iii. easy peasy
iii. easy peasy
"Kaya ka ba nagpumilit umalis sa ilalim ng dagat para maging kabit?" Pang-limang irap ko na 'to mula nung maglakad kami ni Night palayo kay Lord Eros--I mean, Eros na lang since sabi naman niya okay na mag-first name basis since special naman ako hihihi. Anyway, hindi talaga kami "naglakad" kasi itong perabaga kong kapatid eh kinaladkad ako palayo sa soulmate ko (hihihi yes naman).
Humarap ako sa kanya at ipinakita ang pang-anim kong irap. Eh syempre para dama niyang naggigigil ako sa kanya ngayon 'no. Biruin mo ba naman, kinakausap ako ng isang deity na halatang-halatang interesado sa'kin tapos bigla na lang akong hihilain palayo, gods! Anong problema niya?!
"Alam mo Night," panimula ko sabay cross arms. "Kung handa ka ng maging tayo, sabihin mo naman ng maayos. Hindi 'yung kinakaladkad mo 'ko dahil lang sa nagseselos ka," sabi ko sa kanya sabay lagay ng signature smile ko. Wala na akong ibang alam na paraan para tantanan ako nitong kapatid kong 'to kundi ang inisin siya kaya ito na!
"Stacy, Eros and Psyche are married," paliwanag sa'kin ni Night. "And what did he say earlier? They broke up? Damn it, Stace! Married people or gods don't just break up! They divorce!" Very very close to 'sigaw' na pagkakasabi sa'kin ng kapatid ko. Halatang-halatang frustrated na siya at gusto niya na lang mag-agree ako sa kanya.
Alam ko namang hindi pa sila nagkakabalikan nung nereid niyang ex eh pero mali naman atang ibunton niya sa'kin 'yung ka-bitter-an niya? I mean, pwede namang sabihin niyang: "'Wag ka munang magboyfriend, 'di pa kami ayos ni Nina. Ayokong mag-isa lang akong loveless." Odibadibs? Maiintindihan ko naman eh! Kaurat 'tong lalakeng 'to. Palibhasa nagmana kay Daddy na mahilig sa mga low quality na babae--I mean, you know mga sari-saring breed (aye parang aso lang).
"Night, alam kong loveless ka ngayon, okay? Pero hindi dahil single ka eh magiging single na rin ako. Ano 'to dikit bituka nating dalawa? Dikit puso, ganon?" Sabi ko sa kanya. Muntik pa nga akong matawa kasi seryosong-seryoso pa rin siya. Ewan ko ba, natatawa ako kapag seryoso 'yung kaharap ko pero 'pag pang-comedy na 'yung mukha parang ang sarap bangasan.
"Fine! You go out with that douche and cry later," tyaka na nagwalk out si kapatid. Naks, natututo ng magwalk out! Ganyan ginawa sa kanya ng ex niya. Dun siguro niya napulot hahaha!
Pero seryoso, alam ko naman pinagkaiba ng break up atyaka ng divorce. Matalino ako 'no! Kung may ipagmamalaki man ako sa buong pagkatao ko, 'yun ay ang buhok ko at ang utak ko! Bonus na lang na maganda ako dahil nagmana ako sa nanay ko kaya praise the lords! Anyway, ayon nga. Alam ko naman at feel kong hindi pa hiwalay sina Eros at Psyche. Kaso alam mo 'yon, nacu-curious akong maging kabit--CHAROT. Hindi totoo 'yung sinundan sentence except sa expression na 'charot'. Pero seryoso, kung ayaw na ni Eros kay Psyche at accidentally na napana niya 'yung sarili niyang heart nung makita niya 'ko o 'di go lang ng go! My kalandian knows no limit hahahaha--joke :3
Naglalakad na 'ko sa corridor papunta sa susunod kong subject which is Chemistry (na sobrang paborito ko) nang makita kong nakikipagkwentuhan si Kite kina Dani at Neon sa isang sulok. Syempre madadaanan ko rin naman sila kaya minabuti ko na lang mag-hi muna. Para naman hindi masabihang bastos.
"Hi!" Bati ko sa kanila at sabay-sabay naman silang napatingin sa'kin. Si Kite medyo malapit sa'kin kaya nginitian ko pa siya.
"May klase ka?" Tanong ni Neon sa'kin. Napansin ko namang bigla siyang siniko ng mahina ni Dani. Natawa ako ng mahina dahil dun. Bantay sarado si pinsan sa boyfriend ah? Hahaha!
"Yep!" Masigla kong sagot. "Chemistry. My favorite," dagdag ko pa.
"Nerd," bigla namang singit ni Dani habang tinitignan ako ng masama.
"I'll take that as a compliment, because you know what cous? That's what mediocres call to people who are smarter than them. In this case, you admit that you're a bird-brain," bwelta ko naman sa kanya tyaka ngumisi. Kitang-kita naman ang panlilisik ng mga mata nito habang nakatingin sa'kin. Nakakuyom din ang magkabilang kamao nito.
"What the--" agad naman siyang pinigilan ni Neon atyaka hinila na palayo sa akin. She's not gonna hit me. She wants to but she can't. Hindi nga kasi nagana 'yung powers niya sa'kin. Tsk tsk, poor little thing.
Nang hindi na matanaw ng mga mata ko ang magboyfriend na demigods (and technically eh magpinsan din) eh ibinaling ko na ang tingin ko kay Kite na nakatulala sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin atyaka tinapik sa may kaliwang balikat.
"Huy, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Kite at bumalik sa katinuan. "O-Okay l-lang?" Patanong nitong sagot. Lol, bakit naman siya nagi-stutter?
"Seryoso? Baka mamaya magcollapse ka na dyan ha. Walang maghahatid sa'min pauwi," wika ko na lang sa kanya atyaka na nagpaalam para pumunta sa next class ko.
Weird? I mean, wow. For the first time hindi siya nagdaldal sa harapan ko. As in tulala lang kung tulala. Ni hindi nga siya nakisali nung binubully ko si Dani. Atyaka isa pa, nautal siya nung tinanong ko kung ayos lang siya. 'Di kaya masama na pakiramdam 'non? Or baka na-infect siya ng kung anong virus? Omgs, 'wag naman sana! Kinausap at hinawakan ko pa naman siya! Paano ako makikipagdate kay Eros kung may sakit ako? Oh dear.
Napagdesisyonan kong pumunta muna ng comfort room para maghugas ng kamay. Hindi pa naman ako late kasi nga 'di ba maaga akong umalis sa klase ko ng Greek Myth?
Nung matapos na 'ko sa comfort room eh didiretso na sana ako sa Chemistry class ko kung hindi lang sa malakas na sigaw ni Kite na rinig mula canteen hanggang corridor. Ilang meters lang naman ang layo kaya rinig na rinig pero na-curious ako kaya mas lalo pa akong lumapit dun sa lugar. Pumwesto lang ako sa may pinto, since malapit lang sila sa kinatatayuan ko (siguro mga two seats away lang naman) eh rinig na rinig ko pinaguusapan nila.
"Holy shit, Dani!" Bulalas ni Kite. Tsk tsk, hilig talaga gumamit ng mura ng demigod na 'to. Buti hindi siya ganyan sa harap ko kasi kung hindi matagal ng natampal 'yang bunganga niya.
"Ano bang problema? Nasa canteen tayo tapos maka-shit-shit ka dyan. Gaga ka ba?" Tanong naman ni Dani sa kanya.
"You have to help me!" Biglang sabi ni Kite sa kanila. 'Yung mukha niya talaga mukhang takot na takot na clueless ganon. OH MY GODS. Sabi ko na nga ba nagka-virus siya! Omgs baka napasa na niya sa'kin! OMGSOMGSOMGSOMGS
"Anong problema?" Tanong naman ni Neon matapos silang magkatinginan ni Dani.
"Hindi ko alam! 'Di ba naguusap lang tayo tapos biglang dumating si Stacy--" naputol naman ito ng biglang magsalita si Dani.
"Yep, atyaka ako tinrash talk. Ge Kite, ipaalala mo pa. Ang saya-saya 'no?" Sarkastikong pagkakasabi ni Dani sabay irap. Tatawa na sana ako kung hindi lang dahil sa pagaalalang hinawaan ako ng virus ni Kite. Letche!
"Dani, biglang dumating si Stacy tapos nag-hi siya tyaka tayo sabay-sabay na humarap sa kanya 'di ba?" Tanong ni Kite sa kanila. Agad namang tumango 'yung dalawa. Naging seryoso na 'yung atmosphere kaya wala ng interruptions na naganap. Pero ano 'to? Sasabihin niya ako 'yung nanghawa ng virus? OMGS AKO PA MAY SALA OH DEAR LORDS I-- "Wala ba kayong naramdamang kahit ano?"
"Meron," mabilis namang sagot ni Dani. Tinanong ni Kite kung ano. "Inis," sagot naman nito.
"No not that! Wala ba kayong naramdaman na parang may lumusot sa katawan niyo? You know, as if you've been pierced by an arrow or anything sharp?" Patuloy na kwestyon ni Kite sa dalawa niyang kasama.
Okay? So hindi ito tungkol sa virus? Or ito 'yung mga symptoms? Omgs, may naramdaman ba akong ganon? Oh gods!
"Wala. Ano bang sinasabi mo, Kite?" Tanong ni Neon sa kanya.
"I felt something when I saw her. After the feeling of being pierced, I felt like my heart was burning. And it's all because of Stacy. Dude, what's happening to me?" Kinakabahan pa ring tanong ni Kite sa kanila.
So hindi nga 'to virus. Lol, ano naman kasing klaseng virus ang may symptoms na ganon 'di ba? Aish, kinabahan ako run ah. Akala ko talaga nagkaron na ng kahit anong virus 'tong Kite na 'to. Kaurat.
Tuluyan na akong umalis ng canteen at pumunta na ng classroom. Tamang-tama dahil pagkapasok ko eh nasa likuran ko na pala 'yung teacher namin. Naupo na ako't inihanda na ang sarili kong makinig sa lecture niya nang biglang may pumasok sa isip ko. Weird. Kasi 'yung symptoms na sinasabi ni Kite kanina? Those happened to Medea when she first saw Jason. Weird, really.
* * * * * * * * *
Ayos naman first day of school ko. Simula pa lang madami na akong nakuhang recitation points. Atyaka wala akong bagong natutunan kasi lahat ng na-discuss sa mga lectures eh alam ko na.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom ko ng huli kong klase (which is English) eh tumambad sa'kin 'yung pagmumukha ni Dani. Akala ko nga gagantihan niya 'ko ng suntok dahil sa nangyari kaninang umaga eh pero isasama niya lang pala ako sa Olympus. Bakit? Andun kasi si Daddy at gusto niya akong makausap. Kaartehan na naman niya eh. Pwede namang siya na lang bumaba rito tapos kausapin ako tutal siya naman nakakamiss sa'kin kaso hindi eh, ako pa 'yung a-ascend para makita niya 'ko. Tsk, tsk. Hindi na rin ako magtataka kung bakit sa Olympus niya 'ko gustong kitain. Syempre, banned ako sa kaharian niya under the sea. Hay nako, arte talaga.
So ayon, no choice kundi sumama kay pinsan. Umakyat kami sa pinakamataas na parte ng school which is the rooftop atyaka nag-hop in sa isang ulap. Ganito kasi, there are so many ways and passages to Olympus. 'Yung mga deities mismo 'yung gumawa 'nun para sa mga demigod offsprings nila. Nakadepende 'yung passage sa powers mo at sa kung sinong deity parent mo. For example, si Dani sumakay-sakay ng ulap, eh kasi God of the Sky ang father niya.
"Umayos ka sa'kin kung hindi tatadyakan talaga kita rito," warning sa'kin ni Dani nang napansin niyang nginingisian ko siya. Natawa na lang ako sa kanya.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa Olympus. Napansin kong wala namang masyadong nagbago sa lugar. Hindi ako masyadong natambay rito nung bata siguro mga dalawang beses lang akong nakatungtong dito pero kabisado ko pa rin 'yung lugar.
Iniwan na 'ko ni Dani nang hindi ko man lang namamalayan. Napa-kibit balikat na lang ako dahil dun. Dumiretso na 'kong throne room at dun ko natagpuan ang tatay kong may giant tinidor. Nice, medyo nakakamiss rin pala 'yung tinidor niyang 'yan. Palagi ko kasing pinangkakamot 'yan ng mga likod ng mga kapatid kong cyclopes. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Daddy kaya natatawa pa rin ako kapag naaalala ko.
"Hi Daddy," ngumiti lang ako ng unti sa kanya. Napansin ko ring nasa throne din si Uncle Zeus kaya nginitian ko rin siya at binati.
"Hello Stacy. Long time no see," bati naman sa'kin ni Uncle Zeus with matching ngiti pa. Alam niyo 'yung karaniwang ngiti ni Uncle? 'Yun bang parang anytime eh pipick-up siya ng babae ganon. Yikes!
Tinignan naman siya ni Daddy ng masama. "You calm your dick around my daughter, Zeus!" Galit na pagkakasabi ni Daddy.
Muntik na 'kong maluha sa kakatawa dahil sa sinabi ni Daddy. Seryoso, halakhak lang ako ng halakhak sa harapan nila. Kahit nga si Uncle Zeus natawa dahil kay Daddy eh. Grabe, still can't believe that Daddy actually said the 'd' word. Hahaha! In fairness, ngayon lang napakita sa'kin ni Daddy 'tong cool side niya. I must say I'm impress.
"So Dy, what's the catch?" Tanong ko sa tatay ko nang matapos na 'kong tumawa.
"Hindi ka na ba talaga babalik sa atin?" Seryosong pagkakatanong niya sa'kin. So nakuha na niya 'yung message na ipinadala ko kay Lord Hermes?
"Yep. Never ever," sagot ko naman sa kanya.
"What if I say no?" Saad ni Daddy.
Napabuntong hininga ako atyaka sumagot. "Then you say no. Can't care anymore. I'm already out of your place."
Tahimik namang nanunood si Uncle Zeus sa aming dalawa. Ano 'to sine kami ganon? Kuha ka na rin ng popcorn, Uncle :3
"Let's have a deal," wika ni Daddy. Nakuha naman 'nun ang atensyon ko kaya hinayaan ko lang siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Find someone who really wants you to stay in the mortal world. Demigods, humans, you name it. Just find one and you're free to stay until whenever you like," paliwanag ni Daddy.
Napatango-tango ako. Seryoso? 'Yun na 'yun? Isa lang? Easy peasy. Siguro nga nag-give up na rin si Daddy sa pangungulit sa'king bumalik sa kanila kaya sobrang dali na lang nitong pinapagawa niya sa'kin para finally eh tigilan na niya 'ko.
"You have one month starting today. Present him, her or it to me," seryoso 'yung mukha ni Daddy pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Alam mo 'yung tingin na nagsasabing: "Sige lang. Hindi ka rin naman magtatagumpay." Parang ganon ba? Aish, evil. Sobrang dali rin naman nung pinapagawa niya, hay nako.
Nginitian ko na lang si Daddy ng signature smile ko na ayaw na ayaw niya.
"Deal."
* * * * * * * * *
; m e a n w h i l e ;
Malalim na ang gabi nang biglang makarinig si Kite ng katok mula sa pinto ng kwarto niya. Hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang ilaw nito sa kadahilanang hindi pa nito makalimutan ang nangyari sa kanya kaninang umaga.
Binuksan ni Kite ang pintuan ang tumambad sa kanya ang kaibigang si Night.
"Alam ko na kung paano mapapabalik si Stacy sa'min," tuwang-tuwang pagkakasabi nito sa kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro