x. riddles
x. riddles
Hindi ko inaasahang magpapakita ulit sa'kin si Eris. Usually kasi once a week lang siyang bumibisita ganon pero pagkatapos kahapon nandito ulit siya. Wow?
Nagdidiskusyon kami tungkol sa Trojan War (as usual) habang free time ko pa. Nandito ulit kami sa garden. Siya namili ng place kasi baka raw matukso siyang mag-cause ulit ng gulo kung nasa open kami't maraming tao.
Anyway...
"Tingin ko talaga dapat pinili ni Paris si Goddess Hera," pagtatanggol ko sa sagot ko. Nakatingin ako sa kawalan habang nagiisip. Ramdam ko naman ang bigat ng titig sa'kin ni Eris.
"Support your answer, dear," malumanay niyang pagkakasabi sa'kin.
"Goddess Hera can be easily deluded. Kung siya ang pinili ni Paris eh 'di hindi na dapat nagkaroon ng war," paliwanag ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong tumatango-tango siya sa'kin.
"But then Aphrodite can never allow it," wika naman ni Eris sa'kin.
"What can she even do?" Tanong ko naman sa kanya sabay tawa. I mean, she's a coward goddess. What can she do to stir a war? Well, pwede niya pa ring gawin 'yung sa kanila Paris and Helen pero parang mas makaka-benefit pa 'yun kay Paris, and at least si Paris lang paparusahan niya at wala ng iba-ibang madadamay.
"How about Athena?" Subok niya sa'kin.
"I don't think she'll mind it at all," panimula ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pagiisip. "She's a very logical goddess I think she'll figure out that it's pathetic to start a war with that reason. Atyaka nainis lang naman sila kasi mas pinili ni Paris 'yung bribe ni Goddess Aphrodite so I don't know. I'll still go for Goddess Hera, the most sensitive one," buong pagpapaliwanag ko.
Nginitian ako ni Eris. "Very well then," sabi nito sa'kin atyaka na siya nawala.
Siguro bored lang siya kaya siya nagpakita ulit sa'kin. Hindi rin kasi siya masyadong nagsalita kaya siguro nga bored lang talaga siya. So ayon, tumuloy ako sa iba ko pang mga klase at tinapos lahat ng 'yun. Nag-stay muna ako sa library ng school ng tatlo pang oras para magbasa atyaka na 'ko nagdesisyong sumakay ng bus para makauwi.
Paguwi ko sa bahay eh takang-taka naman ako kasi andun ang buong barkada (except kay Night na sigurado akong nasa ilalim na ng dagat ngayon). Tulala ang iba sa kanila tapos 'yung iba naman eh parang ang lalim ng mga iniisip. Hindi ko na lang sana sila papansinin at didiretso na lang sa kwarto ko ng bigla nila akong tawagin (at talagang sabay-sabay pa sila).
"Ilang beses niyo prinactice 'yan? Ayos ah, choral speech?" Pagbibiro ko sa kanila pero ni isa sa kanila walang nainis (hindi ko na talaga inaasahang matatawa sila since inis silang lahat sa'kin). Lahat sila mukhang alalang-alala.
"Si Night," sabi ni Dani sabay tayo.
Agad naman akong napakunot ng noo. "Yeah? Let me guess," humarap ako sa kanilang lahat at nag-cross arms. "You're playing this stupid group game and now that Night is busy you need me to replace him and join you?" Wika ko sa kanila. "Well, news flash! I'm busy and you don't like me so--"
"Pwede bang 'wag mo muna kaming i-sass?!" Sigaw sa'kin ni Irene at napatayo pa siya. Lahat naman kami napatingin sa kanya kasi ngayon lang namin siya narinig magsalita ng ganyan kalakas and hello? Daughter of the Goddess of Peace?
Bumalik ang atensyon ng lahat sa'kin makalipas ang ilang segundo. Bumalik din 'yung mga nilang mukhang nagaalala. Kahit si Herod eh nakapagtatakang hindi umiidlip ngayon (although mukha na agad siyang puyat). Hinintay ko silang magsalita pero parang naghihintayan sila't natatakot sabihin sa'kin 'yung problema.
"So what about my brother?" Tanong ko sa kanila dahil naiinip na 'ko.
Tumayo naman si Kite. "Night has been taken by a sphinx," saad nito.
Agad namang na-imagine ng utak ko 'yung kalagayan ngayon ni Night. Sphinx are very dangerous creatures most especially to morons. Hindi na 'ko nagsa-sass or whatever, seryoso na 'ko. Well, 'yung mga sphinx ay merong ulo ng babae na may katawan ng isang leon, meron din 'yung pakpak. Usually, may gwina-gwardyahan 'yung place at bago ka makapunta run sa place na 'yun kailangan mo munang dumaan sa kanya at sagutin 'yung riddle niya. Kung matalino ka ('di na gumagana ang swerte, take that Cherish!) makaka-survive ka sa kanya pero 'pag mali 'yung sagot mo, kakainin ka niya.
Oh dear, sana hindi dinadaldal ni Night ngayon 'yun. Hindi pa naman siya matalino :3
"Kasama namin si Night kanina rito. Lumabas kaming dalawa para sunduin ka since gumagabi na't wala ka pa pero bigla na lang akong tinadyakan nung sphinx at tinangay siya," paliwanag ni Kite. "She told me it is her goddess' order," dagdag pa nito.
Para namang makinang umandar 'yung utak ko't nagisip ng rason at paraan para makuha 'yung kapatid ko. Iniisip ko rin kung sinong lintek na goddess ang magkakainteres sa kapatid ko. Sure, pogi si Night, sobrang pogi niya at kaya niyang maka-attract ng isang goddess pero sino? Maliban na lang kung hindi na-attract sa kanya at na-offend niya -- HOLY POSEIDON!
"Goddess Hera," nasambit ko.
"Bakit naman siya kukunin ng step-nanay ko?" Tanong ni Dani.
"I offended her," tugon ko sa kanya pero hindi ma-fixed sa iisang bagay 'yung tingin ko. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iisip. "I said something about her. I offended her!" Sigaw ko out of frustration. Nilapitan naman ako ni Kite at hinagod-hagod sa may likuran.
"It somehow make sense you know," panimulang sabi ni Irene. "The Goddess Hera once sent the sphinx to Thebes (in Greece) to suppress the city," wika pa nito sabay taas niya ng phone niya na may nakasulat na 'Google'. Sayang, hahanga na sana ako.
"Akala ko ba naging guard ng Thebes 'yung sphinx dati?" Tanong naman ni Dani sa kanya.
Nagkibit balikat naman si Irene at sumagot. "Ewan, ito nakalagay sa Google eh."
Wala ako sa mood makipagpalitan ng facts sa kanila dahil busy ang utak kong nagiisip kung saan dinala ng creature na 'yun 'yung kapatid ko. Imposible namang dalhin niya 'yun sa Thebes kasi maloloka talaga ako kapag dun pa 'ko dapat pumunta para makuha siya. I mean, gagawin ko naman pero kailangan ko na si Night ngayon! Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kanya baka imbes na mamatay siya dahil sa nakain siya eh mamatay pa 'yun sa pagdudugo ng utak dahil pinapasagot na siya nung sphinx.
"Sinubukan ko na rin siyang hanapin pero wala akong nakita. Siguro nga kung si Goddess Hera talaga 'yung dahilan kung bakit kinuha ng sphinx si Night baka pino-protektahan niya 'yung lugar para hindi ko makita," sabi naman sa'kin ni Kite.
Doon na naging malinaw sa'kin ang lahat. May pinapatunayan sa'kin si Goddess Hera. Pinapatunayan niyang hindi siya madaling maiisahan katulad ng tingin ko sa kanya. Alam niyang meron kaming Kite na pwedeng mag-monitor sa pamamagitan ng hangin. Tinanong ko rin si Dani kung may balita siya sa Popsy niya pero busy raw 'yun. Imposible, siguradong mina-manipulate niya na si Uncle Zeus gaya nung ginawa niya noong Trojan War.
Sa kauna-unahang pagkakataon, na-blangko ang utak ko. Hindi ko maisip kung saan ko hahanapin 'yung kapatid ko. Kung hihingi ako ng tulong sa mga deities kahit sa Daddy ko wala ring masyadong magbabago. Bago pa rin paalisin nung sphinx si Night papasagutin niya 'yun ng riddle at sigurado akong hindi niya 'yun masasagot.
Kailangan talaga ako. Para sa'kin talaga 'to.
"Saan dadalhin nung sphinx si Night?" Tanong ni Herod.
"Sphinx can be a guardian of some place important," analysis ko. Nakita kong hinihintay nila 'yung susunod kong sasabihin kaya mas lalo kong inigihan ang pagiisip. "May place ba ritong sacred or super important?" Tanong ko sa kanila. Nagtinginan sila pero bumalik din 'yung tingin sa'kin agad pero walang sagot. Gods, ka-stress. "Guys?" Pero sabay-sabay lang silang nag-shake ng heads nila. Tumingin ako kay Dani. "Dani?" Umiling lang ito sa'kin. "Our school, dumbasses! There's a passage there to Olympus that only Dani can activate!" Sigaw ko sa kanilang lahat atyaka na sila nagtanguan.
"Meron din sa town cemetery," sabi naman ni Neon habang nakataas 'yung kamay na parang nagre-recite ganon.
"Your father and Hera aren't close," wika ko sa kanya atyaka na siya natahimik nung marealize niya.
Nakuha ko 'yung idea nung tumingin ako kay Dani. Besides, kwento ni Daddy na dun nakilala ng Momsy ni Dani si Uncle Zeus. So dun pa rin tayo babagsak kung iti-take natin 'yung sphinx as something who supressed. Ngayon ang dapat na lang gawin eh pumunta run, sagutin 'yung riddle nung sphinx at iuwi si Night.
Sinabi ko 'yung plano ko sa mga demigods na puro tango lang sa'kin.
"So, let's get this done," sabi naman ni Kite.
Napakunot naman ako ng noo sa kanya. "Woah, you're going?" Tanong ko.
"We are going!" Protesta naman ni Cherish na inaprubahan naman ng iba.
Bigla naman akong natawa sa kanila. "You're not smart enough," sabi ko sa kanila.
"Sabi mo nga 'di ba? Ikaw 'yung sasagot nung riddle, kami ang hahanap ng ibang way para maligtas si Night kung sakaling mag-fail ka," paliwanag naman sa'kin ni Cherish.
"Excuse me?" Sabi ko sa kanya sabay taas ng kaliwang eyebrow ko. "I'll never fail. You can all stay here," sinigurado ko sa kanila.
Isa-isa naman silang umalma sa'kin. Pinagpilitan nila 'yung 'back-up plan' nila kuno at kahit hindi ko na sila pinansin lahat at lumayas na sa bahay eh nakasunod pa rin silang lahat sa'kin kaya ano pa bang magagawa ko 'di ba? Syempre bahala sila. Kung makain sila ng sphinx, bahala sila. Ang importante lang sa'kin ngayon makuha ko 'yung kapatid ko pero kung sila 'yung magiging dahilan para mag-fail ako eh 'di pasensyahan na lang sana marunong silang lumangoy lahat dahil lulunurin ko talaga sila.
Nag-bus ako at sa hindi malamang dahilan eh sumama rin sila sa'kin sa bus. Hindi ko alam kung leader na ba nila ako o talagang trip lang nilang mag-bus. Hinayaan ko na lang sila. Habang nasa byahe eh kung ano-anong scenario 'yung natakbo sa utak ko. Kesyo baka mapagtripan nung sphinx si Dani kasi meron siyang nakakainis na aura. Kesyo baka lamunin niya si Kite dahil madaldal siya. Baka dahil sa kaartehan ni Hector eh bigla na lang siyang yakapin nung creature na 'yun (which is mas nakakatakot para sa germaphone na baklitang 'yun).
Bumaba kami sa harapan ng school. Nung nakababa na kami eh balik na ulit sila sa pagtingin sa'kin na para bang naghihintay ng order. O? Akala ko ba may back up plan sila? Tsss.
"It has to be here," salita ko sa sarili ko sabay tingin sa gate ng school.
Pumasok sila sa school at naghanap dun pero pagkalipas ng ilang minuto eh lumabas din sila. Naghanap din sila sa mga karatig na building, stalls at kung ano-ano pang establishment na malapit sa school pero wala rin silang nakita. Habang ako eh nag-stay lang sa tapat ng gate. Hindi pwedeng sa loob kasi kung sa loob ng school ano pang proprotektahan niya run kung nakapasok ka na? It has to be here. Dito sa spot na 'to bago ka makapasok sa school.
Paikot-ikot ako sa harapan ng gate. Nakatungo ako't nagiisip kung saan ko ba makikita 'yung sphinx na nagtatago sa kapatid ko.
"Tigilan mo nga 'yan!" Saway sa'kin ni Dani.
Tinignan ko lang siya atyaka bumalik ulit sa ginagawa ko kanina pero habang pabalik-balik sa paglalakad eh napunta 'yung tingin ko sa kinatatayuan ni Dani. Nakatayo kasi siya sa isang malaking square na parang detachable dahil sa lines na nakapaligid dun. Dali-dali ko siyang tinulak paalis dun at sinuri 'yun. Sa upper right edge ng square na 'yun eh may isang gray feather na naka-stuck. Pinulot ko 'yun at tinignan.
"Ano ba nangongolekta ka ba ng mga bird feather? Gusto mo 'yung akin?! Nagiging eagle ako," saad naman ni Dani.
"Galing 'to sa sphinx," mahina kong sabi.
Tumayo ako at inapak-apakan ng malakas 'yung square na 'yun. Mas nilakasan ko pa at naramdaman kong umuga 'yun. This is perfect, bulong ko sa sarili ko. Nasa pinakagitna siya ng harapan ng gate.
Humingi ako ng tulong sa mga demigods para tibagin 'yung square na 'yun pero hindi namin kinaya. Sinubukang paangatin ni Kite 'yung block gamit 'yung wind powers niya at naging successful naman siya run. Nung naalis na namin 'yung square block eh biglang may umangat na parang hugis igloo mula run sa ilalim. Kasing taas nung igloo-like cave na 'yun 'yung gate. Nagkatinginan kaming lahat. Papasok na sana ako pero bigla kong naalala 'yung sinabi ni Dani tungkol sa pagiging eagle niya.
"Kaya mo bang maging ibon ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Uhmmm... ewan?" Sagot naman nito sa'kin.
"Gawin mo!" Sigaw ko sa kanya.
Nagulat naman siya sa'kin atyaka siya pumikit. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa pero bigla na lang siyang siyang nagimit ng golden light sanhi para mapapikit at mapatakip kami ng mga mata. Nung wala na 'yun eh nawala na si Dani at tanging isang gray eagle na puti ang balahibo sa ulo ang natira.
Pumasok na 'ko sa loob ng cave at nagiwan ng siwang sa pinto kung saan kakasya 'yung eagle. Sumenyas ako ng 'stop' sa kanya na naintindihan naman niya.
Madilim sa loob ng cave at halos wala akong makita kung hindi lang dahil sa nagiisang torch na nasa gilid.
"Stacy Dane," rinig kong tawag ng isang malalim pero halata pa ring pangbabaeng boses sa'kin. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko run 'yung sphinx na feel at home na nakadapa sa sahig.
"Asan ang kapatid ko?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"Riddles first, demigod," sabi niya sa'kin atyaka siya ngumiti. Normal lahat ng ngipin niya except dun sa magkabilang matutulis na pangil niya.
"Fine," sagot ko na lamang.
"I have three riddles for you," warning niya sa'kin.
Usually isang riddle lang pinapasagutan niya kaya bago sa'kin 'tong tatlo. Nevertheless, I trust my brain.
"What has four legs in the morning, two at noon, and three at night?" Tanong ng sphinx sa akin atyaka pa ito ngumisi. Tinitignan niya 'ko ng parang aliw na aliw siya sa'kin although hindi ko pa naman siya sinasagot.
Anyway, 'yung unang riddle niya, 'yan ang pinaka-famous na riddle na meron siya. Na-solve 'yun ni Oedipus. Killed his father and married his mother (well 'di niya naman alam na ganon nga). Popular 'yung tale niya kasi kadalasang nakwekwento sa high school.
"A man," sagot ko sa sphinx. "I can be more intelligent than Oedipus, lion lady. Come at me," hamon ko pa sa kanya. Natawa naman ito na agad nag-echo sa buong cave. Naging mas nakaka-goosebumps tuloy 'yun.
"There are two sisters, one gives birth to the other and she in return gives birth to the first. Who are the two sisters?" Sunod na riddle nito.
Ako naman ang napangisi sa kanya. Oh boy, it's getting better and better. I can do this all day. I bet Goddess Hera underestimated the power of my brain. Crazy woman.
Wait, she can't hear my thoughts right?
"Two sisters, both feminine in Greek," panimula ko. "Day and night," sagot ko rito.
"Fantastic," puri sa'kin ng sphinx. "What runs on the floor without any legs?" Sunod na tanong nito.
Napataas ako ng kilay sa kanya at tinignan siya ng 'are-you-kidding-me look'. "Water! Gods, are you mocking me?! I'm a daughter of Poseidon!" Sigaw ko sa kanya. Ngiting-ngiti pa siya sa'kin pero ito na ang huling riddle niya para sa'kin kaya bakit pa niya nagagawang ngumiti? "You are planning to keep me, aren't you?"
Binabawi ko na 'yung sinabi ko kaninang kaya kong gawin 'to all day. Natuwa siya sa'kin, matagal na siyang walang nakakalaro kaya ngayon na nakahanap na siya ng match niya hindi niya na 'yun papakawalan. Hindi niya na 'ko papakawalan.
"One more riddle," wika nito sa'kin sabay lipad nito palapit sa'kin. Wala ng kalahating metro ang layo niya sa'kin kaya kitang-kita ko ng maigi ang mukha niya. She has this blonde hair. Kakulay ng balahibo niya. Piercing black eyes and slightly crooked nose. I'm guessing someone tried to kill her. "First it is beautiful and calm, then slowly getting stronger and more aggressive than ever, the next thing you know, it is drowning you, killing you. Name it, sweetheart," dahan-dahan niyang pagkakasabi sa'kin na parang dina-disect niya 'yung utak ko.
Goddess Athena, help me.
Oh my gods ngayon lang ako humingi ng tulong kay Goddess Athena pero kailangang-kailangan ko kasi talaga. Ang dami kasing naglalaro sa isip kong sagot pero hindi ko ma-pick up kung ano 'yung tama. Nginingisian na 'ko ng sphinx na 'to pero hindi ko pa rin makuha 'yung tamang sagot. Dagat? Pero sobrang obvious. Atyaka hindi na siya mukhang nagmo-mock kaya hindi pwedeng dagat ang sagot. Plus, stronger and more aggressive killed the possibility that the answer is sea.
Could it be...?
Kapag hindi ko 'to nasagot patay ako. Patay rin si Night kasi hindi ko na aasahan 'yung mga nasa labas. Kailangang maitama ko 'to.
"Not so proud anymore?" Panunukso pa sa'kin ng sphinx.
Bahala na. Kung mali 'to gagamitin ko na lang 'yung back up plan ko. Never kong naisip na kakailaganin ko 'yun pero no choice eh. Sad to say, hindi ako sigurado sa isasagot ko.
"Love," sagot ko sa kanya. "It's beautiful at first, no problems and other complications. Getting stronger when you are at the middle but then it'll be more demanding, more aggressive, wanting more and more of you. The killing happens when yourself doesn't matter anymore but the whims of your heart and the one you love," paliwanag ko sa kanya ng sagot ko.
Ngumiti ito sa'kin. Naramdaman kong hindi niya na talaga ako papakawalan kaya dali-dali na akong umatras sa kanya at nag-summon ng tubig.
"I have wings, are you blind?" Sabi pa nito sa'kin habang nakangiti. "We can play riddles all day, Stacy. Our future's good," dagdag pa nito. Nakatayo siya sa tubig na nilagay ko.
Alam ko namang magkakaproblema ako run sa peste niyang pakpak eh pero syempre may iba pa akong plano. Kaya tinawag ko ng pagka-lakas-lakas 'yung pangalan ni Dani. Agad-agad naman siyang pumunta -- este lumipad papunta sa'kin atyaka na siya nagchange form. Naging Dani na ulit siya, tao na.
Kinuha ko 'yung kamay niya at para naman akong nakiliti sa electricity na ini-emit niya. Atyaka ko pinataas na parang waterfalls (ang kaibahan lang eh mula sa baba 'yung tubig) 'yung tubig na inipon ko kanina. Syempre water plus electricity, instant pritong lion lady. Na-dissolve 'yung sphinx at naging dust na lang at napansin namin ni Dani na nagiging dust na rin 'yung cave kaya kung ayaw naming mabaon ng buhay kailangan na naming kumilos para mahanap si Night at makalabas dito.
Natagpuan namin si Night na nakasilid sa isang secret compartment sa floor ulit. Ang hilig ata nito sa mga secret secret whatever? Ayon nga inilabas namin si Night as fast as possible. Nung nakalabas na kami eh tuluyan ng naging dust 'yung cave kaya sorry na lang sa janitor na papasok bukas.
"Buti na lang busy si Goddess Hera nung mga panahong ginagago ko siya. Ang tindi pala niya mainis," pahayag ni Dani.
Nginitian ko siya atyaka pinasalamatan. Namutla naman siyang parang nakakita ng multo nung narinig niya 'yun mula sa'kin.
Iniuwi namin si Night, nilinis atyaka na siya nagkwento ng nangyari. Natulog siya sa'min, sa kwarto ko to be specific. Para ulit kaming mga bata. Eh kasi dati tabi naman talaga kaming natutulog. Hahaha! Bago nga kami matulog siya pa nagsusuklay ng buhok ko eh. Haaay... kahit anong mangyari kapatid ko pa rin si Night. Kahit palagi ko siyang minamaliit kasi hindi siya kasing talino ko, love ko pa rin 'yan.
"Thank you Stace," sabi niya sa'kin bago siya pumikit. Nginitian ko na lang siya kahit hindi niya na nakita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro