[4] Love Affair?
Ngayon na kasama ko na ulit si Astarotte, ngayon pa ba ulit ako susuko? Ngayon pa ba ulit ako magpapatalo sa iba? Ayoko na. Natuto na ako. Kaya kahit sino pang nakaharang sa amin, o nagbabalak humarang wala akong pakialam. Kahit sino pa siya, kahit ano pa siya…
…kahit si Satanas pa.
[4] Love Affair?
//Astarotte Serafica’s Point of View//
Hindi ko pa man naitatanong kung bakit nandito si Cifer sa harapan ko eh agad na niyang sinunggaban ang labi ko. Hinalikan niya ako ng marahan, ng mariin. Yung mga halik niya, mapag-angkin. Parang sinasabi ng mga halik niya na siya lang, at wala ng iba ang maaaring umangkin sa mga labi ko. Damang-dama ko ang pangungulila niya sa bawat halik na ibinibigay niya sa akin.
Nagsimulang lumakas ang pintig ng puso ko, na animo’y naghihingalo. Para ring may mga naglalarong paru-paro sa tiyan ko. Kahit nasa shower ako eh pakiramdam ko pinagpapawisan pa rin ako nang dahil sa ginagawa ni Cifer.
He is caressing my back gently, and he is kissing me, fiercely, possessively but full of passion.
Hindi ko na namalayan na napadpad na pala kami rito sa kama ko and he’s on top of me! God, hindi ko alam kung anong gagawin ko but the way he kisses me and touches me drives me insane, he’s like an ecstacy for me! His kisses went deeper when he slid his tongue into my mouth, savouring and tasting every corner of it. Then he began playing and fencing with my tongue. Damn it Cifer, you’re still wonderful as ever!
And then reality shot me –My God I’m naked!
Sinubukan kong itulak siya dahil baka kung saan pa humantong ang halik na ‘to. It gives me pure pleasure and I admit –I love it! But of course, he owes me an explanation and I don’t wanna do ‘it’ without him telling me the whole story about his sudden return.
“Don’t go near that Dale bastard again.” He said in between of our kiss.
Doon na ako nagkalakas ng loob itulak siya ng mas malakas, and then our eyes met. I took the chance to examine his face –hoping to see changes. His eyes are brown as ever. His lips, still luscious as ever! Nothing changed in his physical appearance –gwapo pa rin siya tulad noon.
“I miss you.” He uttered.
“Bakit ka –” Pinutol niya kaagad ang sasabihin ko.
“Hindi ka man lang ba magre-reply ng I miss you too?”
Paano ako makakapag-reply ng ‘I miss you too’ eh nakapatong ka sa akin? Hindi mo ba alam na sobrang nakakahiya at sobrang nakaka-temp ang posisyon natin ngayon?
“Pwede bang umalis ka muna dyan?” Mataray na tanong ko sa kanya.
He smirked! “Why? You find it tempting, right?” Then his eyes explore my body and bit his lower lip, “Sexy.”
Dali-dali ko siyang tinulak at hinila ang kumot na nasa kama ko para takpan ang buong katawan ko. He is still wearing that famous smirk of his while looking at me. Pero bago ko pa makalimutan, agad ko nang tinanong ‘yung tungkol sa pagbabalik niya rito.
“Why did you come back?”
“Ayaw mo?” Malungkot na tanong niya sa akin.
“Of course not! Nagtataka lang ako. Kasi sabi mo –”
“Hindi ba ako pwedeng magbago ng isip?” He cupped my cheek, “I love you, and I want to be with you that’s why I’m here. I can risk everything just to be with you, my Star. Everything.”
Kahit 20 years old na ako, hindi pa rin mawala sa sistema ko ang kiligin kay Cifer! Feeling ko teenager pa rin akong parang tangang na-silya elektrika dahil sa kilig eh! Grabe talaga ‘tong lalakeng ‘to kahit kailan. Pero ang sama ko naman ‘di ba? Ginawa niya ang lahat para makasama ako tapos wala man lang akong masabing sweet sa kanya. Puro ako tanong =________=
“Cifer, I-I…”
“I what?” Tanong niya.
“I miss you.” Mahina kong sabi.
Ngumiti siya at agad akong niyakap, napapikit na lamang ako at niyakap siya pabalik. Sa yakap niya, pakiramdam ko bumalik ako sa dati. Para akong bumalik sa dati kong bahay. Apat na taon ko ring pinangarap makasama ulit si Cifer, apat na taon kong ginustong mahalikan siya at mayakap siya ng ganito –pero ngayon? Kahit sobrang saya ko, nahahaluan pa rin ng lungkot.
Iba na kasi ngayon…
…may Dale na kasi.
“Please, break-up with your boyfriend.” Sabi ni Cifer habang nakayakap sa akin.
Alam kong hihingiin ‘to ni Cifer pero… hindi ko kayang makipaghiwalay kay Dale. Hindi ko talaga kaya. Kahit gustuhin ko para kay Cifer –hindi pwede. May mga bagay na hindi na pwede, lalo na ang pakikipaghiwalay at pag-iwan ko kay Dale na siyang hinihingi ni Cifer ngayon.
Sorry Cifer.
“Cifer, hindi pwede.”
Agad siyang napakalas mula sa pagkakayakap sa akin at nagsimulang mag-iba ang aura niya. Alam ko, expected ko na –magagalit siya.
“Bakit hindi?! Mahal mo ba siya?!” Bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso ko, “Hindi na ba ako? Ha Astarotte?!”
“Cifer ano ba! Nasasaktan ako!” Daing ko sa kanya.
Agad siyang napabitaw sa mga braso ko, “Huli na ba ako? Hindi na ba talagang… ako?” Tanong niya.
Habang tinatanong niya iyon ay hindi niya magawang itago ang kalungkutan na sumasalamin sa mga mata niya. Para siyang natatatakot sa isasagot ko, para siyang nag-aalala na baka nga hindi na siya.
Ikaw pa rin Cifer, it’s always been you. Hindi ko lang talaga kayang iwanan si Dale.
Parang gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya lang. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.
“Mahal mo na ba talaga ang Dale na ‘yun?” Tanong niya.
“Bakit mo ba tinatanong sa akin ‘yan? Alam mo sa sarili mo kung sino ang mahal ko Cifer. Ikaw lang, alam mo ‘yun ‘di ba? It’s always been you and you will always be. I love you Cifer. Kahit matagal mo ‘kong iniwan –kahit matagal ka pang mawala.” Sagot ko sa kanya.
Bakit ko sasabihing mahal ko si Dale kung alam kong si Cifer pa rin? Ayokong lokohin ang isip ko lalo na ang puso ko. Oo, pilit kong kinakalimutan si Cifer at pinipilit ko ang sarili kong mahalin si Dale pero, parang mas lalong naging malabong mangyari –ngayon pa na nandito na ulit si Cifer? Napaka-imposible na.
Ngayon, sinusulit namin ni Cifer ang muli naming pagkikita. Nagkwento siya tungkol ng mga nangyari sa kanya sa underworld. Na-kwento niya na, ito nga raw siya at sumusundo ng iba’t ibang tao para mapunta sa underworld. Mabuti nga raw at pinayagan ulit siyang makababa sa lupa.
“So, sinong sinusundo mo ngayon?” Tanong ko sa kanya.
Biglang nanlaki ang mga mata niya, namutla at pinagpawisan. Para siyang natakot sa tanong ko. Bakit? An bang mali sa tanong ko?
“A-Ah, w-wala naman. T-Tao syempre. B-Basta! Malayo rito.” Sagot nito. Bagama’t nakakapagtaka ang biglang pag-stutter niya eh nakontento na lang ako sa sinabi niya.
“Okay?”
Bigla kong naalala! Nakahubad pa pala ako at kumot lang ang bumabalot sa katawan ko! Oh my gosh! Nakakahiya ako! T_____T
“Uhmmm… Cifer, pwedeng lumabas ka muna?”
“Ayoko.” Mabilis nitong sagot.
“Cifer?! Magbibihis ako!”
“Then do it… in front of me.” Tapos nag-smirk siya. Damn! That sexy bastard!
“Ano ba! Lumabas ka na lang kase! Pinapatagal mo pa eh!”
He chuckled, “Ano pa bang itatago mo eh ilang beses ko na ‘yang nakita?”
“Err! Fine! Sa banyo ako magbibihis!” Binuksan ko ang aparador ko at pumasok sa banyo.
Wish ko lang hindi na sumunod dito si Cifer. Tsk tsk… kahit kailan talaga! Pero kahit ganun ‘yun, hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kanya. Hindi pa rin talaga kumukupas ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Si Cifer pa rin talaga ang laman nitong puso ko.
Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako kaagad. Laking gulat ko nang makita ko si Cifer sa harap ko habang naka-smirk.
“Damn! Ginulat mo ‘ko!” Pahayag ko.
Nilagpasan ko siya at naglakad papalapit sa kama ko habang hawak ang twalya ko. Bigla na lang siya sumulpot sa likod ko at niyakap ako sa bewang.
“I love you.” He whispered.
“I know.”
“I love you.” He repeated.
“I love you too.”
“Star, date tayo.” Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin mula sa likod.
Pansamantala akong kumalas sa kanya. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Then I smiled.
“Is that a yes?” He asked.
“If you’ll take it as a yes.” I smiled.
Nagbihis ako ng panglakad at sumakay na kami sa limousine. Biruin mo? Buhay pa rin ‘tong limousine na ‘to pagkatapos ng apat na taon? Dito rin kami sumasakay ni Cifer noon eh. Ngayon, dito pa rin kami nakasakay nang magkahawak ang kamay.
Nakarating kami sa tabing dagat. Well if you can still remember, pumunta na kami ni Cifer dito dati, 4 years ago.
“Beautiful.” He said while looking at the sea.
“Ang saya ko.” Bigla kong nasabi.
Napatingin siya sa akin, “Ako rin.”
“Iiwan mo pa rin ba ako?” Bigla ko na lang naitanong kay Cifer.
Dahil sa totoo lang, natatakot akong mawala ulit si Cifer sa tabi ko. Natatakot akong iwanan niya ulit ako ng mahabang panahon. Dahil hindi ko na kakayanin ‘yun kung sakali, ayoko na ulit siyang mawala.
“Pwede bang hindi ko muna sagutin ‘yan?”
“Yeah. It’s okay.”
Okay lang Cifer, just promise me that you will say goodbye to me, personally. Ayoko na ng sulat Cifer. Ayoko na nun, kasi mas masakit dahil hindi man lang kita nakita kahit sa huling pagkakataon.
Siguro nga, love affair ‘to. Kasi alam kong merong Dale na nagmamahal sa akin pero anong magagawa ko? Andito na ulit sa tabi ko ‘yung mahal ko, nandito na ulit si Cifer.
Total, nasa ibang bansa pa naman si Dale –pwede bang sulitin ko muna ‘tong kay Cifer? Pwede bang dito muna ako? Kahit ngayon lang –oh kahit panghabang-buhay na lang. Please…
Kung kaya lang sana ng konsensya kong iwanan si Dale. Kung kaya ko lang talaga.
//Bossing’s Point of View//
Magpakasaya ka muna dyan Cifer. Sulitin mo ang bawat oras na makakasama mo ang babaeng ‘yan. Sa tingin mo ba basta-basta na lang kitang hahayaan dyan sa lupa at maging masaya? Pwes, maling-mali ka.
Na-realize ko lang, mas magandang paglaruan ang mga tao ngayon –lalo na kapag may mga demonyong kasali. Ang saya nun hindi ba? Pati ang isang demonyong katulad ni Cifer, pwede kong mapaglaruan.
Sa ganitong paraan, hindi na siya mawawala sa akin. Hindi na siya makakaalis sa underworld.
At kung inaakala niyang hindi ko alam ang plano niyang magpatalo sa anghel ng babaeng mahal niya, nagkamali ulit siya. Alam ko iyon, alam ko ang bawat ideyang tumatakbo sa utak ni Cifer.
Tignan na lang natin ang mga susunod mo pang gagawin Cifer –manonood na lang ako. Hindi niyo naman alam na lahat kayo, kontrolado ko, sa larong ito, ako ang mananalo lalo na kung nandyan si Cifer. Mas maraming magkakasala, mas maraming mapupunta sa underworld, ‘di ba mas masaya?
At isa pa, walang kaalam-alam si Cifer na nang dahil sa ginagawa niya –nagkakasala na ang babaeng mahal niya.
Just stick to the plan, Cifer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro