Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xvi. tried

note - things are going to be a bit crazyyyyy /laughs/ four more chapters + epilogue 

p.s. ipagtatanggol ko lang si night hahaha ; uhmmm just remember the main reason kung bakit siya nagkaron ng ganong plan para kay stacy 'yun lang hihihi

__________________________________

xvi. tried 

Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero sobrang hindi na ako makahinga. Sinusubukan kong alisin 'yung kamay niya sa leeg ko pero masyado siyang malakas para sa'kin. Punong-puno ng galit 'yung mga mata niyang kulay berde habang nakatingin sa'kin. 

Alam kong galit siya sa'kin, okay? Pero hindi ko inaasahang aabot sa ganito 'yung pagkasuklam niya. Hindi ko ini-expect na makakaya niya akong ganituhin... patayin. 

Hindi ko alam kung paano ko nagagawang makapagisip pa rin habang pinapatay na niya 'ko pero kung hindi ako magiisip ng paraan para hindi niya maituloy 'tong pagpatay sa'kin siguradong mawawalan ng isang great mind ang earth kaya holy father I have to do something!

Nag-summon ako ng tubig pero hindi ako masyadong maka-focus dahil nasa bingit na nga ako ng kamatayan. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko kaya mas lalong nadri-drain 'yung energy ko. Kahit ganon, sinubukan ko pa rin. Hindi ako pwedeng mamatay ng dahil lang sa kanya 'no!

"You're finally going to die," tuwang-tuwang bulong nito sa'kin atyaka pa ito bahagyang natawa. 

This is it. 

Binigay ko na lahat-lahat ng natitirang lakas ko para maka-summon ng tubig. SInabayan ko na rin ng dasal sa Daddy ko kaya sana naman hindi niya naisipang matulog ngayon. Ramdam ko na ang panghihina at ilang segundo na lang siguro ay tutumba na 'ko. Napipikit na 'yung mga mata ko at halos wala na talagang pumapasok na oxygen sa'kin... hanggang sa tuluyan na akong mapapikit.

Inisip kong nandyan na 'yung tubig at inutusan iyong mag-anyong parang dagger at itinira 'yun sa left shoulder niya kung saan 'yun din ang nakasal sa'kin. 

"ARGHHHHH!" Rinig kong sigaw ng kapatid ko hanggang sa mapabitaw na siya sa pagkakahawak sa leeg ko. 

Holy shit, thank you Dad. 

Binawi ko lahat-lahat ng oxygen na nawala sa'kin at sunod-sunod na huminga ng malalim. Binuksan ko ang mga mata ko't nakita si Triton na nakahawak sa likod ng shoulder niya kung saan ko siya tinamaan nung water dagger. Namimilipit ito sa sakit at hindi alam kung anong susunod ng gagawin. 

"Not today, you sardine! Not today!" Bulalas ko sa kanya bilang sagot dun sa sinabi niya sa'kin kaninang mamamatay na 'ko ngayon. 

Bigla namang bumukas 'yung pinto ng kwarto ko't iniluwa sina Night at Kite. Nung makita ni Night si Triton ay agad niya itong sinuntok sa mukha sanhi para magdugo ang gilid ng labi nito. Agad naman akong pinuntahan ni Kite at niyakap ng mahigpit. Pinanood namin kung paano gulpihin ni Night si Triton na ngayon ay parang hirap na hirap nang tumayo. Nung siguradong mahinang-mahina na si Triton para makatakas eh tinigilan muna siya ng kapatid ko't pinuntahan ako. 

"You okay?" Tanong nito sa'kin. Tinanguan ko naman siya. "What did he do to you?" Follow up question naman nito. 

"Seriously, Night?" Sabi ko sa kanya. "You threw punches at him without knowing what he did to me? I mean, look at him! His shoulder is bleeding, don't you think he's the real victim here?" Wika ko pa sa kanya. Hindi naman sa ginagago ko siya, sinass ko lang siya para mapagtakpang nanginginig ako. Para hindi na siya mag-alala sa'kin at isipin niyang wala masyadong naging epekto 'yung ginawa nung sardinas naming half brother sa'kin. 

"Stace, stop sassing me," warning nito sa'kin with his most serious tone. 

"Okay fine, he tried to kill me," sagot ko sa kanya. 

Naisip ko pa lang na muntik na 'kong mamatay mas lalo lang lumala 'yung panginginig ko. Tinago ko na lang sa ilalim ng kumot 'yung mga kamay ko para hindi makita ni Night. Pero seryoso, akala ko talaga katapusan ko na kanina. Akala ko talaga wala na akong lakas para makapag-summon at makapag-command pa ng tubig sa kalagayang 'yun. 

Napatingin ako sa gawi ni Triton na hindi malaman kung anong hahawakang parte ng katawan niya dahil tunay ngang bugbog sarado siya sa kapatid ko. Napadausdos siya sa may sahig at gumagawa ng mga sound na nagpapatunay na nasaktan siya. 

"I'm gonna take him home. I'll call Dad and make sure he's never gonna get close to you ever again," wika ni Night habang pinapahid 'yung luha sa cheeks ko na hindi ko namalayang kumawala na pala. Shit, nakakahiya baka sabihin nila ang weakling ko na. "You sure you're okay?" Tumango na lang ako. Baka kasi 'pag nagsalita pa 'ko tuluyan pa akong maiyak. 

Niyakap ako ni Night pagkatapos ay hinalikan ang noo ko. Nagpaalam na siya sa'min at ibinilin si Kite na bantayan ako. Ini-akbay ni Night si Kite sa kanya at inalalayang lumabas ng kwarto and eventually sa bahay na rin. 

Medyo gumaan naman 'yung pakiramdam ko nung mailayo na ni Night si Triton pero hindi pa rin matapos-tapos 'yung panginginig ng mga kamay ko. Kung pwede nga lang ilublob sa mainit na tubig 'to ginawa ko na eh. Ayoko ng ganito. Ayokong nagmumukhang weakling. 

Nagulat na lang ako ng biglang ilabas ni Kite 'yung mga kamay ko't hawakan 'yun. Sinubukan kong bawiin sa kanya pero hindi niya ako hinayaan. Nandun lang siya, sa harapan ko, hawak-hawak 'yung kamay ko tapos nakatingin sa'kin na para bang binabasa niya kung anong tumatakbo sa isip ko (gusto ko sanang sabihin sa kanyang hindi niya maiintindihan kasi puro equations pero parang nawalan ata ako ng lakas manggago ngayon). 

"'Pag ikaw kinalat mong nanginginig ako patay ka talaga sa'kin. 'Yung sinapit ni Triton--" napatigil ako saglit sa pangalan niya dahil naalala ko na naman 'yung muntik na sanang nangyari sa'kin kanina. Kinalma ko ang sarili ko't nagpatuloy sa pagsasalita. "'Yung sinapit ni Triton sa'kin kanina, mararamdaman mo rin 'yun.

Nginitian niya lang ako. Tinignan ko 'yung kamay ko at napansin kong parang unti-unti nang natatanggal 'yung panginginig nun. Para bang may ginagawang something si Kite sa kamay ko para ma-relax 'yun? Ewan. Basta ang comfortable ng kamay ko sa kamay niya. Para bang meant to be na nandun dapat 'yung mga kamay ko? 

"Pano mo ginagawa 'yan?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kamay niyang nakahawak sa'kin. 

"Ang ano?

"'Yan," sagot ko naman. 

"Wala akong ginagawa. Teka, ayaw mo ba?" Concern na concern na pagkakatanong nito sa'kin sabay bitaw sa mga kamay ko. Para naman akong nawalan ulit ng oxygen at hinablot 'yung kamay niya. 

"H-Hindi... okay lang," sagot ko habang nakatingin na sa ibang direksyon.

Nanatili lang kaming ganun ng ilan pang minuto. Naghiwalay lang kami nung nagpaalam siya para kuhanan ako ng tubig (although kayang-kaya ko namang gawin 'yun like duh daughter of Poseidon). Bumalik siya at ibinigay 'yung tubig sa'kin.

Napansin kong ang lungkot-lungkot ng mukha niya kahit magkasama naman kami. Wait, hindi niya na ba 'ko gusto or something? Bakit hindi na bright 'yung aura niya? Usually kasi para siyang naglu-glow kapag kasama niya 'ko, 'yung tipo bang nakakasilaw na dahil sa tuwa niya? Pero ngayon, parang may malalim siyang iniisip na nagpapalungkot sa kanya. 

"Nalulungkot ka ba kasi hindi natuloy ni Triton 'yung tangka niyang pagpatay sa'kin?" Tanong ko sa kanya. 

Napailing-iling naman ito at nangiti ng unti. "I'm proud of you, Stacy. Hindi ka nagpanic o sumigaw tapos 'yung sigaw pang narinig namin mula rito eh galing dun sa kapatid mo. Nagawa mong ipagtanggol 'yung sarili mo kahit wala kami," saad nito. Hindi ko alam kung niliko niya 'yung usapan o talagang gusto niya lang akong puriin. Nevertheless, nakaka-proud naman talaga ako. Pati nga rin ako proud sa sarili ko eh. "Water dagger? Nagagawa mo rin pala 'yun?" Amazed na amazed naman niyang pagkakasabi. 

"First time ko nga lang ginawa 'yun ngayon eh. Ewan, hindi ko alam na gagana pala kasi nga 'di ba hindi naman solid 'yung tubig pero siguro tinulungan din ako ni Daddy," paliwanag ko sa kanya.  

Panandalian kaming natahimik dalawa. hanggang sa naisipan na ni Kite na patulugin ako't lumabas na. Sabi niya sa labas lang daw siya ng kwarto ko para magbantay kasi baka may inihandang back up plan si Triton (muntik na akong matawa kasi hindi naman marunong magplano 'yung kapatid kong 'yun duh). 

Sinubukan kong matulog pero hindi ko na mabalik 'yung antok ko kanina bago ako atakihin ni Triton. Maguumaga na rin kaya siguro hindi na talaga ako makatulog. Atyaka... ang weird sa pakiramdam pero hindi ko feel na safe ako ngayong wala na sa tabi ko si Kite. Kaya nagdesisyon akong lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko naman eh nakita ko sa gilid ng pinto ko si Kite na nakasandal sa wall at nakapikit. Dahan-dahan akong tumabi sa kanya, isinandal 'yung ulo ko sa kanya atyaka ni-share sa kanya 'yung kumot na baon ko. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya, nagulat siguro? Ewan, nagulat din ako eh. 

Anong nangyayari sa'kin? Nasakal lang ako ni Triton naggaganto na 'ko? May magic ba 'yung pagsakal na 'yun? 

"I love you, Stacy," rinig kong sabi ni Kite atyaka niya hinalikan 'yung ulo ko at ipinatong na rin 'yung ulo niya sa'kin. Hindi ko sure kung narinig ko 'yung salitang 'sorry' pagkatapos nun pero hindi ko na lang pinansin. 'Yung nauna niya kasing sinabi 'yung mas tumatak sa'kin. Ito nga o, nagsasasayaw na ulit 'yung puso ko. Weird pero sa kauna-unahang pagkakataon, in-enjoy ko na lang. Pasalamat na lang ako't tulog mantika lahat ng tao sa bahay na 'to at hindi nakikita pinaggagagawa ko. 

Ipinikit ko na ang mga mata ko kasi alam kong katabi ko na si Kite. Alam kong safe na 'ko. Ewan ko kung anong magagawa nung powers niyang hangin-hangin pero may tiwala ako sa kanya. May tiwala na ako sa kanya.

* * * * * * * * *

; m e a n w h i l e ;

Nung nakatulog na si Stacy ay pinagpasyahan ni Kite na dalhin na siya sa kwarto niya. Masaya man siya sa naging posisyon nila ni Stacy kanina, ayaw niya namang dumanas ng stiff neck 'yun. Gusto niya ring maging komportable siya sa pagtulog dahil sa dinanas niya kagabi. 

Nakaramdam man ng unting insecurity si Kite dahil sa powers ni Stacy ay tunay ngang proud siya sa dalaga. Parang nagalala lang siya na baka hindi niya maprotektahan 'yun at sa halip ay si Stacy pa ang maging protector nilang dalawa. Gustong-gustong protektahan ni Kite si Stacy. Hindi lang para magpadagdag ng pogi points kundi dahil mahal niya ngang tunay 'yun.

Hindi rin makalimutan ni Kite ang naging paguusap nila Night. Ngayong sigurado na siyang ayaw sa kanya ng kuya ng babaeng mahal niya, mas lalo siyang napanghinaan ng loob. Hindi niya rin alam kung gusto niya pang ituloy ang plano ngayon pa't gumaganda na ang samahan nila ni Stacy. Ang dami-daming gumugulo sa isip niya ngayon at muntik pa siyang makonsensya dahil hindi man lang sumagi sa isip niyang magalit kay Triton na muntik nang pumatay kay Stacy. 

"I don't wanna hurt you but I think it's the only way to keep you safe," sabi ni Kite kay Stacy habang binabantayan niya itong natutulog.

Naalala ni Kite 'yung unang sitwasyong naglagay kay Stacy sa panganib. Nung sumugod siya sa lungga nung sphinx para sagipin ang kapatid niya. Inis na inis si Kite nun kasi wala siyang magawa para matulungan si Stacy and at the same time hangang-hanga siya sa tapang at galing nito. Naisip niya ring kung nasa ilalim ba ng dagat si Stacy kasama ang Daddy niya, mangyayari kaya itong mga 'to sa kanya? Unti-unti tuloy naintindihan ni Kite 'yung pinaghuhugutan ni Night kaya gusto na niyang mapabalik sa dagat ang kapatid niya. Gusto niya lang maging ligtas ito at mas maiging mabantayan ng Daddy niya.

Napabuntong hininga si Kite habang iniisip ang mga 'yun. Habang tumatagal siya sa pagiisip nung mga 'yun eh mas lalo lang siyang nawawalan ng pag-asang magiging sila ni Stacy. Isama mo pa 'yung fact na baka hindi siya magustuhan nito. 

"Is she okay?" Bigla namang tanong ni Night na nasa harapan na ni Kite at nakatingin din kay Stacy. Hindi niya siguro napansin ang pagpasok nito sa kwarto dahil sa pagiging preoccupied niya.

Agad namang tumayo si Kite. "Yeah. She's stronger than we think," sagot naman nito. Humarap ito kay Night at nagtanong. "Anong nangyari kay Triton?"

"Kini-kwestyon na siya ni Daddy. Galit na galit nga eh, mas lalo pang dinagdagan 'yung mga pasang binigay ko sa kanya," sagot naman nito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang contentment dahil tingin niya ay naibawi na niya ang kapatid. 

Tumango-tango si Kit atyaka nagsalita muli. "Night, naintindihan ko na kung bakit gusto mo ng maiuwi ang kapatid mo," panimula nito. "Sa tingin ko dapat lang talagang bumalik na siya sa inyo." Napakunot naman ng noo si Night. "Alam ko na 'yung gagawin ko para run sa plano."

Tumango si Night at tinapik ang kaibigan sa balikat. "Basta 'yung suntok na manggagaling sa'kin pagkatapos mong saktan 'yung kapatid ko alalahanin mong scripted," biro nito sa kanya sabay ngiti. Pinilit na lamang ni Kite na suklian ang ngiti ng kaibigan at bumalik na ulit sa pagbabantay kay Stacy. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro