[6] Her Guardian Angel
[6] Her Guardian Angel
//Cifer Capulet’s Point of View//
Sumaglit ako sa underworld para tignan kung anong bago run, nang makita kong wala naman masyado eh bumalik ako kaagad sa bahay nila Astarotte kaso wala siya run. Saan naman kaya nagpunta si Star?
Bullsht baka nakipagkita run sa Dale?! Taena susunugin ko talaga ‘yun kapag nalaman kong nakikipagkita siya kay Star!
Pagkapasok ko sa kwarto niya, may nakita akong babaeng maputi, mahaba ‘yung buhok, tapos ‘yung suot niya puti lahat! Tsss… hindi naman halatang favourite niya ang puti? Tyaka may color gray siyang pusa na nilalaro niya na nakaupo sa lap niya.
Teka?! Sino naman ‘tong isang ‘to? Hindi kaya…
Sht!
Napatingin siya sa akin, “Mia, tignan mo oh! Nandito na ‘yung boyfriend ni Queen Astarotte.” Nakangiti niyang sabi habang hinahaplos ‘yung pusa niya.
“Sino ka?!” Tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at halatang nagulat, “Nakikita mo ‘ko?!” Napatayo siya.
“Tsss… kakausapin ba kita kung hindi kita nakikita? Sabog ka rin eh nu?”
“Ehh! Kasi naman koya… paano mo ‘ko nakikita eh anghel ako?!” Tanong niya sa akin.
Confirm. Sabi ko na nga anghel siya. Tyaka devil ako kaya malamang nakikita ko siya. Tanga rin pala ‘tong isang ‘to eh. Sarap bigwasan! Pero bat hindi niya alam na devil ako?! Di ba dapat, nag-aaway na kami, tinataboy na niya ako basta kahit ano para saktan ako pero bakit wala? Bakit wala siyang ginawa?
At nagulat pa talaga siya!
Pero teka… anghel… anghel… anghel na nasa puder ni Star?!
Putek! BAKA ITO NA ‘YUNG BAGONG ANGHEL NIYA?!
“Anghel ka? Kanino?” Minabuti kong itanong muna… baka kasi mali ako ‘di ba?
“Kay Queen Astarotte?”
Sht! Tama nga ako! Anghel niya ‘to?! Bakit ba kasi hindi na lang si Gelle? Ay teka, okay na rin sigurong babae ang anghel ni Star, baka ‘pag si Gelle pa rin eh baka isa pa ‘yung mang-agaw! May Dale na nga tapos makiki-agaw pa siya! Eh ‘di lugi na ako nun?
Pero tangna! Ang ganda nitong anghel na ‘to! Pramis, maganda siya! Pero syempre mas maganda pa rin talaga ang Star ko.
Pero bakit nga hindi niya alam na devil ako?
“Boyfriend ka ni Queen Astarotte ‘di ba?” Tanong nito.
So ang alam niya, simpleng tao lang ako? Seryoso ba talaga siyang hindi niya alam na devil ako? Tangna ang bobo!
“Oo? Teka… may alam ka ba sa mga devil… ganun?”
“Konti lang alam ko sa kanila. Bagong anghel lang kasi ako. Tyaka, hindi pa ako gaanong kagalingan katulad ni Gelle.” Kilala niya si Gelle!
Napagdesisyonan kong yayain muna siyang lumabas. Oy hindi date ah! Taena ‘di ako magtataksil kay Star! Nilabas ko lang siya sa mansion ng mga Serafica baka kasi biglang dumating si Star. Marami pa kasi akong gustong itanong dito sa bobo niyang anghel.
Pumunta kami sa isang park at doon nagkwentuhan.
“Bakit hindi na si Gelle ‘yung anghel ni Star?”
Nagulat ulit siya at napatingin sa akin. Kasama niya pa rin ‘yung mataba niyang pusa na kasalukuyang natutulog sa lap niya.
“Kilala mo rin si Gelle?”
“Aish!” Napa-facepalm ako, “Tatanungin ko ba kung hindi?! Sumagot ka na lang kaya!”
Napayuko siya, napapikit at napakagat sa lower lip niya. Siguro iniisip niyang ang arogante ko. Tss… paki ko? Eh devil nga eh! Bigwasan ko pa nga siya kung gusto niya eh!
“Nagtatanong lang naman po ako eh. Hindi niyo naman kailangang sumigaw.” Sabi niya habang nakayuko.
“Eh kase ang kulit mo eh!” Sigaw ko sa kanya.
“Tama na po!” Tapos bigla na lang siyang umiyak, “Sa ginagawa niyo pong ‘yan baka hindi po kayo makaakyat ng langit eh!”
Langit? Taena ang bobo talaga nito! Kukuha na nga lang ng kapalit ni Gelle ‘yung wala pang alam! Para talagang mas gusto ko pa si Gelle na magbantay kay Astarotte kesa sa babaeng anghel na ‘to! Wala na ngang alam, cry baby pa! Bwiset!
Pinipigilan ko na nga lang ‘yung sarili ko eh. Mamaya bigla ko na lang siyang sunugin. Sht!
“Oo na! Sige na, pwede ka nang sumagot sa tanong ko?” Mahinahon kong sabi.
Pinunasan niya ‘yung mukha niya tapo iniangat niya ‘yung ulo niya at tumingin sa akin. Ngumiti rin siya ng sobrang lawak na kulang na lang eh mapunit ‘yung labi niya dahil sa kakangiti. Ano bang meron dito? Bat ang tanga?!
“Eh hindi ko rin po alam kung bakit ipinagkatiwala sa akin ni Gelle si Queen Astarotte eh. Actually, kakababa ko lang talaga rito sa Earth ngayon.” Sagot niya habang nakangiti.
Put@! Eh ‘di sana kanina pa niya sinabi! Wala eh! Nakuha pa niyang magdrama tapos kung ano-ano pang sinabi, hindi na lang niya sinabing hindi niya alam! Punyeta nakaka-bad trip! Kahit kailan talaga lahat ng anghel walang kwenta!
Napakuyom ako ng kamao ko. Pikon na pikon na ako at gusto ko nang suntukin ‘tong put@nginang anghel na ‘to! Kahit babae pa siya eh kesyo nakakabadtrip eh! Nakakainit ng ulo!
“Sht! Sigurado ko ba talagang anghel ka?! Bakit ang tanga mo?!”
Bigla ulit siyang naluha hanggang sa ngumawa na siya. Taena ganito ba lahat ng anghel sa langit?! Sht buti na lang hindi ako napunta run! Buti na lang talaga! Baka kasi lahat sila nasipa ko na eh! Grabe ang arte na nga at tanga pa! Lahat na ata ng kapintasan nasa anghel na ‘to na eh! Nakakasar! >______<
“B-Bakit po kayo ganyan? Hindi po ba kayo nagsisimba?”
Fvck! Ako magsisimba?! Tss… kung alam mo lang talaga kung ano ako.
“Alam niyo po bang sa bawat ginagawa niyong masama, nasasaktan ang Diyos? Lahat-lahat ng pasakit kinuha Niya para hindi tayo ang maghirap, pero ito ba ang igaganti natin sa ginawa Niyang kabutihan? Sa pagsagip sa atin? Bakit ganyan kayong mga tao? Wala man lang ba kayong konting pasasalamat sa Diyos? Kahit simpleng ‘salamat po’ hindi niyo lang masabi sa Kanya! Pero Siya… Siya mahal na mahal Niya kayo kaya Niya nagawang mamatay sa krus para lang sa inyo! Tapos gagawa ulit kayo ng masama?! Hindi ba kayo naawa sa Ama natin?”
Potek gusto kong tumawa sa pinagsasasabi niya eh! Seryoso ba talagang hindi niya alam kung ano ako?! Kung alam niya lang siguradong hinding-hindi na siyang magsasayang ng laway na sabihin sa akin ang mga nonsense na ‘yan! Para lang siyang timang eh –ay mali, timang na talaga siya!
“Bahala ka dyan.” Tumayo na ako at naglakad papalayo.
Pero kung siya anghel ni Astarotte… eh ‘di ibig sabihin sa kanya ako dapat magpatalo?! What the fvck! Ang dami-dami ko nang nakalabang anghel na malalakas, mas wise at mas madiskarte at palagi akong nananalo sa kanila pero ang matalo –magpatalo sa ganitong klaseng anghel na puro kabobohan ang laman ng utak?! T@ngina sobrang nakakagasgas ng ego! Para akong weakling! Taena!
Napatingin ako sa kanya. Nagpapahid muli siya ng luha niya and this time, nakikita ko na ang mga pakpak niya pati ang halo niya. Sabi ni bossing, kapag nagpakita raw ng pakpak at halo ‘yung anghel sa’yo ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya.
Pinagkakatiwalaan? Bakit? Tss… ang weird talaga ng mga anghel kahit kailan.
Pero kung magpapatalo ako sa kanya… aish! Huwag muna ngayon! Tyaka na lang. Tyaka na lang kapag nasulit ko na ang pagsasama namin ni Astarotte. Hindi ko rin alam kung kailan… kung pwede nga lang huwag na eh. Bahala na… kung kailan na lang siguro ako babalaan ni bossing. Dun na lang siguro ako magpapatalo sa anghel na ‘to at dun ko na lang siguro… iiwanan si Star.
“Kuya!” Tawag niya sa akin tapos tumakbo siya papalapit sa akin, “Simula ngayon, palagi na kitang sasamahan! Hindi na lang si Queen Astarotte ang babantayan ko –pati na rin ikaw! Para makilala niyong dalawa ang Diyos! Ayos ba ‘yun?” Heto na naman siya… ang bipolar talaga!
“Bahala ka…” Sagot ko sa kanya at nagsimulang maglakad.
“Ako nga pala si Anj! Anj Kruz!” Ang ingay niya rin =________=
Naglalakad lang ako samantalang siya nasa likod ko at nakasunod habang hawak ‘yung pusa niyang tulog. Kung magiging close kami at bigla na lang niyang malalamang niloko ko siya dahil hindi ko sinabi sa kanyang devil ako… magagalit siya? Mas gagalingan niya at mas magpu-pursige siyang talunin ako. Kung ganun, siguro kailangan ko ring pakisamahan ‘tong anghel na ‘to kahit papaano. Kailangan ko ring itago ang pagiging devil ko sa kanya. Makikipagkaibigan ako sa kanya at kukunin ko ang buong tiwala niya tyaka ko ipapakita ang totoo kong katauhan kapag dumating na ‘yung panahon na kailangan ko ng sunduin talaga si Star.
Sige, ganun na lang.
Lumingon ako sa kanya at ngumisi.
“Cifer. Cifer Capulet.” At nakipag-shake hands ako sa kanya.
“Kuya, ngumiti ka naman oh. Yung natural lang! Huwag smirk!” Sabi niya sa akin.
“Tsss… limited lang ‘to para kay Astarotte.” Sagot ko sa kanya.
“Ay talaga? Sige…” Nag-pout na lang siya bigla.
Yuck! Hindi talaga katanggap-tanggap sa ego koa ng matalo sa isang bobo, tanga, at isip batang anghel. Pero anong magagawa ko? Ito na lang ‘yung paraan para maligtas ko si Star. Oo, para kay Star.
“Alam mo ba Cifer, may pumatay sa akin! Kaso, hindi nalutas ng mga pulis ‘yung kaso ko. Pero okay lang, at least sa langit naman ako napunta. Hihi.”
Wala akong paki sa sinasabi niya. Patuloy lang ako sa paglalakad pauwi sa bahay nila Star. Nang makarating na kami sa bahay niya eh nakita ko agad si Star na paakyat papuntang kwarto niya. Agad ko siyang sinundan sa kwarto niya at niyakap ito.
“Alam mo ba, nakita ko ‘yung bago mong anghel.” Bulong ko sa kanya.
Kumalas siya sa yakap ko at tumingin sa akin.
“Talaga?!” Tanong nito sa akin.
Tumango lang ako at nagkwento tungkol sa anghel niya and since alam kong nakikinig ‘yung anghel niya gagalingan ko ang pagkwe-kwento para talagang magtiwala na sa akin ‘yung anghel niya. Para walang duda.
Kukunin ko ang loob niya, kakaibiganin ko ‘yung anghel na ‘yun at kapag talagang napaniwala ko na siyang mabait ako –sasaktan ko siya, ipapakita kong devil talaga ako at hindi basta-basta tao lang. Gagawin ko ‘yun para mas magalit siya at mas ganahan siyang kalabanin ako.
//Astarotte Serafica’s Point of View//
“Ang ganda niya tapos mabait. Alam mo ‘yun? Anghel na anghel talaga ‘yung dating! Tapos ang ganda niya! Talagang maganda siya!”
Dine-describe ni Cifer ‘yung bago kong anghel habang… nakangiti? Bakit siya nakangiti? Eh anghel ‘yun? Talaga bang ganun kaganda ‘yung anghel na ‘yun para ngumiti siya ng ganyan? Bakit ‘pag ako naman ‘yung dine-describe niya eh hindi siya nakangiti?
At bakit ako naiinis? Ewan! Naiinis talaga ako kasi pagod ako tapos pag-uwi ko si Cifer ibang babae ‘yung kine-kwento? Di ba masakit? Nakakainis!
Nakakaselos!
Pero ‘di ba dapat masanay na ako? Kung iiwan ko siya dapat masanay na akong masaktan nang dahil sa kanya.
Pero sa tuwing ngumingiti siya nang dahil sa anghel na ‘yun at talagang babae pa… hindi ko maiwasang mainggit. Bakit ‘pag ako hindi ganyan ‘yung ngiti niya?
Sht! Para tuloy gusto kong magbago ng desisyon. Parang ayaw kong iwanan si Cifer. Lalo na ngayon na ganyan ‘yung mga ngiting ipinapakita niya sa akin pero ibang babae naman ang iniisip niya?! Parang mas natakot akong iwanan siya. Parang umaayaw na ako.
Paano pero si Dale? Hindi ba pwedeng sila na lang dalawa? Hindi naman nakikita ni Dale si Cifer ‘di ba?
Aish! Astarotte! Ano ka, mamamangka sa dalawang ilog?! Hindi pwede! Hindi kaya ng konsensya ko!
“Ang ganda niya talaga Star!” Bulalas ni Cifer.
“Ah okay…”
At tumalikod na ako sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya at bigla na lang niya akong niyakap mula sa likod.
“Selos? Tss… Star naman! Huwag kang magselos ‘dun! Bakit narinig mo bang sinabi kong mahal ko siya? Di ba hindi? Eh ikaw? Ilang beses ko na bang sinabi sa’yong mahal kita? Huwag ka nang magselos dun. Maganda lang siya –pero hindi ka niya kayang palitan sa puso ko. Ikaw ang mahal ko Star, ikaw lang.”
Hindi ko alam pero naiiyak ako sa sinabi niya. Imbes na gumaan ‘yung pakiramdam ko at magtigil ako sa pagseselos eh naiiyak ako. Alam ko kasing kapag iniwan ko siya –kapag si Dale ang pinili ko, hinding-hindi ko na maririnig si Cifer na sinasabing mahal niya ako. Hinding-hindi na niya ako yayakapin, hinding-hindi na niya ako hahalikan. Ang hirap… ang sakit. Ayoko siyang iwanan pero hindi pwede.
Kailangan kong mamili.
Dale or Cifer…
Sa ginawa ni Cifer, mas lalo akong mahihirapang pakawalan siya.
“Mahal na mahal kita. Sigurado naman akong, ganun ka rin sa akin ‘di ba? Ako lang din naman ‘di ba? Walang Gelle… at mas lalong walang Dale. Ako lang ‘di ba?” Tanong niya sa akin.
Pinipigilan kong humagulgol habang yakap niya ako pero ang hindi ko kayang pigilan eh ‘yung mga luhang kanina pa pumapatak mula sa mga mata ko.
Oo, siya lang ang mahal ko… pero hindi pwede.
Kung bakit kasi ngayon lang siya bumalik?! Kung bakit kasi umalis pa siya?! Kung hindi niya siguro ako iniwan, hindi ko makikilala si Dale, hindi ko siya mapapahirapan ng ganito. Hindi ako maghihirap ng ganito.
“O-Oo n-naman. I-Ikaw lang. W-Walang Gelle… w-walang… Dale.”
Nanlumo ako sa isinagot ko. Oo, wala ngang Dale pero pipilitin kong magkaroon. Pipilitin ko kapag iniwan na kita.
Cifer… I’m sorry. I love you…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro