vi. underwater
vi. underwater
One week na ang nakalipas simula nung nag-away kami ni Cato. Hindi niya 'ko kino-contact, hindi ko rin siya kino-contact. Hanggang ngayon kasi naiinis pa rin ako run inasal niya sa'kin. Ramdam na ramdam ko rin na kaya lang siya nakipagbati sa'kin nun para pumayag akong dalhin siya sa River Styx. 'Yun 'yung pinaka-nakakainis dun eh. Atyaka kahit anong gawin niya, hinding-hindi ko siya ili-lead dun. Kahit makipaghiwalay pa siya sa'kin.
Na huwag naman sana niyang gawin.
Haaay...
Namimiss ko siya pero hindi naman pwedeng palampasin ko na lang ulit 'yung ginawa niya sa'kin 'di ba? Kaya ito, tiis-tiis na lang muna. Paka-busy muna sa pagi-sketch. Atyaka pasalamat talaga ako sa barkada (tinanggap na nila ako ng buong-buo omgs) kasi isinama nila 'ko rito sa beach kaya kahit papaano eh nakakalimutan ko 'yung sarili kong problema.
Anyway, ini-sketch ko ngayon si Stacy. Ang galing kasi nung grand entrance niya mula run sa dagat. Alam mo 'yung literal talaga siyang nakaupo run sa higanteng alon na para siya queen? Ganon. Sobrang na-cool-an ako kaya ito, sinusubukan kong i-drawing.
Bigla tuloy akong napaisip tungkol sa powers ko. Kung ikukumpara kasi sa kanila parang wala lang. Ano 'yun magiging invisible lang ako tapos wala na? Atyaka 'yung hindi ako mahawakan... 'di naman powers 'yun eh. Pasakit. Jusko, ano ba 'tong mga binigay-bigay sa'kin ni Papa parang tira-tira na lang. Buti pa sina Dani, Stacy, Neon, Kite. Si Dani halimaw 'yung powers eh lightning plus thunder. Si Stacy ang bongga rin. Si Kite walking electric fan. Si Neon nakakakausap ng mga patay... bakit wala akong ganon, Pa? Masaket.
"Uy, ako ba 'yan?" Narinig kong tanong sa'kin ni Stacy. Nasa likod ko na pala siya. Umupo siya sa tabi ko habang nakatitig pa rin sa drawing ko.
"Oo. Ang cool kasi nung ginawa mo kanina," sagot ko sa kanya. Ibinigay ko 'yung papel sa kanya tapos bigla siyang nangiti ng sobrang tamis.
To be honest, akala ko talaga ookrayin niya 'yung gawa ko pero natuwa siya kaya natuwa na rin ako. Hindi talaga maalis 'yung tingin niya sa drawing ko eh.
"Ang galing," sambit nito. "Pano 'to?" Tanong nito sa'kin. Palaging curious sa mga bagay-bagay si Stacy kaya naiintindihan ko kung bat ganyan siya magtanong.
"Ano..." Paano ko ba ii-explain?
"Sana marunong din akong magganito," wika nito. Bigla ko tuloy nakalimutan lahat ng insecurities ko tungkol sa powers ko nung narinig ko 'yun mula sa kanya.
Ibang-iba pala kapag si Stacy 'yung namuri sa'yo. Kadalasan kasi puro pango-okray lang siya pero kapag na-amazed talaga siya as in sasabihin niya sa'yo at malalaman mong totoo.
"Stacy," panimula ko. "Anong powers ni Night?" Out of the blue kong tanong sa kanya. Napansin ko kasing parang walang ipinapamalas na kakaiba si Night. Hindi katulad nitong kapatid niya.
"Walang powers si Night. May mga demigods talagang ganun," sagot niya sa'kin habang nakatingin pa rin dun sa iginuhit ko. "Parang si Herod. Nakamana lang sa tatay niyang antukin," dagdag pa nito.
Walang powers si Night?
Hindi ko alam pero bigla akong na-guilty. 'Di ba nga feeling ko waley 'yung powers ko compared dito sa mga ibang demigods na kasama ko tapos 'yun pala may iba sa kanilang wala talagang special abilities. Grabe, napa-'thank you Papa' naman agad ako run.
"Pero kahit ganon, makikita mo pa rin ang pagiging Poseidon spawn niya. Magaling siyang mag-fishing, feeling ko nga minsan attracted talaga mga isda sa kanya eh. No wonder 'yung ex niya mukhang sardinas. Sailor din siya tapos fast swimmer," sabi pa ni Stacy ng buong pagmamalaki sa kapatid niya. Naalala ko tuloy nung niyaya akong mag-fishing ni Night dati. Tapos 'yung biglaan niyang pagalok sa'kin ng hug... oh my gods. Napahawak ako sa left chest ko para kasing kakatapos ko lang habulin ng sampung aso sa bilis ng tibok ng puso ko eh.
Hindi kami masyadong close ni Neon na tulad kina Stacy at Night pero wow, sa sibling relationships, sila 'yung goal.
"Pumunta ka kasi run para makita mo," sabi sa'kin ni Stacy sabay turo sa dagat. Tyaka na siya nagpaalam sa'kin at nagpasalamat para run sa drawing.
Tumayo na 'ko at nagsimulang maglakad papunta run sa dagat. Sayang naman kasi kung hindi magswi-swimming 'di ba? Pero syempre gusto ko ring makita si Night underwater. Ewan ba, curious siguro ako.
Lumublob na 'ko sa tubig atyaka lumangoy. Buti na lang swimming 'yung P.E. namin dati. Lumangoy lang ako ng lumangoy hanggang sa may bigla akong naramdaman kamay na nakahawak sa kaliwang braso ko. Pagtingin ko eh nakita ko si Night. Kahit sa ilalim ng dagat halatang-halata pa rin 'yung kapogian niya, my gods. Hindi tuloy naiwasan nung puso kong mapatalon. Para ngang mas pumogi pa siya rito sa tubig eh.
Sabay pa naming naiahon 'yung mga ulo namin para makasagap ng oxygen sa itaas. Bumalik ulit kami underwater pero hindi ko alam kung paanong nangyaring magkadikit na kami. Holy Paps. 'Di naman ako isda, bat nama-magnet ako nito? Mas lalo tuloy bumilis 'yung kabog ng dibdib ko. Ano 'to, may sarili bang Milo Marathon 'yung puso ko kaya palaging ganito 'pag andyan na si Night?
Eh kasi 'di ba nga isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Cato eh panay naman yaya sa'kin ni Night lumabas-labas 'tas mamasyal. Napapansin niya kasing malungkot ako kaya kinukulit niya 'kong lumabas kasama siya. Tuwing magkasama naman kami nakakalimutan ko 'yung problema ko, actually lahat-lahat nakakalimutan ko. Nakakatuwa kasi si Night kasama.
Hindi ko alam kung paano humantong ang lahat-lahat sa ganito. Ang lapit na kasi ni Night sa'kin. To be specific, ang lapit na nung lips niya sa'kin. Anong klaseng first kiss 'to? Underwater pa? Kahit nga boyfriend -- well shit... boyfriend ko... may boyfriend ako... 'di pwede 'to!
Para namang nabasa ni Night 'yung isip ko kaya bigla siyang lumayo sa'kin at dali-daling umahon. Naiwan naman ako sa ilalim ng dagat. Hindi ko alam kung hindi ako makahinga kasi hindi pa 'ko umaahon para makasagap ng oxygen o hindi ako makahinga kasi muntik na 'kong mahalikan ni Night.
Bakit ganito? May boyfriend ako tapos lumalandi ako? Sino namang matinong babae gagawa nitong ginagawa ko ngayon 'di ba? Shit.
Umahon na rin ako't agad na naglakad papunta sa tent (balak kasi naming mag-camping dito) pero pagkabukas na pagkabukas ko nun eh sumambulat sa'kin si Night. Nakaupo atyaka parang ang lalim ng iniisip. Napatingin siya sa'kin 'tas halatang nagulat din. Nagkatinginan kami run tapos hindi ko alam kung tutuloy ba 'ko sa loob o kakaripas ng takbo at magpapakalunod na lang sa dagat dahil sa sobrang hiya.
Aalis na sana ako pero bigla niya 'kong tinawag.
"Yda," tawag nito sa'kin and I swear, nakailang dasal ako kay Papa kasi sobrang ganda nung pagtawag niya sa'kin na as in feeling ko kung Pacific Ocean 'yung boses niya at na-stuck ako run? Never na 'kong aahon.
"U-Uy," awkward kong pagkakasabi. "Sige punta muna 'ko run sa--"
"Please stay," mahina niyang pagkakasabi habang nakayuko. Para ngang konting-konti na lang magfi-fade na 'yung boses niya eh.
Hindi ko na sinalungat 'yung sarili ko't tuluyan nang puymasok sa loob ng tent at umupo kasalungat niya. Ilang minutes din kaming nagkibuan hanggang sa nauna na siyang nagsalita.
"Sorry dun kanina," wika nito.
"Okay lang. Alam ko namang hindi mo sinasadya. Friends naman tayo 'di ba?" Sabi ko sabay pilit na ngumiti.
"No. I don't think you understand," sabi nito sa'kin. Bigla naman akong nalito. Napatingin sa'kin, sa mga mata ko. "I'm sorry for myself that I didn't do it."
Nalunok ko ata 'yung dila ko. Hindi kasi ako makapagsalita dahil dun sa sinabi niya sa'kin. Posible kayang tama si Cato? Posible kayang tunay nga na gusto ako ni Night? Pero 'di ba friends kami? Friends, friends lang 'di ba? Bakit biglang ganito? Bakit biglang kinakabahan ako? Bakit biglang nagi-expect ako? Hindi ko alam kung matatawa ako sa sarili ko o maiiyak. Ang gulo-gulo ko.
"Pero meron akong--"
"You have a boyfriend yes I know, and that's the only barrier that is keeping me from doing it. But I just want you to know that I really, really wanna kiss you," para siyang inaapoy ng lagnat habang sinasabi niya sa'kin 'yun. Feeling ko nga unti-unti na niya 'kong hinahawaan eh. I feel like he's slowly becoming fire and he's consuming me. Irony isn't it? Son of Poseidon and fire. Gods, ano ba 'tong mga naiisip ko?
Unti-unti siyang lumapit sa'kin. 'Yung kaninang halos isang metrong layo biglang naging isang ruler na lang hanggang sa tuluyan ng maging isa o dalawang inches. At ako? Sinimento. Sinimento ng kaba ko. Pinipilit akong pagalawin ng konsensya ko pero ewan ba. Nagdadasal na lang ako kay Papa na sana hilain na lang niya 'ko pababa sa Underworld para kung ano man 'tong susunod na mangyari eh hindi na mangyari like please Pa, gawin mo na lang. Wala na 'kong pakialam sa wifi o kay Goddess Persephone, just take me in!
"I know he's gonna punch me for this but it'll be worth it," sabi ni Night sa'kin habang nakatingin sa labi ko atyaka unti-unti na niyang inalis 'yung isa o dalawang inches na namamagitan sa'ming dalawa.
* * * * * * * * *
; m e a n w h i l e ;
Parang guard ng bangkong nakabantay si Dani sa tent nang makita siya ni Stacy na tamang-tama namang may kukunin sa loob nun. Papasok na sana siya run pero agad siyang hinarangan ni Dani.
"Umalis ka nga dyan," sabi sa kanya ni Stacy.
"Hindi ka pwedeng pumasok!" Patuloy namang pagtataboy sa kanya ni Dani.
"Bakit hindi?" Tanong sa kanya ni Stacy.
"Nagmomoment pa kapatid mo 'tas si Yda--" agad namang napatakip ng bibig si Dani dahil hindi talaga dapat niya sinabi 'yung nasabi niya. Paulit-ulit niyang minura 'yung sarili niya dahil sa nagawang kagagahan.
"Alam mo dati ko pang napapansin 'yang maitim mong balak eh," panimula ni Stacy. "Alam kong nirereto mo sa kapatid ko 'yang Yda na 'yan," wika pa nito.
Natuwa naman si Dani. "Ano, bagay ba sila?" Tuwang-tuwang pagkakatanong nito sa isa.
"Gaga ka ba?! Ares kid 'yung boyfriend ni Yda! Hindi ko hahayaan 'yung kapatid kong mamatay dahil sa suntok 'no! Nakita mo ba kung pano gulpihin nun si Night noon sa arena?!" Sigaw ni Stacy kay Dani.
Naisip ni Dani na overprotective lang si Stacy sa kapatid niya pero iba ngayon. Seryoso at mukhang galit na galit talaga si Stacy sa kanya. Naisip tuloy ni Dani na magingat lalo na't nasa teritoryo pa siya ni Stacy (beach). Baka kasi bigla na lang siyang lamunin ng bff ni Stacy na pating.
"Pero kasi--"
"Walang pero pero. Tigilan mo na 'yan bago pa malaman nung Cato na tinutulungan mo 'yung kapatid kong ahasin 'yung girlfriend niya. Naalala mo si Cadmus? 'Yung ginawang ahas ni Lord Ares kasi pinatay niya 'yung dragon 'non? Baka mangyari 'yun kay Night. Gaga 'to," tuloy-tuloy na pagkakasabi ni Stacy atyaka na niya iniwanan si Dani.
Napa-'mehhh' na lang si Dani at kinalimutan lahat ng sinabi sa kanya ni Stacy at nagpatuloy sa pagbabantay run sa tent habang iniisip 'yung congratulatory speech na ibibigay niya sa bestfriend niya pagkalabas niya run.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro