Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xii. fields of asphodel

xii. fields of asphodel



Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa Underworld agad ko ng hinanap si Papa. Paulit-ulit ko kasing tinanong si Lord Thanatos kung bakit pangalan ko 'yung nasa listahan niya't hindi 'yung kay Cato pero paulit-ulit niya rin akong hindi kinikibo kaya bago pa niya 'ko i-deretso run sa mga magju-judge sa'kin tumakbo na ako kaagad papunta sa realm ni Papa.


Nadatnan ko si Papa na nakaupo sa throne niya habang malalim na nagiisip. Nakatingin lang siya sa sahig habang hawak-hawak ng kaliwa niyang kamay 'yung baso niya. Kitang-kita kong sobrang absorbed na absorbed siya sa ideya na pumapasok sa isip niya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.



"Bakit ako 'yung nasa listahan?" Tanong ko agad sa kanya. Doon na nabasag ang kung ano man imahinasyong nabuo niya bago pa man ako magsalita. Napatingin siya sa'kin na para bang kanina pa niya ako inaasahang dumating.


"So you're finally here," walang kaemo-emosyon nitong pagkakasabi.



Oo palagi akong nagpupunta rito sa realm ni Papa pero iba 'yung ngayon. Dati kasi saglit lang ako at alam kong anytime ko gustuhin ay makakalabas kaagad ako pero iba na ngayon. Pakiramdam ko sa pagkakataong ito, wala ng balikan pa sa itaas.



"Alam mong mangyayari 'tong lahat 'di ba? Alam mong gagawin ko 'to," bintang ko sa kanya. Hindi ko na napigilang maluha. Hindi pa rin siya natinag at nanatiling nakaupo sa kinauupuan niya ngayon.



Alam kong hindi si Papa ang nagaayos ng listahan. Ruler lang siya ng mga nandito sa Underworld pero hindi siya ang magdedecide kung sino-sino 'yung mga susunduin. Trabaho 'yun ng God of Death na si Thanatos, pero syempre kung may mga bagong salta, sino ba namang unang makakaalam kundi 'yung may-ari ng lugar 'di ba?



"When I first saw your boyfriend's name on the list I told Thanatos right away to write your name instead because I know you. Even being the princess of the Underworld has its perks, right?" Sabi sa'kin ni Papa habang nakangisi. Tumayo ito, bumaba at dahan-dahang lumapit sa'kin. "Ngayon, bago ka magalit at bago mo pa ako husgahan sasabihin ko na sa'yo. Gumawa ako ng paraan para hindi mangyari 'to, Yda. Kaya kita pinatira kasama ng kapatid mo, kaya ko siya sinabihang i-enroll ka sa school na pinapasukan niya. Lahat ng 'yun para lang malayo ka sa Cato na 'yan. It's not that I never liked him, it's just I know that he's going to be the death of you like literally," paliwanag niya sa'kin habang hawak-hawak ang magkabila kong balikat.



My father is a god, at lahat ng deities ay magaganda (well except kay Lord Hephaestus). Alam ko maraming natatakot kay Papa kapag nakikita nila siya. Meron kasi siya nung gloomy aura na sadly ay namana ko sa kanya, pero kung susubukan mo lang hindi pansinin 'yun? Makikita mong sobrang gandang lalake ni Papa. Poetic 'yung facial expressions niya pati pagsasalita niya. Kung gugustuhin niya? Papasa siyang teacher ng English Literature.


Hindi ko alam kung bakit hindi ko na maramdaman ngayon 'yung ganung intensity ng galit na naramdaman ko kanina nung una ko siyang makita. Oo galit pa rin ako pero nung nagpaliwanag siya sa'kin para niya akong pinakalma.



"So ano na? Dito na 'ko? Forever?" Doon ako mas lalong naiyak.



Gustong-gusto ko ang Underworld. Gustong-gusto kong halos black, white and gray lang ang nakikita ko sa paligid. Gustong-gusto kong bumisita rito pero hindi at never ang manatili sa lugar na 'to. Mahal ko si Papa, gusto ko siyang makasama pero kahit ganun, ayokong buong buhay ko andito na lang ako. Gusto ko sa taas. Gusto ko kay Neon, kila Dani, Stacy at sa iba pang mga demigods. Gusto ko sa tabi ni Cato... pero malabo na 'kong makabalik ulit dun 'di ba? Naiisip ko pa lang na hindi na ulit ako makakatungtong sa itaas gusto ko na lang mamatay ulit. 'Yung as in patay na patay na talaga? 'Yung wala ng ganito o kung ano mang afterlife.



"You already made your choice," malungkot na pagkakasabi ni Papa.



Naisip ko si Cato. Gising na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako? Hinahanap kaya nila ako? Malalaman kaya nila 'yung ginawa ko? Gusto kong magsisi pero hindi ko magawa. Mas okay talaga sa'kin na ako na lang 'yung andito kesa si Cato. Ganon siguro talaga 'pag sobra mong mahal.



"Asan 'yung bedroom ko?" Pabiro kong tanong kay Papa habang tumutulo pa rin 'yung mga luha ko. Sinubukan ko ring ngitian siya pero mas lalo niya lang akong kinaawaan. Alam ko, kasi nakita ko sa mukha niya.


"Yda, hindi ka maglalagi rito," mahinahon nitong pagkakasabi.


"Bakit hindi? Dahil ba kay Goddess Persephone? Andito ba siya?" Natatawa ko pang tanong sa kanya. "Pano ba 'yan eh araw-araw na kaming magkikita dapat masanay na siya," wika ko kay Papa.


"You will be judged by the judges of the Underworld."


"Pero anak mo 'ko-"


"That doesn't mean you're not dead," sabi pa niya.



Unti-unti akong umatras papalayo sa kanya. Mukha siyang nasasaktan habang pinapanood ako pero hindi na ako nagsalita ng kahit ano man sa kanya at lumabas na sa realm niya. Dumiretso na 'ko kung saan 'yung tatlong judges ng Underworld. Wala na akong paki kung saan nila ako ilagay. Patay na rin naman ako.



*********



Minos, Rhadamanthus, Aeacus. Sila 'yung tatlong judges. Kings sila nung nabubuhay sila and demigods. Anak silang tatlo ni Lord Zeus. I guess kahit shitty ka nung nabubuhay ka pero king ka naman at anak ng pinakamataas na deity sa Olympus, safe ka pagdating mo rito sa Underworld. Tss.


Inilagay nila ako sa Fields of Asphodel. Syempre wala akong nagawang kahit anong matinding kasalanan pero hindi rin naman ako sobrang banal kaya nilagay ako rito. Wala lang din, puro damuhan, puro puno. 'Yung mga tao rito lakad lang ng lakad ng parang walang patutunguhan. May mga nakaupo rin na katulad kong bored. Sinbukan kong hanapin 'yung Mama ko pero wala ata siya rito. Siguro napunta siya sa Elysium, 'yung lugar kung saan napupunta 'yung mga sobrang mababait na tao. Napangiti na lang ako nung maisip ko 'yun. Kasi ibig sabihin nun, masaya siya run.



"Gusto kitang pagalitan pero hindi ko magawa," nagulat ako ng biglang lumitaw si Neon sa gilid ko. Para siyang hangin na naka-shape lang na siya. 'Pag minsan malinaw, makikita mo pa 'yung features ng mukha niya pero 'pag minsan hindi. Natawa ako. Hindi ko inaasahang makikita ko kung paano niya 'to ginagawa. Kung paano siya nakikipagusap sa mga tao rito sa Underworld.


"Gusto kitang yakapin pero hindi ko magawa," bwelta ko naman sa kanya sabay ngiti. Nangiti lang din siya sa'kin pero bakas sa mukha niya 'yung sobrang awa at lungkot. Na-guilty ako kasi hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya-sa kanila. Pero sino ba namang magaakalang gagawin ko 'to 'di ba?


"Sinabi na sa'kin lahat ni Daddy," sabi pa nito sa'kin.


"Talaga? Sinabi rin ba niya sa'yong wala kang magiging special treatment dito kahit anak ka pa niya?" Pabiro kong tanong. Napangiti na lamang si Neon at umiling-iling. Alam kong nagpapanggap lang siyang hindi malungkot. Pareho lang kasi kami ng ginagawa. "Si Cato? Okay na ba siya?" Tanong ko.


"Oo. Maya-maya rin magigising na siya," sagot nito sa'kin. Ngumiti na lang ako. "I will always be here, Yda."


"Sobrang bait mo, kuya. Baka mamaya sa Elysium ka rin mapunta tulad ng Mommy mo," komento ko sakanya.


"Kung may gusto kang sabihin sa kahit kaninong nandito tawagin mo lang ako, okay?" Sabi ni Neon sa'kin. Tumango na lang ako. Sinubukan niya 'kong hawakan sa pisngi pero wala akong naramdaman at sigurado akong wala rin sa kanya. Pinanood kong tuluyan siyang mag-fade.



Welcome to the real world, Yda, bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa berdeng paligid.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro