Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

iv. theory

iv. theory

; m e a n w h i l e ;

"So, what's the plan?" Tanong agad ni Kite kay Night pagkapasok na pagkapasok pa lang nito sa kwarto niya. Nag-offer ito ng upuan sa kaibigan pero mabilis din niya itong tinanggihan dahil hindi rin naman daw siya magtatagal. 

"Bago pumunta si Daddy sa Olympus para kausapin si Stacy, sa akin muna niya sinabi 'yung plano niya," pahayag ni Night. Tumango-tango na lang si Kite habang dinidinig ang sinasabi nito. "Sabi niya kailangang makahanap si Stacy ng tao or demigod na gugustuhing magstay siya rito," pagtatapos nito.

"Ano hahanap na lang ng magpapanggap? Magvovolunteer?" Tanong naman ni Kite sabay cross arms. 

Umiling-iling si Night. "Hindi. Syempre malalaman ni Daddy kung fraud o hindi 'di ba?

"Eh anong gagawin? Maghihintay na lang tayo?" Kwestyon muli ni Kite.

Umiling muli si Night. "Do you really think she can find someone who wants to make her stay here?" Frustrated na tanong ni Night. "You know my sister. Nakita mo kung paano niya banatan si Dani. Hindi rin siya nakikipagkaibigan sa mga kasama mong demigods, ikaw hindi ka rin niya gusto," bahagya namang napangiwi si Kite sa sinabing iyon ng kaibigan. "Kahit kailan, Kite, wala siyang mahahanap na taong gugustuhing makasama siya rito kasi ganun 'yung ugali niya," dagdag pa ng kapatid ni Stacy.

Dahan-dahang naglakad si Kite palapit sa kama niya. Dahan-dahan din itong umupo dahil sa pagiisip. Alam niyang tama lahat ng sinabi ni Night pero hindi niya maintindihan ang kakaibang nararamdaman niya. Hindi niya lubos maisip at maintindihan pero alam niyang involve si Stacy doon.

Sandaling napahilamos ng mukha si Kite gamit ang kanang kamay nito. "Paano kung may mahanap siya? You know, birds of the same feather, flock together?"

"No, you don't understand. Stacy's the only one with that shitty attitude and the only thing that's keeping me from killing her is because she's my sister," matinding pahayag ni Night. Bakas na bakas ang pagkainis nito sa kanyang mukha at halata ring ilang gabi na itong hindi nakakatulog. 

"Woah," ang tanging nasambit ni Kite. Hindi niya inaasahang ganon ang masasabi ni Night tungkol sa kapatid dahil mukha namang napaka-protective niyang kapatid at ang buong akala niya'y mahal na mahal nito si Stacy.

"Kite, I need your help with this plan," sabi ni Night. Agad namang nagfocus si Kite at pinakinggan ang kaibigan. "My sister needs to fall in love," agad namang napakunot ang noo ni Kite sa narinig pero bago pa lamang siya makasabat ay inunahan na siya ni Night. "And have her heart broken," dagdag nito. 

"Excuse me, but what?" Hindi makapaniwalang pagkakatanong ni Kite.

"Think about it," sabi ni Night. "She will never wanna come out of the sea ever again if she'll have her heart broken by someone who's from here, from dryland!" Paliwanag pa ni Night. 

"Ikaw na rin ang nagsabi, walang gustong makipagkaibigan sa kanya tapos 'yan ang naisip mo? Seryoso ka ba? Wala na ngang gustong makasama siya paano pa kayang ligawan siya?" Seryosong tanong ni Kite. Hindi siya makapaniwala sa naisip ni Night at sa tingin niya hindi iyon posible.

"That's why you need to fake it!" Pasigaw ng sabi ni Night. Iniiwasan niyang lumakas ang boses niya dahil baka magising pa ang kapatid nito pero frustrated na frustrated na siya kaya hindi na niya na-control ang sarili.

Agad namang napatigil si Kite sa narinig. Iniisip niya kung nagkamali lang siya ng dinig o talagang tunay ngang siya ang gagawa ng pinakamalaking parte sa plano ni Night. 

"What do you mean by 'you'?!" Tanong ni Kite.

"You need to do it!" Sagot naman nii Night sa kanya.

"Why me?! Why not Herod?! You know him, the guy who sleeps a lot? I'm sure Stacy won't mind going out with him since he doesn't usually speak," bwelta ni Kite sa kaibigan. 

Kitang-kita na rin ang inis sa mukha ni Night kaya mas lalong napataas ang boses nito. "And how will my sister fall in love with someone who'll turn a date into a slumber party, dumbass?!"

Hinilot-hilot ni Kite ang sintido nito. Dala ng puyat ay sumasakit na rin ang ulo nito. Dinagdagan pa ng plano ni Night at ng 'kakaibang' nararamdaman nito para kay Stacy. Gusto rin niyang mainis sa sarili niya dahil may isang parte ng utak niyang gustong gawin ang pinapagawa ng kaibigan. Hindi niya gustong siya ang makasakit kay Stacy pero gusto niyang sa kanya ma-in love ang dalaga. 

Napamura sa isipan nito si Kite dahil sa mga bagay na napupunta sa utak niya. Iniangat niya ang ulo at tinignan muli si Night.

"Please," pakiusap ni Night. "You're good at women. You can do this," dagdag pa ng binata.

"I'm good at women but not with Stacy. She's different, you already told me," wika naman ni Kite.

Napabuntong hininga si Night. "Stacy doesn't really know if she's in love or just infatuated. Just show her you care and you really, really appreciate her existence," saad nito. "Mahal na mahal siya ni Daddy at ayokong makitang nadi-depress siya dahil lang sa katigasan ng ulo ng kapatid ko. Kita mo naman, pumunta siya Olympus kahit madaming kailangang gawin sa kaharian niya," pagpapaliwanag ni Night. "My father can't work without Stacy by his side. She's his little princess."

"Fine," hindi inaasahang sagot ni Kite.

Para namang nabunutan ng malaking tinig sa dibdib si Night nang marinig ang sagot ng kaibigan. Agad siyang nagpasalamat sa mga deities sa kanyang isipan matapos iyon. Ngumiti siya ng bahagya, lumapit kay Kite at tinapik ito sa balikat.

"Thank you," sabi na lamang ni Night atyaka na ito nagpaalam at umalis.

Naiwan si Kite na problemado't gulong-gulo. Napahiga ito sa kama na para bang pagod na pagod. Hindi niya maisip kung saan galing ang pagpayag niya sa plano ni Night. Kung meron mang consistent sa isip at puso niya, 'yun ay ang 'kakaibang' nararamdaman niya para kay Stacy.

* * * * * * * * *

Nagising ako nang may marinig akong nagbubutingting sa may kitchen. Syempre na-excite agad ako kasi alam niyo na hihihi pagkain ulit. Kaya agad akong bumangon ng kama, naghilamos sa may banyo at lumabas ng kwarto. Halos patakbo nga akong pumunta ng kusina eh. Pasensya, utos ng tyan. 

Pagkarating ko sa may kitchen eh nadatnan ko si Kite na nagpapalaman ng tinapay. Agad akong umupo sa may lamesa at ginaya ang ginagawa niya. Nagtaka naman ako sa kakaibang katahimikan na bumabalot sa atmosphere. Kasi 'di ba si Kite? Kapag nasa paligid si Kite, hindi tatahimik ang buong kwarto. Laging merong magdadaldal ng mga nonsense ganon, tulad ng kung anong kotse isusunod niyang idra-drive bukas o kung saan siya susunod na bibili ng damit niya o 'di kaya papahulaan niya kung boxer shorts ba 'yung suot niya o brief. Kaya takang-taka ako ngayon kung bakit sobrang tahimik at ang naririnig ko lang eh 'yung pagkarengkeng ng butter knife at platito. 

Tinignan kong mabuti si Kite pero focused lang siya sa tinapay niya. "Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko sa kanya. Syempre testing muna baka mamaya eh mabigla na lang ako dahil maga-ala armalite na naman bunganga nitong lalakeng 'to.

"Na-late ako ng gising. Mamayang hapon na lang ako papasok," medyo maikli niyang sagot atyaka tumahimik na ulit siya. Ni hindi niya nga ako tinignan nung sumagot siya eh.

Hmmm... nakakahalata na talaga ako rito. 'Di kaya naiilang siya? O nahihiya ganon? Alam niyo na mga sintomas ng pagiging in love. Eh kasi kagabi pinagpuyatan ko talagang isipin kung anong nangyari kay Kite. Parang narinig ko nga boses ni Night kagabi eh, anyway~ ayon nga naisip ko baka accidentally siyang napana ni Lord Eros kahapon o 'di kaya napana siya tapos accidentally eh ako una niyang nakita kaya sa'kin siya na-fall mga ganon ba?

Or... baka nagfefeeling lang ako? Pero imposible, matalino ako, alam ko kung mali ako o hindi.

"Kite," tinawag ko siya. 

"O?" Tanong niya sa'kin pero nakatungo pa rin 'yung ulo niya.

"'Di mo ba 'ko titignan?" Tanong ko sa kanya. 

Napansin kong napabuntong hininga siya atyaka unti-unti nang tumingin sa'kin. Siguro mga four seconds ganon tas balik na ulit siya sa tinapay niya (hmmm baka naman gusto lang talaga niyang kumain at ginugulo ko lang siya pero hindi eh iba 'tong taong 'to eh madaldal 'to eh). Napansin ko ring may eyebags siya. Ibig sabihin puyat 'di ba? Bakit naman siya mapupuyat? School works? O iniisip ako? Hahaha! 

"Kite," tawag ko ulit sa kanya. In fairness, ngayon ko lang na-realize na ang cute ng pangalan niya. Sarap banggitin eh.

"O?" Ganon ulit response niya.

"Gusto mo ba akong i-kiss?" Tanong ko sa kanya sabay pout.

Agad-agad naman siyang nasamid. Nagulat naman ako kasi wala naman siyang nginunguya pero nasamid siya? Seryoso? Nasamid siya sa laway niya ganon? Anyway, ayon uminom agad siya ng tubig atyaka napatingin sa'kin.

"Ano bang trip mo?" Tanong nito sa'kin. Nakakunot 'yung noo niya pero napansin kong nagsha-shine 'yung mga mata niya kapag nagtatama 'yung mga mata namin. Odibadibs, anong ibig sabihin 'non?

"In love ka ba sa'kin?" Agad kong tanong sa kanya.

Again, nasamid ulit siya. Nagtubig ulit siya atyaka tumayo na sa mesa. 

"Gutom lang 'yan, S-Stacy," sabi niya sa'kin tyaka na naglakad palayo ng kitchen. 'Tas alam niyo 'yung pagkakasabi niya ng pangalan ko? Alam mo 'yung parang ninanamnam niya 'yung bawat syllable?

Sinundan ko naman agad siya. Tumakbo ako para maabutan siya't makapunta sa harapan niya. Napatigil siya sa paglalakad atyaka iniiwas ulit 'yung tingin niya. Isang test na lang talaga mako-confirm ko na 'yung hinala ko. 

Mas lalo akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko 'yung magkabilang pisngi niya at iniharap 'yun sa'kin kaya napilitan siyang makipag-eye to eye sa'kin. Inalis ko 'yung dalawang kamay ko atyaka siya mabilis na niyakap.

"Ano? May nararamdaman ka bang something? Mahihimatay ka na ba? Sasabog na ba puso mo?" Tanong ko sa kanya. Sinubukan niya akong itulak pero hindi ko siya hinayaan. "'Wag kang magulo dinidinig ko heart mo!" Saway ko sa pagpupumiglas niya. 

Unfortunately eh napalakas siya ng tulak sa'kin kaya napabitaw ako sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?!" Inis niyang pagkakasabi sa'kin. Woah. Parang mali ata mga observations ko. "I'm not in love with you, okay? I care for you because you're Night's sister. That's all," paliwanag nito sa'kin atyaka na 'ko nilagpasan.

"Bakit hindi ka in love sa'kin?" Agad ko namang tanong bago pa siya makapuslit sa kwarto niya. Napatigil naman siya at napilitang humarap sa'kin.

"Why would I fall in love with you?" Sabi niya sa'kin. 'Tas ayon mukhang bad trip na siya sa'kin.

Siguro nga hindi talaga siya napana ni Lord Eros. Nagkamali lang siguro ako 'no? Pero letche, ayoko talagang nagkakamali eh. Kaurat kapag nadidiscover kong mali ako. Kasi alam mo 'yun? Stacy Dane (oo Dane surname ko kaiyak my friend) nagkamali? Holy Poseidon. 

Fine. Move on na.

"'Wag mo na pala akong sunduin mamaya," sabi ko sa kanya bago pa siya maka-turn around and walk away hihihi. "Magde-date kami ni Eros kaya mauna na kayong umuwi," pagpapatuloy ko. 

"Ano ka na ngayon? Kabit?" Natatawang tanong niya sa'kin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Tama nga, hindi siya in love sa'kin kasi kung in love siya sa'kin hindi niya 'ko gagantuhin.

"Hiwalay na sila ni Psyche, duh!" Sagot ko naman sa kanya sabay irap pa.

"Hoy Stacy," sabi naman niya sa'kin with matching duro-duro pa atyaka siya lumapit. "Maganda record ni Lord Eros sa mga Romans kaya pabor sa kanya 'yung kwento nila ni Psyche pero sa Greek Myth, malikot at balasubas siya!" Sermon naman ni Kite sa'kin.

"Alam ko, anong akala mo sa'kin tanga?" Bwelta ko naman sa kanya. "Atyaka may tiwala ako sa kanya 'di tulad nung napangasawa niya," pagpapatuloy ko.

Alam niyo naman siguro 'yun 'di ba? Cupid (a.k.a Eros) and Psyche? Sabi ni Cupid 'wag siyang titignan tas magtiwala lang sa kanya at sa love niya para sa kanya pero ano ginawa nung Psyche? Ayon na-curiosity killed the cat! Tsk tsk. Plus! 'Di boto sa kanya si Goddess Aphrodite!

"Bahala ka nga," sa wakas eh nag-give up na rin siya. Bumalik na siya sa kwarto niya at ako naman eh bumalik sa kusina.

Problema ko na nga 'yung deal namin ni Daddy tapos poproblemahin ko pa kung magiging kabit ako? Tsss. Speaking of the deal... saan naman kaya ako makakahanap ng taong gugustuhin akong magstay dito? 'Di pwede si Night eh. 'Di pwede si Dani kasi binabara-bara ko siya. 'Di rin pwede si Neon kasi baka balatan ako ng buhay nung girlfriend niya. 'Di rin pwede 'tong si Kite kasi alam naman siguro ni Daddy na hindi ako magkakaron ng kasundong madaldal. Haaay... makiki-friendship na lang ako run sa ibang mga demigods. Malay niyo baka dun ko pa mahanap 'yung susi ko para maging forever na 'ko rito.

Ilang sandali pa eh naramdaman ko na lang na sobrang hangin ng paligid as in halos liparin ako atyaka 'yung mga gamit sa bahay kaya minadali kong magsara ng bintana. Jusko, asan ba si Kite kung kailangan? Anyway, ayon nagsara ako ng mga bintana tapos nung saktong nasara ko na lahat tyaka lang lumabas 'tong si Kite na nakangiting tagumpay pa. Syempre nagpamaywang ako atyaka tinaasan siya ng kilay.

"Tigilan mo nga 'tong hangin!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kaya," sagot niya sa'kin tas syempre ngiting-ngiti pa rin siya pero pinipigilan niya lang.

"Panong 'di mo kaya?! Anak ka ni Lord Aiolos, ayusin mo 'to!" Sigaw ko sa kanya. Syempre may pasok pa ako mamaya atyaka my gods 'yung date namin ni Eros ano ba!

"Simple lang, kasi hindi ako 'yung gumagawa nito. Malay ko ba kung si Daddy gumagawa? Who am I to interfere?" Paliwanag nito sa'kin.  Napairap na lang ako sa kanya dahil sa sobrang inis. "Paano cancelled na siguro 'yung date niyo?" Natatawang tanong nito sa'kin.

"'Di ka gumagamit ng dictionary 'no? The right term is 'postponed' not 'cancelled', you moron," sabi ko sa kanya. Allergic talaga ako sa mga alam niyo na tatanga-tanga :3

"Anong pinagkaiba 'non?" Tanong naman nito sa'kin.

Agad-agad naman akong napa-facepalm dahil sa sinabi niya.

"Holy Poseidon, why am I stuck with an idiot," sambit ko atyaka ulit siya inirapan. "Postponed means you'll reschedule while cancelled means you'll drop the event or whatever you planned to do," paliwanag ko sa kanya. Pero seryoso, kung may malapit lang na dictionary dito? Baka naibato ko na 'yun sa mukha niya.

"Whatever," sabi niya na lang sa'kin tyaka inilabas 'yung nagriring niyang phone na kanina pa nami-meste nung nagpapaliwanag ako. Buti na lang 'di ako na-distract. "Look it's Dani," sabi nito sabay pakita nung screen ng phone niya. "Ila-loud speaker ko para siya naman pagdiskitahan mo ng pagka-nerd mo," wika nito sa'kin tyaka niya na tinouch 'yung phone niya.

"WHAT THE FUCK KITE ITIGIL MO NA NGA 'TONG PAHANGIN HANGIN MO GAGO KA BA NAKAPALDA AKO TIGILAN MO NA 'TO DI MO MAI-IMPRESS SI STACY SA GANITO," sigaw ni Dani over the phone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro