Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xii. hades's favorite demigod

note -  hi guuuuuys hihihi gusto ko lang mag-thank you sa support niyo sa story na 'to at sa pagstick sa amin ni stacyyyyy hahaha anyway hanggang twenty chapters + epilogue lang tong story na 'to so yeahhhhh i will try my best to rock these remaining chapters mwa mwa x

_________________________________________

xii. hades's favorite demigod

; m e a n w h i l e ;

Kanina pa napapansin ni Zeus ang matatalim na tingin na ipinupukol ng kapatid niya sa projection na nagpapakita sa kanya sa kung anong ginagawa at kung nasaan ang anak niyang si Stacy. Kung pwede nga lang ay tuhugin niya na sa trident niya ang lalakeng kasama ng anak.

Natawa ang God of the Sky sa kapatid at animoy mas ginusto pang panoorin ang mga hindi kaaya-ayang expression na ipinapakita niya. 

"How can you even laugh?! Look at this!" Inis na inis na sabi sa kanya ni Poseidon sabay turo sa projection gamit ang trident niya. "This impotent rodent taking advantage of my daughter! Ridiculous! I should turn him into a gold fish!" Pahayag pa ng galit na galit na Sea God na si Poseidon. Mas lalo lang natawa ang kapatid nito habang inaalala ang mga dati niyang nagawa. 

"Can't blame you," Zeus finally blurted out. "Stacy Dane, favored by the gods. Sure, I can see why you're being overprotective," tinignan niya ng makahulugang tingin ang kapatid at nginisian.

Napasalampak si Poseidon sa kanyang trono na nasa right side ni Zeus at pinatay ang projection sa isang thud lang ng kanyang trident. Miss na miss niya na si Stacy. Ang pagiging unforgiving niya kapag may nasabi kang mali. Ang pagiging nakakainis niya kapag pinapaalala ang mga naging ex girlfriends niya at ang pagrereklamo niya sa inihain na seaweeds. Marami pang namimiss ang Sea God sa anak pero iniisip pa lang niya 'yun isa-isa ay mas lalo lang niyang gustong kuhanin na lang ang anak at baliwalain ang deal nila. 

"Ganyan din ako kay Dani dati nung pinopormahan pa siya nung Cy," hindi inaasahang kwento ni Zeus. Nakatingin na lang silang dalawa sa hangin na para bang nanunood pa rin ng projection ni Stacy. "Stacy knows better. Come on, she's like Athena's apprentice!" Komento pa nito sabay ngisi sa kapatid.

"Yeah. She totally thinks like Athena," pagsang-ayon naman ng Sea God. "But she talks like you, holy me! She reminds me of you, always too proud and almighty," dagdag pa nito. Napatingin ito sa kapatid na kanina pa ngisi ng ngisi sa kanya. Tinitignan siya ni Zeus na para bang sinasabing 'of course she does, big plankton!'.

"I may have babysat her when she was a new born," saad ni Zeus habang wini-wiggle ang eyebrows niya sa kapatid. 

Agad namang umayos ng upo si Poseidon at tinignan ang kapatid gamit ang kanyang mga matang nanganganib ng lumuwa. "A new born?! Pero sinama ko siya agad sa dagat!" Giit naman ng nakatatandang kapatid. 

"Na-uh~" sambit ni Zeus habang shini-shake niya ang index finger niya. "The night Cita died, you left little Stacy with her grandparents to fix her room in your kingdom," paalala naman nito sa kapatid atyaka natawa. Napatigil naman si Poseidon na para bang inaalala ang nangyari nung namatay ang Mommy ni Stacy pagkatapos nitong ipanganak siya. "I was told by a prophecy that she might fix our broken bond, seems like it already came true. Anyway, I talked to her, played a little. Hindi ko talaga inaasahang maa-adopt niya 'yung pagsasalita ko. Maybe because you didn't talk to her first," paliwanag ni Zeus. Natahimik naman ang kapatid na tila ba iniisip ang mga sinabi sa kanya ng kapatid. 

"Really," ang tanging nasambit ng Sea God. Tumingin ito kay Zeus. "So what? She thinks like Athena, talks like you and the only thing she got from me is my powers?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Poseidon.

"You forgot that Aphrodite gave her that violet hair of hers," paalala nito sa kapatid. 

Hindi naman talaga galing sa Daddy ni Stacy ang kakaibang kulay ng buhok niya. Water power, sure, pero hindi ang magandang kulay ng buhok ng anak niya. Pinakiusapan ni Poseidon si Aphrodite na bigyan ng violet na buhok ang anak niya dahil 'yun ang hiling ni Cita. Natuwa naman ang Goddess of Beauty kaya pinaunlakan niya ang pakiusap na 'yun.

"Favored by the gods indeed," dahan-dahang pagkakasabi ni Zeus. "Plus she's such a sweet girl, when she was fifteen we used to go out and--" agad namang naputol ang sentence niya.

"USED TO GO OUT?!" Sigaw ng Sea God. Galit plus pagka-surprise ang magkahalong expression ang bumalot sa mukha niya. 

"Oops," sambit ng Sky God. "Did I say that?

Napatayo naman si Poseidon at ini-point sa kanya 'yung trident niya. "Zeus, I swear on the River of --"

"Hey!" Saway ni Zeus sa kanya sabay tayo rin. "Before you swear atleast hear me out!" Sabi ng nakababatang kapatid nito. "I only did that to send her back to you because I know you were going crazy that time!" Paliwanag nito.

"That explains why I can't find that imbecile!" Sabi ni Poseidon na para bang idinura ang salitang 'imbecile'. 

Umalma naman agad si Zeus sa sinabi ng kapatid. "Hey! I was that imbecile you're talking about!" Saway muli nito sa kanya na para bang na-offend siya nito.

Tinignan ulit siya ng masama ni Poseidon. "But still! Oh my self! You hooked up with my daughter!" Atyaka ulit ito tumayo at akma na sanang tutusukin si Zeus gamit ang trident niya pero agad naman itong sumenyas ng 'stop' gamit ang dalawa nitong kamay.

"Look at the bright side! She returned to you and you hold that card to send her back into your household again!" Pangungumbinse nito sa kapatid. "And, we're finally okay again and you're back here in Olympus!" Dagdag pa ng Sky God.

Simula kasi ng ipanganak si Stacy at dalhin siya ng kanyang godly parent sa puder nito ay hindi na bumibisita pa si Poseidon sa Olympus kumpara noon. 

Kumalma ang Sea God habang ina-analyze ang mga sinabi ng kapatid. Naupo muli ito sa kanyang throne.

"So," panimula ni Zeus nung pakiramdam niya ay okay ng kausapin ang kapatid. "You up for some bullying?" Sabi nito at ni-wiggle ulit ang kanyang eyebrows.

* * * * * * * * *

Alam ko sinabi ko dating hindi ako umiinom because it makes my brain crazy but today is a different case. Bakit ko pa iintindihin 'yung epekto nung alak kung no doubt, magulo na 'yung utak ko? Parang mas madali pang magsolve ng equations kesa sa sagutin 'yung sinabi ni Kite eh. Or kung sinasagot ba 'yung mga ganon. Hindi ko maintindihan so dinaan ko na lang sa alak. Pagkatapos nun eh hindi ko muna siya kinausap at nagpanggap na may tama nga ako. Inalalayan niya 'ko sa sasakyan which is not in the list of 'The Perks of Pretending You're Drunk to Escape a Sudden Confession' list since nahawakan niya 'ko at ayon, dug dug dug sabi ng puso ko. Tsk, crazy heart.

Nung maayos na 'ko sa loob eh agad-agad akong nagpasalamat sa lahat ng deities ng Olympus dahil dala ko 'yung iPod at earphones na pinahiram sa'kin ni Kite. Inilagay ko 'yun sa tenga ko bago pa makasakay sa loob ng kotse si Night. Nilakasan ko 'yung volume para kahit ano mang sabihin niya eh hindi ko marinig. Kung maririnig ko man, hindi rin masyadong maiintindihan. 

Thankfully (wow wow umaayon talaga ata sa'kin ang mga gods ngayon), eh hindi nagsalita the whole trip si Kite. Nakauwi kami ng bahay niya ng walang binibitawang salita. Just plain awkwardness mixed with the air. 

Ginawa ko ang makakaya ko para makarating agad sa kwarto ko ng hindi halatang iniiwasan ko si Kite. Unfortunately, that plan failed. Tinawag kasi agad ako ni Kite bago ko pa mahawakan 'yung door knob ng kwarto ko. Naisip kong magpanggap na lang na fuzzy na para sa'kin 'yung mga pangyayari so 'yun ang ginawa ko.

"You're not really drunk, are you?" Tanong nito sa'kin. Gods damn it. Of course he knew! 'Di ba nga sabi niya nagkagusto siya sa isang Dionysus kid dati so natural alam niya kung lasing o hindi. Atyaka party rito, party roon, malamang na-observed niya na dati. My gods, this is it! That bitter liquid I took earlier is now making my brain crazier! "Look Stacy," panimula nito sabay advance palapit sa'kin. I have this urge to step back and run but I put it aside. Perhaps my heart is telling me to hear him out and endure the pain of looking at his glorious face -- what the Hades. Gods, he's so gorgeous it hurts! "Alam kong nabigla kita and I'm sorry," nakatingin na ulit siya sa'kin gamit 'yung super sincere niyang mga mata at nakalapit na rin siya sa'kin just enough for him to reach my hands. "Gusto ko lang malaman mo kung ano 'yung nararamdaman ko. If that made you feel bad, well I'm sorry. But still, I would not take it back and I assure you those words are true," sabi pa nito sa'kin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin siguro vodka lang talaga may kasalanan nito pero I'm sure hindi ako ganito dati. Kasi ngayon naa-appreciate ko na siya -- 'yung physical self niya. 'Yung ganda ng mga mata niya, 'yung tangos ng ilong niya, 'yung nakakainis pero cute na cute niyang dimples atyaka 'yung ngiti niya. Kahit 'yung buhok niyang parang dinaanan lagi ng ipo-ipo (I'm guessing that's a Lord Aiolos's kid thing?) pero bagay pa rin sa kanya parang bedroom hair lang. 

Ang sarap iuntog ng ulo ko. 

Maybe tomorrow I'll snap out of it. Kapag wala na 'yung epekto ng alak sa utak ko siguro babalik na 'ko sa normal 'tas kaiinisan ko na ulit 'tong madaldal at mahangin na demigod na 'to. 

Or not really.

Maybe I'm just masking it. You know? Trying to conceal that I'm attracted to him by thinking he's so annoying?

Gods forbid me to think that again.

"Okay," finally ay nakapagsalita na 'ko. Normal na ulit 'yung tindig ko at minulat ko na ulit ng mabuti 'yung mga mata ko. Ginaya ko lang talaga kanina si Night nung nalasing siya at letche ngayon alam ko na talagang sa seaweed soup at panliligaw ng mga unlikely creatures lang siya magaling at makakatulong sa'kin. "Why me?" Tanong ko sa kanya. 

'Di ko talaga alam kung anong sasabihin ko at obviously eh gustong marinig ni Kite kung anong say ko sa matter na 'to so pilit kong inalala 'yung mga romantic novels na nabasa ko dati at 'yung 'why me' lang ang naisip kong appropriate na sabihin. Besides, curious din ako so ayan.

Natawa naman ng unti si Kite na parang pinapalabas niyang ang shitty ng tanong ko. Yeah right, not taking credits, blame the romantic novels Night forced me to read. 

"Why not you?" Sabi ni Kite habang natatawa pa rin. Hindi ko alam kung mino-mock ba niya ako o kung ano kaya hindi muna ako nagsalita at tinignan siya ng isang questionable look. Ang sunod na nangyari eh nakadikit na 'ko sa kanya at nakayakap na siya sa'kin. Okay? Wala 'to sa mga novels na nabasa ko? "Okay, you are now free to ask my heart," sabi niya sa'kin. 

Muntik ko na siyang masabihan ng 'ay ulol' kasi nga hindi naman ako nakatapat mismo sa left chest niya. Actually nasa shoulder niya 'yung ulo ko kasi hindi naman ako ganon kaliit. Pero hindi naman inaasahang na-pressed 'yung palad ko sa left chest niya so somehow, na-feel ko pa rin 'yung puso niya. Gaya nung akin, wild din 'yung heart niya. Ano 'to nagcho-choric speech mga puso namin? Weird.

Itinulak ko siya at tinignan siya ng masama. Inirapan ko rin siya.

"You, my friend, is a mad man," saad ko sa kanya. Napakunot naman ito ng noo sa'kin. "If you're planning on courting me, I want you to know that I am soooooo hard to please," warning ko sa kanya. Gusto ko na talagang isumpa 'yung sarili ko kasi feeling ko isa akong character sa isang novel at super out of character ako ngayon. Gods, this is not me! 

Napangiti naman si Kite ng malawak so no choice ang puso ko kundi magtumbling. Wow, baliw. "You're kidding right? Almost one month of living with you, you think I don't already knew that?" Atyaka siya ngumiti ulit na parang nagpipigil ng tawa.

Inirapan ko na lang siya at tumalikod na sa kanya. Naglakad na 'ko palayo papunta sa kwarto ko. Narinig ko siyang sumigaw ng good night pero mehhhh, 'di ko na bibigyan pa ng dahilan 'yung puso ko para magsomersault ulit. Hirap na baka madisgrasya pa.

Nung finally eh nakarating na 'ko sa kwarto ko dali-dali akong nahiga sa kama ko. Para bang sampung taon akong hindi nakafeel ng kama sa likuran ko. Feeling ko pagod na pagod ako. Nang dahil dun sobrang dali kong nakatulog na parang walang nangyaring importante ngayong araw. 

* * * * * * * * *

12:15 noon

Muntik ko ng sikmuraan si Kite ng bigla niyang i-announce sa buong barkada nila na nililigawan na niya 'ko. Pangalawang strike na niya 'to sa'kin at isa na lang talaga babangasan ko na siya. 

Una, pinilit niya 'kong maki-table sa kanila ng mga kaibigan niyang demigods. Pangalawa, para niya akong pinatungan ng 'sold' sign sa ulo nung ideklara niyang nililigawan niya ako.

Nung umaga pinalagpas ko na lang 'yung pagbabalik ng kadaldalan niya at inirap-irapan na lang siya. Unfortunately ay hindi umayon sa inaasahan ko ang nangyari nung nagising ako ng umaga. Akala ko talaga mawawala na 'yung strange feeling ko kapag nakikita ko si Kite kapag nawala na 'yung vodka sa sistema ko pero mali ako. Kinukumbinse ko ang sarili kong lasing pa rin ako kaya wala akong inalmusal kundi puro pineapple juice since sinabi nilang effective 'yun sa pag-clean out ng alcohol sa katawan.

Pero bakit ganon pa rin epekto niya sa'kin?

Hindi ko rin ini-expect si Night na matuwa sa sinabi ni Kite pero nakakapagtakang tuwang-tuwa siya. In fact, out of all of us, siya ang pinaka-natuwa sa balita. Tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako at nag-thumbs up pa. 

"Ah Stacy," biglang tawag sa'kin ni Neon. Agad ko naman siyang tinignan. 

Pogi si Neon in a way na hinding-hindi mo iisiping gagawa siya ng masama sa'yo. 'Yung mararamdaman mong safe ka sa kanya at sigurado kang hindi ka niya gagaguhin dumating man si Goddess Aphrodite sa harapan niya. Kilala niya ang sarili niya't sure siya sa nararamdaman niya. Kaya siguro siya nagustuhan ni Dani?

Eh si Kite? Kung may gusto man ako sa kanya, ASSUMING, okay? Ano kayang nagustuhan ko? 

Out of the blue eh napatingin ako sa katabi kong nakatingin naman kay Neon. Napatalon niya puso ko pero dahil lang 'yun sa kapogian niya at ayoko ng ganun. Kung magkakagusto man ako, ayokong dahil lang sa mukha. Kaya nagisip pa ako, naisip kong mabait siya sa'kin pero not enough to make my heart skip a beat. Well, siguro nga physical attraction lang 'to. Maybe somewhere in Olympus, Goddess Aphrodite herself is messing up with my heart... or brain... or whatever. Siguro siya rin ang may pakana kung bakit biglang sinabi sa'kin ni Kite 'yung nararamdaman niya sa'kin kahapon. I can't blame her. She's the Goddess of Love afterall. She'll take any chance she'll get to spread love whatever it takes.

Remind me to left her out of my prayers later.

"Inutusan ako ni Daddy imbitahan ka mag-dinner sa'min mamaya. Pwede ka ba?" Tanong ni Neon na agad ko namang tinignan. Para siyang 'di sure sa tinanong niya at sigurado akong hindi niya alam kung bakit ako naisipang imbitahin ng Daddy niya.

Well, Uncle Hades and I used to hangout a lot. Nung hindi pa niya nahahanap si Neon at nasa ilalim pa 'ko ng dagat eh palagi akong tumatakas para puntahan siya. May secret tunnel kasi sa ilalim ng dagat papunta sa Underworld. I know it's kinda creepy but not as much as you think. Syempre hindi allowed ang kung sino-sino lang sa Underworld so at first hirap na hirap akong makuha 'yung good side ni Uncle Hades. Pero hindi nagtagal eh labas-pasok na 'ko sa tunnel na 'yun. Naaliw siya sa'kin kasi nga nawawala pa si Neon nun so hinayaan ko siyang ituring akong parang anak. Until 'yun nga nahanap niya si Neon so I figured out they needed some alone time atyaka ayon nga nakaalis na rin ako ng dagat after a few months.

"Yeah sure," sagot ko kay Neon. Nginitian niya ako at tinanguan ko naman siya.

Namimiss lang siguro ako ni Uncle Hades? 

"Pwede ba 'kong sumama? 'Di mo pa 'ko napapakilala formally as you know mo," Tanong ni Dani habang naka-grin sa boyfriend niya. What the Hades is 'you know mo'? It sounds silly. No doubt Dani uses it. Hahaha!

Nalungkot naman 'yung mga mata ni Neon pati 'yung mukha niya at sinagot si Dani. "Sorry, malinaw kasi instructions ni Daddy na kami muna nina Stacy ang magdinner kasama siya."

Syempre nalungkot agad si Dani pero wala siyang nagawa kundi intindihin ang boyfriend niya. Hindi naman si Neon ang tipong magsisinungaling so ayon. Atyaka bakit naman siya aayaw na isama at ipakilala 'yung girlfriend niya sa Daddy niya 'di ba? 

"Seems like your supposed to be future step-daddy will make me marry your boyfriend just like your Popsy tried to do few months ago," komento ko sabay ngisi kay Dani. Syempre joke lang ang lahat pero nakita kong tinignan niya ako ng masama. In fact, lahat sila tinignan ako ng masama. Sanay na ako kaya 'di ko na inintindi. 

Sinabi ni Neon na susunduin niya na lang ako kina Kite pero sinabi ko sa kanyang sa school library na lang since magbabasa pa 'ko at balak kong magpagabi since meron nga 'yung dinner with Uncle Hades. 

After ng lunch ay naghiwa-hiwalay na kami sa kanya-kanya naming mga klase.

* * * * * * * * *

7: 30 p.m.

Saktong 7:30 eh natanaw ko na si Neon na pumasok sa pintuan ng library. Ini-scan niya ang buong paligid at hinahanap ako. Hindi ko na siya pinahirapan at lumapit na sa kanya. Nagpaalam ako saglit sa kanya para ibalik 'yung mga librong binasa ko at kunin ang bag ko. Pagkatapos ng lahat ng 'yun ay lumabas na kami ng school at nag-abang ng bus.

I assumed wala siyang sariling sasakyan at tama nga ako dahil pagkarating namin sa tapat ng bahay nila ay wala ngang naka-park dun. Maliit na bungalow house lang ang tinitirhan ni Neon. Sabi niya minana niya pa 'yun sa lola niya. White and black ang pintura ng bahay. Black para sa bubong at white sa buong paligid. Halatang bagong pintura ang bahay kasi kung minana pa ni Neon 'yun sa lola niya, there's no way mami-maintain nun ang ganda ng kulay ng bahay. 

Pagkapasok namin sa bahay ay wala masyadong kalaman-lamang hindi importante sa loob. Makikita mo agad 'yung mahabang sofa na kulay itim, itim na electric fan at itim na tv. Actually, buong bahay punong-puno ng itim. Nice, it's like Underworld all over agan. Siguro ang hindi lang itim sa buong room eh 'yung pintura ng pader at 'yung ilaw... at 'yung buhok ko. Pati kasi si Neon eh black din suot. Ako naman eh naka-black din. Coincidence? 

Nagpaalam si Neon para pumunta ng kitchen at ihanda sa mesa 'yung niluto niya. Handa na raw kasing lahat bago pa niya ako sunduin dahil ayaw niya akong paghintayin habang nagluluto siya't baka mainip daw ako. How sweet of him. 

Habang nasa kitchen si Neon ay napansin kong sinabit niya 'yung ID niya sa likuran ng pinto. Natukso naman akong tignan 'yun (curiosity my forever curse) at nakita kong Pathrone pala ang surname ni Neon. Wow, nice surname. Ikumpara mo naman sa Dane. O sa Nolan (surname ni Night). 

Tinawag na ako ni Neon sa hapagkainan at agad naman akong pumunta run kasi naamoy ko 'yung mga pagkain. Umupo ako at pinagmasdan 'yung mga handang pagkain. Tatlong putahe ang inihanda ni Neon at para sa'kin ang dami na nun. Muli ay humanga ako sa galing niya. Para siyang... perfect boyfriend? Swerte ni Dani. But he's obviously not my type. Honestly, wala naman akong listahan ng mga gusto ko sa isang tao. Basta alam ko lang sa sarili ko kung gusto ko siya o hindi sa unang tingin. 

Anyway, hindi ko mapangalanan 'yung mga inihanda ni Neon pero may isa siyang ni-serve na napangiwi ako. May malaki kasing tilapia covered with tomatoe sauce. Naawa naman ako kasi ang laki-laki niya. Haaay...

"Simula ng malaman ni Daddy na nandito ka na sa dryland kinulit niya agad ako na dalhin ka rito. Hindi ko naman agad naharap kasi nga busy," paliwanag nito sa'kin nung makaupo na siya sa opposite side ko. Ngumiti siya sa'kin so nginitian ko na lang siya although hindi ko gets kung bakit siya ngumingiti. 

"Pathrone pala surname mo?" Tanong ko sa kanya. Amazing kasi eh.

"Ah oo. Weird nga eh," tyaka ulit siya nangiti ng parang nahihiya.

"Nah," sabi ko sa kanya. "We're demigods, everything is weird."

Bigla namang namatay 'yung mga ilaw. Nagulat ako at since puro black ang paligid, total blackout ang naganap. Wala talaga akong makita. Tinu-turn turn ko 'yung ulo ko left and right pero wala talaga.

"That should be my father," sabi ni Neon na agad kong ikinagulat kasi bigla na lang siyang nagsalita. Sinabi naman niya 'yun ng parang normal na sa kanya ang pangyayaring 'to. 

Gods, Stacy, of course it's Uncle Hades. He loves being not seen. Kaya nga siya may helmet of invinsibility sa Underworld 'di ba? Anyway, gusto niya rin ng madilim and when I say madilim, ganito kadilim. At least sa Underworld naga-adjust siya sa'kin at nilalagyan niya ng konting ilaw pero ano naman 'tong drama niya ngayon?

"Stacy Dane, my favorite demigod," biglang sabi ng isang cold na boses na agad na nakapagpatayo sa mga balahibo ko. Yep, Uncle Hades's trick, never gets old. Automatic namang napatingin ako sa harapan ko para tignan si Neon kahit alam kong wala akong makikita sa ganito kadilim na surrounding. Ewan, parang ang bigat kasi nung 'favorite' eh nandito anak niya. Anyway, paano sila nagkikita ng anak niya? Ganito? What the H -- oops.

"Hello," bati ko although 'di ko alam kung nasaan siya.

"Neon," tawag ni Uncle Hades sa anak niya. "You forgot to prepare a dessert," paalala sa kanya ng Daddy niya like 'normal' fathers do. 

"I knew I forgot something!" Wika naman ni Neon atyaka na 'ko nakarinig ng footsteps. Ahuh, night vision, definetly Hades kids thing.

Natahimik ng ilang minuto ang paligid. Somehow, tahimik na gumagawa ng dessert si Neon dahil wala akong naririnig sa kusina niya. Paano 'yun, naka-mute siya?

"Something is telling me this is not just a dinner," salita ko. 'Di na kasi ako makatagal sa sobrang tahimik eh. Sakto nung pagkasalita ko nakarinig ng 'ko ng mga kutsara't plato sa kusina ni Neon. 

"Ah," expression ni Uncle Hades. "I sometimes forget you're a daughter of Poseidon. You've got too much Athena in you," cool na cool na pagkakasabi ng God of the Underworld. Wow, sana maalala niya 'yung dati niyang ginagawa kapag bumibisita ako sa kanya sa home niya. Konting ilaw lang naman okay na. Ang hirap kasing makipagusap sa 'di mo nakikita 'di ba? "But you are right," pagkonpirma nito sa'kin. 

"So...?" Sambit ko. Isa sa disadvantage ng pakikipagusap sa 'di mo nakikita, hindi ka sure kung anong dapat o hindi dapat sabihin. Kung anong dapat tono ng boses mo ganon. Syempre ifi-figure out mo kung anong sasabihin mo para hindi maging shitty 'yung conversation. 

"Neon is in love with Dani," wow bagong balita. Salamat sa inpormasyon! P.S. SARCASM.  

"Okay, that's obvious," sabi ko naman.

"The problem is I don't like her for my son," paliwanag naman ni Uncle Hades. Napakunot naman ako ng noo at sinubukang isipin kung bakit. Ano namang mali kay Dani bukod sa katotohanang bird-brain siya? Masaya naman si Neon sa kanya? "I want someone who's more mature, more controlled, more smart. I was thinking perhaps someone like you," sabi naman nito sa'kin. Gulat na gulat naman ako at ramdam kong nakikita niya 'yun sa'kin.

Naalala ko 'yung joke ko kaninang lunch kay Dani. 

Hindi naman siguro magiging totoo 'yun 'di ba? 

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. "Aware kang hindi ikaw ang makikipagrelasyon kundi ang anak mo 'di ba?" Sabi ko sa kanya. 'Di ko alam kung tumango siya at hindi ko lang nakita o ayaw niya langs sumagot. "Masaya siya kay Dani. Nakikita mo naman 'di ba?

"I have seen my son's despair when he thought he can't have the girl he loves," wika ni Uncle Hades with deep, deep emotions. Sadness maybe? Honestly, nai-imagine kong ganun din magiging tono ni Neon 'pag sinabi niya 'yung exact words ng Daddy niya. "And Dani will always be like her father. Falling in love with different people in different places," pagpapatuloy nito, still with deep emotions. "I can't watch my son in that hopeless stage again."

I really, really understand why he's doing this. Syempre mahirap burahin 'yung mga pinaggagawa ng isang godly parent sa mata ng mga nakakakita sa anak niya. It's like you've not just won your parent's crown but also his/her wrong and embarrassing doings. It's always like that specially when you're an Olympian god kid. Parang ako, I will always be the daughter of the Sea God who ill-treated Goddess Athena's temple by bringing a gorgon lover there. I can't shake that off, unfortunately. 

"She's different from her father," I tried to defend Dani. Pero bigla kong naalala si Cy. 'Yung ginawa niya kay Dani. It's so Aphrodite of him. He can't be loyal. He had a lover. Very, very much like his mother. 

"I'm not pushing you to like my son nor asking you to marry him," wow thank the gods. Nakahinga naman akong malalim dun. "I just want you to do something for me and I swear on the River of Styx I will help you with your own problem," dagdag pa nito sa'kin. 

Help me with my own problem? Seems tempting. Pero anong kailangan kong gawin para sa kanya? Kung ayaw niyang ipakasal ako kay Neon or something, why still bring that top--OH. 

"Gusto mong paghiwalayin ko sina Dani at Neon," saad ko. Hindi na patanong 'yung pagkakasabi ko kasi sure akong 'yun ang gusto niyang gawin ko. Kung hindi 'yun, I don't know but him talking about his son's relationship with Dani is redundant and a complete waste of time. 

"It's really a mystery to me why Athena answered your mother's prayers when she had a long history with your father. Not to mention, a bad one," sabi nito sa'kin. Well, matyaga si Mommy magdasal atyaka siguro naman naisip ni Goddess Athena na hindi ko kasalanan kung ano man nangyari sa kanila ng Daddy ko kaya natupad gusto ni Mommy  para sa'kin. "Pero 'yun nga ang gusto kong mangyari," pagkompirma muli nito. 

Alam kong maling isipin kong i-consider 'yung sinasabi niya kasi wala namang kasalanan sa'kin 'yung dalawang pinsan kong demigod at sabi ko nga kanina, masaya sila sa isa't isa. Alam ko namang hindi itatapon ni Dani basta-basta 'yung kung anong meron sila ngayon ni Neon. Alam kong mahal nila ang isa't isa. Pero naisip ko 'yung sinabi ni Uncle Hades na matutulungan niya 'ko sa problema ko. Syempre may idea ako kung paano pero gusto kong marinig mula sa kanya. 

"What can you do for me in return?" Parang ingat na ingat kong pagkakatanong. 

"I can send a soul and command it to inhabit a mortal or a demigod body. You take your pick and I'll do the rest,"  maikling paliwanag nito sa'kin. 

Inhabit a body and present to my father. Gods, that sounds like a good offer. All I need to do is destroy a goodwonderful relationship? Wait a minute. If I succeeded, I'll never have to worry about my father nagging me about going home, but: 1. I can be blasted into bits by Dani's Popsy, 2. Neon will hate me forever, 3. I'll be instantly threw out of the cool kids' table (demigods' table). 

Gods damn it.

"If you did well, maybe I could send your mother's soul," biglang hirit ni Uncle Hades.

Oh my gods. Kapag nagawa ko 'to hindi lang ako magiging permanent na rito sa dryland... magkakaron pa 'ko ng pagkakataon makausap at makasama ang Mommy ko! Never ko pa siyang nakausap kaya sobrang big deal nito sa'kin. Na-guilty naman ako ng mawala sa isip kong kailangan kong sirain 'yung relasyon nila Neon at Dani para mangyari ang mga gusto ko. Selfish pero tignan niyo kasi! Sooooooobrang ganda ng mga makukuha ko kapag nagawa ko 'yun. 

"I'm giving you twenty-four hours to think about it, Stacy. After all, you are still my favorite demigod," sabi niya sa'kin atyaka na biglang sumindi 'yung mga ilaw. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong nakitang bakas o kung ano mang magpapatunay na nagmula rito ang God of the Underworld. Still, confused pa rin ako kung anong gagawin pero atleast may isang araw ako para makapagisip.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro