Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xiii. grief

xiii. grief

;; c a t o ;;

"May gusto ka bang sabihin kay Yda?" Tanong ni Neon sa'kin. Kitang-kita 'yung awa sa mga mata niya. Alam kong kapatid siya ni Yda at mahalaga siya para sa kanya pero hindi nakakatulong 'yung mga tingin niya sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko siyang suntukin. Una, dahil sa gustong ipahiwatig ng mga mata niya. Pangalawa, dahil sa pagtanong niya sa'kin kung may gusto ba 'kong sabihin kay Yda.

Paano ako makakapag-compose ng mensahe para kay Yda? Paano ako magkakaroon ng lakas ng loob para sabihin kung ano man 'yung gusto kong iparating sa kanya? Hindi ko alam. Hindi ko kaya. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko mailabas lahat-lahat ng 'yun ngayon. Hindi rin ako sigurado kung magkakaroon pa ako ng chance na masabi lahat 'yun sa kanya.

Nung ipinaliwanag sa'kin nila Neon 'yung nangyari, gusto kong patayin 'yung sarili ko. Naisip ko na kung pwede lang sanang makipag-one on one sa sarili ko gagawin ko. Sisirain ko kung ano man 'yung parte ng sarili kong minahal ni Yda. Papatayin ko, susunugin at ibabaon sa limot—kung ano man 'yung parteng 'yun na nag-udyok sa kanya para gawin 'yung desisyon na 'yun, gagawin ko ang lahat para mawala 'yun. Kung pwede lang, kung pwede lang sana.   

Bakit ba kasi napakahina ko? Hindi ko mapatawad 'yung sarili ko. Hindi ko matanggap na isang saksak lang pala sa dibdib 'yung katumbas ko. Kung naging matatag lang siguro sana ako eh 'di sana nandito pa si Yda. Sana wala kahit sino sa aming dalawa 'yung sinundo nung God of Death na 'yun.

Bakit ba kasi nakipagayos pa 'ko sa kanya? Sana ipinagtabuyan ko na lang siya noon para umalis na siya kaagad at hindi na nadatnan si Calamity rito. Sana nagalit na lang siya sa'kin. Sana kinalimutan niya na lang ako. Sana... sana hindi niya binigay 'yung buhay niya para sa'kin.

Ang dami-dami kong 'sana'. Ang dami-dami kong pagsisisi. Kasi kung tutuusin ako naman talaga 'yung may kasalanan. Ako 'yung dahilan kung bakit... bakit patay na si Yda.

"Una na kami. Kung may kailangan ka tumawag ka lang," wika ni Neon sa akin atyaka na sila lumabas sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit pinapahirapan pa ni Neon ang sarili niya. Kung bakit hanggang ngayon pinipilit pa rin niyang magpanggap na hindi siya galit sa'kin. Alam ko naman eh. Alam ko namang pinapanalangin niya sa lahat ng gods ngayon na ibalik si Yda at kunin na ako. Alam ko kasi ganun din 'yung pinagdadasal ko ngayon.

Ni minsan hindi ko ginustong maging demigod. Ni minsan hindi ko sinubukang magdasal sa kanila. Ngayon lang, ngayon lang dahil kailangang-kailangan ko. Wala naman akong pakialam sa mga gods na 'yan eh. Para sa kanila lahat ng tao mga laruan lang. Kayang-kaya nilang manipulahin kahit kalian nila gustuhin. Ayokong maging laruan para sa kanila kaya hanggang sa makakaya ko hindi ako gumagawa ng tulay para magkaroon ng komunikasyon sa kanila. Pero ngayon? Hindi ko na kaya eh. Hindi ko kayang wala si Yda. Hindi ko kayang isiping wala na siya.  

*********

Sa buong buhay ko, si Yda lang 'yung taong nakapagpaiyak sa'kin. Ngayon, hindi ko alam kung bakit ni isang butyl ng luha hindi ko mailabas. Siguro kasi galit ako. Mas nangunguna 'yung galit sa'kin kesa 'yung lungkot. I never really thought that it's possible to lose her. Not like this. Naisip ko na pwede siyang makahanap ng iba na pwede siyang maging masaya sa iba na mawawala siya't iiwan niya ko para sa iba pero hindi ganito. Pakiramdam ko nga mas makakaya ko pa 'yung ganun kesa 'yung ganito... 'yung ganito na talagang, talagang wala siya. This isn't my world anymore. My world was with that fair-skinned girl who loves to wear eyeliner. That one girl who thought she looks like a ghost with her long black hair so she decided to cut it short. Yda was my everything and now I have nothing.

Napagdesisyonan kong lumabas. I don't know what I'll find outside, surely it wouldn't be her but at least I tried, right? Gusto ko lang makaalis sa lugar na 'to. Kasi kahit saan ako tumingin nakikita ko si Yda. We built this place together and staying here longer makes me want to destroy this whole place with my bare hands.

Ayoko sanang makipag-away ngayon araw pero bigla ko na lang naramdaman 'yung pagiging blood thirsty ko nang makita ko si Night. Ang lakas din naman ng loob niyang magpakita rito. Andito ba siya para siguraduhing miserable rin ako katulad niya? O andito siya patayin ako? Holy shit, the latter rings a bell.

Naglakad siya palapit sa'kin at hindi pa siya nakakahinto sa paglalakad eh sinuntok ko na kaagad siya. Napatumba ko kaagad siya, putok kaagad 'yung labi niya. Hindi ko alam pero nung nakita ko siyang ganun mas lalo lang akong nagalit. Sa mga ganitong sitwasyon dati, masayang-masaya na 'ko kapag nagdudugo na 'yung kalaban ko pero ngayon hindi ko alam. Wala akong maramdamang kahit ano kundi galit at lungkot.

Sinuntok ko pa siya ng sinuntok. Hindi pa ko nakuntento't tinadyakan ko pa siya ng ilang beses. Nakalaban ko na si Night dati at sigurado akong hindi siya ganito kahina. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw niya akong gantihan ng suntok. Kung bakit ayaw niya akong labanan.

"Ano?! Bakit ayaw mo 'kong labanan?! 'Di ba ito naman 'yung gusto mo? 'Di ba ito naman 'yung pangarap mo? Tangina mo kasi eh, imbes na nakipaglaban ka na lang sa'kin—imbes na patayin mo na lang ako eh mas pinili mo pang makipagkasundo kay Goddess Aphrodite. Alam mo ba kung anong ginawa mo?!" Sigaw ko sa kanya habang hawak ang kwelyo niya ng mahigpit. "Bakit hindi ka na lang nakipaglaban ng patas?!" Pahabol ko pa atyaka ko pa siya ulit sinuntok ng dalawang beses.

Hinang-hina na siya at halos hindi na makagalaw dahil sa sakit ng katawan pero wala pa ring epekto sa'kin ang paghihirap niya. Mas lalo ko lang siyang gustong suntukin ng suntukin hanggang sa mayupi 'yung buong mukha niya.

"I-I'm sorry..." sambit nito atyaka naubo ng dugo. "Hindi ko alam na magkakaganito maniwala ka," umiiyak na pagkakasabi nito. Dahil sa sobrang inis ko ay tinadyakan ko pa siya sa sikmura at sinuntok pa ng ilang ulit sa mukha. Duguan na siya at basang-basa na rin 'yung magkabilang kamao ko dahil sa dugo niya pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam. "P-Patayin mo na lang ako. Tutal, pinapatay na rin naman ako ng konsensya ko," sabi pa nito habang pinipilit na ngumisi.

Doon na ako natigilan. Ibinagsak ko siya sa semento at unti-unti nang lumayo sa kanya.

"No. You don't deserve to see Yda," sabi ko sa kanya atyaka na tuluyang naglakad papalayo.

*********

Unang nagpakita sa'kin si Daddy nung sixteenth birthday ko. He told some shit then left. Sinabi niya rin sa'king 'wag akong masyadong dumipende sa mga gods. Hindi ko 'yun pinansin kasi wala naman akong balak humingi ng tulong sa kanila o sa kanya. Mahirap maging demigod lalo na kapag tatay mo 'yung deity. You're completely left with nothing. Gods come and go. They don't stay.

"I got you some flowers," sabi ko sa Mommy ko sabay lapag nung bouquet sa lapida niya. "Remember Yda? That one girl I keep calling the love of my life? I lost her again. I lost her and I don't think I can ever be with her again," napansin kong nagsilabasan na 'yung mga luha ko habang kinakausap ko si Mommy. Hinayaan ko lang. I only allowed myself to be weak in front of my Mom and of course Yda. "I don't know how to fix this shit right now. I don't think I could ever fix this. I don't think there's another way. I live for her, I breathe just for her because she's the only one I got but now, now I don't know how to do this. I love her, mom. I love her so much and it's fucking me up."

*********

;; y d a ;;

Hindi nakakaalis 'yung mga kaluluwa sa Underworld. Hindi 'yung mga kaluluwa 'yung bumibisita kay Neon kundi si Neon mismo ang pumupunta rito. Iba kasi 'yung kapatid ko. Para siyang nage-exist sa dalawang dimensions all at once. Sana ganyan din 'yung talent ko.

Ngayon, andito ulit siya sa tabi ko. Nagi-guilty ako kasi syempre hindi naman pwedeng andito siya palagi. Kailangan niya ring ipagpatuloy 'yung buhay niya. Sinabi ko na 'yun sa kanya kanina pero iniba niya 'yung usapan. Ngayon, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa 'yung sarili ko kapag nawalan siya ng time kay Dani at nag-drift away silang dalawa sa isa't isa.

"Hindi pa ata kaya ni Cato ang makipagusap sa'yo," biglang sabi ni Neon sa akin. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko nang marinig ko 'yung pangalan ni Cato. Nalungkot din ako syempre kasi wala siyang message para sa'kin. Sigurado akong galit siya ngayon. Sigurado akong sinisisi niya 'yung sarili niya ngayon. Naiisip ko pa lang 'yung sitwasyon niya ngayon, nadudurog na 'yung puso ko. "Yda, tingin mo ba tama 'yung naging desisyon mo?" Tanong sa akin ni Neon.  Napakunot ako agad ng noo.

Alam kong hindi lahat ng iniwan ko sa mortal world matatanggap 'yung desisyon ko pero hindi ko inaakalang kwekwestyunin 'yun ni Neon. Oo, ang selfish para sa point of view ng iba pero alam ng kapatid ko kung gaano ko kamahal si Cato. Alam niyang gagawin ko 'to katulad ng Papa ko pero bakit niya 'ko tinatanong ng ganito ngayon?

"Anong gusto mong sabihin? Na hindi deserve ni Cato 'yung sakripisyong ginawa ko para sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

"No Yda please—"

"Eh ano?"

"Kung nakita mo lang sana siya nung narinig niya 'yung balita. Kung nakita mo lang sana siya pagkatapos naming ikwento lahat-lahat. He's as good as dead when we left him, Yda, emotionally speaking," paliwanag ni Neon sa akin.

"Alam mong magiging ganun din ako kung sakaling siya 'yun napunta rito sa kinalalagyan ko ngayon," seryoso kong pagkakasabi sa kanya. Napa-buntong hininga na lamang si Neon at hindi na itinuloy pa ang usapan.

Pinayuhan ko si Neon na lumabas muna kasama si Dani at kalimutan muna ako kahit sandali. Alam ko impossible 'yung pinapagawa ko pero hindi naman pwedeng magmukmok lang siya sa bahay magisa. Kailangan niyang maramdaman na hindi siya 'yung namatay kundi ako. Kailangan niyang ipagpatuloy 'yung buhay niya ng wala ako. Sana... sana masabi ko rin 'yung mga sinabi ko kay Neon. Sana may pagasa pang makapagusap kami.

Napatingin ako sa kaliwa ko. Nakaupo sa tabi ko ang isang babaeng pamilyar na pamilyar sa'kin. Wavy 'yung buhok niya kasing itim din nung akin. Gandang-ganda ako sa mukha niya kasi ang inosente tignan. Para siyang twenty-five years old. Mukhang batang-bata pa. Hindi ko alam. Hindi naman ako tumitingin o nagbibigay ng atensyon sa mga taong nandito pero iba 'tong babaeng 'to, para kasing nakita ko na siya dati pa.

"Nagkita na ba tayo noon?" Bigla kong tanong sa kanya. Maski akong nagtanong nagulat din eh. Napalingon naman agad siya sa'kin. Ang ganda ng mga mata niya, parang kumikinang sa tuwa.

 

"Hindi. Wala akong maalala," sabi niya sa'kin atyaka ngumiti ng bahagya. Bumalik siya sa pagtingin sa kawalan.

Nanatili ako sa pagtitig sa kanya hanggang sa maalala ko kung saan ko siya nakita. Hanggang sa maalala ko kung sino talaga siya.

"Miss Catelyn?" Patanong kong tawag sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yun. Pagkakataon nga naman. Kahit talaga may mga masasamang nangyayari sa'yo meron at meron pa ring darating na good.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nagtataka pero nakangiting tanong ni Miss Catelyn.

"Hindi ko alam kung alam niyo pero may anak kayo 'di ba? Cato 'yung pangalan," maingat na maingat kong pagkakasabi sa kanya. May mga nanay kasing ganon. Hindi na nakita 'yung anak pagkapanganak.

And yes, siya ang Mommy ni Cato. Kaya familiar 'yung mukha niya sa'kin kasi nakita ko 'yung picture niya sa wallet ni Cato.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Siguro kung hinayaan kong si Cato 'yung kunin ni Lord Thanatos baka nagkita na sila ni Miss Catelyn ngayon.

Binura ko kaagad 'yung ideyang 'yun sa utak ko atyaka nagconcentrate na lang kay Miss Catelyn.

"Kilala mo ang anak ko?" Tuwang-tuwang pagkakasabi nito sa akin. Lumapit siya sa kinauupuan ko. Kitang-kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya atyaka 'yung tears of joy na nagbabadyang lumabas sa mga mata niya. Agad akong nakaramdam ng saya sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag basta nung makita ko 'yung ngiti ni Miss Catelyn, nangiti na rin ako.

"Boyfriend ko po siya," matapat kong sabi sa kanya. Nahaluan naman ng lungkot 'yung saya sa mga mata niya. Narealize niya sigurong malungkot ngayon 'yung anak niya dahil sa'kin.

Nagkwento ako tungkol sa anak niya. Kwinento ko lahat ng alam ko tungkol kay Cato mula nung una ko siyang nakilala hanggang sa kung paano ko siya iniwan. Habang kinikwentuhan ko siya, nakikita ko 'yung pagbabago ng nararamdaman niya. Kapag masaya 'yung sinasabi ko sumasaya siya pero kapag dumarating dun sa malungkot na mga parte nagiging malungkot din siya. Kitang-kita ko sa kanya 'yung pagkasabik niyang makita 'yung anak niya. Kung gaano kahirap para sa mga demigods na may godly father ang mawalan ng ina, ganun din kahirap para sa mga ina nila na iwan sila. Hindi ko napigilang maalala 'yung Mama ko. May kakilala kaya akong mapupunta sa Elysium at magkwekwento sa kanya ng mga tungkol sa'kin? Sana. Sana nga.

"Hindi pala talaga nagsinungaling sa'kin si Ares. Totoo ngang binabantayan niya 'yung anak ko," nakangiting sambit ni Miss Catelyn. Pinunasan niya 'yung mga luha niya atyaka biglang hinawakan 'yung mga kamay ko. Nakaramdam ako ng init, hindi 'yung nakakasakit na init kundi 'yung comforting ba? Warmth? Ganun nga. "Salamat, salamat kasi napakabuti mo sa anak ko. Salamat at nagkaroon siya ng katulad mo sa buhay niya," wika nito sa akin. Hindi ko na sinabi sa kanya 'yung ginawa kong pagsasakripisyo pero ramdam ko pa ring tunay ngang nagpapasalamat siya sa'kin. "Alam mo nung una kaming nagkakilala ni Ares noon?"

Hinayaan ko lang siyang magkwento. Nakinig ako sa love story nilang dalawa ni Lord Ares at namangha kasi hindi ko ini-expect na may ganong side pala ang God of War. Doon ko rin na-realize na parehong-pareho sila ni Cato.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro