman sobrang sarap ng tulog (lalong-lalo na si Herod jusko) kaya hindi narinig kung gaano ako kagaling kagabi kaya kwinento na lang ni Night at Kite sa kanilang lahat. Sina Dani at Neon naman nangangamusta at nagtatanong kung may maitutulong sila (lol as if namang meron). Wait, geez... bumabalik na naman 'yung pagiging sass queen ko pero mehhhh kelan ba nawala. Kahit ilang beses siguro akong pagtangkaan hinding-hindi mawawala 'tong ugali kong 'to. Siguro baka nga bago pa 'ko mamatay ma-sass ko pa 'yung murderer ko.
Napansin ko namang kanina pa nakatitig sa'kin si Kite na parang nakikipag-communicate sa'kin gamit 'yung mata niya. Like excuse me, I don't speak 'eyes'???? So ayon, parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero hinayaan ko na lang siya. Sabihin na lang niya mamaya kapag bumalik na 'yung dila niya sa bunganga niya.
'Yung tungkol naman dun sa pagcomfort niya sa'kin kagabi... na-appreciate ko naman pero siguro hindi muna ako maglalalapit sa kanya. Mahirap na baka ma-Allen (or Uncle Zeus or whatever) na naman ako. You know, 'yung pinaasa 'tas biglang iiwan sa ere. Atyaka marami pa akong pino-problema. Iniisip ko pa kung itutuloy ko pa ba 'yung paghahanap sa taong pwede kong i-present kay Daddy or hahayaan ko na lang dumating 'yung end of the month. Iniisip ko rin kung anong isasagot ko kay Daddy 'pag tinanong na niya ako ang everything.
Speaking of Daddy, hindi pa niya ako kinakausap. Weird? Muntik na akong mamatay 'tas hindi man lang siya nagpakita sa'kin. Well, siguro busy siya sa pagdisiplina run sa malansa niyang anak na obvious na obvious nang kailangan ng makaliskisan.
Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna akong Olympus dahil nga may itatanong pa 'ko kay Lord Eros. Muntik na akong hindi pinayagan ni Night at muntik pa kaming magaway pero syempre ni-bring up ko 'yung pagi-incest namin so voila! Pumayag na rin siya.
"Stacy wait!" Sigaw naman sa'kin ni Kite pagbaba ko ng tree house niya. Tatawagin ko na sana 'yung winged horse kong kapatid pero ito nga. "'Wag ka munang pumunta ng Olympus," sabi niya sa'kin nung nasa harapan ko na siya.
"Anong sabi ni Night? Pinadala ka niya 'no? Pakisabi sa kanya kaya ko na sarili ko kasi walang back up plan 'yung Triton na 'yun like duh noob siya," paliwanag ko sa kanya.
"Ang dami mo namang sinabi gusto lang naman kitang makasama," mahinang pagkakasabi nito pero syempre narinig ko pa rin. Kaurat 'to, hininaan pa ang pagkakasabi eh maririnig ko lang din naman.
Pero shit.
Ang sarap batukan ng puso ko (sana kasi pwede kong gawin 'yun 'di ba alam niyo 'yun 'yung parang alarm clock 'tas may pipindutin ka or hahampasin mo na lang para mag-snooze or tumigil 'yung pagriring).
Bakit ba kasi ang sarap tusukin nung magkabilang dimples niya????????
Bakit kasi kahit parang palaging dinaanan ng ipo-ipo 'yung buhok niya ang pogi niya pa rin????????
Bakit ba kasi attracted ako sa kanya????????
"Gusto mo maging body guard ko ganon?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Gusto kong maging boyfriend mo," agad naman nitong sagot sa'kin. Para naman siyang nag-ice bucket challenge at napahinto nung na-realize niya 'yung sinabi niya sa'kin.
Baliw.
Gusto ko siyang sampalin para matigil na 'tong mga ginagawa niya sa'kin eh. Ano ba 'to asdfghjkl. Nakakainis.
"Walang sweldo 'yun," sabi ko sa kanya. Ewan, makikipaglokohan na lang ako sa kanya para hindi halatang kinikilig ako. Ew ayan na kinikilig na ako nasabi ko na sa sarili ko shit 'di na tama 'to.
"Okay lang at least akin ka lang," wika naman nito sabay hawak sa kamay ko at hila sa'kin. Hala kaurat 'to anong ginagawa niya???????
"Uy, siniswerte ka, hindi pa 'ko pumapayag!" Sigaw ko sa kanya sabay hila nung kamay ko pabalik.
"Sa alin? Na sumama sa'kin o na maging girlfriend ko?" Loko-lokong pagkakatanong naman nito. Ngiting-ngiti siya sa'kin tapos feeling ko kunti na lang mangingiti na rin ako buti na lang napigilan ko agad kasi baka mamaya tuksuhin na naman ako nito.
"Both!" Bulalas ko rito.
Umayos siya ng harap sa'kin at nag-cross arms. In-analyze niya ako na para bang may mali sa'kin ('yung klase ng tingin na ipinupukol ko kapag hindi ko agad nakuha 'yung sagot sa isang mahabang equation 'yung mga ganon ba). Tinignan ko naman siya ng masama habang kinakalma 'yung sarili ko at hinahanap 'yung snooze button ng puso ko.
"Sandali lang naman eh. Kung hindi mo nagustuhan 'yung pupuntahan natin, pwede ka ng umalis," pakiusap nito sa'kin.
Sa huli eh pumayag na lang din ako. Sabi niya kasi pwede akong umalis kung ayaw ko run sa pupuntahan namin. Sigurado naman akong hindi ko magugustuhan 'yun so sige na lang. Naisahan niya lang ako nung ibinunyag niyang maglalakad kami kasi 'di ba mas mahaba 'yung time na magkakasama kami, mas mahaba ring panahon 'yung pagriring ng puso ko! Gusto ko sanang magprotesta pero hinila naman na niya 'ko kaagad 'tas hinigpitan niya na 'yung pagkakahawak sa'kin.
Habang naglalakad kami eh bumalik na naman 'yung pagkamadaldal niya't ayon nagkwekwento na naman ng kung ano-ano. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin-tingin na lang sa paligid. Paano ba naman kasi, 'yung kwento niya tungkol sa bromance nila ni Night. Kung paano raw sila nagkakilala 'tas kung paano sila naging magkaibigan atyaka 'yung mga adventures kuno nila. Jusko, ano namang paki ko kung lagi-lagi silang nagdi-date. Kaurat 'to.
"Alam mo, nung first date namin ni Lord Eros? Nilipad niya 'ko rito sa buong town," pagbibida ko sa kanya. Ewan ko gusto ko lang siyang patahimikin sa pagdadaldal niya't baka sakaling i-reflect niya sa sarili niya kung ano bang mga ginagawa niya.
"Sorry ha? Wala kasi akong mga pakpak atyaka ayoko namang sirain 'yang buhok mo kung ililipad kita gamit 'yung ipo-ipo," bwelta naman nito sa'kin atyaka na nagpatuloy sa paglalakad hila-hila ako. Inirapan ko na lang siya.
Pagkatapos ng ilang minutong pagdadaldal ni Kite eh nakarating na rin kami run sa pupuntahan. At alam niyo ba kung saan niya ako dinala? Sa isang makulay na children's park. 'Yung may mga slide-slide ganon ba? Sa tindi ng inis ko eh hindi na ako nakapagpigil at nabatukan ko siya.
"Anong gagawin ko rito?!" Pagcocomplain ko sa kanya.
"Subukan mo muna kasi. Hirap sa'yo puro ka reklamo eh," wika naman nito sa'kin.
Dahil sa pagod kong naglakad umupo na lang ako sa swing at nagpahinga run. Laking gulat ko naman nung bigla 'yung i-swing ni Kite ng pagkalakas-lakas. Napamura tuloy ako ng wala sa oras. Tawang-tawa pa nga siya eh. Pasalamat talaga siya't biniyayaan siya ng dimples dahil kung hindi matagal ko ng minaso 'yung magkabilang pisngi niya.
Nakuha naman siya sa sigaw ko't nagtransfer sa monkey bars. Nagstay ako sa swing at ini-enjoy 'yung hangin.
"Stacy!" Tawag niya sa'kin. Nakabitin siya run sa monkey bars tapos nakangiti pa. Baliw. "Paunahan tayo," sabi niya atyaka siya bumitaw at sumandal dun sa isang poste nung equipment. "Kapag nauna kang nakabalik rito sa side na 'to hindi na ako magsasalita kapag nandyan ka."
"Paano 'pag ikaw 'yung nauna?" Tanong ko sa kanya.
"Eh 'di magkwekwento pa rin ako," sagot niya.
Hmmm...
Mananalo naman siguro ako run 'di ba? I mean, madali lang naman lumambitin sa monkey bars. Hindi naman mabigat 'yung katawan ko kaya mabilis din siguro akong makakabalik sa initial side. Plus, ang bagal ni Kite atyaka baka ma-distract pa siya sa'kin so...
"Game," sabi ko sabay tayo.
Bumilang siya ng tatlo atyaka kami sabay na bumitin. Tama nga ako't madaling gumalaw-galaw run sa monkey bars. Syempre walang rule na hindi pwedeng magskip ng bars so 'yun ang ginawa ko para mas mabilis akong matapos. Nung nasa gitna na 'ko eh si Kite parang nagpapabagal pa't pinapanood ako. Aba, mayabang. Baka ma-hare and the turtle ka, koya. So ayun, nung pabalik na 'ko eh nasa gitna pa siya. Nahinto naman ako sa gitna, sa harap ni Kite kasi nakasara siya sa dadaanan ko. Sinubukan kong lumipat sa left side pero hinarangan ulit niya ako. As in naghahanap ako ng butas para makadaan pero palagi niyang sinasarahan. Magcocomplain na sana ako sa kanya nang bigla niya akong halikan sa lips.
!!!!!!!!!!!!!!!!!
Sinadya niya!!!!!!!!!!!!
Agad naman akong napabitaw dahil sa gulat. Sinundan naman niya ko't kinindatan.
"Pano ba 'yan, talo ka," sabi niya sa'kin.
"Eh pano kasi madaya ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Sino kayang nauna sa'tin 'no? Ikaw nga dyan nagi-skip ka ng bars para mapadali ka eh," saad nito.
"Wala naman sa rules na bawal 'yun ah!" Bwelta ko sa kanya.
"Wala rin sa rules na bawal kang halikan. In fact, wala tayong na-set na rules," nakangisi pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yun.
Nainis ako kaya iniwan ko na lang siya. Umakyat ako run sa may slide-slide at inisip kung susubukan ko ba.
Actually, hindi ko pa naranasan lahat 'to. Kasi nga 'di ba laking ilalim ng dagat ako so ayon ang mga kalaro ko dolphins kasi nga mahilig sila sa bola.
"Gusto mong pumunta sa zoo?" Biglang tanong naman sa'kin ni Kite na nasa likuran ko na pala.
"Ayoko, baka maawa ako run sa mga kapatid ko't palayain ko pa sila," tugon ko rito. Natawa naman siya sa'kin.
"Sorry pala kanina. Ang cute cute mo kasi lumambitin," natatawang pagkakasabi nito. Inirapan ko na lang siya.
Bigla namang tumunog 'yung phone ni Kite. Sinagot niya 'yun at biglang nagiba 'yung expression ng mukha niya. Nung natapos na 'yung phone conversation nila (kung sino man 'yung kausap niya) eh bumalik ang atensyon nito sa'kin. Hinintay ko siyang sabihin sa'kin kung ano 'yun at hindi naman ako nabigo.
"Si Cloe nagaaya ng party," saad nito.
"Nice, balik na tayo," mabilis kong pagkakasabi at bumaba na ng hagdan.
"Hindi ko na siya gusto," sinabi nito sa'kin ng malakas. Napahinto naman ako run sa second to the last step at lumingon sa kanya.
"So?"
Seryoso, wala namang kaso sa'kin kung maging sila nung first love niya or something. Kasi 'di ba hindi naman kami atyaka fine attracted ako sa kanya pero wala pa ako sa 'territorial phase'. Atyaka sino ba naman ako para angkinin siya? Kung saan siya masaya eh 'di dun siya. Atyaka sabi niya rin dati gusto niya ako, bahala siya kung ipagpapatuloy niya or ibabalik na lang niya sa iba.
Pero seryoso na talaga...
Feeling ko palapit na 'ko sa territorial phase. Parang nung nalaman kong si Cloe 'yung tumawag biglang parang gusto ko siyang i-sass 'tas ipahiya ganon. Heh. Ewan ko. Baka dati ko lang talaga 'tong ugali?
Tinuloy ko na 'yung pagbaba ko sa hagdan.
"I like you to the one hundredth power," rinig kong sabi ni Kite sa'kin. Nanlaki naman 'yung mga mata ko good thing eh nakatalikod ako sa kanya.
Lumingon ako sa kanya. "May pinapa-solve ka ba sa'kin?" Tanong ko sa kanya.
"I'm serious," sabi naman nito.
"Ano bang ibig sabihin nun?" Tanong ko ulit kasi hindi ko talaga alam. Magaling ako sa numbers pero 'yung sinabi niya? Sigurado akong walang kinalaman sa Math.
"Like to the one hundredth power is equivalent to love," page-explain nito sa'kin habang bumababa siya ng hagdan.
"Okay... sinong prof mo sa Math?" Inis kong pagkakatanong sa kanya. Malay ko ba baka kung ano-anong ka-shit-an nang tinuturo sa kanila? Jusko, kausapin ko nga si Dani para masabi niya sa Lolo niyang Principal na higpitan ang screening ng mga teachers na tinatanggap niya sa school.
"Sinabi ko 'yun para hindi na maging masyadong awkward. Naalala ko kasi 'yung sinabi ko sa'yo sa beach atyaka 'yung reaksyon mo nun," dagdag pa nito.
"Fine," sabi ko sa kanya. "I like you to the tenth power."
Nagulat naman ako nung lumawak 'yung ngiti niya. Baliw, less than 50% pa nga 'yun nung 100 niya eh. Problema nito? Baka sabihin niya pinapaasa ko siya ha. Anyway, gusto ko naman talaga siya pero hindi ganon katindi na tulad sa kanya. 'Yun nga to the tenth lang.
"So may pag-asa tayo?" Tanong pa nito sa'kin.
"Hindi ko maintindihan 'yang tanong mo. Halika na nga, libre mo na lang ako ng pizza," sabi ko sa kanya sabay kuha sa kamay niya. This time, ako naman nanghila sa kanya.
Tapos 'yun, hanggang sa pag-uwi magkahawak kami ng kamay. Weird? 'Di na. Sanayan na lang talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro