Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

epilogue

note - hello hahaha alam ko may iba sa inyo ii-ignore lang 'to so okay fine lol pero gusto ko lang pong sabihing salamat po sa support hihihi as in maraming maraming salamat po talaga uhmmm susunod ko 'yung daughter of hades pero idk pa kung kelan basta gagawin ko i swear sooooo yep let's do the final wave charot hihihi

p.s. uhmmm 'yung sa tungkol sa studies ni stacy na babanggitin ko meron ng proven so credits na lang sa kanila hiramin ko muna hahahaha 

__________________________________________________

epilogue

;; four months later ;;

"Umahon ka na kasi para matapos mo na 'yan," pang-sixty seventh ng ulit sa'kin ni Triton. 

Simula nung pumasok ako rito 'yan na sinasabi niya sa'kin. Hindi ko na lang siya ini-imik kasi baka mamaya ma-sass ko lang siya. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ang paglalaro sa mga lab rats sa kulungan nila. 

It's been four months simula nung nagpasya akong bumalik dito sa ilalim ng dagat. Naging maayos 'yung buhay ko rito. Naging mas maayos kami ni Daddy, kami ni Mommy Amphitrite (o 'di ba naman you can see the progress naka-Mommy na 'ko sa kanya) at higit sa lahat naging lab assistant ko si Triton. Four months na rin pala akong walang balita kung anong meron sa dryland. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari kay Night. Alam ni Daddy pero pinakiusapan ko siyang 'wag niya na lang munang sabihin sa'kin. Alam ko naman kasi sa sarili kong babalik pa rin ako run sa itaas kaya siguro ako na lang aalam. Wala rin akong balita kay Kite. May mga times na natutukso akong sumilip dun sa radar ni Daddy pero pinipigilan ko talaga 'yung sarili ko kasi baka mamaya bigla ko na lang maisipang umahon dahil sa hindi ko na matiiis 'yung pagka-miss ko sa kanya. 

Anyway, bakit nga ba kami nasa laboratory ni Triton? Paano ko nga ba siya naging lab assistant? 

Ganito 'yun, may ginagawa kasi akong research tungkol sa seaweeds. Uhmmm, The Feasibility of Seaweed Extract as Diet Drug. Na-try ko na rin kung pwedeng gawing tablet, capsul or tea at naging maayos naman 'yung results. Sinubukan ko na rin sa mga obese lab rats at okay naman hindi naman sila namatay. Basta hindi sila namatay, okay 'yung research. De seryoso na, okay naman sila at medyo nabawasan ng unti 'yung timbang nila although kailangan pa nila ng mas mahabang exercise time. 

Wait, what the H. Nagpapaka-nerd na naman ako. I'm sorry ito lang kasi 'yung naging libangan ko nung miss na miss ko na si Kite... ahem. 

So ayun, naging lab assistant ko si Triton dahil ni-request ko kay Daddy. Ang usapan kasi nila dun siya tutulong sa mga cyclopes pero dahil nga humingi na rin siya ng tawad sa'kin at nag-take talaga kami ng time para intindihin 'yung isa't isa eh kinuha ko siya't isinama rito sa research lab ko. Okay naman siyang assistant. Hindi siya masyadong nagtatanong kasi kahit daw sagutin ko hindi niya rin maiintindihan. 

"Ano? Paano mo 'yan matatapos kung hindi mo ite-test sa mga tao? Alangan namang sa mga nereid?" Pasaring muli nito. Nakasandal siya sa door frame at naka-cross arms pa. Kuyang-kuya na dating niya sa'kin ngayon, 'wag ka. Supportive din siya sa ginagawa ko at katulad ko, excited na rin siyang matapos 'yung pinaghirapan naming dalawa. 

"Natatakot pa 'ko bumalik dun eh," pag-amin ko sa kanya. 

Tama ang basa niyo. The great Stacy Dane is afraid to go back to dryland. Like what the Hades happened, right? 

Actually, hindi lang naman kasi 'yung diet pill 'yung dini-develop ko rito kundi pati 'yung ugali ko. Sinusubukan ko talagang baguhin 'yung pangit kong attitude para kapag dumating na 'yung time na kailangan ko na talagang umahon eh maging maayos na 'ko. Hindi na sila maiinis sa'kin, hindi na nila gugustuhing paalisin ako atyaka magiging maayos na talaga kami ni Kite. As in 'yung plantsado.

Pero lintek, hindi niyo alam kung anong  mga pinagdaanan ko para ma-tame 'yung pagiging sassy ko. I felt like I passed through Underworld and Tartarus. 'Yung feeling na hindi mo masabi kung ano 'yung gusto mong sabihin? 'Yung hindi mo mai-comment 'yung mali nila? 'Yung feeling na parang mamamatay ka na kasi ang dami-dami nilang mali at gustong-gusto mo silang ipahiya? Ganon. Pero nung napigilan ko naman 'yung mga 'yun naging maayos 'yung relasyon ko sa mga creatures dito. Lalong-lalo na kay Triton at sa nanay niya kaya kahit mahirap ginawa ko na lang din. 

"Go on, sass me," Triton provoked me. 

Nanlaki agad 'yung mga mata ko sa kanya. Like, gago ba siya? Four months kong pinigilan 'yung sarili ko tapos sasabihin niya lang 'yan? 

"Alam kong ilang buwan ka ng nagtitimpi. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mo ginagawa 'yan, and honestly? I'm not used to it," wika sa'kin ng kapatid ko. Naglakad (well ni-request ko kasi 'yung mga paa niya imbes 'yung buntot) siya palapit sa'kin at umupo sa harapan ko. 

"I have already established a good relationship with you and your mother. I don't want to lose that again," paliwanag ko sa kanya. Pero nakaka-tempt 'yung sinabi niya kanina. Ewan ba. Siguro nga nasa nature ko na talaga 'tong pagiging sassy ko. Hindi naman daw ganito si Mommy ayon kay Daddy. Mas lalong hindi rin ganito si Daddy so sinong dapat sisihin? 

"Stacy," tawag sa'kin ni Triton at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ako nakipagbati sa'yo kasi pinipilit mong baguhin 'yung ugali mo. Hindi rin kayo naging maayos ni Mommy dahil dun. Yes, you have that annoying tongue but you actually have a good heart and we saw that. Your words don't sum you up," sabi sa'kin ni Triton. Nakatingin siya sa'kin na parang awang-awa siya. Naaawa siguro siya kasi hindi ko masabi kung ano 'yung mga gusto kong sabihin. Naaawa rin ako sa sarili ko eh. 

Bigla na lang akong nangiti sa kanya. Naalala ko kasi 'yung mga panahong galit na galit pa siya sa'kin. Muntik pa nga niya akong mapatay 'di ba? Nakakatawa lang kasi ang laki ng pinagbago ng relasyon naming dalawa sa loob lang ng apat na buwan. Parang araw-araw lang kaming magkasama tapos ayon parang mag-bffs na rin kami. Siya rin tumutulong sa'kin kapag sobrang namimiss ko si Night kaya masaya talaga akong naging maayos kami. 

"Ang tanga-tanga mo talaga sa Excel 'no?" Pabirong sabi ko sa kanya (pero totoo kaurat nga eh). Natawa na lang din siya sa'kin at ngumiti. Pogi rin nitong kapatid kong 'to eh. Black hair, green eyes, medyo muscular 'yung pangangatawan. Pogi nga parang si Daddy lang.

"So aahon ka na?" Tanong niya sa'kin.

"I don't know Tri," sabi ko sa kanya. Tri tawag ko sa kanya kasi shortcut nga ng pangalan niya. Haba eh. "Paano kung iba sila sa inyo ni Mommy?" Amphitrite, ahuh ahuh. "Paano kung ayaw pa rin nila kay Sasstacy?" Nagaalangang tanong ko sa kanya.

"So what? They are not the master of you. Kung hindi ka nila matatanggap then they're not worthy of your attention," sagot nito sa'kin. Ngumiti ako sa kanya pero sa loob-loob ko, natatakot pa rin ako. "Go back to being Stacy... the real one." Tumango-tango na lang ako sa kanya. Nagpaalam na rin siya sa'kin kasi kailangan siya ni Daddy so hinayaan ko na lang din siya. 

Kaya ko na bang bumalik sa dryland? Kaya ko na bang makita ulit 'yung barkada? Hindi ko alam pero gusto kong subukan. 

Gods, where's the sassy me when I need it. 

Inayos ko 'yung mga gamit ko sa lab at tumungo na sa kwarto ko.

* * * * * * * *

Kapag nag-dress ba 'ko tapos umahon sa dagat pagkakamalan ba 'kong dyosa? 'Yung tipong Goddess Aphrodite ba nung umahon din siya pagkatapos na pagkatapos niyang ma-form? Charot.

Yeah right, maganda si Goddess Aphrodite at dun na nagtatapos ang lahat. Maganda lang siya, period. Weak slash coward goddess siya. Malandi at ma-kire. Hindi rin kagandahan ugali niya. Anong ka-love love dun? Parang siya pa nga 'yung living and holy proof na sa ganda lang nadadaan ang love. Buti pa 'yung asawa niyang si Lord Hephaestus (wait nagdivorce na ata sila idk wala silang showbiz news sa Olympus), hindi man kapogian eh matalino tapos matyaga naman. Ano bang nakita niya run sa Lord Ares na 'yun eh ang war freak nga 'non? Siguro BDSM (hah rated spg gumamit ng google mga bata) palagi sila sa loob ng kwarto. Omgs, what the H.

Teka, bakit ko ba siya bina-bash? 

Simple lang, siya lang naman ang may pakana ng nararamdaman (please sana present tense pa rin) ni Kite sa'kin. Ang weak, weak ko na tuloy. Konting isip ko lang dun sa lalakeng madaldal na 'yun iyak na agad. Kaurat. Nakakamiss kasi siya. Nakakamiss 'yung dimples niya. 'Yung buhok niyang mukhang inararo ng hangin. 'Yung mga mata niyang palaging nagse-send sa'kin ng secret messages kapag naga-eye to eye kami. 'Yung mga actions niya kapag magkasama kami. Lahat lahat eh. 

Naalala ko rin nung nag-all black akong pumasok tapos kung makatingin pa sa'kin nun si Neon parang inagaw ko 'yung favorite color niya. 'Yun kasi 'yung araw na kinuha ni Kite 'yung first kiss ko. 

Bigla naman akong napahawak sa labi ko.

Aish. Hindi ko tuloy matukoy kung naiiyak ba 'ko kasi namimiss ko siya o nangingiti kasi naalala ko 'yung ginawa niyang 'yun. O kita niyo pa? Hindi lang ako naging weak, naging extra malandi pa. By the gods, 'wag naman sana akong maging tulad ni Dani lukaret. 

Wait, ano bang pinaka-main reason kung bakit ako babalik ng dryland? Si Kite ba? 'Di ba 'yung research ko? Gods damn it. Umayos ka Stacy nagiging Dani ka na eh.

So ayon, umahon ako ng hindi nagpapaalam. Feeling ko naman kasi alam na ni Triton 'yung rason kapag nakita niyang wala ako sa kwarto ko at sa lab. Kung hindi niya pa ma-gets hay nako ewan ko na lang saksakan na siya ng katangahan.

"Stacy?" May tumawag sa'kin sa may 'di kalayuan. Tinignan ko namang mabuti at ayon nakita ko 'yung mapuputing pakpak niya kaya nagets ko na kaagad kung sino siya. Tumakbo siya agad papunta sa'kin at ngumiti ng sobrang lawak. Natulala naman ako saglit dahil sa kagwapuhan niya. Omgs, we almost had 'something' charot. "Stacy!" Atyaka niya ako agad na niyakap ng sobrang higpit. Yayakapin ko rin sana siya kaso natakot naman akong hawakan 'yung mga pakpak niya't baka madumihan ko pa.

"Ano 'to inaabangan mo 'ko?" Natatawang pagkakatanong ko sa kanya pagkatapos niya 'kong bitawan. Ginawa naman niya ulit 'yung weakness ko sa kanya. Kinamot niya 'yung nape niya habang ngumingiti ng parang nahihiya. Omgs, ang pogi-pogi talaga nito. 

"You can say that," sagot sa'kin ni Lord Eros. "I'm here almost everyday waiting for you.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't kinilig na ako. Jusko, kahit naman may asawa o boyfriend ka na't lahat-lahat eh hindi mo pa rin maiiwasang kiligin lalo na kung 'yung God of Love 'yung kaharap mo. Plus, ganyan pa siya maka-arte eh talagang magiging Olaf under the sun 'yung puso ko 'no! 

"Simula nung nalaman mo kasi 'yung totoo hindi ka na nagpakita tapos nalaman ko na lang na bumalik ka na pala dyan," sabi niya sabay senyas sa dagat. 

"Don't tell me you're hitting on me again? Ayokong maging kabit 'no," biro ko ulit sa kanya. Eh kasi sumi-seryoso na 'yung topic eh kailangang ibahin. 

Umiling naman siya habang tumatawa. "I just wanna thank you," sambit nito. "You told me to fix my problems with my wife. You made me realize I can still save my marriage. Thank you Stacy," sabi pa nito sa'kin. Nagngitian lang kami hanggang sa ma-realize kong nakatulala na pala ako habang nakatingin sa kanya. 

Haaay... ano kayang nangyari kung na-in love ako sa kanya? Siguro kalbo na 'ko ngayon dahil kay Psyche. O 'di kaya eh proud na proud ako ngayon kasi super duper mega ultra pogi ng boyfriend ko. Pero wala eh, hindi talaga nangyari. Thankful na rin ako kasi hindi ako naging kabit hahaha!

"And thank you for not hitting on me," I told him. "Wait, 'di ba nagpasalamat ka na sa'kin dati?" Tanong ko sa kanya nung naalala ko 'yung time na tinanong ko siya kung gawa niya ba 'yung Dani and Neon tandem. 

"Gusto ko lang ulitin. Gusto ko rin sanang humingi ng tawad kasi hindi ko kaagad sinabi sa'yo 'yung--" hindi ko na siya pinatapos magsalita at hinalikan siya sa corner ng labi niya. Siguro kung nakikita 'to ni Dani proud na proud na 'yun sa'kin dahil tuluyan na nga akong nahawa sa kalandian niya. 

"At least sinabi mo pa rin so thank you," wika ko sa kanya. Ayoko na rin kasing pagusapan 'yung pinupunto ni Lord Eros kaya para-paraan din. 

Pareho naming na-realize na nasa tubig pa kami so sabay kaming pumunta run sa may sand at sandaling umupo run. Pinagmasdan namin 'yung dagat at hindi muna binasag ang katahimikan. Hindi ko naman naiwasang isipin 'yung sinabi ni Lord Eros. Natulungan ko siya. Hindi ko ini-expect pero may natulungan din pala ako tapos deity pa. Ang sarap sa pakiramdam. 

"You going somewhere?" Tanong nito sa'kin.

"School," maikling sagot ko sa kanya atyaka ngumiti ng unti.

"Fancy a ride?" Tanong ulit nito sa'kin sabay ngiti.

"Ride? Ano ka si Pegasus?" Natatawang pagkakasabi ko sa kanya. Tumawa rin siya atyaka tumayo na. In-offer niya sa'kin 'yung kamay niya at ipinatayo rin ako. 

"So ano? Hatid na kita," alok ni Lord Eros sa'kin sabay pagaspas niya nung pakpak niya. 

"'Wag na. May makakita pa sa'yo sa taas na mortal akalain pa nila UFO ka," sagot ko sa kanya. Natawa naman ito sa'kin. Ako naman eh hindi ma-gets kung anong tinatawanan niya kaya napataas 'yung kanan kong kilay sa kanya. 

"You know what mortals say? 'To see is to believe'?" Tanong nito sa'kin. Napakunot ako na noo at hinintay na lamang siyang magpatuloy sa sasabihin niya. "'You won't see what you don't believe' is our reply to that," proud na proud niya pang pagkakasabi. Napailing-iling na lang ako sa kanya.

"De seryoso, 'wag na. Okay na 'ko," sabi ko sa kanya. Ni-respeto naman niya 'yung sagot ko at nagpaalam na sa'kin.

Sandali pa akong nanatili sa beach. Kada may naaalala ako eh napapangiti ako. Medyo marami-rami na rin kasi 'yung nangyari rito. Naisip ko tuloy kung bakit walang nagpupunta rito. Ayaw ba nila sa dagat? Takot ba silang ma-tsunami o malamon ng tubig ganon? Takot ba sila kay Daddy? O talagang ipinaubaya na lang nila sa'kin 'tong lugar na 'to para may pagdausan naman ng mga pangyayari sa buhay ko? Hah. Dito ako inihulog ni Daddy (it turned out inihagis niya pala ako mula sa ilalim ng dagat papunta rito or in other words isinuka ako ng dagat oha tinanong ko talaga 'yan kay Daddy kasi hindi ako matahimik). Ito 'yung unang-unang place kung saan ako naging malaya. Dito kami unang nagkita ni Kite. Manghang-mangha pa siya sa buhok ko nun tapos inis na inis pa 'ko sa kadaldalan niya pero kita mo naman ngayon miss na miss ko na siya. Dito rin siya nagtapat sa'kin. Ah, grabe. Naalala ko tuloy. Dito rin ako unang nakatikim ng alak dahil nga run sa lintek na confession ni Kite. Ang dami-dami na rin talagang nangyari rito.

Tinignan ko 'yung relo ko. Aba, 10:30 a.m. na pala? Ano na kayang ginagawa ng buong barkada ngayon (well sigurado naman si Herod tulog as always)? Naisip ko kung ano kayang magiging reactions nila kapag nakita nila ako. Kung matutuwa ba sila (lol asa napaka imposible naman) o malulungkot kasi bumalik na naman ako para okrayin sila. Haaay... bahala na. Kung ayaw nila akong makita o 'di sige kukuha lang ako ng mga pwede kong i-test dun sa ginawa kong gamot tapos aalis na 'ko. Kung ayaw rin akong makita ni Night eh 'di sige pero balak ko na kasing alisin 'yung pagiging banned niya pero depende pa rin kung naka-move on na ba siya, malapit na or stuck pa rin. Kung ayaw rin akong makita ni Kite...

Naiisip ko pa lang na ayaw niya 'kong makita parang gusto ko nang bumalik sa ilalim ng dagat, magkulong sa kwarto at magtakip ng kumot sa buong katawan. 

"Bahala na," sabi ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at tumayo na. Nagsimula na akong maglakad para magabang ng taxi at makaharap na ulit 'yung mga magbabarkadang demigods. 

* * * * * * * * *

Naaway ko 'yung driver ng taxi-ng sinakyan ko. Sa kanya ko kasi naibuhos 'yung apat na buwan kong pagtitimpi eh.

Eh pano ba naman kasi, kung makatingin sa'kin para akong saging na unti-unting hinuhubaran. I mean, hindi pa siya nakuntento na sa mirror lang tumingin talagang nakapihit na 'yung ulo niya sa direksyon ko at kunti na lang eh pwedeng-pwede mo ng ipihit 'yung ulo niya. Tapos ito pa ha, muntik na kaming maaksidente like what the Hades! Kung magpapakamatay siya aba 'wag niya akong idamay! Marami pang makikinabang sa mga iimbentuhin ko at marami pa akong isa-sass! Magkakaron pa 'ko ng Nobel Prize, my gods! Susundan ko pa yapak ni Marie Curie! 

So ayon, lilipat na sana ako ng taxi kaso nagalok ng libre kasi nga muntik niya nang mapunta 'yung kaluluwa ko sa Elysium (ya know section ng Underworld kung saan napupunta 'yung mga super mababait; meron ding Fields of Asphodel kung saan naman napupunta 'yung mga 50-50 ya know kalahating good, kalahating evil and then Fields of Punishment, dun naman nababagay 'yung driver ng taxi na nasakyan ko my gods). Naalala ko pa tuloy na nagkalamat 'yung magandang relasyon namin ni Uncle Hades at hangga't hindi pa kami okay hindi pa ako pwedeng mamatay. Mamaya ipatapon niya ako sa Tartarus 'no.

Pumasok ako ng building at tumungo sa canteen. Nai-excite akong kinakabahan nung una pero after kong ma-sample-an 'yung taxi driver kanina eh feeling ko ako na ulit si Stacy, ya know the sassiest demigod. 

Bago pa man ako makapasok dun sa canteen eh may humarang na sa'king tatlong babae na parang gusto kong i-reto sa mga kapatid kong cyclopes. 

Wait, speaking of reto pala! Omgs, si Cy! Eh kasi nga 'di ba pinangakuan ko siyang ipapa-date sa isa sa mga nereids namin so 'yun tumupad naman ako sa pangako at ni-set up sila ni Nina. I know na malandi talaga 'yung malansang nereid na 'yon at bagay sila ni Cy kaya sila na lang. Para na rin hindi na siya habol-habulin ni Night 'no! So ayon nga ang huling balita ko eh nagda-date na 'yung dalawang 'yun so problem solved. 

Balik naman tayo rito sa tatlong naka-t-shirt ng parang puputok na sa sobrang sikip at naka-palda ng sobrang ikli na mapapaisip ka na lang: 'bakit pa sila nagpalda eh lalabas na mga pwitan nila?' Natawa na lang ako sa mga itsura nila eh. No doubt, magugustuhan 'to nung mga kapatid kong one-eyed.

"Long time no see violet-head," sabi nung nasa gitna na parang leader nila. Ang sama ng tingin niya sa'kin pero 'yung dalawang alipores niya manghang-mangha pa rin sa buhok ko. 

"Talk to me when you already know how to wear a skirt, aye?" Sabi ko na lang sa kanya sabay tapik sa balikat niya't dumaan sa gitna nila nung nasa right niya. 

Ngumisi ako at habang naka-plaster sa mukha ko ang ngiting tagumpay eh ipinalibot ko 'yung mga mata ko sa buong canteen at hinanap sina Dani. Namataan ko sila sa pinakasulok na bahagi ng canteen. 'Yun bang sa tabi ng mga trashcan? Bakit naman sila nandun? Tinignan ko 'yung dating inuupuan nila at nakita 'yung mga cheerleaders and jocks na nakaupo run. 'Yung tropa nung tatlong babaeng nakasalubong ko kanina. Lol, ano 'to naagaw 'yung pwesto sa kanila tapos hinayaan lang nila? Like seriously? Mga demigods sila tapos nagpapa-bully sila? Omgs, kung ako mga godly parents nila ikakahiya ko talaga sila. Para saan pa't binigyan sila ng powers 'di ba? Para san pa't tinawag silang 'demigods'. Just look at that, demigods--they're part gods! Ano bang mga ginagawa nila sa sarili nila? Nawala lang ako ganito na?

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa't pinuntahan sila sa lamesa nila. 'Yung takot ko dati bago ako makarating dito? Nawala lahat 'yun. Gods, seriously. Sasstacy's back, mortals!

"Excuse me but as far as I can remember, you're not nerds that can easily be bullied," sabi ko agad sa kanila. Although nakatalikod silang lahat sa'kin tapos nakayuko 'yung iba at tahimik na kumakain.

Syempre una kong napansin na wala run si Kite. Nalungkot ako pero isinantabi ko muna 'yun at nagfocus sa kanila. Si Night wala rin ewan kung nasaan 'yung kapatid kong 'yun. Si Dani ito, nakayuko at nagpapakalunod sa chocolate milk niya, si Neon nakatingin kay Dani, si Herod yep tulog, si Cherish walang ka-enery-energy na nagbabalasa ng mga cards, si Hector pinapaikot sa lamesa 'yung bakanteng bote ng alcohol niya at si Irene naman ayon tahimik lang. Jusko para silang dinaanan ng bagyo sa sobrang lungkot ng mga pagmumukha nila. Nung narinig naman nila ako eh agad-agad silang napatingin sa direksyon ko. 

"Stacy?" Salita ni Cherish.

"Who else?" Sabi ko naman. 

Pati si Herod nagising at nakisabay sa sunod-sunod na 'oh my gods' nila. Hindi ko naman ini-expect 'yung sunod nilang ginawa. Niyakap nila akong lahat as in lahat-lahat sila. Ginawa nila akong bacon tapos sila 'yung mga bread loaves. Wait, anong nangyayari? Papatayin ba nila ako kasi bumalik ako o namiss nila ako ano bang nangyayari omgs. Nakita kong 'yung mga babae (and when I say babae kasama si Hector, deal with it) at naluluha sila. 

Wow.

Hindi ko talaga 'to in-expect.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Oh my gods! Nabobo ka na ba?! Syempre niyayakap ka!" Sigaw sa'kin ni Dani. Napansin ko namang halos lahat na ng mga tao sa canteen eh nakatingin sa'min. Hala, gumawa pa ng eksena 'tong mga 'to.

"Alam ko. What I mean is--anong ginagawa niyo bakit niyo 'to ginagawa or whatever?" Mabilis kong pagkakasabi. 

"Gaga, syempre namiss ka namin!" Sabi sa'kin ni Hector tapos yumakap ulit sila sa'kin. 

Hinayaan ko na lang muna silang lamugin ako. Si Hector isinantabi 'yung pagiging matatakutin niya sa germs pero feeling ko kating-kati na 'tong umuwi't magshower. Baka nga maligo ba 'to ng alcohol eh (pero seryoso ginagawa niya 'yun). 

Pero wait, namiss nila ako? Bakit? 'Di ba ayaw nila sa'kin? Nakakainis talaga ang bobo ko pa rin sa emotions. 

"'Di ba ayaw niyo sa'kin?" Tanong ko sa kanilang lahat. 

"Nung nawala ka, tyaka namin na-realize na mali 'yung ginawa namin. Hindi ka namin dapat hinusgahan agad-agad. Tyaka kahit masasama 'yung mga nasabi mo sa'min mas masama 'yung nagawa naming paglilihim sa'yo. Niloko ka namin kaya sorry," malungkot na pagkakasabi ni Irene. 

Nalilito pa rin ako kaya hindi ko namalayang ginuguyod na pala nila ako paupo sa upuan. Malungkot silang lahat atyaka pare-parehong nakatingin sa'kin ng parang nagsisisi talaga sila. 

"Sana mapatawad mo pa kami," dagdag pa ni Irene. 

Wala naman na kasi sa'kin 'yung mga ginawa nila eh. Somehow, naisip ko rin kung bakit nila nagawa 'yun. Naging masama ako sa kanila kaya nung nakakita sila ng chance para makabawi sa'kin, they took it. Tyaka tapos na 'yun. May four months na nga 'di ba? Hindi rin naman ako babalik dito para harapin sila kung may galit pa 'ko sa kanila 'di ba? So, wala na. Okay na lahat. Let bygones be bygones. 

Ngumiti ako sa kanila. "Okay na. Naiintindihan ko naman eh atyaka tama na nga 'to ang dradrama niyo," wika ko sa kanila. Imbes naman na mainis eh natawa na lang sila. "So ano ngang nangyari? Bakit andito kayo tapos 'yung mga 'yun andun sa upuan ninyo?" Tanong ko sa kanila.

"Ang yayabang eh. Papatulan na sana namin kaso naisip namin baka karma namin 'to dahil sa ginawa namin sa'yo," saad naman ni Cherish habang tinitignan ng masama 'yung mga nakaupo sa dati nilang upuan. 

Pinigilan kong mangiti kasi syempre na-bully na nga sila't lahat-lahat eh naisip pa rin nila ako. But no, this has to stop. Nandito na ako at okay na ang lahat sa'min, it's time to have that table back. 

"You are demigods, you don't deserve the way they are treating you,"  sabi ko sa kanilang lahat. "And seriously? Ang weak niyong lahat," pahabol ko pa sabay tayo sa upuan ko. 

Nagmartsa ako patungo run sa mga mayayabang na nagpaalis sa barkada nila Dani sa original table nila. Agad naman silang napatingin sa'kin at inabangan kung anong sasabihin or gagawin ko. Pinakitaan ko sila nung signature smile ko na sobra kong namiss dahil sobrang tagal ko ng hindi nagamit. 

"Jellyfishes," tawag ko sa kanila sabay summon ng kumukulong tubig. Inilagay ko 'yun sa mga paanan nila at nginitian sila ng sooooooobrang tamis. Ilang sandali pa ay nagsimula na silang sumigaw at umalis dun sa pwesto nila hanggang sa wala ng matira run sa lamesa kundi 'yung mga kalat nila. Paglingon ko naman eh nakita ko na 'yung buong barkada habang nakanganga. "Don't waste the water," sabi ko na lang sa kanila sabay ngisi. Nagpasalamat naman sila ng paulit-ulit sa'kin hanggang sa nakakairita na.

Kinuha nila 'yung mga trays nila at sila na mismo 'yung naglinis nung buong table (actually si Hector lang talaga kasi alam niyo naman ugali niya). Nung maayos na lahat-lahat eh pumwesto na sila run. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan nila. 

"Night!" Bigla namang tawag ni Dani sa likuran. Agad-agad akong lumingon at nakita si Night. Nung na-meet niya 'yung mga mata ko eh dali-dali siyang tumakbo papunta sa'kin at niyakap ako ng sobrang higpit. Wow, a lot of hugs today. 

Ngiting-ngiti siya sa'kin habang hawak-hawak 'yung magkabilang pisngi ko na para bang hindi siya makapaniwalang tunay ngang nasa harapan niya ako. Nginitian ko rin siya. Nung una wala kaming masabi sa isa't isa pero ilang sandali pa ay siya na rin ang nagsimula ng conversation. 

"You're here," sabi niya sa'kin. Kitang-kita 'yung tuwa sa mukha niya. Bigla ko namang naramdaman 'yung sobrang pagkamiss ko sa kanya. Hindi ko na tuloy napigilan at napaluha na 'ko. "Stacy, I'm sorry really I--"

"Shut up, Night. I don't wanna talk about it," inunahan ko na siya. "You are already forgiven. You're my brother and you know I can't stay mad at you," wika ko pa sa kanya sabay ngiti. Niyakap niya muli ako. 

"Thank you."

Kumalas ako sa kanya at nagtanong kaagad sa kanya. 

"Naka-move on ka na ba?

"What?" Tanong niya sa'kin.

"Kung ayaw mo na kay Nina or something," sabi ko.

"Yeah? I guess so," nalilitong sagot nito sa'kin. Hindi niya kasi alam kung bakit ko biglang natanong 'yun. 

"Good. You're not banned anymore," mabilis kong anunsyo sa kanya. 

"Wait what?"

"I banned you not because I don't wanna see you. I banned you so that you can move on and get rid of that Nina," mabilisang kong explanation sa kanya. Ngumiti muli ako at umupo na sa table ng barkada.

Hindi na nagsalita si Night at umupo na lang sa tabi ko. Nagpasalamat siya't ngumiti. Balik naman sa pagiingay 'yung mga demigods. Bigla naman akong muntik masuka kahit wala akong kinakain nung i-announce ni Dani 'yung pangalan 'kuno' ng grupo namin. Ahuh, ahuh, inampon na nila ako. Masaya pero seryoso, sana maka-survive ako sa sari-saring katangahan at ka-echosan ng grupong 'to. 

"Demigod Squad!" Proud na proud na sigaw ni Dani.

"Can someone please stitch Dani's lips," sabi ko naman atyaka sila nagtawanan lahat. 

"Sus, ang sabihin mo gusto mo nang makita si Kite," bwelta naman sa'kin ni Dani. 

Ay oo nga pala si Kite. Omgs, muntik ko na siyang makalimutan lol. Anyway, asan na ba siya? Absent? Saan naman kaya siya pumunta? Hindi naman 'yun humihiwalay sa barkada ah? Baka naman napariwara na siya? Hala. 

"Sila na ni Cloe, 'teh. Huli ka na," sabi naman sa'kin ni Hector. 

Biglang tumigil sa pagikot 'yung mundo ko. Ano 'to 'yung fifty percent ng reason ko kung bakit ako umahon mauuwi lang sa wala? I mean, gustong-gusto ko siyang makita tapos hindi mangyayari kasi may iba na siya? Sige na lang kahit meron na siyang iba kahit masakit sige na lang basta makita ko lang siya pero wala eh. Ano 'yun nag-skip ng klase para lang makipagdate? Tss. Kaurat. 

Pero ang sakit. Naiiyak ako pero ang dami kasing nakatingin sa'kin ngayon kaya pinipiglan ko na lang kaso wala eh hindi ko kinaya't tumulo na 'yung mga luha ko. Hindi ko ini-expect na maghahanap siya ng iba. Siguro na-realize niyang hindi talaga ako 'yung gusto niya, na napana lang siya kaya naisip niyang may gusto siya sa'kin. Siguro nag-expire na 'yung bisa nung arrow. Ewan. Nakakainis na nakakaiyak. 

"JOKE!" Sabay-sabay nilang sabi sabay halakhak pa.

Muntik na 'kong mag-summon ng isang buong dagat para lunurin sila dahil sa inis. Mga walanghiya sila! Pinaglalaruan lang pala ako! Omgs! 

"Hindi kasi namin nalaman kung gusto mo ba si Kite bago ka umalis kaya naisipan namin 'yun," tuwang-tuwa pa si Irene nung sinabi niya 'yun.

"Oy Neon, nanalo ako sa pustahan! Mahal ni Stacy si Kite! Akin na 500 ko!" Sigaw naman ni Cherish kay Neon. Malungkot na malungkot namang dumampot ng pera si Neon sa pitaka nito.

Mga walanghiya. Pinagpustahan pa talaga ako.

'Yung feeling na iyak na iyak na 'ko tapos 'yun pala hindi totoo?! Pero medyo nabunutan din ako ng tinik. Ibig sabihin, wala pa siyang kahit sino? Ibig sabihin pwede pa kami?

"May quiz siya sa Trigo at nanganganib grades niya kaya ayun," sabi sa'kin ni Neon. 

Bigla naman akong napangisi dahil sa naisip ko. Trigo? Well, that's my homecourt. 

Nagpaalam ako sa kanila matapos kong makuha 'yung room number ni Kite. Pumunta agad ako run. Pagkalipas ng ilang steps ay natunton ko na rin 'yung classroom nila. Syempre kumatok muna ako bago pumasok. Unang kita ko pa lang sa Prof nila nahalata ko ng strict. Lalakeng mataba tapos medyo nakakalbo na. Nakakunot din 'yung noo niya pagpasok na pagpasok ko pa lang sa classroom nila. Agad ko namang nakita si Kite na hindi napansin ang presensya ko dahil subsob siya sa pagsagot dun sa papel niya. Napangisi na lamang ako.

"May I excuse Kite Ordis?" Tanong ko sa Prof nila. Pinakitaan ko siya ng signature smile ko na halatang nakapagpainis pa sa kanya.

"We're having a quiz," cold na cold na pagkakasabi nung teacher.

"It's an emergency," sabi ko pa.

"Emergency can wait," sabi pa nito sa'kin. Yep, terror talaga. Tsk tsk. 'Pag ganito talaga teacher mo kahit magtyaga kang magaral hindi ka ipapasa nito kung hindi mo mape-perfect lahat ng ipapagawa niya. Ito 'yung mga klase ng teacher na akala sa estudyante eh robot at pwedeng maging perfect. Malas ni Kite.

Ngumisi ako. "In a scale of one to ten, how hard is your quiz?" Tanong ko sa teacher nila. 

Ginantihan din ako ng ngisi nung kalbo at nahalata ko ng interesado na siya sa conversation namin. "It's definitely an eleven," sagot nito sa'kin. Just the answer I was expecting. 

"Let's have a deal," panimula ko sa kanya sabay cross arms pa. "How about I solve your quiz in eight minutes? I'll assure you I'll answer it all correctly," wika ko sa kanya. 

Bigla naman siyang natawa sa'kin at tinignan ako ng para bang nababaliw na 'ko. Wow, confident na confident siyang hindi ko magagawa. Let's see. 

"If I did it, you'll have to let go of Mr. Ordis," I told the professor. 

"And if you don't?" Tuwang-tuwang tanong nito sa'kin.

"You can flunk him in your subject," mabilis kong sagot sa kanya. Tumingin naman ako sa direksyon ni Kite at halos lumuwa na 'yung mga mata niya sa'kin. Hindi ko alam kung hindi siya makapaniwalang andito ako o hindi siya makapaniwalang pinanganib ko 'yung magiging grade niya sa Trigo.

Mabilis na nakipag-deal sa'kin 'yung teacher niya at nakipagkamay pa. Ibinigay niya sa'kin 'yung quiz paper at binigyan ako ng upuan sa gilid ng table niya (pero nakaharap ako sa kanya atyaka medyo malayo-layo rin sa kanya). Si Kite hindi pa rin makapaniwala at nawala na ang focus sa sinasagutan niya. Nginisian ko siya atyaka na tinignan 'yung mga tanong.

Proving ang topic. Easy.

Nagsimula na akong masolve. Hindi ko pinansin 'yung natatawang teacher na nakabantay sa'kin o si Kite. Basta solve lang ng solve. Natapos ako ng six minutes pero ni-recheck ko 'yung papel ko for one minute at wala naman akong nakitang mali so saktong eight minutes eh ipinasa ko na 'yung papel ko. 'Yung mga nagqui-quiz naman na kaklase ni Kite nakatingin sa'min nung prof nila at inaabangan kung ano 'yung magiging score ko. Hindi rin sila makapaniwala na natapos ko ng eight minutes 'yung quiz na supposed to be ay pang-isang oras.

Pinanood kong macheck 'yung teacher at habang chinicheck niya 'yun eh halos tumagos na sa papel 'yung ballpen niya dahil sa bigat ng kamay niya. Naiinis siguro siya sa'kin kasi alam niya ng mape-perfect ko 'yung quiz niya. Lol, eleven huh? 

Pagkatapos niyang i-check ng tatlong beses 'yung papel ko eh wala na siyang nagawa kundi ideklarang fifty over fifty 'yung score ko. Meaning, got all. Natawa pa nga ako kasi nasa first section na sila Kite at talagang mahirap nga daw 'yung quiz pero madali lang para sa'kin. So ayon, no choice 'yung teacher kundi i-excuse si Kite at bigyan ng special quiz sa susunod nilang meeting. 

"You say your quiz is eleven? Nah, it's just four," huling sabi ko sa inis na inis na prof nila sabay hila na kay Kite palabas ng room.

Nung nakalabas na kami eh agad-agad niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik at narealize ko sa lahat ng yumakap sa'kin siya lang 'yung niyakap ko pabalik. Ngumiti siya sa'kin at ngumiti rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero gusto ko lang na ganito. Nakikita ko siya, nakangiti, basta 'yung andito lang siya. 'Yung dati ring kinaiinisan kong pagwawala ng puso ko hindi ko na pinansin ngayon. Alam ko na kasi kung bakit nagkakaganyan 'yung puso ko tuwing malapit si Kite kaya hindi na 'ko nabo-bother. 

Hinalikan ako ni Kite sa noo habang hawak 'yung magkabilang pisngi ko. 

"You're flunking Trigo? I can't date someone that dumb," biro ko sa kanya sabay tawa. Natawa rin ito sa'kin.

"So what's the emergency?" Tanong nito sa'kin.

"This can't wait and you really, really have to hear this," simula ko. "I love you. That's the emergency," simpleng sagot ko sa kanya. "I don't care anymore if you're just been shot. I love you and that's the only thing that matters," ngumiti ng sobrang lawak si Kite.

"Stacy," sambit nito. Idinampi nito ang noo nito sa noo ko at sabay kaming pumikit. I don't know. It just feels like the right moment. Tapos sobrang sarap pang pakinggan nung pangalan ko sa mga labi niya and I just wanna savor this moment. "Love you."

He was about to kiss me when a sudden earthquake (super mild I swear) happened. Pareho kaming natawa. Alam naming pareho kung ano or sino rather, ang nangyari. 

"Daddy mo?" Tanong niya sa'kin.

Tumango ako. "Oo, ayaw sa'yo." Of course it's Dad being Dad. Poseidon, the earth shaker. 

"We'll do something about that," sabi niya sa'kin atyaka na niya idinampi 'yung mga labi niya sa'kin. 

Sorry Dad~

fin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro