ix. touch
note - hello gusto ko lang sabihing hanggang chapter fifteen na lang po ito plus 'yung epilogue po so yep hihi salamat po x
__________________________________________
ix. touch
; m e a n w h i l e ;
Okay na sana kay Night kung sasabihin ni Yda na ayaw niya sa kanya. Mas madali kasi para sa kanyang tanggapin na ayaw sa kanya ng babaeng gusto niya kesa matakasan at maiwanan sa ere katulad nga ng ginawa sa kanya ni Yda. Para sa kanya mas nakakasakit 'yun ng damdamin dahil una, hindi niya man lang nalaman kung gusto rin ba siya ni Yda. Kung may nararamdaman din ba siya kahit konti lang para sa kanya sa tuwing magkasama sila. Pangalawa, feeling niya baliwala lang 'yung pagtatapat na ginawa niya para kay Yda.
Oo, unexpected. Hindi plinano ni Night na masabi ang tunay niyang nararamdaman para kay Yda pero hindi na siya nakatiis. Hindi niya matiis 'yung itsura ni Yda nung makita niya sina Calamity at Cato. Nung mga panahon na 'yun, gusto niyang basagin pagmumukha ni Cato kahit alam na alam naman niyang bago pa niya magawa 'yun eh napatumba na siya ng karibal.
Walang nagawa si Night kundi umalis sa lugar na 'yun at dumiretso sa bahay ni Dani. Hindi siya sigurado kung nandun ang matalik na kaibigan pero kailangan niyang magbaka-sakali. Sa ngayong mga pagkakataon, alam niyang si Dani lang ang makakatulong sa kanya. Alam niyang si Dani lang ang makakapagpagaan ng loob niya. Kapag minsan, naiisip ni Night na nagiging pabigat na siya sa bestfriend lalo pa't may sarili na itong love life at kasalukuyan itong masaya pero anong magagawa niya? Bukod kay Dani, wala ng ibang maisip si Night na pwede niyang pagsabihan tungkol sa nararamdaman niya kay Yda kundi ang bestfriend niya.
Nang makarating sa tapat ng pintuan ng bahay ni Dani si Night eh hindi na siya nagdalawang isip pang kumatok. Naghintay siya ng ilang minuto hanggang sa tuluyan ng bumukas ang pinto pero taliwas sa inaasahan niyang tao ang bumungad sa kanya. Para siyang naparalisa nang makita niya si Stacy, ang nakababata niyang kapatid habang naka-cross arms sa harapan niya.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa kapatid.
"No," sabi naman agad ni Stacy habang naka-tapat ang palad niya sa pagmumukha ni Night na parang nagsasabing 'stop'. "What in the name of Hades are you doing here looking like that?" Tanong nito sa kanya habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa.
Napakunot naman ng noo si Night sa sinabi at naging reaksyon ng kapatid. Sa pagkakaalam niya, heartbroken lang siya at hindi nalaglag sa imburnal o kung ano man kaya bakit ganito makaasta sa kanya si Stacy?
"I'm fine. Where's Dani?" Tanong ni Night sa kapatid habang sumisilip-silip sa loob ng bahay.
"Look, I won't be stalling you anymore. I know you like Yda. I know you've been talking about it with Dani--"
"Step aside and let me talk to her," walang pakialam na pagkakasabi ni Night sa kapatid.
Alam ni Night na pipigilan siya ni Stacy. Alam ni Night na hindi niya papayagan itong gustuhin si Yda dahil sa 'sitwasyon' nila. Alam ni Night na gusto lang siyang protektahan nito pero may mga bagay talaga na hindi na dapat pinapakialaman ni Stacy.
"Alam mong Ares spawn 'yung boyfriend niya. Anong mangyayari kapag nalaman niyang pino-pormahan mo 'yung girlfriend niya? Ano? Magpapakamatay ka ba? Okay lang naman sa'kin kung, kung Apollo o Hephaestus kid 'yung boyfriend niya eh pero hindi. Ares kid, Night. Ares kid. Gods Night!" Inis na inis na pagkakasabi ni Stacy sa kapatid. Para kay Stacy si Night ang pinaka-importanteng living family member niya. Mas importante pa kesa sa Daddy niya kaya gagawin niya ang lahat-lahat para maprotektahan ito.
"Stop stressing your self about me, Stace. Stop overprotecting me," mahinahon na pagkakasabi ni Night. Gusto niyang sigawan si Stacy at itulak na lang sa tabi at hanapin si Dani sa loob pero kinailangan niyang magdalawang isip. Kinailangan niyang intindihin na ginawa lang ng kapatid kung ano ang sa tingin niya eh dapat niyang gawin.
Maluha-luhang nilagpasan ni Stacy si Night sa pinto at tuluyan ng lumabas ng bahay. Napabuntong hininga naman si Night at pumasok na sa loob.
* * * * * * * * *
Hindi ko alam kung ano pang ginagawa ko sa tapat ng Haima. Ayokong pumasok, ayokong harapin si Cato pero ayoko rin naman sa ginagawa ko ngayon. Para akong nawawalang tutang palakad-lakad nang walang direksyon sa harapan.
Kung tutuusin bakit pa ba ako nagulat kanina? Isang buwan na kaming walang communication, natural lang na maghanap na siya ng iba. Tapos tiba-tiba pa kasi Aphrodite kid 'yung nahanap niya. Perfect fit.
Habang nakatingin ako sa pinto eh bigla 'yung bumukas at iniluwa si Calamity habang nasa likod naman si Cato. Magpa-panic na sana ako pero naalala kong invisible pa rin pala ako. Buti na lang.
Dinadaldal ni Calamity si Cato pero parang hindi siya nakikinig at nakatuon lang ang atensyon sa musikang pinapakinggan niya sa earphones niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para lumapit sa kanilang dalawa at dinggin kung anong pinaguusapan nila. Tumabi ako kay Cato na nakasandal sa sasakyan niya. Nung una akala ko nakita ako ni Cato kasi bigla siyang napatingin sa gawi ko pero agad naman siyang bumalik sa pagkakayuko.
Pinanood ko si Calamity habang nagkwekwento. Kahit anong gawin niya, kahit anong sabihin niya ang ganda-ganda niya pa rin. Hindi ko nga alam kung paano natitiis ni Cato na hindi siya pansinin eh kahit anong galaw nitong si Calamity tiyak na gugustuhin mong lumingon sa kanya. Ang perpekto niya magsalita, ang perpekto niya gumalaw. Para talaga siyang maingat na maingat na hinulma.
"So ano? Break na ba kayo ng untouchable, Hades-freak mong girlfriend?" Out of the blue niyang pagkakatanong. Nagalala tuloy ulit ako kung nakikita ba niya ako pero hindi naman siya lumingon sa'kin o nagpakita ng kung anong sign na nakikita niya nga ako.
Hindi sumagot si Cato. Nakatungo pa rin 'yung ulo niya habang nakikinig ng music. Naisip kong baka hindi niya narinig. Weird pero napasambit ako ng 'salamat' sa isip ko kasi hindi niya narinig. Kasi hindi niya sinagot. Natatakot kasi akong malaman eh.
"Alam mo dapat talagang makipaghiwalay ka na sa kanya. Para alam mo na, makapaghanap ka na ng talagang nababagay sa'yo," wika pa nito sabay ngiti ng sobrang lawak. Hindi ako tanga. Alam kong pinapahiwatig ni Calamity na gusto niyang mapunta sa kanya si Cato.
Hindi ko naman mapigilang mapa-buntong hininga. Para akong nabunutan ng isang tinik sa dibdib dahil nakasigurado akong hindi pa sila ni Cato. Pero syempre hindi pa rin naaalis 'yung pangamba kong magkagusto siya rito sa perpektong babaeng 'to.
"You know, Aphrodite kid plus Ares kid. Perfect couple," proud na proud pa niyang pagbibida.
Nagulat naman ako ng biglang umayos ng tayo si Cato at naglakad pabalik ng Haima. Iniwan niya si Calamity sa labas at tuloy-tuloy lang sa pagpasok sa loob. Halatang-halata naman ang pagkagulat ni Calamity sa ginawang pagwo-walk out ni Cato. Napa-irap ito at tuluyan ng naglakad papalayo. Gusto ko sanang matawa sa naging reaksyon niya pero naalala kong hindi pa kami okay ni Cato at hindi ko pa rin sure kung magiging okay pa ba kami.
Nilakasan ko ang loob ko’t sinundan sa loob si Cato. Nadatnan ko siyang nakaupo sa pinakamataas na bleacher habang seryosong nakatingin sa ring. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan siya. Ilang saglit pa eh hindi ko na napigilan 'yung mga luha ko. Naisip ko kasi 'yung mga panahon na wala kami sa tabi ng isa't isa. Naisip ko kasi 'yung sobrang pagka-miss ko sa kanya. Naisip ko, tinanong ko sa sarili ko kung bakit ko hinayaang maging ganito 'yung relasyon namin. 'Di ba naman kung mahal mo talaga gagawa ka ng paraan para maging maayos kayo kahit hindi ikaw 'yung mali? Kasi, kasi hindi mo kayang mawala siya, hindi mo kayang mag-crumble 'yung relasyon niyong dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang magalit sa sarili ko.
Umakyat ako at tumabi sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagbabantay sa kanya habang tahimik na lumuluha nang bigla na lang niyang ilapat 'yung kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. Dahil sa gulat, na-deactivate ko 'yung pagiging invisible ko. Nagulat din ako kasi wala akong naramdamang kahit anong sakit nung nahawakan niya ako. Nakita ko 'yung ngiti niya ng nakita niya 'ko, mas lalo tuloy akong naiyak kasi akala ko hindi na niya 'ko ngingitian ng ganyan.
"What are you up to, stalker?" Pabiro nitong tanong sa'kin. Isinantabi ko ng ang hiya ko't lahat-lahat at agad siyang niyakap. Habang yakap-yakap siya hindi pa rin natigil sa pag-iyak. Una dahil sa pagkamiss sa kanya, pangalawa dahil sa tuwa. "I've missed you so much," bulong nito sa'kin. Nang maghiwalay kami eh hindi niya 'ko binigyan ng pagkakataong makapagsalita. Dali-dali siyang nag-explain sa'kin. "Sorry, sorry kung ngayon lang. Sorry kung ikaw pa mismo 'yung pumunta rito. Sorry kung umabot ng one month 'yung hindi natin paguusap. I'm sorry, really," sunod-sunod nitong sambit.
"Akala ko wala na tayo. Akala ko kayo... kayo ni Calamity," mahina at halos pabulong kong sabi.
"Gods no!" Mariin nitong sagot na parang natatawa pa sa'kin. "I just don't want you to see me with this bullshit attitude that's why I never contacted you for a month. I know I've been a jerk and I wanted to change that. I wanted to change that for you... for us," wika nito. Hinawakan ko 'yung left cheek niya at ngumiti sa kanya. "I love you Yda but you don't deserve this," dagdag nito. Napansin ko 'yung sobrang pagkalungkot ng mga mata niya. "You don't deserve being treated like shit."
"Ano bang mga sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya nung napansin kong iba na 'yung tinutuntun niyang daan.
"I saw you with Night. I saw how he cares for you. I saw how he's so in love with you like if you will ask him to take down the moon he will. He worships you. And Yda, he can make you happy if you'll only allow yourself to be happy," napansin ko ang mga nagbabadyang luha sa mga mata niya. Napailing ako.
"Please stop talking," pakiusap ko sa kanya.
"I love you Yda but I can't make you happy like floating-in-the-sky-with-the-stars kind of happy. I think I'll always find a way to fuck things up with you," hinalikan niya 'ko sa noo atyaka na tumakbo papalabas ng Haima.
Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita pero maigi na rin 'yun, kasi ngayon, wala rin naman akong naiisip sabihin. Gusto ko siyang pigilang umalis pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit naduwag ako ulit. Hindi ko alam kung bakit gusto ko na lang ulit maging invisible.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro