xiv. birthday
xiv. birthday
Sooooooobrang ganda na sana ng gising ko. Kaso nga tinamaan ng lintek at nagkaron pa ng 'sana' sa pinakaunang sentence ko. Kung hindi ko lang sana nalamang si Allen (uhmmm I don't know kung ex or whatever) at si Uncle Zeus pala ay iisa.
Paano ko nalaman? Well, binisita lang naman niya ako. As in pagkamulat na pagkamulat ko nakita ko agad 'yung mukha niya. Nung una nagulat ako atyaka nasigawan ko pa siya kung bakit siya nandito. I mean, pwede namang mamaya na lang. Bakit kailangang agad-agad?!
"Happy birthday, Stacy!" Masiglang-masigla niyang pagkakasabi sa'kin tapos naka-spread pa 'yung arms niya na parang naghihintay na i-hug ko siya. Naka-white suit siya atyaka blue na panloob, white pants at leather black shoes. So ano 'to sasayaw siya? Prom niya ganon? O baka waiter?
"Thanks, now leave," sabi ko sa kanya. Syempre sinubukan kong sabihin with soft voice, 'yung tipo bang hindi nakaka-offend? Ayoko namang mamatay akong naka-pajama 'di ba?
Papikit-pikit pa 'yung mata ko kaya hindi ako sure kung nalungkot nga talaga 'yung expression niya. Naupo siya sa gilid na part ng kama ko. Inayos ko naman 'yung pagkakaupo ko para maayos-ayos naman akong tignan 'di ba?
"But Stacy, you see I have something to tell you," nakatingin siya sa'kin. Hindi ko ma-gets kung nalulungkot ba siya o nangingiti. Siguro nga inaantok pa talaga ako. "Do you remember Allen?" Tanong niya sa'kin atyaka pa niya pinipigilang mangiti.
Napakunot naman ako ng noo. "Please don't tell me you woke me up just to talk about my love life because--"
Hindi ko na natapos 'yung sinasabi ko. Hindi dahil sa nagsalita si Uncle Zeus. Hindi dahil sa may dumating. Hindi dahil sa namatay ako bigla o kung ano.
Nasa harapan ko si Allen. 'Yung lalakeng unang-unang nagsabi sa'king gusto niya ako. 'Yung unang nagcompliment sa'kin ng todo-todo. Andun pa rin 'yung ingat na ingat na pagkakasuklay ng buhok niya. 'Yung brown eyes niya tapos 'yung ngiti niya... holy father.
Nakaupo siya sa mismong inupuan kanina ni Uncle Zeus... oh my gods...
"You're him..." Hindi ko makapaniwalang pagkakasabi kay Allen... or Uncle Zeus... whatever!
Gustong-gusto ko na talaga sampalin-sampalin 'yung nasa harapan ko kung sino man siya pero nandun pa rin 'yung takot ko na baka bigla na lang akong matusta ng lightning ni Uncle Zeus pero asdfghjkl nakakainis! Nakakainis kasi hindi ko na-realize na iisa lang silang dalawa! Nakakainis din kasi hindi ko ma-figure out kung bakit nagawa ng Sky God sa'kin 'to. I mean, seriously?! Para niyang pinaglaruan ang buong existence ko!
"I'm sorry," sabi niya lang sa'kin pero si Allen pa rin siya.
Hindi ba pwedeng magtransform na siya at bumalik na ulit sa pagiging Lord Zeus para hindi na 'ko nagpipigil sampalin 'yung mukha niya? Mahirap na eh baka mamaya hindi ko na nakontrol sarili ko't mapigtas pa 'yung ulo niya sa lakas ng sampal ko. Nanggigigil talaga ako, my gods!
So ano 'to nagkagusto ako sa sarili kong Uncle? My gods! Wala akong balak mag-incest bakit ba nila 'to ginagawa sa'kin?????????
"You're a god. You don't apologize," pagpapaalala ko sa kanya.
I mean, si Lord Eros (ayan may Lord na okay) maiintindihan ko pa, pero siya? God of the Sky? King of the Gods? Oh no, please give me a break.
Alam ko palaging bored ang mga deities sa Olympus kaya kung ano-ano na lang ginagawa nila, para nga silang batang umakto 'pag minsan pero ito?! Paano ko iintindihin 'to eh siya ang dahilan kung bakit nagka-phobia-phobia akong umahon!
"Oh, I'm not sorry that I did it," sabi naman niya sa'kin sabay ngisi. Napanganga naman ako sa sinabi niya. "I'm sorry that you thought I could be your boyfriend. I just wanted you to go back to your father," atyaka na siya bumalik sa totoo niyang appearance at ngumiti. Tumayo na siya atyaka inayos 'yung suit niya. "Enjoy my gift slash compensation," ngumisi siya atyaka na nawala sa paningin ko.
Tatayo na sana ako pero naramdaman kong may mabigat sa lap ko. Nung tinignan ko 'yun ay well... breakfast in bed.
Itinabi ko 'yun atyaka sumilip sa may bintana dahil parang may narinig akong kabayo or something. Pagkatingin ko sa labas ay na-in love ako. Seryoso. Nakatayo kasi sa ibaba ay isang puting-puting kabayo na may puting-puti ring mga pakpak. Omgs, para siyang kumikinang, mga friend! Nanatili ako rung nakatingin at humahanga sa ganda ng Pegasus na 'yun. Great, namumuro ka na sa incest, Stacy. Sabi ko sa utak ko. Kapatid ko kasi 'tong Pegasus nito. Siya kasi 'yung bunga ng pagchuchurvahan nila Daddy at Medusa. Nung napugutan si Medusa ng ulo ni Perseus, ayon lumabas si baby boy... or horse... whatever.
Anyway, hindi naman 'to sa akin na talaga. Taga-Olympus kasi 'yung Pegasus. Siguro sabi ni Uncle Zeus, "Hindi mo na kailangang maki-ride kay Dani, ayan na kapatid mo. Enjoy your reunion!" Nevertheless, mas okay naman 'to kasi ang ganda-ganda niyang kabayo... I mean winged horse. Atyaka kapatid ko naman lahat ng kabayo sa mundo, ano pa bang kagulat-gulat?
Bigla namang bumukas 'yung kwarto ko at pumasok si Kite na may dala-dala ring breakfast. Nung una niya 'kong nakita talagang nakangiti pa siya pero nung makita niya na 'yung nasa kama ko, bumagsak 'yung expression niya. Muntik naman akong matawa pero hinayaan ko na lang. Naalala ko kasi 'yung revelation ni Uncle Zeus sa'kin. Katabang, jusko.
Matapos kong malamang si Allen pala ay Uncle ko, I mean iisa sila ng Uncle Zeus ko, convinced na convinced na talaga akong ayoko na sa kanya. Naiinis pa rin ako, oo. Pero ano pa bang magagawa ko? Magalit kay Uncle at ano? Mamatay dahil sa lightning bolt niya? No thanks.
"Sinong--"
"Uncle Zeus happened," inunahan ko na siya dahil alam ko naman na kung saan siya tutungo.
Napabuntong hininga siya at napatingin na lang sa dala-dala niya. Hay, pinaglaruan din siguro 'to ni Uncle. Alam niya sigurong gumagawa ng breakfast in bed 'to kaya 'yun din ginawa niya.
Napailing na lang ako sa naisip ko at lumapit sa kanya. Kinuha 'yung tubig sa dala-dala niya at ininom 'yun. Napatingin naman siya sa'kin, confused.
"Paano 'yung—"
"Mehhh, io-offer ko na lang din sa kanya," sagot ko sa kanya kahit hindi pa niya natatapos 'yung tanong niya.
Itinabi ko 'yung ibinigay sa'kin ni Uncle Zeus atyaka umupo ulit sa bed ko. Tinapik ko 'yung lap ko senyales na ilapag ni Kite 'yung dala-dala niya run. Ginawa naman niya 'yun atyaka ko na nilantakan 'yung inihanda niya. Ilang minuto siyang nakatayo sa gilid ko atyaka na niya napagdesisyonang magsalita. Heh, anong hinintay niya?
"Stacy," tawag niya sa'kin. Saglit naman akong nahinto sa pagkain at tinignan siya. Hindi na 'ko nagtanong kasi ngumunguya pa 'ko at hinintay na lang 'yung sasabihin niya. Mukha siyang kinakabahan na natatae o kung ano man. "Birthday mo 'di ba?" Tanong nito sa'kin.
Pinunasan ko muna 'yung bibig ko at sumagot. "Yep!" Ngumiti ako sa kanya at kumain na ulit.
Birthday ko ngayon… so what? Ito rin ‘yung araw na namatay ang Mommy ko. Para sa’min talagang mga demigods na may godly father, hindi masyadong sini-celebrate ang mga birthday. Hindi kasi namin ma-gets kung dapat ba kaming maging masaya kasi pinanganak kami sa mundong ‘to na angat sa ibang tao (you know powers and everything) o malulungkot kasi nawalan kami ng nanay bago pa man namin siya makita. So ayon, hinahayaan na lang namin kung birthday man namin.
Naalala ko dati palaging tinatanong ni Daddy sa’kin kung gusto ko bang maghanda or celebrate kaya ayon natatarayan ko kada-birthday ko kasi parang ang insensitive niya kasi nga ‘di ba namatay si Mommy, ‘yung naging girlfriend niya. O ‘di ba?
“I’m planning to give you a party—”
Unang tingin ko pa lang sa kanya natigil na agad siya sa sinasabi niya. Tinignan ko kasi siya ng masama kaya napakambyo siya bigla. Ano ‘to, si Daddy nga taon-taon akong kinukulit hindi ko pinayagan tapos siya hahayaan ko lang? Wow, reasons please.
Napalunok ito. “Look, it’s just a small party—”
“Naiintindihan mo ba sinasabi mo? Itong araw ring ‘to namatay si Mommy. Ganon din nangyari sa’yo ‘di ba?” Pagrarason ko sa kanya. Inilapag ko na ‘yung pagkain atyaka inirapan siya.
Lumapit siya’t umupo sa tabi ko. Sinusubukan niyang hawakan ‘yung kamay ko pero nag-cross arms na lang ako para hindi niya magawa. Heh, dradramahan na naman ako nito. Dadaanin na naman niya ‘ko sa magagandang salita tulad nung ginawa niya nung nagconfess siya sa’kin. Well, dun lang ‘yun gumagana pero rito sa sinasabi niya sa’kin ngayon – no, nevah!
“Sige, tutal ikaw naman may birthday,” Kalmado niyang pagkakasabi. Napabuntong hininga naman ako at tinignan na siya. “Happy birthday Stacy,” bati nito sa’kin.
Lalapit na sana siya para… ewan? Kiss? Whatever, pero hindi ko siya hinayaan at tinulak siya pabalik sa pagkakaupo. This time, ako naman ang um-advance sa kanya’t hinalikan siya sa right cheek. I don’t know… I feel like it’s just the right thing to do. Sa dinami-dami na ng ginawa niya para sa’kin siguro deserve niya rin naman ‘yung isang ‘yun ‘di ba? Tyaka kahit na hindi ko siya pwedeng i-present sa Daddy ko (ahuh blame Night, alam ko namang pipigilan niya si Kite dahil mag-bff sila), kaibigan ko pa rin naman siya ‘di ba? Ng unti?
Ilang minutong natameme si Kite sa’kin. As in parang nakakita siya ng unicorn sa sobrang pagkamangha. ‘Yung una kong nakita si Pegasus sa labas? Ganon na ganon siya makatingin sa’kin. Omgs, nagiging kamukha ko na ata ‘yung isa kong kapatid na ‘yun.
“Earth to Kite? Hello?” Tawag ko sa kanya para mabalik siya sa reality. Malay ko ba kung ano nang ini-imagine niya.
“Oh,” nasambit nito matapos magising sa pagdi-daydream niya. “Uhmmm…” pabalik-balik sa sahig atyaka sa akin ‘yung tingin niya. Napatayo siya pero hindi ko naman ma-gets (and I’m sure hindi niya rin ma-gets ang sarili niya) kung anong gagawin niya. Kung maglalakad ba palabas o gugulong-gulong sa sahig. “Do you want me to go outside?” Tanong nito sa’kin.
“No it’s fine, you’re not annoying me yet,” sabi ko sa kanya atyaka ako uminom ng tubig. Nangiti naman siya agad atyaka bumalik ulit sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko.
“So, you wanna go somewhere?” Tanong nito sa’kin. Nah, I get it. It’s awkward you gotta have a new topic.
Tumango-tango ako. “Pupuntahan ko si Mommy,” sagot ko sa kanya.
It’s her 18th death anniversary so I have to be with her. Atyaka wala naman akong alam na gawin sa araw na ‘to kundi ang bisitahin siya. Kada-birthday ko lang ako nakakaahon para bisitahin si Mommy. Usually kasama ko si Daddy pero ito na ata ‘yung first time na hindi ko siya makakasama sa pagbisita sa kanya. It’s kinda sad but I have to keep going.
“Can I drive you there?” Tanong ulit nito sa’kin. Tumango na lang ako as a sign of approval. “I’m just gonna prepare the car,” paalam nito sa’kin atyaka na tumayo’t lumabas ng kwarto.
Hindi ko talaga alam kung anong nangyari kay Kite. I mean, wala lang naman siyang paki sa’kin nung unang dating ko rito. Atyaka aaminin ko, mas comfortable siya nung hindi pa siya, you know, in love or something sa’kin. Dadaldalin niya ‘ko ‘pag magkasama kami atyaka panay ‘yung ngiti niya ganon. Ngayon kasi parang mas naging conscious siya kapag kasama niya ‘ko. Parang nag-iingat ba? Kaya feeling ko tuloy nahihirapan siya sa’kin. But whatever, problema niya ‘yun. Naiiisip ko tuloy, paano ‘pag nagustuhan ko na rin siya? Eh ‘di pareho na kaming magiging awkward sa isa’t isa?
Gods, why am I even thinking about it?
* * * * * * * * *
So ayon, hinatid ako ni Kite sa cemetery kung saan nakalibing si Mommy. Gusto niya nga sanang sumama pero sinabi ko umuwi na siya. Natandaan ko naman na ‘yung daan pabalik so hindi na niya ako kailangang hintayin.
After so many twists and turns, nahanap ko na rin ‘yung puntod ng Mommy ko. Nilinis ko ‘yung lapida niya kasi may mga dried leaves and unnecessary weeds. Nilapag ko ‘yung bouquet na dala ko’t ipinagsindi siya ng kandila. Cita Dane…
“I remember her laugh when I told her I’m the Sea God,” agad akong napatayo’t napalingon sa likuran ko. Doon, nakita ko si Daddy na nakatayo’t nakatingin sa puntod ng Mommy ko. Hawak niya ‘yung giant tinidor niya atyaka naka-blue shorts siya. You know, ‘yung mga sinusuot ng mga pumupunta sa beach. Wala siyang pantaas kaya saglit akong napakunot ng noo pero meh, palagi naman siyang ganyan kapag dumadalaw kami kay Mommy. ‘Yan daw kasi ‘yung suot niya nung una silang nagkita ni Mommy.
Grabe, ano kayang nakita ni Mommy sa kanya? Mukha siyang walking cloud dahil sa muscles niya. Napatingin ako ulit kay Mommy at napangiwi. Wow My, grabe. Ew.
Bumalik ako sa pagkakaupo at binantayan ‘yung kandilang sinindihan ko.
“Yeah. I bet she regretted putting up with you. She was like, ‘Oh dear, why did I even put up with a lunatic?!’. Tsk, tsk, tsk… poor Mom," pagpaparinig ko sa Daddy ko sabay irap. Pero seryoso, kung ako siguro si Mommy baka hiniwalayan ko na ‘to. I mean, I’m not saying that he’s a bad catch (even though sometimes he really is). Mabait naman si Daddy, pogi, maalaga, thoughtful, paranoid, boring, close-minded—oh wait, I ran out of ‘good’ things to say about him!
Mehhhh… sarcasm.
Pero seryoso na talaga, kung hindi tinuloy ni Mommy ‘yung relasyon nila ni Daddy? Wala sana ako pero nandito pa rin sana si Mommy sa earth, tahimik na nabubuhay at masaya. Anyway…
“It’s your eighteenth birthday today,” sabi sa’kin ni Daddy. Nakatayo na siya sa gilid ko’t nakatingin sa’kin pero hinayaan ko lang siya. “You should have fun with your ‘friends’—oh right, you don’t have one,” tinignan ko kaagad ng masama si Daddy. Natawa naman siya sa’kin. Oh my gods, ang bully ni Daddy! Kung kaklase ko siguro siya, ako ‘yung nerd tapos siya ‘yung popular kid slash stupidest, shallowest kid you’ll ever met. “My point is,” panimula nito sabay upo sa tabi ko. “Bumalik ka na sa’min. Bumalik ka na sa ilalim ng dagat,” paliwanag nito.
Inirapan ko ulit siya’t umiling-iling. “Never gonna happen, Dad,” lumingon ako sa kanya. “We have a deal. I still have a week,” paalala ko sa kanya.
Alam kong mino-monitor niya ang bawat galaw ko kaya nakakasigurado na siya ngayon na wala akong maprepresent sa kanyang tao or demigod. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang umalis na siya ‘tas gawin kung anong mga dapat gawin niya as a god at ‘wag niya muna akong intindihin. Gods aren’t supposed to get along with humans. That’s why they’re gods. They’re higher than us. Kahit sabihin mong parent mo sila, still, hindi pa rin tama. I feel like I ruined my Dad.
“Go home Dad. I mean, in the sea… without me,” sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
Natahimik kami saglit ni Daddy. Pareho lang kaming nakatingin kay Mommy, sa pangalan niya.
Tumayo na si Daddy at pinagpagan ‘yung shorts niya. “Bago ko pala makalimutan,” tumingin ako saglit sa kanya at inabangan ‘yung sasabihin niya. “Mag-ingat ka run kay Kite,” sabi niya sa’kin. Overprotective father mode: on? Hindi ko na lang siya pinansin. “And Stacy,” tawag niya ulit sa’kin. “What you did when you saved Night? I’m proud of you.”
Ngumisi ako at lumingon sa kanya. Syempre signature smile pa rin. “Of course you are,” pagmamalaki ko sa kanya atyaka na siya nawala.
Naiwan pa ako ng ilang saglit kasama si Mommy atyaka ko na sinabi lahat-lahat ng gusto kong sabihin at ikwento sa kanya.
* * * * * * * * *
Hapon na ako nakauwi kasi napasarap ako ng pagkwekwento kay Mommy. Isang buong taon ko kayang inipon ‘yung mga sinabi ko sa kanya atyaka malay ko ba baka next birthday ko na ulit ako makadalaw sa kanya.
Patawid pa lang ako ng kalsada para makauwi na ng bahay nila Kite eh natanaw ko na si Goddess Eris na nakasandal sa puno kung saan nakalagay ‘yung bahay nila Kite. May hinahagis at salo siyang kumikinang sa ilalim ng araw na parang gold. Tumawid na ako’t nilapitan siya. Ngumisi siya sa’kin at iniabot ‘yung golden apple.
“Happy birthday Stacy,” bati nito sa’kin. Kinuha ko ‘yung apple at sinuri ‘yun. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ‘yung harap nun.
τῇ καλλίστῃ - nakaukit sa golden apple. Ti kallisti… meaning, “to the fairest”. Oh my gods… ibig sabihin… ibig sabihin…
“Got it from Hermes,” pagmamalaki sa’kin ni Eris. “Ang kalat siguro ni Aphrodite sa kwarto niya kaya hayan,” pagpapatuloy pa nito. Oh my gods.
Of course, Paris gave the golden apple of discord to Goddess Aphrodite, indication that he chose her bribe. Isa sa mga lalake ni Goddess Aphrodite si Lord Hermes. Lord Hermes is the God of the Thieves so yeah, I get it.
So meaning… ito ‘yung original golden apple na pinagulong ni Eris para makita ng tatlong goddess na nagaway para rito… and I’m holding it! OH MY GODS! I’M HOLDING THE GOLDEN APPLE OF DISCORD! THE ORIGINAL GOLDEN APPLE OF DISCORD!!!!!!!!!!!!!
Okay, I don’t care about the “to the fairest” shit but the fact that I’m holding something so important, something that made a history, the root of the Trojan War… gods!!!!!!!!!!!
“Oh my gods, thank you!” Sabi k okay Eris bago ko pa makalimutan. Nginisian niya lang ako atyaka nawala na.
Sa sobrang saya kong nakatingin sa regalo ni Eris sa’kin hindi ko napansing nakatayo na pala sa harapan ko si Lord Eros. Napansin ko lang siya nung nabunggo ko siya. Agad akong nagsorry sa kanya at ni-try ang best kong mag-seryoso pero ang hirap lalo na kung hawak mo ‘yung original golden apple of discord? Damn, I feel soooooo high! Omgs, I’m sorry Mommy pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.
Natawa sa’kin si Lord Eros. “So it’s your birthday,” sabi nito sa’kin. Nginitian ko naman siya agad. “Happy birthday violet-head,” bati nito sa’kin sabay abot ng isa sa mga arrows niya.
Two godly things at the same day, yay!
“Bakit mo ‘to binibigay sa’kin?” Tanong ko sa kanya. Ngiting-ngiti pa rin ako.
“Birthday mo ‘di ba? Wala akong maisip na ibang pwedeng ibigay kaya ito na lang,” sagot nito sa tanong ko. “Ayaw mo ba?”
“No! I mean, I like it very, very much,” excited na excited kong pagkakasabi. Nginitian niya ako, nagpaalam at nawala na.
Grabe… parang malapit na akong maniwalang exceptional talaga ang mga 18th birthday. Medyo masaya kasi ‘yung akin eh hihihi.
So ayon, tumaas na ako sa tree house at agad na pumasok. Excited na sana akong pumunta sa kwarto ko para suriin pa ng mas matagal ‘yung mga nakuha kong regalo nang tumambad sa harapan ko ang buong barkada. Nakaupo silang lahat sa mga sofa at naguusap habang kumakain. Nung napansin nilang dumating na ako binati nila ako ng happy birthday. Napansin ko namang may isang babaeng nasa gitna nila Kite at Night. Medyo wavy ‘yung buhok niya na abot hanggang shoulders. Chinita siya ‘tas ang ganda ng kulay ng balat niya, parang morena ba? Ang ganda nga niya eh, pang-beauty queen kaso medyo maliit. Tapos may hawak siyang bote ng wine. Taray, hindi lang baso, bote talaga.
Tumayo si Kite para ipakilala ‘yung babae. Tumayo rin ‘yung babae, ngumiti at iniabot ‘yung kamay niya para makipag-shake hands sa’kin.
“You’re Cloe,” hula ko. Um-oo naman siya sa’kin. Binati niya ako atyaka na sila umupo ulit ni Kite.
Panay ‘yung tingin sa’kin ni Kite na para bang mukha siyang nagaalala pero tinanguan ko lang siya. Kinakausap siya nung Cloe. Hinayaan ko na lang sila kasi mukhang nagka-catch up pa sila sa isa’t isa. Siguro parte rin siya ng barkada so iniwan ko na lang sila’t dumiretso na sa kwarto ko.
Nung nasa kwarto na ako eh agad kong tinignan ‘yung binigay sa’kin nung mga deities. Mangiyak-ngiyak nga ako sa tuwa eh. Kulang na lang ilagay ko sila sa isang glass box. Alam niyo ‘yun ‘yung mga pinaglalagyan ng geology artifacts such as bones and stones. Hihihihi, ang gaganda talaga!
Saglit akong natigil sa paghanga run sa mga regalo ng may kumatok sa pinto ko. Dali-dali kong tinakpan ng kumot ‘yung dalawa atyaka binuksan ang pinto. Tumambad naman sa’kin si Neon. Dali-dali ko siyang pinapasok sa kwarto ko’t pinaupo siya.
“Sinabi sa’kin ni Daddy ‘yung inalok niya sa’yo,” wika nito sa’kin. “Gusto ko lang sanang magpasalamat kasi hindi mo ginawa. Kahit ang ganda na ng offer ni Daddy sa’yo tinanggihan mo pa rin.”
Wow? Nagalit kaya siya sa ginawa ng Daddy niya? Ano kayang naging reaksyon niya? Atyaka bakit naman siya nagpapasalamat? Sa tingin niya ba kaya kong paghiwalayin sila ni Dani?
“Ah okay, you’re welcome?” Patanong kong pagkakasabi sa kanya.
Ngumiti ito sa’kin. “Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa’kin. Kung may gusto kang makausap mula sa kabilang buhay sabihin mo lang sa’kin,” saad nito.
Unang pumasok sa isip ko si Mommy. Gusto ko na sana ngayon kaso nasabi ko naman na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya kanina nung pumunta ako sa cemetery para bisitahin siya. Atyaka hindi pa ako ready sa mga isasagot niya sa’kin. Paano kapag pinagalitan niya ako sa pagiging sassy ko? Ewan, parang natatakot akong makausap siya. Hindi dahil sa kaluluwa na siya ha, kundi dahil baka mas lalo ko lang siyang mamiss. Baka mamaya tumira na ‘ko kina Neon kasi ayoko ng mawalay sa Mommy ko. Baka mamaya sobrang ma-attach na ‘ko’t madistorbo ko pa ‘tong isa kong pinsan.
“Sige, I’ll let you know. Salamat,” wika ko sa kanya.
Lumabas na siya pagkatapos nung paguusap namin.Hindi ko pa nasasara ‘yung pinto nung makalabas siya eh agad na ‘yung tinulak ni Kite na mukhang iritang-irita sa’kin. Nagulat ako nung mapalakas ‘yung pagkakasara niya sa pinto. Seryosong-seryoso siya kaya naguluhan ako. Parang kanina lang ang ganda-ganda pa ng paguusap nila nung Cloe kanina tapos ngayon mukhang gusto na niya akong sabunot-sabunutan sa sobrang inis.
“Ano bang problema mo?!” Sigaw niya sa’kin.
“Wow?” Hindi makapaniwala kong sabi sa kanya. “Namali ka ata ng na-memorize na script? Sa akin ata dapat ‘yung first line mo?”
Hindi niya pinansin ‘yung sinabi ko. “Hindi mo man lang ba ako hihilain dun?! Hindi ka man lang ba magagalit sa’kin kasi nakikipagusap ako sa dati kong nagustuhan?! Hindi ka man lang ba magseselos?!” Sunod-sunod niyang tanong sa’kin.
Napakunot ako ng noo at tinignan siya ng parang ‘nababaliw-ka-na-ba’ look. Kasi seryoso, hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan niya sa mga sinasabi niya sa’kin. Bakit ko naman siya hihilain dun eh nandito na siya? Bakit ko naman siya pagagalitan eh hindi naman ako ang nanay niya? At bakit naman ako magseselos eh kakasabi niya lang dati na ako na ‘yung mahal niya? Gago ba siya? Ano ‘to, pinagseselos niya lang ako at nung feeling niya nasasayang na ‘yung effort niya nagtata-tantrum siya sa’kin ngayon? Wow.
“Ano bang sinasabi mo—”
“Bakit ba parang wala kang pakialam?!” Sigaw pa nito sa’kin.
Holy father. Nababaliw na talaga ‘to.
“So pinagseselos mo ‘ko ganon?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi, hindi ko ‘yun gagawin. Ang sinasabi ko lang, bakit parang wala lang sa’yo na bumalik si Cloe? Bakit parang wala lang sa’yo na magkatabi kami, naguusap, magkasama… bakit ‘pag ako nakikita kita nakikipagusap kay Neon nag-aalala ako na baka bigla ka na lang ma-in love sa kanya? O kay Night at maisipan niyong mag-incest. O kay Herod o kay Hector? Bakit ganon?” Seryosong-seryoso niyang pagkakasabi. Napahilamos siya ng mukha niya gamit ang palad niya’t tumingin sa’kin na parang naiiyak na.
As I always say, hindi ako expert sa love at baby steps pa lang ‘yung ginagawa ko para lubusang maintindihan ‘yun kaya natural na umikot-ikot ‘yung utak ko’t magkabuhol-buhol dahil sa mga sinabi ni Kite.
“Kite, hindi ko alam ha? Pero hindi naman ata dapat agad-agad na magustuhan kita?” Hindi ko sure na pagkakasabi sa kanya.
“Bakit ako? Bakit ako bigla-bigla ko na lang naramdaman ‘to? ‘Yung parang may tumagos dito,” wika nito sabay turo sa dibdib niya. “Nakita kita tapos alam ko na sa sarili kong mahal kita. Bakit ganon, Stacy?”
Wala akong mahanap na sagot sa utak ko. Weird kasi palaging dapat meron. Bokya talaga ako pagdating sa mga ganito. Noob forevs, sabi nga ni Cherish. Pero may idea ako, merong pumasok sa isip ko nung sabihin niyang bigla na lang niyang naramdaman. Bigla kong naalala ‘yung binigay sa’king regalo ni Lord Eros kanina. Posible kayang…?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro