iii. fishing
iii. fishing
Pagkatapos ng mahabang bangayan nila Stacy at Dani eh naisipan na rin nila akong ihatid at tuluyan ng umuwi. Kapagod pero nakakatuwa. Awkward pa rin kami ni Night pero nakikita kong nage-effort siya para mag-warm up ako sa kanya. Panay ang pago-open niya ng iba't ibang topic pero wala eh, wala talaga sa mood.
Haaay... kung kahit tuldok man lang sana eh nagsend 'yung boyfriend ko sa'kin eh 'di sana ebribadi hapi. Tsk, tsk.
Naglalakad na 'ko pauwi sa bahay ni Neon nang makita ko si Cato na nakasandal sa may pader ng bahay. Wow, wait. Hindi nga nagtext pero bumisita naman hihihi -- nah, tignan muna natin kung magpapaliwanag siya.
Lumapit ako sa kanya at hinintay siyang magsalita. Agad naman siyang umayos ng tayo nung nakita niya na 'ko. Powers din ba ng mga anak ni Lord Ares na magmukha pa ring presentable't kaaya-aya kahit bugbog sarado na? Ah, grabe talaga.
"Yda, sama ka ba?" Maangas niyang pagkakatanong sa'kin.
Muntik na 'kong matawa (syempre 'yung bitter na tawa) kasi hindi pa nga niya ako nakakamusta (o wala lang talaga siguro siyang balak) eh 'yun na kaagad tanong niya. Hindi pa nga rin siya nakakapagpaliwanag kung bakit hindi niya 'ko tini-text or tinatawagan eh. Nagusap na kami tungkol sa communication namin tutal kapag may laban lang naman siya tyaka niya 'ko kinikita pero ano? Wala pa rin. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa kanya.
"Grabe," sambit ko. Medyo nangingilid na 'yung luha ko pero pinipigilan ko. "Ano ba 'ko sa'yo? Manager mo kapag may laban ka? Na kapag nandun ka sa ring tyaka mo lang ako titignan? Ano ba 'ko sa'yo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nasabi ko na 'yung nasa loob-loob ko na noon ko pa gustong sabihin talaga.
Ayokong nagdradrama pero wala eh 'di mapigilan.
"Akala ko ba napagusapan na natin 'to?" Tanong nito sa'kin.
"Oo nga. Nung napagkasunduan nating kahit hindi tayo magkikita itetext at tatawagan pa rin natin ang isa't isa. Ginawa ko 'yun, anyare sa'yo?" Sabi ko naman sa kanya. Napaiwas naman ng tingin sa'kin si Cato at para bang naghahanap pa sa paligid ng maisasagot. Ano 'to naghahanap ng kodigo?
Demanding na kung demanding pero utang na loob, kung isa hanggang dalawang beses lang kayo magkita sa isang linggo tapos wala pang text o tawag, ano ng mangyayari sa relasyong 'yun? Minsan talaga naiisip ko ako na lang 'yung nage-effort dito eh.
"Hindi naman para sa'kin 'to eh. I mean, natatakot ako na everytime na hindi ka sumasagot sa mga text o tawag ko sumasagi sa isip ko na baka may masama ng nangyari sa'yo. Kesyo baka nalapa ka na ng kung ano dyan o na-rape ng mga bading. Ang hirap-hirap magalala para sa'yo," wika ko sa kanya. Tinitignan ko siya pero panay 'yung iwas niya ng tingin sa'kin.
Aaminin ko, medyo feeling ko powerful ako kasi 'di ba Ares kid siya tapos walang nakakapagpatiklop sa kanya pero kita mo ngayon ang among tupa kapag sinisermonan ko (charot ano ba 'to under siya), pero ayoko rin ng ganito. Gusto ko sagutin niya 'ko, gusto ko tigilan niya na 'yung pagiwas.
Napansin ko na lang na parang may inilalabas siya sa kanang bulsa niya. Nang tuluyan na niya 'yung nailabas eh itinaas niya 'yun at ipinakita sa'kin.
Basag na iPhone 4s.
Sayang.
Joke, de seryoso na.
"I'm sorry," mahina niyang pagkakasabi.
So nakipagbugbugan na naman siya. Ano 'yun, inuna niya 'yung pakikipag-away kesa sa'kin? Naks, ano pa bang bago, Yda? Kailan ka pa ba titigil sa pagkaka-amazeballs sa tuwing malalaman mong mas priority niya 'yung pakikipagbasag-ulo kesa 'yung relasyon niyo? By the gods, Cato.
"Alam mo, tyaka mo na lang ako puntahan o kung ano man kapag naisip mo na kung ano 'yung mas mahalaga sa'yo, okay?" Sabi ko sa kanya atyaka akma ng papasok sa bahay pero nagsalita ulit siya so 'yun napahinto ako. Gods, 'pag minsan talaga ako rin 'yung under sa kanya eh.
"I'm a son of Ares, you have to understand that I can never--"
"That you can never set aside a battle," ako na mismo 'yung nagtapos nung sasabihin niya sana. Humarap ako sa kanya. "But you can set me aside?" Tumalikod na kaagad ako bago pa tuluyang mag-ala Pagsanjan Falls 'yung mga mata ko.
Nang makapasok na 'ko sa bahay eh napasandal agad ako sa likod ng pintuan para habulin 'yung hininga ko at pahirin 'yung mga luha ko.
Bakit kasi ako nagboyfriend-boyfriend ng Ares kid 'di ba? Siguro tawang-tawa na si Papa sa'kin ngayon kung nakikita niya man ako (kasi 'di ba baka sinusuyo niya 'yung bruhilda niyang asawa). Sasabihin na naman niya sa'kin pagkapunta ko run na kahit kailan hinding-hindi ako pipiliin ni Cato kesa sa mga laban niya, na palagi siyang tama tungkol sa boyfriend ko.
Ang atribida talaga ni Papa.
"Ayos ka lang?" Nagulat ako nang marinig ko si Neon kaya agad akong napaayos ng tayo. Nakatayo siya malapit sa sofa habang kinukusot 'yung kaliwa niyang mata. Kakagising lang ata niya. Hala, baka nagising ko siya dahil sa pagvi-Vilma Santos (drama) ko kanina?
"Nagising ba kita? Nako, sorry ah," sabi ko agad sa kanya.
"Buti nga nagising mo 'ko eh, may assignments pa 'kong tatapusin," wika naman nito sa'kin sabay tawa. Naupo siya run sa sofa at sumandal doon. "Boyfriend mo?" Tanong nito sa'kin.
Wow, narinig nga niya. O baka naman nagtutulog-tulugan lang siya 'tas kunwari bagong gising lang para hindi mahalatang nakikinig siya sa usapan (more like sigawan, actually) namin kanina?
"Oo eh," medyo nahihiya kong pagkakasagot. Tinapik naman niya 'yung pwesto sa tabi niya. Senyas na umupo raw ako run so 'yun ang ginawa ko.
"Son of Lord Ares?" Tanong nito. Napatango na lang ako kasi nga medyo nahihiya pa rin. "Sinasaktan ka ba niya?" Tanong ulit nito.
Hala baka akala ni Neon eh porket anak ng God of War 'yung boyfriend ko eh ginagawa na 'kong walking punching bag nung demigod. Kaloka.
"Uy hindi ah," mabilis kong pagtatanggol kay Cato. O 'di ba? Sinaktan na't lahat-lahat pinagtatanggol ko pa rin. Dakilang girlfriend talaga, kaloka.
"I mean, emotionally?" Wow. Nadale mo, koya. "Bakit mo pa boyfriend kung sinasaktan ka pala?" Kwestyon nito sa'kin.
"Kasi mahal ko," walang kagatol-gatol kong sagot. Napabuntong-hininga naman 'yung kapatid ko.
"Sometimes that's not enough. You have to consider other things," sabi sa'kin ni Neon. "Importanteng isipin mo rin kung masaya ka."
Masaya naman ako eh kaso ewan. Naguguluhan ako. 'Pag minsan gusto ko ng mag-quit pero kapag andyan naman na si Cato nare-refresh sa utak kong mahal ko siya at kailangan ko siyang intindihin kasi sa simula't sapul naman alam kong ganito 'yung mangyayari. Pero kasi noon akala ko kaya ko eh pero nung tumagal ng tumagal mas lalong bumigat. Hindi ko alam. Ewan.
Tumango na lang ako sa kapatid ko, nagpasalamat at nagpaalam ng pupunta sa kwarto. Ganun pa man, thankful ako na may kapatid akong katulad ni Neon.
Pagkarating ko sa kwarto eh agad kong binuksan 'yung blog ko. Naisipan kong magdrawing muna hanggang sa makatulog na 'ko.
* * * * * * * * *
Dumating na naman ang lunch at katulad nung naunang araw eh doon ulit ako naki-table kina Neon. Binilisan ko talaga kumain para makapag-internet na kaagad ako. Naririnig ko 'yung pinaguusapan ng barkada pero hindi ko masyadong pinapansin. Basta tuloy-tuloy lang sa pagi-scroll.
"Sina Cherish at Irene pala? Bat 'di na natin sila masyadong nakakasama?" Tanong ni Neon.
"Sumali sa play ang mga bruha. Nagkanda-gurang-gurang na sa kakapractice," tugon naman ni Hector. Apparently, naging okay na rin sila ni Herod. Sarap na kasi ng tulog niya eh, nahilik pa. "Ikaw naman babaita, anong nangyari sa'yo? Para kang dinaanan ng donkey ni Lord Hephaestus!" Bulalas ni Hector pero ewan ko kung sinong kinakausap niya basta tuloy-tuloy lang ako sa pagi-internet. Anyway, sacred animal ni Lord Hephaestus ang donkey so yep.
"Oo nga? Anong nangyari? Mahina ba wifi sa inyo?" Tanong naman ni Dani. "Uy, anong nangyari sa kanya?"
Sino bang tinatanong ng mga 'to at ayaw sumagot?
Nagbabasa ako ng isang article tungkol sa 3D sketching ng biglang nawalan ng internet connection 'yung phone ko. Dun ko lang binitawan 'yung phone ko't nilapag sa mesa. Pagka-angat ko ng ulo ko eh kitang-kita ko silang lahat (except kay Herod kasi nga tulog at kay Stacy na ewan kung nasaan) na nakatingin sa'kin.
Wait, ako ba 'yung kinakausap nila?
"You're welcome," proud na proud na pagkakasabi ni Stacy na galing kung saan. "Pwede niyo na siyang kausapin. Wala ng internet," dagadag pa nito sabay kunwaring pagpag ng mga palad niya.
"Gaga! In-unplug mo 'yung wifi!" Matinis na matinis na sabi ni Hector na halos lumuwa na 'yung eyeballs sa sobrang inis. Nagising at nagulat naman 'yung boyfriend niya. "May ina-upload pa akong video namin ni Herod!"
"Anong video?" Tanong naman ni Herod sa kanya. Agad namang namula si Hector.
"OMGS!" Sabi naman ni Dani sabay takip sa bibig niya.
"IMMORAL!" Sigaw naman ni Stacy sa kanya.
"Ang OA niyo ah! 'Yung cover namin ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran, mga malulumot na utak!" Bwelta naman ni Hector sa kanilang dalawa. Mukha namang natahimik 'yung kaluluwa ni Herod at bumalik na sa pagtulog.
So ayun, bumalik 'yung tingin nila sa'kin. Tamang-tama namang dumating si Night at umupo sa tabi ni Kite. Ngumiti siya sa'kin pero hindi ko na lang pinansin at bumalik sa pagdedesisyon kung sasabihin ko ba 'yung problema ko sa kanila o magsisinungaling. Grabe, masyado ba talagang halata sa mukha kong malungkot ako para mapansin pa nila? Hindi naman siguro ako nilaglag ng kapatid ko 'di ba?
"Wala 'to," panimula ko sa kanila sabay ngiti. "Namiss ko lang talagang mag-internet atyaka nadismaya kasi ako kasi natabunan na 'ko ng feeds."
Napatingin ako kay Neon at napabuntong hininga ito sa'kin. Syempre alam niyang nagsisinungaling ako pero wala siyang sinabi. Hindi niya na 'ko pinilit pang mag-open up sa kanila. Inintindi niya na lang ako.
Grabe, thank you talaga Papa sa paglalandi mo't nabuo si Neon na naging kapatid ko nga.
Nung matapos 'yung lunch eh kanya-kanyang punta na kami sa mga klase namin pero bago pa man ako makarating sa classroom ko eh may biglang humila sa'kin. Pagkatingin ko naman eh si Night lang pala. Nakangiti siya sa'kin na parang alam mo 'yung pinagyayabang niya 'yung mapuputi niyang ngipin sa'kin? Tapos kitang-kita ko pa 'yung kapogian niya kasi ang lapit niya. Wow, Uncle Poseidon, idol.
"Gusto mong mag-fishing mamaya?" Out of the blue naman niyang tanong sa'kin. "Pampatanggal ng stress," pahabol pa nito.
Pampatanggal ng stress, you say? 'Di ba parang mas nakaka-stress 'yun lalo na kapag hindi ka makahuli ng isda or kapag kunwari eh nakatakas 'yung nabingwit mo? Ginagago ba 'ko nito? Atyaka bakit ko naman gugustuhing magtanggal ng stress? Omgs. Halatang-halata na bang stressed na stressed na 'ko sa boyfriend ko?
Papayag ba 'ko? Bahala na.
"Okay?" Patanong kong sagot (lol parang tanga lang).
Napangiti naman ito kaagad atyaka na umalis. Ibang-iba talaga sila ng kapatid niya. Pero at least, alam kong hindi ako masa-sass ni Night kaya safe. Ganon kasi eh, kapag andyan si Stacy tahimik lang ako para hindi niya 'ko mapahiya. Ituro ko kaya 'yung technique na 'yun kay Dani? Nahhhh, mas masaya silang panoorin kapag nagbabangayan. Kung si Dani may trash talk, si Stacy naman sass talk.
* * * * * * * *
Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom eh nakita ko na kaagad si Night. Sinalubong kasi ako kaagad so ayun. Sumama na 'ko sa kanya.
Sabi niya may malapit daw na lake sa school. Mga forty-five minutes lang daw 'pag nakasakay sa isang vehicle so hiniram niya raw muna 'yung sasakyan ni Kite ('yung maliit lang at hindi 'yung mahaba kasi mahal na mahal ni Kite 'yung sasakyang 'yun). So eto kami ngayon, road trip ang peg.
Nung una tahimik pero biglang nag-open up si Night ng tungkol sa past niya na labis ko namang ikinagulat.
"May girlfriend ako dati. Nereid siya," panimula nito. Nakinig na lang ako kahit nawi-weird-an pa 'ko kung bakit niya sinasabi sa'kin. "Akala nila nagbreak kami kasi plinano dati ni Daddy na ipakasal ako sa bestfriend ko," ahuh. That's Dani, I believe. Kwento sa'kin ni Papa. Kahit naman malayo-layo siya sa Olympus, updated pa rin siya. Sabi nga sa inyo 'di ba? Atribida 'yun. "Ginawa ko lang 'yung kwentong 'yun para protektahan siya."
"Ano talagang nangyari?" Tanong ko sa kanya. Hindi sana ako magtatanong pero na-curious ako eh.
"She found a mortal," maikling paliwanag nito. "Six years pero tinapon niya lang na parang wala lang sa kanya," mahinahong pagkakakwento ni Night sa'kin.
Naghahanap ako ng 'bitterness' sa pagpapaliwanag niya pero wala akong nakita. Naka-move on na rin siguro siya. Pero ang tindi nun ah. Six years tapos biglang nakahanap lang ng iba nangiwan na. Bigla tuloy akong naawa kay Night. Siguro naisip niya na 'yung future nilang dalawa tapos biglang, bam! Kinati si girlfriend at ginustong magpakamot sa iba. Tsk, tsk. 'Yun kasi 'yung mahirap eh. 'Yung naplano mo na 'yung lahat-lahat pero nagbreak ka lang sa kakabuo, dinaanan na kaagad ng bagyo 'yung ginagawa mo.
Kami kaya ni Cato? Ano kayang mangyayari sa'min?
Bago pa man ako mag-imagine ng kung ano-ano eh nagtanong ulit ako kay Night.
"So bakit hindi mo sinabi 'yung totoo? Bakit pinagtakpan mo pa rin siya?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita mo naman siguro 'yung ugali ng kapatid ko 'di ba? Siguradong kapag nalaman niya 'yung ginawa sa'kin ni Nina, ewan ko lang kung hindi ibigay sa kanya ni Daddy 'yung throne niya dahil sa sobrang takot sa kanya. That's what I've learn from my sister. She's never selfish. She'll probably do everything for the people she loves," wika ni Night with great admiration in his voice.
Wow. Akala ko talaga dati walang iniisip si Stacy kundi 'yung sarili niya lang pero ngayon bigla akong nakaramdam ng guilt sa pagiging judgmental. She's more than just a sass queen.
"Nasaan na si Nina ngayon?" Tanong ko ulit sa kanya. Ewan ko kung tama bang i-open pa masyado 'tong topic na 'to pero mehhhh, siya 'yung nagsimula eh.
"Ewan ko. Hindi ko na siya nakikita. O baka huminto lang talaga akong hanapin siya," tumingin ito sa'kin at ngumiti. Naka-move on na nga siguro talaga siya.
Doon na natapos 'yung topic tungkol sa ex ni Night. Naging tahimik ulit kami. Pagkatapos tuloy mag-open up ni Night feeling ko obligasyon ko ring magkwento sa kanya. Syempre kasi nasabi niya sa'kin 'yung mga ganong bagay kahit hindi pa kami masyadong close o gaanong magkakilala.
Haaay... bahala na nga.
"Feeling ko hindi ako ganon kahalaga sa boyfriend ko," dahan-dahan kong sabi.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" Tanong nito sa'kin pero naka-focus lang siya sa daan.
"Mas gusto niya kaming makipagbasag ulo kesa sa maglaan ng panahon para sa'kin... para sa'min," sagot ko rito.
"Perks of dating an Ares kid, mate," biro naman ni Night sa'kin. Kunwari namang sinamaan ko siya ng tingin pero natawa na rin ako.
Oo nga naman. Pero bakit si Lord Ares? Balance 'yung buhay niya. Maayos 'yung relasyon nila ni Goddess Aphrodite. Bakit 'yung sa'min ni Cato daig pa drawing ng kinder sa sobrang gulo?
"Kung mahal ka niya, gagawa at gagawa siya ng paraan para makasama at mapasaya ka," saad ni Night. Napangiti naman ako't napatingin sa kanya pero sa daan pa rin siya nakatingin. "Kung ikaw 'yung girlfriend ko baka hindi ko kayang huminga ng isang araw ng hindi nakikita 'yang ngiting 'yan," sabi pa nito. Bigla naman akong na-conscious at tinigilan ang pagngiti. Nakita niya siguro sa peripheral vision niyang nakangiti ako.
Maliit, kasing puti ng papel, pixie cut ang buhok at mukha ng mamaw sa kapal ng eyeliner -- ano bang nagustuhan sa'kin ni Cato? Bakit ba ako? Sapat na ba 'tong mga 'to para manatili siya sa'kin?
Isinandal ko na lang 'yung ulo ko sa may bintana at hinintay na makarating kami run sa may lawa.
* * * * * * * * *
Nung makarating na kami sa lake eh excited na excited si Night na inilabas 'yung mga pangbingwit ng isda. Tinuruan niya ako kung paano atyaka na kami naupo sa may damuhan at hinintay na may kumagat ng pain namin.
Hindi 'yung pangingisda 'yung nakapagpagaan ng loob ko kundi 'yung tubig mismo atyaka 'yung panay na pagngiti ni Night kapag may nahuhuli siyang isda. Wow, attracted siguro sa kanya 'yung mga kapatid niya hahaha!
"Bakit mo pala ako naisipang isama rito?" Biglaan kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
"Hindi ka kasi magaling magsinungaling kanina nung lunch," sagot nito sa'kin.
So hindi lang pala si Neon 'yung nakapansing nagsisinungaling ako. Grabe, nakakahiya. Pero medyo thankful na rin akong nahuli niyang hindi ako nagsasabi ng totoo kasi naisama niya 'ko rito, nakilala ko siya ng kahit unti atyaka nakita ko 'yung lawa.
Nung napansin niyang medyo marami na kaming nahuli at palubog na rin 'yung araw eh napagdesisyonan na naming magligpit ng mga gamit. Pagkatapos eh sandali pa kaming tumambay sa may damuhan para panoorin 'yung sunset. Ang galing nga eh, ang sarap i-drawing. At least, may maidro-drawring na 'ko mamaya pagkauwi ko sa bahay. Ang galing kasi eh, parang pagkatapos ng isang araw na pagtratrabaho sa kalangitan, finally eh makakauwi na rin 'yung araw. Parang ganon ba? Hahaha!
"Kailangan mo ba ng yakap?" Bigla namang tanong sa'kin ni Night. Nabigla naman ako sa kanya't napaatras ng bahagya.
"Pero hindi ako pwede--"
"Alam ko. Promise, walang masakit sa'kin," panigurado nito sa'kin.
Para lang akong tangang nakasemento sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Night nang biglang tumunog 'yung phone ko. Tinignan ko 'yung caller ID pero unregistered number. Ii-ignore ko na sana pero biglang nagsalita si Night.
"Baka si Cato na 'yan," saad nito. Tumango na lamang ako. Bumalik na siya sa sasakyan at hinayaan ako.
Sinagot ko 'yung phone at oo, boyfriend ko nga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro