Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

x. true strength

x. true strength

Kinabukasan lang nag-sink in sa'kin 'yung nangyari sa pagitan namin ni Cato. Ayos nga eh, nakatulog pa 'ko ng mahaba atyaka sakto nung pagkagising ko umiiyak na pala ako ng sobra-sobra. Sinubukan kong matulog ulit pero paulit-ulit lang na nagpi-play 'yung usapan namin ni Cato kapag pinipikit ko 'yung mga mata ko kaya hindi ko na lang sinubukan ulit matulog. 

Kinuha ko 'yung sketch book ko at sinubukang magdrawing. Kahit ano lang na lumabas sa utak ko kaso nga lang kada-guguhit na 'ko puro features naman ni Cato 'yung nagagawa ko. Kung hindi 'yung mga mata niya, 'yung labi niya. 'Pag minsan 'yung jawline niya o 'yung buhok niya. Nakakailang papel na rin akong nasayang. Puno na 'yung trash can sa kwarto ko dahil sa kakaulit. Naisip ko, bakit pa ba 'ko nagsasayang ng oras na mag-try? Alam ko namang kahit anong gawin ko hindi ko pa rin makakalimutan si Cato atyaka 'yung nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makakatakas sa realidad na wala na kami, na mas pinili niyang lumayo kasi akala niya hindi niya 'ko mapapasaya. Nung una akala ko hindi niya kayang gawin 'yung mga ganung bagay. Ano ba namang alam sa emosyon ng mga anak ni Lord Ares 'di ba? Pero iba si Cato. Iba siya, nagbago siya dahil sa'kin.

Pa, nakita mo 'yun? Sabi mo dati pagbabasag ulo muna niya bago ako. Anong nangyari Pa? 'Di ba, mali ka? 'Di ba mahal naman talaga niya 'ko? 

Mas lalong tumindi 'yung pagnanais kong makausap si Papa. Hindi ko alam, gusto ko lang ipakita sa kanya na real deal 'yung sa amin ni Cato pero ewan, siguro nga gusto ko lang ng makakausap. Gusto ko lang ng isang tao (o kahit god) na iintindi sa'kin, na dadamay sa'kin. Alam ko hindi ganun ka-suitable si Papa kasi hindi naman 'yung close sa sarili niyang mga emosyon pero ngayon, siya lang 'yung kailangan ko. 

Ilang oras pang pagmumuni-muni ang nagdaan nang marinig kong kumatok si Neon sa kwarto ko. 

"Yda?" Tawag nito sa'kin. "Kumain ka na ba?" Tanong niya.

Bigla naman akong na-guilty nang marinig ko 'yung boses ni Neon. Napapikit na lang ako habang iniisip kung bakit hindi ko magawang mag-open up sa kanya. Si Papa nasa Underworld at malamang busy pero si Neon nandyan lang sa kabilang kwarto, ang dapat ko lang gawin eh lumabas at makipagusap sa kanya. 

Kung sa bagay, bigla lang naman akong ibinagsak ng Papa ko rito. Ni hindi ko nga alam dati na may kapatid pala ako eh. Siguro kung noon pa lang nakilala na namin ni Neon ang isa't isa, siguro mukha na kaming kambal tuko ngayon dahil sa closeness namin. Sayang. 

"Hindi, hindi pa 'ko gutom," sagot ko sa kanya. Nanatili akong nakaupo sa harap ng study table ko habang pinagmamasdan 'yung huli kong sketche. Mukha ni Cato. 

"Kagabi ka pa hindi kumakain. Okay ka lang ba?" Tanong ulit nito sa'kin. Napakagat naman ako ng lower lip ko. Mali 'yung nasagot ko ayan tuloy mag-aalala na naman sa'kin 'yung kapatid ko. "Buksan mo 'yung pinto may dala akong agahan para sa'yo," wika pa nito habang nasa lukod ng pinto. 

Ayaw ko namang pahirapan pa 'yung kapatid ko kaya dali-dali akong tumayo, inayos ang sarili ko para hindi naman halatang kawawa ako pagka-harap ko sa kanya. Medyo nagulat pa nga ako nung napatingin ako sa salamin eh. Hindi na nga ako kagandahan, mas lalo pa akong pumangit dahil sa kakaiyak. Sana lang talaga hindi na mapansin ni Neon 'tong namamaga kong mga mata. 

Nung sa tingin ko eh okay na, binuksan ko na 'yung pinto at ngumiti sa kanya. Hindi niya sinuklian 'yung ngiti ko at parang napakunot pa ng noo. Napasabi naman ako ng "patay" sa isip ko dahil sigurado akong napansin niya ng depressed ako. Para mailayo 'yung atensyon niya eh kinuha ko na 'yung tray na dala-dala niya at inilapag sa study table ko. 

"You don't look well. May sakit ka ba?" Kwestyon nito sa'kin. 

Napangiti na lamang ako ng mapait sabay shrug. Sana nga sakit na lang 'to na pwedeng mawala kapag nakainom na 'ko ng gamot at nakapagpahinga na ng maayos. Sana nga kapag uminom ako ng maraming tubig o kumain ng mga masusustansyang prutas at gulay umayos na 'yung pakiramdam ko. Itong bullshit kong pakiramdam na feeling ko dinaanan ng malaking puncher 'yung puso ko sanhi para magkaron 'yun ng pagkalaki-laking butas. Pero hindi eh, hindi naman kasi 'to simpleng sakit lang. Kahit ano namang gawin ko, wala akong magagawa para mawala 'to.

Umiling-iling ako kay Neon. "Okay lang ako. Thank you sa breakfast," wika ko sa kanya atyaka na tumalikod para naman tigilan na niya 'yung pagtitig sa kawawa kong mukha. 

"May nangyari ba? Yda, alam mo namang pwede mong sabihin sa'kin kung ano man 'yan," Saad nito. Ramdam ko namang nagri-reach out na siya sa'kin pero ewan, hindi ko alam siguro nahihiya lang ako o ayoko lang talagang makaabala sa kanya kaya hindi ko magawang mag-open up. 

Napatakip na lamang ako ng bibig para maitago 'yung paghikbi ko. Nararamdaman ko na naman kasing mawawasak na naman ako. Ganon kasi ata talaga 'yung heartbreak. Hindi 'yung minsanang pagkasira nung puso mo 'yung papatay sa'yo, hindi 'yung unang beses kundi 'yung paulit-ulit na pagkawasak mo sa bawat araw na dadaan. Wala pa ngang isang araw nung nagbreak kami ni Cato pero ganito na 'yung nangyayari sa'kin paano pa kaya bukas? Sa makalawa? Walang kasiguraduhan kung kakayanin ko pa eh. Baka nga sabihin ko na lang kay Papa na dun na lang ako sa realm niya.

Naramdaman ko 'yung dalawang kamay ni Neon sa magkabilang balikat ko. Nagsilbi ata 'yung trigger para tuluyan nang bumuhos 'yung mga luha kong hindi pa maubos-ubos. Humarap na 'ko sa kanya at yumakap. 

"It's all going to be okay. I promise we'll find a way no matter what that is," bulong sa'kin ni Neon habang maingat na hinahagod ang likuran ko. 

"I-Iniwan na niya 'ko. Akala niya, akala niya hindi siya 'yung taong makakapagpasaya sa'kin pero mali siya, Neon. Maling-mali siya. Kaya ko siyang pigilan pero hindi ko ginawa, naging duwag ulit ako, nag-rely lang ulit ako run sa invisibility powers ko. Ano ba 'yon? Bakit ba 'yun binigay sa'kin ni Papa? Alam niya ba na, na magiging duwag ako paglaki ko? Ganon ba 'yun?" Tuloy-tuloy kong pagkakasabi kasabay nung tuloy-tuloy ring pag-agos nung mga luha ko. Hagod lang ng hagod si Neon sa likuran ko para guminhawa 'yung pakiramdam ko. Naa-appreciate ko 'yung ginagawa niya para sa'kin pero tingin ko pinapagod niya lang 'yung sarili niya kasi kahit kailan, kahit kailan hinding-hindi na ako magiging okay. 

Hindi ko alam kung bakit nagtiis si Neon ng ilang oras para lang pagaanin 'yung pakiramdam ko. Kung bakit hindi niya ko iniwan kahit saglit man lang. Hinintay niya lang akong mapagod sa kakaiyak hanggang sa tingin niya eh pwede na 'kong kumain. Hindi ko na rin siya pinigilan nung pinilit niya 'kong sumubo. Nung matapos ako, sinabihan niya 'kong mahiga muna, pero maski nung nakahiga na 'ko hindi pa rin niya 'ko iniwanan. Andun lang siya sa gilid ng kama ko, nakaupo. Pinagmamasdan ako, paulit-ulit na hinahawi 'yung buhok ko. Napaisip tuloy ako kung anong date na naman ba ang ninakaw ko sa kanila ni Dani. Na-guilty ako oo, pero hindi ko naman mapigilang hindi matuwa kasi dinadamayan niya 'ko. Maybe this is just us, humans' never ending crave for affection even if we know we don't deserve it. 

"Sorry naabala pa kita," mahina kong pagkakasabi kay Neon. Hindi ako sigurado kung narinig niya pero nung narinig ko 'yung mahina niyang pagtawa dun na 'ko nakasiguradong nakarating nga sa kanya 'yung sinabi ko.

"Sa totoo lang, hinihintay ko talagang magsabi ka sa'kin. Hinihintay kong mag-open up ka. Ayoko kasi basta-basta na lang magtanong sa'yo. I want you to be ready so I didn't bother you until now. Hindi na 'ko nakatiis eh, sobra na 'kong nagaalala," kwento ni Neon sa'kin. Tinawanan ko 'yung sarili ko sa isip ko. Bakit ko pa hinahanap si Papa? Kung kay Neon pa lang sobrang gaan na ng pakiramdam ko? "Nung unang sinabi sa'kin ni Daddy na may kapatid ako, pakiramdam ko tumaba 'yung puso ko. Pakiramdam ko sadya 'yun para magkaron ka ng space. Alam mo 'yun? Hindi pa lang kita nakikita may naka-ready na kaagad na espasyo para sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi ni Neon. Bakit? Kasi pareho kami ng naramdaman. Parang imposible 'di ba? Pero ganun talaga 'yung naramdaman ko nung una kong malaman na may Neon pala, na may isa pa palang Hades 'freak'. Naalala ko kung paano ko kinalma 'yung sarili ko nun dahil sa sobrang excitement. Naalala ko 'yung saya nung una kong makita 'yung kapatid ko. Alam mo 'yung sayang alam mong hinding-hindi mo mahahanap kung saan-saan kung kani-kanino? Ganun. 

"Thank you, kuya." Sambit ko ng sobrang hina. Kung narinig niya hindi ko alam. Hindi naman na kasi siya nagsalita nun kaya pumikit na lang ako.

* * * * * * * * *

Napanaginipan kong nasa kwarto ko sina Dani at Stacy. Gaya sa totoong buhay, nagbabangayan pa rin sila. Nakaupo sila sa dalawang upuan na nakaharap sa kama ko pero 'yung tindi ng tingin nila sa isa't-isa? Pwede na atang mag-supply ng pang-isang buwang kuryente sa buong bayan. 

"Bakit ka kasi reto ng reto kahit alam mong may sabit pa?" Mataray na pagkakatanong ni Stacy kay Dani.

"Eh gusto ko lang namang sumaya 'yung kapatid mo eh!" Rason naman ni Dani. Kapatid? Si Night? 

"Tingin mo sasaya pa 'yun kapag basag na 'yung pagmumukha niya? Mag-isip ka naman Dani! Hindi 'yang puro saya-saya 'yang laman ng maliit mong utak na kung tutuusin walang karapatang matawag na utak!" Matinding bwelta ni Stacy kay Dani. Napanganga na lang si Dani sa kanya pero agad na na-regain 'yung self confidence niya at sumagot.

"Eh ngayon? Break na sila ni Cato, pwede na si Night at Yda. Sa tingin mo may magagawa ka kung gusto nga ng kapatid mong ligawan si Yda? Wala! Kasi kahit gaano ka katalino hinding-hindi ka pakikinggan ng kapatid mo. Kasi alam mo kung ano ka? Female version ni Hitler! Isa kang malaking diktador!" Sagot sa kanya ni Dani na umaapaw ang confidence. 

Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso 'yung barahan at sagutan nila Stacy at Dani. Atyaka bakit ba nila kami pinagtatalunan? Atyaka ano ba, panaginip lang ba talaga 'to? Bakit totoong-totoo?

"Wala akong pakialam. Kung kinakailangan kong umembento ng bagay na pwede kong ikabit kay Night para sa tuwing magsasalita ka eh hindi ka niya mapakinggan, gagawin ko." Wika pa ni Stacy na halatang-halatang ayaw pang magpatalo.

Dun ko na-realize na hindi nga 'to talaga panaginip. Sabay kasi silang napatingin sa'kin. Mukha silang nagulat pero nag-relax naman kaagad nung umupo ako sa kama ko para harapin sila. 

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sabi ni Neon baka may maitulong kami sa'yo. Kasi nga ibang-iba raw 'pag babae ang nagpapayo sa mga kaka-break lang," sagot kaagad sa'kin ni Dani. 

Hindi ko naiwasang mapatingin kay Stacy. Walang kagatol-gatol niya 'kong tinignan sa mata. Dun ko napansin na pareho pala sila ng hugis ng mata ni Night. Akala ko dati wala talaga silang kahit anong similiarity sa isa't isa pero ito nga, mali na naman ako. 

Naalala ko si Night. Naalala ko nung sinabi niya sa'kin 'yung nararamdaman niya. Naalala ko rin nung sinabi sa'kin ni Cato na deserve ako ni Night, na mapapasaya niya 'ko. Napaisip tuloy ako kung ano bang mangyayari kung si Night na lang pagbalingan ko ng pagmamahal ko. Kung magiging masaya nga ba talaga ako. Hindi ko alam, walang may alam kaya nagtataka ako kung paano nasabi ni Cato sa'kin 'yun. Ano bang alam niya sa future? Hindi naman siya anak ni Lord Apollo na god of prophecies. 

"Totoo bang break na kayo ni Cato?" Tanong sa'kin ni Dani sanhi para mabaling ang tingin ko sa kanya. Tumango na lang ako bilang sagot atyaka yumuko na. "Gusto mo mamasyal tayo para makalimot ka? O may gusto ka bang kainin? Ano? Movie marathon?" Sunod-sunod na tanong slash suggestion sa'kin ni Dani. Lahat ng 'yun inayawan ko. "Gusto mo bang mapagisa?" Tanong ulit nito. Umiling ulit ako. 

Okay lang naman na nandyan sila. At least mahihiya akong umiyak ng umiyak hangga't nandyan silang nanunood. 

Ilang minuto 'yung awkward silence hanggang sa hindi na nga nakatiis si Stacy at nagsalita na.

"Hindi mo naman siguro gagawing rebound 'yung kapatid 'ko 'di ba?" Blunt nitong pagkakasabi. Napansin kong gulat na gulat si Dani sa itinanong ng katabi niya. Tingin ko muntik na nga ata niyang takpan 'yung bibig ni Stacy eh. 

"Hindi ko 'yan magagawa kay Night. Mabait siyang kaibigan para sa'kin, 'yun lang 'yun. Hanggang dun na lang 'yun," agad ko namang sagot sa nakababatang kapatid ni Night. 

Naiintindihan ko naman si Stacy eh. Alam ko kung ano 'yung pinaghuhugutan niya kaya siya nagiging ganyan. Hindi ko siya masisisi. Nakwento na sa'kin noon ni Night 'yung tungkol sa nangyari sa kanya at dun sa dati niyang girlfriend, si Nina. Alam kong naging saksi si Stacy ng paghihirap ng kuya niya kaya natural lang na gawin niya lahat-lahat 'wag lang ulit mangyari 'yun kay Night.

Napatingin si Stacy kay Dani at ngumisi na parang sinasabing tama siya at mali si Dani. Napairap na lang si Dani sa kasama. 

Wala sigurong moment na hindi ako matatawa sa kanilang dalawa kapag magkasama sila. Hay...

Biglang tumunog 'yung cellphone ko. Kahit wala ako sa mood sumagot ng tawag ngayon sinagot ko na lang din. Para kasing nag-aabang din sina Dani at Stacy na sagutin ko eh. 

Nakita ko ang pangalan ni Jess sa caller ID. Naisip kong makiki-chismis lang siya kaya plinano ko na 'yung gagawin ko. Maghe-hello lang ako atyaka ko na ibababa kung tunay ngang magtatanong lang siya ng tungkol sa kinahinatnan ng relasyon namin ng kaibigan niya. 

("Hello Yda?") Sabi ni Jess. 

"Hello," matipid kong sagot.

("Pwede bang pumunta ka rito ngayon na? Alam ko kasing ikaw lang makakapigil dito kay Cato.") Nag-aalala niyang pagkakasabi. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang pangalan ni Cato.

"Ano bang nangyayari dyan?" Tanong ko sa kanya. Alam kong may laban dahil rinig na rinig ko 'yung lakas ng hiyawan ng mga tao pero gusto kong malaman kung anong nangyayari run na may kinalaman kay Cato at sa tono ng boses ni Jess. 

("Si Cato kasi kanina pang umaga nakikipaglaban. Actually, hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero wala pa siyang naipapanalong laban kahit isa kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil. Nag-aalala na 'ko kaya kung pwede sana magpakita ka na rito sa kanya. Pigilan mo siya.") Buong paliwanag sa'kin ni Jess.

Ibinaba ko kaagad 'yung phone ko. Hindi ko alam kung na-end ko ba 'yung tawag o hindi basta agad-agad lang akong kumilos. Kinuha ko 'yung pera ko tapos 'yung phone ko. Hindi na 'ko nagayos basta kumaripas lang ako ng takbo sa gate. Tyaka ko lang napansin na sinusundan pala ako nila Dani, Stacy at Neon. Lahat sila nagaalala sa'kin habang ako nagaalala kay Cato.

"Kailangan ako ni Cato," hindi ko na hinintay na magtanong pa sila kaya sinabi ko na kaagad. Nagtinginan silang tatlo atyaka sumama sa'kin. Hindi ko na sila tinanong o pinigilan pa. Kung gusto nilang sumama hindi ko sila pipigilan. Iniwasan kong gumawa ng kahit anong makakapagpabagal sa'king makapunta sa Haima. 

Nag-taxi kaming tatlo papunta run. Halos kalahating oras din 'yung byahe at sa buong byaheng 'yun kailangan akong i-check nila Dani kung humihinga pa ba 'ko o ano every five minutes. By the time na nakarating kami sa harapan ng Haima halos mangiya-ngiyak na 'ko. Lumabas kaagad ako ng taxi at tumakbo sa loob. Hindi ako nag-sorry sa lahat ng taong nabangga ko o ano, basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Hanap, lakad, tulak. Hanap, lakad, tulak. 

Hanggang sa mapunta ako sa harapan ng ring. Dun ko nakita si Cato na nakahandusay na sa ring habang duguan ang halos buong pagmumukha. Kung ano 'yung iyak ko kanina dahil sa break-up namin ni Cato? Pakiramdam ko dumomble 'yun nung nakita ko siyang hirap na hirap. Nakalimutan ko nga pati hiya ko't napaakyat ako ng ring at hinagkan siya. Naramdaman ko lahat-lahat ng sakit na natamo niya mula kaninang umaga nung nagumpisa siyang makipaglaban. Halos mag-collapse ako dahil sa sakit pero naisip ko lahat-lahat ng 'to nakaya ni Cato, lahat-lahat ng 'to tiniis niya. Ayoko namang unahin 'yung pagiinarte ko kesa sa matulungan siya. 

"Yda," mahinang-mahinang sambit nito sa pangalan ko. Sinusubukan niyang kumawala sa'kin dahil alam niyang nararamdaman ko rin 'yung sakit na nararamdaman niya ngayon pero hindi ko siya hinayaan.

Paulit-ulit niyang sinasabi 'yung pangalan ko habang nakapikit 'yung mga mata niya. Awang-awa na 'ko sa kanya kaya mas pinili ko na lang ding ipikit 'yung mga mata ko. Naramdaman ko na lang na may naglayo sa'kin sa kanya at nung dumilat ako tangan-tangan na siya ni Jess paalis ng ring. Sinundan ko sila kasama sina Dani, Stacy at Neon sa likod ko papuntang kwartong pahingahan ni Cato rito sa Haima. Ipinahiga siya run sa kama niya. Umalis si Jess para tumawag ng doctor, hinayaan na lang namin siya kahit alam naming hindi doctor ang kailangan niya kundi ambrosia. Buti na lang at palaging may dalang extra si Stacy kaya 'yun ang ipinainom sa kanya. Tulong-tulong silang tatlo sa pagaayos at paglilinis sa mga sugat ni Cato. Gusto ko sanang tumulong pero mahigpit akong binawalan ni Neon dahil nga sobrang daming energy na ang nawala sa'kin sa unang hawak ko pa lang kay Cato. 

Nang makarating na si Jess kasama 'yung doctor eh magaling na nun si Cato dahil sa ambrosia kaya walang nagawa 'yung doctor kundi iwanan kami. 'Di kalaunan eh pinayagan na rin ako nila Neon na mapagisa kasama si Cato. 

Umupo ako sa upuan na malapit sa gilid ng kama ni Cato. Hawak-hawak ko 'yung kamay niya habang hinihintay siyang magising. Hindi ko na plinano kung ano 'yung sasabihin ko sa oras na magising siya, ang mahalaga ngayon makapagpahinga siya. Wala na rin siguro akong pakialam kung pagkatapos nito ganun pa rin 'yung desisyon niya. Kung paninindigan niya 'yung pangiiwan niya sa'kin. Ewan, bahala na, gumaling lang siya. 

"You're here," rinig kong sabi niya. Ipinahinga ko ang 'yung ulo ko saglit tapos gising na siya. Nakakatuwa. Nakita ko pa 'yung ngiti niya nung nagsalita siya kaya nangiti na rin ako kahit lumuluha pa.

"I love you, why wouldn't I be here?" Tugon ko sa kanya. Mas lalo namang lumawak 'yung ngiti niya.

"I'm sorry. Sabi ko papakawalan na kita pero ano na naman 'to? I've dragged you into my mess once again," seryoso nitong pagkakasabi. Napa-iling-iling na lamang ako sa kanya. 

"Magpahinga ka na lang, okay?" Sabi ko sa kanya. 

"I love you so fucking much, Yda. I thought about giving you everything. I thought about making you - us happy. So I said, maybe if I plunge into that river, that would solve everything. That was the time when I can't choose between you and my urge to fight every single man that would go into this place. But the more I fight, the more I realize that what will make me really happy is not the blood spilled on the ring or the scars and bruises I inflicted upon those people but you. I chose you but then I have to let you go because there is no way I can let you end up with the likes of me. I'm not good for you, I will never be good for you."

Gusto ko siyang patigiling magsalita. Gusto kong sigawan siyang mali siya. Gusto kong sabihin sa kanyang wala siyang alam pero hindi ko kaya. Tuloy-tuloy na 'yung iyak ko tapos hindi ko na ma-control 'yung pag-shake ng mga balikat ko dahil sa pagiyak. 

"But I-I don't need something g-good, I need something real and t-that's you. I need and I want you," hirap na hirap kong pagkakasabi sa kanya dahil sa paghahabol ng paghinga ko. "So please, please, comeback to me, please..." pakiusap ko sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya. 

Nagulat na lang ako nang bigla siyang naupo sa kama niya at hinila ako palapit sa kanya kaya naupo na rin ako sa kama niya. 

"I hope you don't regret this," he whispered and then he kissed me. His lips tasted like ambrosia and suddenly everything that was broken inside me became whole again. It feels like he healed me. How ironic, an Ares kid healed me. "Gods, I really hope you don't regret this." He prayed while resting his forehead against mine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro