i. distraction
note - hello guys namiss ko kayo sana kilala niyo pa ako at sana support support pa rin pasensya na kung ang tagal hihi thank you ulit x
_______________________________
i. distraction
Nung una, sabay na sabay pa kami ni Cato nung makarating kami sa Haima pero pagdating na run sa mismong pinto eh agad na siyang naagaw nung mga kabarkada niya't tuluyan na 'kong iniwan.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Ganyan naman 'yan eh. Feeling ko 'pag minsan anino niya 'ko at hindi girlfriend. Nakakainis pero iniintindi ko na lang din. Siguro iniiwasan niya lang mag-skinship ganon kaya nilalayuan niya na lang agad ako. Pino-protektahan niya lang siguro ako. Ewan.
Pansamantala akong na-ugat sa may pintuan habang hinahanap si Cato sa crowd pero nabigo na akong makita siya. Nung papasok na 'ko eh may muntikan na akong makabungguan. Agad akong nagsorry sa kanya at pinanatiling nakayuko 'yung ulo ko kaya hindi ko makita kung tatadyakan na ba niya 'ko sa sobrang galit niya o ano. Basta nakita ko lang naka-black converse shoes siya at naka-maong na pantalon. Pati ang lapit pa niya sa'kin kaya naamoy kong amoy safe guard siyang sabon, 'yung pink ba? Hahahaha!
Pumunta ako sa kabilang side pero pumunta rin siya run. Sinubukan ko ulit sa kabilang side pero sabay ulit kaming umusog dun. Muntanga kaming parang nagpapatintero. Hindi ko alam kung niloloko ba niya ako o talagang nagkataon lang.
"Mauna ka na," rinig kong sabi nito sa'kin. Ang lalim ng boses niya pero parang natatawa pa siya nung sinabi niya 'yun sa'kin. Agad naman akong dumaan dun sa kabilang side at dali-daling naglakad papasok nung abandunadong gym (na obviously ay ni-transform ng boyfriend ko).
Na-curious naman ako sa kanya kaya napatingin ako sa likod at saktong-saktong may nakita akong lalakeng tanned (basta ang ganda ng kulay ng balat niya 'yung para bang palaging naglalagi sa beach??) na nakangiti sa'kin pero bahagya lang, parang ngisi ba? Tapos 'yung itim niyang buhok na parang bagong shower lang kasi medyo basa pa. Nagulat naman ako nang bigla niya akong kindatan kaya dali-dali akong tumalikod at naglakad na ng mabilis.
At dun mga kaibigan, ako nagsimulang mangamatis sa hiya.
Wow, siya ba 'yun? Ang pogi pero Cato pa rin.
Napatingin ako sa bleachers at agad na umagaw ng atensyon ko 'yung dalawang babaeng nagbabangayan sa bandang gitna. 'Yung isang babae short hair na sobrang ganda (seryoso 'to hindi ako nagi-exaggerate o kung ano man) tapos 'yung isa naman eh may violet na buhok. Ang sarap gupitin, nakakainggit eh. May katabi pa silang dalawang babae tyaka tatlong lalake (pero 'yung isa mukhang bakla, ewan).
Tumingin pa ako sa ibang direksyon at naghanap ng upuan pero mukhang 'yung katabing upuan na lang nung may violet na buhok ang nagiisang bakante at ang dami-dami pang pumapasok kaya napatakbo ako sa upuan na 'yun ng mabilis at baka may makaagaw pa. Ang ganda kasi nung pwesto eh gitnang-gitna as in makikita mong mabuti 'yung nangyayari sa ring.
"Mag-apply ka na lang kaya sa National Geographic Channel? Palitan mo na lang 'yung narrator dun, tutal ang galing-galing mo naman," mataray na pagkakasabi nung short hair na babae rito sa katabi kong may violet na buhok na kasalukuyang naka-cross arms at nakatingin lang sa ring.
Nakita kong napangisi 'yung babaeng katabi ko sabay tingin dun sa short haired. "O? Paano mo nalaman 'yung channel na 'yun? 'Di ba noob ka?" Bwelta naman sa kanya nung babae. Nako, 'di niyo lang alam kung paano ang pagpipigil kong magsabi ng "Burn!" Kaloka!
Napanganga 'yung babaeng may maikling buhok atyaka dali-daling nakipagpalit ng upuan dun sa lalakeng may gulo-gulong buhok na para bang dinaanan ng malakas na hangin. Tinignan niya 'yung katabi ko atyaka umiling-iling. Nakangiting tagumpay naman 'yung katabi ko.
Wow. Natabi pa 'ko sa isang sass queen.
Umayos na ako ng upo atyaka hinintay na lang 'yung pagsisimula ng laban. Maraming tao na rin ang excited. Karaniwan sa kanila mga estudyante pa lang din pero may mga grown ups ding nanunood. Halos lahat sila eh may hawak-hawak na pera. Mga pangtaya nila.
Ilang minuto pa lang eh nakita ko nang umakyat sa ring si Cato. Nagpalit siya ng itim na pantalon kasi ayon sa kanya hindi halata 'yung tilamsik ng dugo kapag itim ang damit. Hinubad na rin niya 'yung pangitaas niya kaya pinipigilan kong hindi ma-distract sa abs niya. Like asdfghjkl, sa taas lang ang tingin, Yda. Anyway, kitang-kita rin sa kaliwang tagiliran niya 'yung tattoo niya. War and love yield death. Nakasulat 'yun in Greek. Ewan ko kung bakit 'yan pina-tattoo niya. Ni-explain niya sa'kin dati pero hindi ko rin naintindihan kaya hinayaan ko na. Sexy naman tignan sa kanya e. Hihihi.
Focused na focused 'yung atensyon ko sa boyfriend ko pero biglang umakyat sa ring 'yung kalaban niya at nagulat ako nung nakita ko kung sino siya.
Siya kasi 'yung amoy safe guard na nakasalubong ko sa entrance nitong Haima. Suot niya 'yung pants niya kanina tapos wala rin siyang pang-itaas. Grabe. Grabe talaga. Tanned abs. Itatanong ko nga mamaya kay Cato kung may patakaran ba rito sa Haima na kapag walang abs eh bawal makipaglaban. Jusko, bakit lahat sila may mga pandesal.
Anyway, sa sobrang lakas ng mga hiyawan ng mga tao eh hindi ko na narinig 'yung sabi nung parang referee sa loob ng ring at bigla na lang nagsimula 'yung laban. As usual, si Cato ang unang sumuntok. Natamaan niya sa mukha 'yung Night (ang ganda talaga ng pangalan niya, weird na maganda) tapos sinuntok niya ulit.
Wala namang patakaran dito eh. Kaya nga underground battle eh. Kahit anong paraan ng panggugulpi pwede except sa mga weapons.
Nakabawi si Night at sinuntok si Cato sa may tyan pero dahil Ares kid nga 'yung boyfriend ko eh parang wala lang sa kanya 'yun at tinuluyan pa ng suntok 'yung si Night. Nagdudugo na 'yung ilong ni Night pero tuloy-tuloy lang siya sa pagpapatama kay Cato kahit 'yung ibang suntok niya eh hindi tumatama. Napansin ko namang kabadong-kabado 'yung babaeng kapatid ko. Parang konti na lang ba eh sasabog na siya. Ano 'to, malaki-laki ba naipusta niya kaya kinakabahan siyang matalo 'yung manok niya?
Napatingin ulit ako sa ring at dun nga eh naabutan ng mga mata ko ang pambubugbog ni Cato run kay Night. Ilang sandali pa ay nakita kong tumingin sa direksyon ko si Night pero hindi pala siya sa akin nakatingin kundi sa babaeng katabi ko. Hmmm... girlfriend niya siguro 'to? Napatingin ulit ako kay Night pero this time eh sa akin na talaga siya nakatingin. Ewan kung guni-guni ko lang o napangiti siya. Bigla naman siyang sinuntok ni Cato sa may tyan sanhi para mapaluhod si Night habang hawak-hawak 'yung natamaang parte ng katawan niya. Hindi pa nagpaawat si Cato at tinadyakan pa ito sa may tagiliran kaya tuluyan ng bumagsak si Night.
Alam ko, tuwang-tuwa na si Cato sa ginagawa niya ngayon. Kitang-kita ko na kasi 'yung ngiti sa mga mata niya. Oo, seryoso 'yung buong mukha niya habang binubugbog si Night pero iba 'yung sinasabi ng mga mata niya.
Nagulat naman ako nang mapatingin sa akin si Cato. Tumango ito sa akin. Sign na kailangan ko na namang gawin 'yung dati kong ginagawa para sa kanya.
Pumikit ako at sinubukang utusan 'yung buong katawan kong maging invisible. Oo, nagiging ganon ako. Ano pa ba kundi, blame the father. May helmet of invisibility kasi si Papa at kwento niya sa'kin, suot-suot niya raw 'yun habang ginagawa nila ako ni Mama like what the f? Anong klaseng fetish 'yun Ma? Hindi ko na hiningi 'yung full details dahil baka masuka-suka pa 'ko.
So ayon, pagkamulat ko eh invisible na ako. Dahan-dahan akong bumaba ng bleachers at umakyat ng ring. Yumuko ako at hinawakan 'yung kamay ni Night. Ganito trabaho ko kay Cato. 'Di ba nga nakaka-feel ako ng physical pain thru physical contact? So ayun, ako 'yung naninigurado kung sobra-sobrang sakit ba nararamdaman nung kalaban ng boyfriend ko o kung malapit na siyang mamatay ganon. Syempre para ma-warning-an si Cato at baka makapatay pa siya.
Don't worry, ako ang nagpresentang gawin 'yun para sa kanya. Natatakot din kasi akong may mapatay siya. Pinapatigil niya na nga ako dati pero ano bang kwenta ng konting sakit kumpara sa magiging kapalaran ni Cato kung sakaling may napatay nga siya 'di ba?
So ayun.
Nung naidampi ko na 'yung kamay ko sa kamay niya eh naramdaman ko 'yung sakit na nararamdaman niya ngayon pero parang feeling ko hindi naman siya masyadong nasaktan. Pero bakit parang ayaw na niyang ituloy 'yung laban?
Nagulat na lamang ako ng biglang i-squeeze ni Night 'yung kamay ko. Dali-dali ko 'yung tinanggal sa kanya. Nag-alala akong baka nawala na 'yung pagiging invisible ko kaya niya 'ko nakita pero hindi naman kasi wala pa namang nakatingin sa'kin at nakapikit naman si Night. Lumayas na 'ko kaagad sa ring matapos kong ibulong kay Cato na okay pa si Night.
Naramdaman niya 'yung kamay ko.
Pero hindi naman niya ako nakita 'di ba? Aakalain niya na lang siguro na guni-guni niya lang 'yung nahawakan niya.
Bumalik ako sa upuan ko't kinumbinse ang sarili kong hindi na papansinin ni Night 'yung nangyari kanina.
* * * * * * * *
Natapos 'yung laban. Unti-unting kumonti ang mga tao hanggang sa iilan na lang ang natira rito sa arena.
Kasalukuyan kong hinihintay si Cato sa may bleachers samantalang parang hinihintay pa rin nung may violet ang buhok tyaka 'yung mga barkada niya si Night. Ilang saglit pa ay dumating na rin si Night galing sa shower room at sinalubong ng barkada niya. Medyo malapit lang sila sa'kin kaya rinig ko pa rin mga pinaguusapan nila.
"Bakit ka natalo?" Tanong sa kanya nung violet haired girl na girlfriend niya ata. Bakas sa mukha niya 'yung pagaalala e.
"Na-distract lang," sagot naman ni Night atyaka sinubukang ngumiti kaso agad din siyang napangiwi dahil sa sakit.
"Ng ano?" Tanong nung babaeng may maikling buhok.
Umiling-iling naman si Night. "Hindi ano, kundi sino," sagot naman sa kanya ni Night.
Biglang napatingin si Night sa gawi ko kaya agad naman akong umiwas. Omgs. Nakita na naman niya ako. Wait, bakit parang papalapit siya? Omgs. Please 'wag kang lumapit please please please. Shoo!
"Night," narinig kong sambit ni Cato mula sa may 'di kalayuan. Napatingin sa kanya si Night atyaka sila nagkamay. "You put up a good fight bro," sabi pa nito sa kanya.
"But not enough to throw you off," sagot naman sa kanya ni Night atyaka na ito bumalik sa mga kabarkada nito.
Lumapit naman sa'kin si Cato at nginitian ako. Ngumiti ako pabalik sa kanya.
Haaay... gustong-gusto kong hawakan 'yung mga pisngi niya para naman kahit papaano eh mawala 'yung sakit. Pero hindi kasi pwede eh. Kaurat kasi 'yung tatay ko 'di ba? Bakit hindi na lang ability to heal 'yung binigay sa'king powers? Bakit ito pa? 'Di ko tuloy mahawakan at mayakap 'tong boyfriend ko. 'Pag minsan nga iniisip ko kung bakit pa siya nagtitiis sa'kin eh ang dami-dami namang babae dyan na pwedeng makapagbigay sa kanya ng skinship kahit kailan niya gustuhin.
Haaay...
"Nanalo 'ko, 'wag kang malungkot," sabi sa'kin ni Cato.
"Kung pwede lang talaga kitang hawakan--"
"Stop," utos nito sa'kin. Seryoso 'yung mga mata niya kaya medyo natakot ako. "I'm happy with you. Wala akong pakialam kung habang buhay mo 'kong hindi mahawakan. Gusto ko lang nasa tabi kita palagi. Okay?"
Napabuntong hininga na lang ulit ako't tumango. Hindi ko maintindihan kung saan ba siya masaya o kung paano ko ba siya napapasaya pero bahala na. 'Yun 'yung sabi niya eh, maniniwala na lang ako.
Bigla namang naudlot 'yung moment namin ni Cato nang biglang tumunog 'yung phone ko. Nagpaalam ako sa boyfriend ko para sagutin 'yung tawag. Lumayo naman ito sa'kin ng unti para bigyan ako ng privacy.
Pinindot ko 'yung 'Accept' at agad na narinig ang boses ng kapatid ko.
"Yda, 'wag ka ng tumuloy sa bahay mo. Hintayin mo na 'ko dyan, susunduin kita," agad-agad nitong pagkakasabi sa'kin. Napakunot naman ako ng noo.
Bakit naman niya ako susunduin? May okasyon ba? 'Di naman niya birthday ah. Birthday ni Papa? Ni Goddess Persephone? Kailangan ba ng regalo? Pwede na ba 'yung putik?
"Sabi ni Daddy dito ka na raw titira sa'kin tyaka na-enroll na rin kita sa school ko," pagpapatuloy pa ni Neon at mukhang ang saya-saya pa niya sa tono ng pananalita niya. "Excited na 'kong mapakilala ka sa mga kaibigan ko. Siguradong matutuwa sila sa'yo."
Holy father.
Bakit biglaan? Teka, may wifi ba run kina Neon? Eh sa school? Meron kaya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro