vii. party
note - hello pasensya na po talaga kung sobrang bagal kong mag-update 'tas sorry rin kung medyo nagiging shitty na plot nito hays sorry talaga anyway thank you pa rin po sa lahat-lahat xx
______________________________________________________
vii. party
Bumisita ako kay Papa para sana i-share 'yung problema ko. Parang ang gago ko nga sa lagay na 'to eh. Hinalikan na nga ako ni Night pino-problema ko pa. Ang arte eh 'no? Pero kasi sana nung ginawa niya 'yun eh wala akong boyfriend.
Oo wala pa kaming maayos na paguusap ni Cato simula nung away namin last week. Magdadalawang week na nga kaming walang communication eh. Kung noon eh game na game pa 'ko kung sakaling magre-reach out siya sa'kin ngayon eh baka 'pag nakita ko siya bigla na lang akong mangisay sa sobrang kaba. Nakokonsensya kasi ako.
Buti sana kung hindi ako natuwa run sa ginawa ni Night...
Tsk.
Bakit ba hindi ako ni-rescue ni Papa nung kailangang-kailangan ko talaga? Pwede niya naman akong hilain papunta rito sa home sweet home niya pero hindi. Hinayaan niya 'kong mag-enjoy sa bawal. Shit. Ang sama-sama ko. Ang sama-sama kong girlfriend.
Kumaripas ako ng takbo palabas nung tent nun nung na-realize kong maling-mali 'yung ginagawa ko. Naitulak ko pa nga si Dani na nakatayo sa tapat nung tent eh. Basta tumakbo lang ako paalis dun sa beach tapos sumakay ng taxi at umuwi. Hindi ko na intindi 'yung mga naiwan kong gamit ang importante lang sa'kin nun eh makaalis dun sa lugar na 'yun. Makalayo kay Night, 'yun lang.
"Ayos ba?" Biglang tanong sa'kin ni Papa na ikinagulat ko naman.
Agad naman akong napatingin sa kanya. Pagtingin ko eh all out na all out 'yung ngisi niya. As in kung ako ikaw? Maiinis ka talaga sa tingin niya. Mukha kasi siyang nanunukso. Alam mo 'yung kulang na lang sabihin niya 'yung linyang "I know what you did last summer" kasi seryoso, bagay na bagay niya 'yon.
Gods, inaasar ba 'ko ng tatay ko?
"Pa alam mo 'pag minsan talaga gusto ko na lang lumangoy sa River Lethe para makalimutan kong tatay kita," napaka-witty kong komento sa kanya. Wow, ito pala nagagawa ng madalas na pagsama kay Stacy.
River Letche. River of Oblivion. Dyan nagtatampisaw 'yung mga kaluluwa na piniling ma-reincarnate (syempre 'yung mga souls lang na galing sa Elysium a.k.a mga souls na naging mabait nung nasa Earth pa sila). Syempre kung mabubuhay ka ulit ang unfair naman kung 'yung mga memories mo sa past life mo eh babaunin mo ulit sa kasalukuyan so ayun. Gusto mong mabuhay pa ulit sa Earth? Drink from the river of oblivion or go home, bud.
"Para makalimutan mo 'ko o para makalimutan mong nagtaksil ka sa boyfriend mo?" Sagot ng Papa ko sa'kin with the same tone he used when he asked me "Ayos ba?".
Holy father.
Kung nandito lang si Stacy kanina pa 'yun bumulong sa'kin ng "burn".
Napabuntong hininga. "Will you please stop making it worse?"
"Come to think of it," panimula ni Papa sabay abante niya ng katawan niya na parang isang attentive na estudyante. "If you're not that attracted to Night you could've pulled away the moment he touches his lips--"
"Gods Pa, stop!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi ko naman sinasadyang sigawan siya. In fact ayokong sumisigaw o nagagalit man lang pero feeling ko talaga sasabog na 'yung utak ko sa kakaisip kung anong gagawin ko kapag nagkita na kami ni Cato. Kung pano ko kakalmahin 'yung nerves ko o kung pano ko mapipigilan 'yung sarili kong hindi magconfess sa kanya. Kasi ayokong naglilihim. Hindi ako magaling magsinungaling at mas lalong hindi ako magaling magtago ng sikreto. Okay lang sana kung sa'kin lang magagalit 'yun pero hindi eh. Siguradong hindi titigilan ni Cato si Night kapag nalaman niya 'yung ginawa namin.
Gods. Bakit kasi hindi ko na lang siya tinulak? Bakit kasi tumuloy pa 'ko run sa tent? Bakit kasi kahit anong gawin ko para pa rin siyang may sariling magnetic field na hila ng hila sa'kin sa tuwing nasa iisa kaming lugar.
Naguguluhan na 'ko. Mahal ko si Cato pero attracted ako kay Night. Ano bang klaseng puso meron ako?
"Pa, anong gagawin ko?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa Papa ko.
"You gotta find out who you like the most," payo nito sa'kin. Thank the gods, serious mode na si Papa. "You can't have them both."
Alam ko namang hindi pwedeng dalawa 'yung gusto ko. Wala rin naman akong planong mamangka sa dalawang ilog. Actually nakapili na 'ko eh. Alam ko kasing si Cato 'yung mahal ko ang problema lang, hindi na ako ganun kasigurado hindi kagaya nung dati. Dahilan? Si Night. Alam mo kasi si Night 'yung mismong tao or demigod na pini-picture ko sa utak ko na gusto kong makasama hanggang sa mag-descend na 'ko rito sa Underworld. Siya 'yung lalakeng alam na alam kong magiging masaya ako habang kasama siya. Alam mo 'yun? 'Yung ideal ba? Samantalang si Cato naman 'yung kabaliktaran ng lahat-lahat ng nasa isip ko and yet, I still fell in love with him. I don't know when, why or how, I just did. Kaso nga lang puro kami problema ngayon at habang inaatake kami ng mga iba't ibang obstacles and other shits biglang umentrada si Night tapos binuhay 'yung ideal guy na nasa isip ko.
So ngayon, ito ako ngayon. Nalilito.
"Inimbitahan ako ni Zeus sa birthday party niya," biglang pagpapalit ng topic ni Papa. Napansin siguro niyang sasabog na 'yung utak ko dahil sa konsumisyon.
"Pupunta ka?" Tanong ko kaagad sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit palagi na lang ginagawang magkaaway sina Papa at Uncle Zeus sa kung ano-anong fics sa TV or sinehan eh hindi naman sila magkaaway. Ang ayos-ayos nga nila eh. Ayaw lang talagang lumabas ni Papa rito sa Underworld at tumambay run sa Olympus. Sobra raw kasing maliwanag dun. Ang crazy ng dahilan pero 'yun talaga 'yun.
"Syempre hindi. Ano ka ba naman alam mo namang--"
"Under ka?" Natatawa kong pagkakatanong kay Papa. Eh wala eh, inasar niya 'ko kanina eh 'di babawi rin ako.
Mali nga kasi 'yung tanong na dapat itinanong ko sa kanya kanina. Imbes kasi na "Pupunta ka?" eh dapat "Papayagan ka?" ang tanong. Syempre andito asawa niya kaya bawal lumayas 'tong Papa ko. Ang cute 'no? Parang boyscout lang na magca-camping sa malayong lugar 'tas kailangan pang magpaalam sa magulang para payagan.
Tinignan lang ako ni Papa ng 'oo-tama-ka-kaya-manahimik-ka-na' look.
"Ikaw na lang pumunta para sa'kin," wika nito. "Kung ano-ano kasing nalalaman nung isang 'yon. Pa-birthday-birthday party pa parang eight years old," pailing-iling pang sabi ni Papa. Natawa naman ako sa reaction niya. May pagka-bitter kasi 'to. Ikaw ba naman makulong sa tyan ng titan father mo ng ilang yearsssssssssss hahahaha!
Sa huli eh um-oo na lang ako. Kinuha ko 'yung invitation kay Papa atyaka na nagpaalam sa kanya. Mamaya kasi eh lumabas na naman 'yung asawa niya't singilin ako dahil sa mahabang oras kong pagi-stay dun sa Underworld.
* * * * * * * * *
It turned out na hindi ko na pala kailangan nung invitaion na ibinigay sa'kin ni Papa kasi binigyan din ulit ako ni Dani. Halos wala nga siya sa bahay niya at kakauwi niya lang nun galing Olympus para bigyan kami ng invitation at sunduin kami. Sobrang busy kasi niya dahil siya pala ang nag-organized nung party ng Popsy niya so ayon. Pero kahit na pagod si Dani ang ganda pa rin niya. Pasado na nga siyang maging anak ni Goddess Aphrodite eh pero syempre hindi ko sinabi 'yun kasi baka bigla na lang akong matabasan ng ulo.
So ayun, pumunta ang buong barkada sa Olympus. Sabay-sabay kaming bumati kay Uncle Zeus atyaka na naghiwa-hiwalay sa party. Syempre magkasama sina Kite at Stacy na buong puso namang binabantayan ni Uncle Poseidon hahaha! Samantalang si Neon ayun, tinulungan na rin si Dani sa pagaasikaso nung party. Ako naman iwas pa rin ng iwas kay Night. Ewan, nahalata rin siguro niyang wala pa 'ko sa mood para pansinin siya kasi hindi rin siya lumalapit sa'kin. Kapag magkakatinginan kami iiwas siya kaagad. Mabuti na rin siguro 'yun.
Naupo lang ako sa sulok habang pinagmamasdan 'yung mga deities na nagiinuman at nagchichismisan. Hindi lang naman kasi major gods ang imbitado kundi pati na rin 'yung mga minor gods kaya sobrang daming... gods.
"Future daughter-in-law," bigla naman akong napatayo nang makita sa gilid ko si Lord Ares na nakangiti pero parang "war mode" pa rin 'yung mga mata niya.
Pero holy father omgs! Tinawag niya akong future daughter-in-law! Napa-headbang naman bigla 'yung puso ko 'non.
Dali-dali kong iniyuko 'yung ulo ko at binati siya.
"Nilapitan lang kita para sabihing saglit na maliligaw ng landas si Cato pero tandaan mong kahit nasa ibang daan siya ikaw lang iniisip niya," wika nito atyaka na agad na lumakad papalayo.
Ang weird. Kasi hindi naman madalas na nagwa-warning si Lord Ares tungkol sa mga bagay-bagay pero ginawa niya sa'kin. Atyaka anong maliligaw ng landas? Si Cato? Saan? Paano? Kailan? Masyadong malabo 'yung warning wala akong maisip na kahit anong konektado run.
Atyaka sa aming dalawa ni Cato? Ako na 'yung naunang "naligaw ng landas" kaya bakit hindi na lang ako tinuhog ni Lord Ares gamit 'yung spear niya dahil sa ginawa ko sa anak niya?
Grabe. Dagdag na naman sa mga konsumisyong iisipin ko mamayang gabi.
* * * * * * * * *
; m e a n w h i l e ;
"Umuwi ka na. Hindi namin kailangan ng ring girl," cold na cold na pagkakasabi ni Cato sa babaeng nakatayo sa likuran niya habang nagaayos siya ng gamit sa bag niya.
Kakatapos lang ng laban niya kaya sabik na sabik na siyang umuwi at makapagpahinga. Idagdag mo pa 'yung pagiisip niya ng planong gagawin para makabawi kay Yda. Sinasanay niya kasing habaan ang pasensya niya para sa susunod na magkita sila ni Yda eh hindi na naman away ang kahantungan. Miss na miss na niya ang girlfriend pero kailangan niyang magtiis hanggang sa maayos niya na ang mga dapat niyang ayusin patungkol sa ugali niya.
"Excuse me?" Hindi makapaniwalang pagkakasabi nung babae. "Sa ganda kong 'to, mas marami pang pupuntang lalake rito sa arena mo," saad pa nito.
Naiirita na si Cato sa babaeng nasa likuran niya dahil sa malanding pagsasalita nito pero babae kasi 'yun, at hindi siya nananakit ng mga babae.
Lumingon si Cato at nakita nito ang mapupungay na mata ng babae. Ang matangos nitong ilong, mapupulang labi at perpektong ngiti. Idagdag mo pa ang wavy brunette hair nito na mas lalo pang nagpa-sexy sa kanya. Pati ang kulay ng balat niya eh parang pinasadya. Perfectly tanned ika nga nila. Talagang wala kang makikitang kahit anong mali sa kanya.
"Calamity by the way," pagpapakilala ng babae sabay abot nito ng kamay kay Cato. "Daughter of Goddess Aphrodite."
Napasabi na lang ng "kaya pala" sa isip-isip nito si Cato. Syempre, ang ganitong ka-perpektong babae kung hindi deity, malamang demigod.
Nung una eh nagulat siya sa pagpapakilala ni Calamity pero sumagi rin sa isip niya na siguro eh alam na rin nitong demigod din siya.
"You're Cato, an Ares kid. My mom really wants to kill you," pagbibiro pa ni Calamity. Nanatili namang walang reaksyon ang mukha ni Cato. "As other demigods say, an Ares and Aphrodite kid will always find a way to be with each other," wika pa nito sabay ngiti ng napakatamis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro