[5] Conscience
Her heart is like a star, and I keep on trying hard as I can to reach it even though I know it’s impossible and I’m not superman to fly there and steal it from the skies.
But I’ll just wait…
…because I believe that stars can fall.
I am Dale and loving her is like waiting for a falling star.
[5] Conscience
//Astarotte Serafica’s Point of View//
Ilang gabi na rin nang bumalik ulit si Cifer sa buhay ko –ah mali, hindi nga pala siya nawala.
Ilang gabi na rin nang bumalik siya, at ilang gabi na rin akong hindi pinapatulog ng konsensya ko.
Sa simula’t sapul naman ay alam kong mali ang gagawin kong ipagpatuloy pa rin ang pakikipagrelasyon at pakikipagmabutihan kay Cifer dahil may relasyon kami ni Dale. Ang labas tuloy, para akong namamangka sa dalawang ilog! Shit! Para tuloy akong slut =______=
Pero anong magagawa ko? Mahal ko si Cifer… pero hindi ko kayang iwanan si Dale.
Kailangan ako nung tao! At kung tutuusin, mas higit niya akong kailangan kesa kay Cifer pero… hindi ko naman kayang basta na lang paalisin si Cifer at sabihing hindi ko kayang ipagpatuloy ‘yung relasyon namin kasi ang tagal ko ring hinintay ‘tong pagkakataon na ‘to kasama si Cifer eh! Basta-basta ko na lang ba itatapon ‘yung mga pangarap ko kasama siya nang dahil lang sa naaawa ako at nakokonsensya ako kay Dale? Damn!
Habang andito ako’t nagpapakasaya sa tabi ni Cifer, hindi ko maiwasang isipin si Dale. Hindi ko maiwasang isipin ‘yung mga pwedeng mangyari kay Dale kapag nalaman niya ang totoo… na nagtataksil ako sa likuran niya. Ang sama kong babae T_______T
May Coronary Artery Disease si Dale. Namana niya ‘yun sa Daddy niya, though namatay sa isang plane crash ‘yung Daddy niya. Napapadalas nga ‘yung pagpa-palpitate niya eh kaya napapadalas din ang pag-aalala ko.
*beep beep*
Nakatanggap na naman ako ng message galing kay Dale. Eto na naman ako, nakokonsensya sa kanya. Kaya mas minabuti ko na lang na hindi magreply. Ayokong makain ng buhay ng konsensya ko!
Aish! Kailangan ko si Farrah! Kailangan ko ng advicer!
Kaya agad akong bumangon sa kama ko at nag-drive papuntang bahay ni Farrah. Kailangan ko siya ngayon! Kailangan ko ang payo ng bespren ko!
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila eh agad akong kumatok. Ilang minuto rin ay binuksan niya na ‘yun at nakakunot ang noo niya? The hell?! Ayaw niya ba akong nandito?
“May pagkain kang dala?” Tanong nito.
“Gaga! Puro ka pagkain! Papasukin mo muna kaya ako?” At ‘yun nga ang ginawa niya.
Pagkapasok ko ay pinaupo niya ako sa sofa at tinabihan niya ako run. Nakatitig lang siya sa akin –kilalang-kilala niya nga ako dahil alam niya kung kailan ako may problema na dapat i-share sa kanya.
“Nakokonsensya ako.” Sabi ko sa kanya.
“Saan naman?”
“Kay Dale… at Cifer.”
Agad na nanlaki ang mga mata nito at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso. Biglaan niya akong niyugyog.
“Oh my God Astarotte! Bumalik siya?! Bumalik ‘yung oh-so-fvcking-hot mong Guardian Devil?! Oh my God, gaga ka! Where is he?! I wanna see him! Damn it, kasama mo ba siya?!” Sabi niya sabay palinga-linga sa paligid ko na animo’y may hinahanap.
“Gaga ka talaga! Hindi ko siya kasama, sa tingin mo ba may balak akong isama siya rito eh sa’yo ko nga sasabihin ‘yung problema ko kung saan involved siya?!” Bulalas ko.
Saglit na nahinto si Farrah sa pagyugyog sa akin at natulala pero bigla na lang niya ulit akong niyugyog at pinanglakihan ng mata.
“Shet! Gusto ko pa naman siyang ma-meet at makita kung gaano siya ka-hot.” At nag-pout pa ito, “Oh sige na nga, tuloy mo na kwento mo.”
“Tsss…” Sabay irap sa kanya, “Eh kase, ‘di ba kami ni Dale?” Tumango si Farrah, “Kami rin ni Cifer eh.”
At niyugyog ulit ako ni Farrah, gash! Lantang gulay na ako I swear!
“Whaaaaat?! Maygash! Two timer ka pala eh! Sarap mong ilaglag sa bangin pramis! Tsk tsk.”
“Alam mo, pumunta ako rito para humingi ng advice sa’yo at para hindi ihulog mo sa bangin, kaya please? Pwede bang makahingi ng words of wisdom mo?” Pakiusap ko sa kanya pero nagtataray pa rin.
“Words of wisdom your face! Paano kita bibigyan kung ganyan ‘yung mukha mo?! Para kang nakikipagplastikan eh! Kaw talaga! Yung maayos naman!” Then I heard her giggle.
“Damn!” I whispered. “Please Farrah, words of wisdom, please?” With matching puppy eyes.
“Ahahahahaha! Astarotte, bat mukha kang tanga? Hahahaha!” At ayun, patuloy lang siya sa pagtawa.
Napatayo na ako sa inis at, “BIBIGYAN MO BA AKO O HINDI?!”
Agad siyang napahinto sa pagtawa at halatang nagulat at natakot sa pagsigaw ko. Serves her right? Hah! I guess.
“Abnormal ka talaga Astarotte! Sige na, umupo ka na at humanda ka na sa sermon ko.” Eh ‘di madaling kausap! xD
Umupo ako at nakinig sa kanya.
“Mahal mo si Cifer?” Tanong nito.
“Oo.” Mabilisan kong sagot.
“Eh si Dale?”
Matagal akong hindi nakaimik. Bakit nga ba hindi ko masagot? Kasi hindi talaga. Sabi nila, silence means yes… tutol ako run. Kasi ngayon? Hindi yes ang sagot ko pero silence pa rin ang nananaig sa akin.
“Silence means no.” Sabi ni Farrah. “Kaya mo bang iwanan si Cifer?”
“Syempre hindi! Ang tagal ko siyang hinintay tapos iiwanan ko lang?! What the hell?!”
“Easy easy… relax! Eh si Dale? Kay mong iwanan?” Seryosong tanong nito.
Once again… natahimik na naman ako. Hindi na naman ako makasagot. Hindi ko alam ‘yung sasabihin ko eh! Shit! Ayoko ng ganito. Siguro kung naririnig lang ako ni Dale baka kanina pa ‘yun namatay dahil sa sakit ng mga sinasabi ko. Shet!
“Pero nakokonsensya ako! Sigurado akong kapag iniwanan ko siya, kapag nakipaghiwalay ako sa kanya, kakainin ako ng konsensya ko at pag-aalala sa kanya! Mahalaga sa akin si Dale, mahalaga siya!”
“Pero hindi mo mahal…” Tama :/ “…kung hindi kaya ng konsensya mong iwanan si Dale, eh ‘di si Cifer ang iwanan mo.”
“Damn it Farrah! Mahal ko si Cifer, paano ko siya makakayang iwan?!”
“And damn it Astarotte, patay na si Cifer for heaven’s sake! Kahit anong gawin mong ipaglaban ‘yang pagmamahal mo sa kanya –patay pa rin siya! Hindi na siya mabubuhay and as for Dale, mabubuhay pa siya! At nakasalalay ‘yung buhay niya –sa’yo!” Fvck, oo nga pala.
Isang beses nung nag-try akong makipag-cool off sa kanya, kinagabihan nun eh tinawagan ako ng Tita niya dahil sinugod daw si Dale sa ospital because of palpitation, hindi na raw halos siya makahinga dahil buong araw siyang umiiyak, sobrang stress –physically and emotionally. Kaya pumunta ako kaagad sa ospital and he started begging to cancel that ‘cool-off thingy’ because he can’t live without me –yeah, literally.
Oh ‘di ba? Cool-off pa lang iyon! Paano na kung break-up?! Eh ‘di parang ako ‘yung naging killer niya?! I hate it! I hate it so much!
“I can’t think of a better way of escaping this…” Miserable kong sinabi.
“Bakit ka tatakas kung wala kang lulusutan? At kung makatakas ka man, sa tingin mo doon na matatapos ang lahat? Sa tingin mo, mawawala ‘yung sakit ni Dale? Sa tingin mo –mawawala ‘yang nararamdaman mo sa isang devil na oo, nakakasama mo ngayon pero ang tanong… hanggang kailan? Astarotte, he doesn’t belong here. Remember who he is –a devil and I’m sure you know where he belongs.”
Shit! Lahat ng sinabi ni Farrah totoo at tagos na tagos sa akin. Maaaring nandito si Cifer sa tabi ko pero ang laki-laki ng porsyentong iiwan niya ulit ako, lalo na kapag nasundo niya na ‘yung dapat niyang sunduin dito sa Earth. Iiwan niya ulit ako, at gaya nung pag-iwan niya sa akin noon, mahihirapan na naman akong ituloy ‘yung buhay ko –magiging miserable ulit ako at sa panahong mangyari ulit ‘yun, wala ng Dale na gagawa ng paraan para mapasaya ako and that’s because I let go of that ‘Dale’ that loves me so much and can stay by my side wherever and whenever I want.
Ang hirap nito…
…alam ko mas magiging mahirap pa.
And suddenly a call distracted our conversation. It was a call from Dale’s aunt.
Damn! Not now! Please, not again!
“Hello?” I said.
(“Astarotte, anak! Dale is in the hospital! Please come immediately… he needs you.”) Mangiyak-ngiyak na tono ng pananalita ng tita ni Dale.
Shit happened again! Damn it, Dale?! What is it again?!
Agad na akong nagpaalam kay Farrah at nag-drive papuntang ospital. Damn yeah, he needs me.
Nakapunta ako kaagad sa ospital at nagtungo sa kwarto ni Dale and he’s their… lying in the hospital bed, exhausted, tired… hurt.
“Dale…” I said while sitting by his side.
“Akala ko hindi ka na pupunta.” God! I can feel his pain!
“I’m sorry…” I held his hand. “Are you… okay now?”
He nodded and smiled, “Yeah, because of you.”
“What happened? I thought you’ll be going to Spain?” I asked.
“I didn’t make it. My heart… it’s damage again.”
Hindi ko alam kung anong heart ang tinutukoy ni Dale. Kung ‘yung heart na ‘yung mismong puso niya na bumubuhay sa kanya o ‘yung heart na nagmamahal sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng awa towards Dale. Lalo na kapag pinipilit niyang ngumiti sa harap ko kahit alam kong sa loob-loob niya hindi siya halos makahinga. And that’s all my fault… again.
“Akala ko, nakalimutan mo na ako kaya ka hindi sumasagot sa text at tawag ko. I thought you’re gonna ditch me. I thought you’re gonna dump me… leave me.”
Why on Earth do I need to feel his agonies? His pains?! Pag nakikita ko siyang nahihirapan… ‘pag nakikita ko siyang malungkot… naaawa ako… nasasaktan ako.
And I hate it! Because I know because of those pains… those pains of him… will never make me happy. Never.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya, “No, don’t say that because you know that I won’t. I… I…” Even saying those three words that can make him happy is getting very difficult for me now! “I care for you. Dale, I will always be here for you. I will never leave you. Alam mo ‘yun ‘di ba? So please, don’t stress yourself because of me. I’m not replying and answering your calls because… I lost my phone and until now I can’t find it.” There, I lied again. Sorry…
“Really?” Napatawa siya ng mapait, “Damn it, I overreacted! I’m sorry.” No Dale, I should be the one to say sorry. Sorry… for everything.
“It’s okay, you’re okay now, so don’t be sorry. Just rest okay? I’ll visit you later, please have a good rest.” I stood up and walk out the door.
Then my tears suddenly slide down through my face. Conscience is giving me a hard time! Really, hard time! I’m sure it will kill me… inside.
Sa tingin ko nang dahil sa promise ko kay Dale… makakapag-desisyon na ako. Alam ko na ‘yung gagawin ko.
I will do something that will surely stab my heart, forever.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro