[7] Promise Me a Lie
[7] Promise Me a Lie
//Astarotte Serafica’s Point of View//
Naglalakad kami ni Cifer papunta sa ‘surprise’ niya kuno sa akin. Kung saan man ‘yun? Oh well, nobody knows. Pero nae-excite ako. Tyaka ko na muna siguro iisipin ‘yung pag-iwan ko sa kanya total wala sa bansa si Dale, natuloy na kasi siya sa Spain pagkatapos nung pagdalaw ko sa kanya sa hospital. Siguro next next week pa siya uuwi kaya, enjoy-enjoy muna. Bahala na kung anong mangyayari kapag dumating si Dale.
“Star, bakit ayaw mo ulit hilingin na makita ako ng lahat?” Tanong ni Cifer sa akin habang pinipisil ang kamay ko na kasalukuyang hawak-hawak niya.
Ayokong makita siya ng lahat –lalo na ni Dale. Ayokong mas lalo akong ma-guilty. Ayokong makita siya ng kahit sino. Malamang, alam nilang si Dale lang ang boyfriend ko tapos bigla nilang makikita si Cifer? Eh ‘di mas lalo nila akong kokonsensyahin! Kaya ganito na lang siguro. Di bale nang matawag na baliw ng mga hindi nakakakita sa kanya –huwag lang namamangka sa dalawang ilog.
“Wala lang. Masaya naman tayo kahit ako lang iyong nakakakita sa’yo ‘di ba?”
“Tsss.” At muli, ipinakita niya ang kanyang signature smirk! “Gusto mo lang solo mo ‘ko eh. Remember nung nasa S.A tayo? Yung halos lahat ng babaeng makasalubong natin napapa-jaw drop sa kagwapuhan ko?”
I slightly giggled, “Oo na, ikaw na gwapo.”
“Yep. Ako na ang mahal mo.” Then we continued our walk.
Habang naglalakad kami, nakatingin lang ako sa maamong mukha ni Cifer. Hindi mo talaga maiisip na mula siya sa underworld –na devil siya. Ang gwapo lang niya talaga! Yung masasabihan mo ng ‘wow anghel’ pero kapag nakausap mo na siya tsaka mo na lang malalaman na devil pala siya?!
Kung pwede lang sanang ibalik ang nakaraan. Kung alam ko lang na mangyayari ang mga ganito. Kung alam ko lang na hahantung kami sa ganitong kahirap na sitwasyon eh ‘di sana hindi ko na siya binasted noon. Pero ano pa bang magagawa ko? Wala namang time machine sa mundong ‘to para mabago ko pa ‘yung mga pagkakamali ko noon eh.
Bahala na talaga. Bahala na…
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa… S.A?! Bakit dito?!
Tinignan ko si Cifer, “Bakit dito?” Tanong ko.
Ngumiti siya, “Basta.”
Hinila na niya ako papasok sa S.A papunta sa isang malaking puno ng akasya. Anong meron dito? Bakit sa punong ‘to? Dito ba niya ako ibabaon ng buhay? Chos! Hindi naman siguro gagawin ni Cifer ‘yun hindi ba?
“Tanda mo pa ba?” Tanong ni Cifer sa akin.
“Ang alin?”
“Aish! Dito mo kaya ako binasted!” Sigaw niya.
Ay oo nga nu? Dito ako nakaupo noon nang lumapit sa akin si Cifer at nagtapat ng pagmamahal niya pero unfortunately dahil si Gab pa ‘yung mahal ko nun eh na-busted ko itong si Cifer.
Napailing na lang ako sa mga naalala ko. Hahaaay, maling desisyon.
“Bakit tayo nandito?” Tanong ko.
“Dito mo ‘ko binasted, siguro dapat dito mo rin ako sagutin.”
“Ha?” Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Cifer.
So kapag sinagot ko siya… magiging full time namamangka sa dalawang ilog na talaga ako?! Sht, naalala ko na naman si Dale! Aish, Astarotte, stop it okay?! Enjoy mo na lang muna ‘to, huwag mo munang isipin ‘yung mga susunod na mangyayari.
Cifer cleared his throat,
“Star, mahal na mahal kita. Earth, Heaven or Hell, kahit saan pa ako dalhin ikaw pa rin ‘yung ititibok nitong puso ko,” Sabay lagay niya ng kamay ko sa chest niya, “kahit saang dimension pa ako mapadpad, sa’yo lang mananatili ‘tong puso ko. Ikaw lang ang laman nito Star, I love you.”
Pagkasabi niya nun automatic na nagsilabasan ‘yung mga luha ko. Alam mo ‘yung feeling na nandito ka, nakatayo sa harapan ng taong binasted mo, sa lugar kung saan mo siya ni-reject pero kahit ganun todo effort pa rin siya para sabihin ulit sa’yong mahal ka niya. Yung effort na binigay niya para lang makasama ako ulit, ‘yung sacrifices niya na kahit magdusa siya sa underworld ng mahabang panahon para lang masabi niyang mahal niya ako at ‘yung risk na ginawa niya para lang mabalikan ulit ako –sobrang saya ko nang dahil sa lahat ng iyon. Sobrang saya ko kasi si Cifer ‘yung minahal ko.
“May nakakaiyak ba sa sinabi ko?!” Nagpapanic na si Cifer, “Huwag mong sabihing babastedin mo ulit ako?!”
Natawa ako nang dahil sa inasal ni Cifer. Paano ko magagawang bastedin ULIT siya eh eto na nga akong mahal na mahal siya? Paano ko magagawang bastedin siya eh halos ayoko na siyang mahiwalay ulit sa akin?
Pinahid niya ang mga luha ko, “Abnormal ka, hindi mo pa nga tinatanong kung gusto mo akong maging girlfriend eh.” Wika ko.
“Aww. Oo nga,” Sabay kamot niya sa batok niya. Huminga siya ng malalim at, “Astarotte Serafica, papayag ka bang maging girlfriend ko kahit alam mong patay na ako? Kahit alam mong… devil ako?”
I cupped his cheek, “Kahit ano ka pa, kahit sa Earth, Heaven or Hell ka pa nanggaling. Anghel ka man, tao o demonyo, wala akong pakialam. Mahal ka nitong puso ko, kaya wala akong rason para hindi tanggapin ‘yang pagmamahal mo.”
Agad niya akong niyapos. Sa yakap na ‘to, pakiramdam ko safe ako, pakiramdam ko lahat-lahat ng problema ko nawala. Lahat-lahat ng mga nagpapasakit sa puso ko nawala. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko si Cifer. Sabihin na nilang galing siyang underworld at devil siya pero –anong magagawa ng puso ko kung siya lang ang laman nito?
Hindi ba pwedeng ganito na lang kami… habang buhay? Yung kasama ko siya, kami lang dalawa… masaya. Hindi ba pwedeng palagi na lang ganun?
Humiwalay siya sa pagkakayakap at binigyan ako ng halik. Halik na punong-puno ng purong pagmamahal.
“Mahal na mahal kita. Ikaw lang, pangako ‘yan.” Sambit ni Cifer.
“Nangangako rin ako, ikaw lang. Mahal na mahal din kita, sobra.”
Nakakatuwa. Marami nang nasaksihan ‘tong punong ‘to sa amin ni Cifer. Halos lahat ng mga memorable. Hanggang kailan kaya tatagal ‘tong punong ‘to? :>
***
Iniwan muli ako ni Cifer para i-check ang underworld. Minabuti kong pumunta sa simbahan para magkumpisal. Kailangan kong sabihin sa Diyos ang mga pagkakasala ko. Maga-advance apology na rin ako sa mga susunod ko pang magagawang mali.
Sana mapatawad ako ng Panginoon.
Pumasok ako sa maliit na room kung saan magkukumpisal. Nagsimula na akong magsalita at magsabi ng mga kasalanan ko.
“Alam niyo po, may dalawang nilalang po akong palihim na sinasaktan. Pareho po silang mahalaga sa akin at mahal ko –nagkataon lang talaga na may isang mas lamang. Yung isa po, naaawa po ako sa kanya, natatakot po ako na baka ‘pag iniwan ko siya ako ‘yung maging dahilan ng pagkamatay niya. Yung isa naman po, mahal na mahal ko, sobra-sobra po. Kaso, kailangan ko po siyang iwanan at saktan para sa isang tao. Father, alam niyo po, kasalukuyan ko po silang pinagsasabay –namamangka po ako sa dalawang ilog. Father, sana po mapatawad niyo po ako lalo po ng Panginoon. Please Father, grant me forgiveness.”
Bigla ko na lang narinig ang pagbukas ng pinto ng kabilang room, ‘yung sa kung saan nakapwesto ‘yung pari? Nakita ko mula sa maliliit na butas ng pinto na may lumabas mula roon kaya agad akong lumabas para tignan kung sino ‘yun.
Nagulat na lang ako sa nakita ko…
“Gelle…”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro