Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[3] Dale

Expected ko nang maraming magbabago. Hindi naman ako umaasang sa apat na taong pagkawala ko sa tabi ni Astarotte eh walang magbago. Sigurado naman akong magbabago siya –ang pananamit niya, pagsasalita niya, estado ng buhay niya, at marami pang iba. 

Pero ang hindi ko lubusang matanggap? Yung pati ang laman ng puso niya, nagbago. 

Yung may iba na siyang mahal…

Pero sino ba naman ako para kwestyunin siya? Kung sa una pa lang… ako na mismo ang nagsabing hindi ko na siya babalikan.

 [3] Dale

//Cifer Capulet’s Point of View//

Damn it! Akala ko kapag nakita ko si Astarotte magiging maayos ulit kaming dalawa. Akala ko mas magiging masaya kami pero anong nadatnan ko?! She’s with another man! Ang masaklap pa, parang ang dami-daming nang nagbago sa kanya! Parang hindi na siya ‘yung dating Star… ‘yung Star na mahal na mahal ko, at mahal na mahal ako.

Kung saan man dadalhin ng gagong ‘yun si Star, kailangan ko silang sundan! Wala akong pakialam kung may mapatay ako –devil nga ako ‘di ba? Putangina lang talaga nung lalakeng ‘yun! 

Naglalakad lang ako ng naglalakad, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Ang tagal ko kasing nabato ‘run sa kinatatayuan ko kanina dahil pilit ko pa ring sinisiksik sa utak ko ‘yung nakita ko. Puta! Saan niya dadalhin si Star!

Puro mura na lang ang lumalabas sa isip ko habang naglalakad ako. Pakiramdam ko mawawala ako sa katinuan eh! Sht! 

“Cifer…” May biglang tumawag sa pangalan ko. Medyo pamilyar ‘yun kaya dali-dali akong humarap.

Kita mo nga naman! Mas matatanggap ko pa siguro kong ito ‘yung lalakeng kahalikan ni Astarotte eh! Kasi at least anghel, pero ‘yung lalake kanina?! Tangina ang sarap tustahin!

“Hoy Gabrielle!” Tinawag ko siya sa totoo niyang pangalan, “Tangina sino ‘yung kasama ni Star?! Pucha! Akala ko ba guardian angel ka niya?! Bakit mo siya pinapabayaang sumama sa lalakeng ‘yun?! Bullsht naman oh!” 

“Bakit ko naman siya pipigilang sumama sa lalakeng ‘yun? May sarili siyang buhay Cifer. Anghel lang ako at hindi ko siya pwedeng diktahan lalo na kung alam kong wala naman siyang ginagawang masama.” Seryoso niyang pahayag. Bwiset! Isa pa ‘to eh!

“Pero –AISH! Taena bat ka ba nandito?! Di ba anghel ka niya? Bat mo siya iniwan sa lalakeng ‘yun?!” Lumapit ako sa kanya at hinigit ang kwelyo niya, “Ganun ba ‘yun kabait ha?! Anghel ‘din ba ‘yun?!” 

“Anghel lang ako –hindi na ako ang Guardian Angel ni Astarotte.” Nakangiti niyang sagot. Napabitaw ako sa kwelyo niya.

Fvck! Bat ngayon niya lang sinabi?! Mukha tuloy akong timang na tanong ng tanong dito! Sayang ang laway eh! Gago talagang anghel ‘to! Sarap pektusan!

Pero kung hindi na siya ang Guardian Angel ni Star… sino na? O_____O

“Eh sinong pumalit sa’yo?” Tanong ko.

Napangisi siya, “See it for yourself.” Tapos tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papalayo. 

Ang shet! Pahirapan daw ba ako?! 

“Hoy! Gago! Saglit!” Tawag ko sa kanya.

Humarap siya, “Saan pumunta sila Astarotte?” Tanong ko. Hirap na kasi akong maglakad alam niyo ‘yun? Tsss…

“Tsss… date sa mall.” Ngumisi ulit siya at tuluyan ng umalis.

Date?! Sa mall?! Taena! Ang korni ng gagong ‘yun ah! Ampota! Hindi ko hahayaang mapunta si Star sa lalakeng ‘yun. Possessive na kung possessive pero hindi ko talaga kayang makita si Astarotte kasama ang ibang lalake! Kahit ngayon lang! Kapag natapos ko na ‘to at bumalik na ulit ako sa underworld tyaka na siya makipag-date sa iba! Huwag muna ngayon… pagkatapos ko na lang matalo sa anghel niya… please…

Dali-dali akong pumunta sa mall na gaya ng sinabi ni Gelle. Hindi na ako makapaghintay na patayin ‘yung lalakeng humalik kay Star kanina eh. Nangangati na talaga ‘yung kamao ko at humahanap ng dadapuan –at sakto ‘yung pagmumukha nung lalake para sa kamao ko. Pota talaga.

Nilibot ko ‘yung buong mall pero hindi ko pa rin sila nakita. Fvck baka may iba nang ginawa kay Star ‘yung gagong ‘yun! Taena! 

Sandali… virgin pa kaya si Star? 

AISH! Bakit ko ba iniisip ngayon ‘yan?! Taena! Nasasabik talaga ako sa kanya! Kailangan ko siyang makita ngayon! Ngayon na!

Patuloy kong nilibot ‘yung mga mata ko sa paligid. Napatigil ako nang masilayan ko si Star at ‘yung lalake niya sa tapat ng tindahan ng stuff toys. Magka-holding hands…

Ang sakit <//3 Akala niyo siguro porket devil ako hindi na ako nasasaktan? Pota malamang mali kayo! Nagmamahal nga eh ‘di ba? Kapag nagmamahal ka, automatic kang sumasaya at automatic ka ring nasasaktan. Ganito pala ‘yung feeling na makita mo ‘yung babaeng mahal mo kasama ng iba. Masaya siya kasama ng iba… pinakamasakit.

“Ang cute nun! Dale tignan mo!” Si Astarotte habang nakaturo sa isang stuff toy.

Dale…

Dale ang pangalan nang bagong boyfriend ni Star. Tsss… Dale. Anong klaseng pangalan ‘yun? Pangalang pang-gago?! Makakatikim talaga ‘yang Dale na ‘yan sa akin. 

“Gusto mo ba ‘yun, love?” Tanong nung Dale kay Star. 

Yuck! Love?! What the heck! Anong klaseng tawagan ‘yun?! ANG KORNI AMPOTA!

“Hmmm… huwag na. Uwi mo na lang ako.” Sabi ni Star dun sa lalake sabay ngiti.

Yung mga ngiti niya… hindi na para sa akin. Ang sakit talaga. Lalo na kapag alam mong ‘yung mga ngiti niya eh hindi na para sa’yo, para sa ibang tao… para sa bago niyang mahal.

Tsk tsk… Dale pala ha?

//Astarotte Serafica’s Point of View//

Sinundo ako ni Dale mula sa bahay kanina kasi tinext ko siya na bored ako at gusto kong lumabas. Ganun naman palagi si Dale eh, laging nandyan kapag kailangan mo siya. Maasahan talaga.

Kaya nag-mall kami. Kapag lumalabas naman kami ni Dale palaging ako ang nasusunod eh. Pag minsan nga ‘boss’ or ‘ma’am’ ang tawag niya sa akin dahil masyado raw akong bossy. Minsan nga tinanong ko siya kung nahihirapan na siya sa akin at nagsasawa na pero alam niyo ang sagot niya?

“Kailan ako magsasawa sa nakagawian ko na? Para mo na ring sinabing magsasawa ako sa paghinga.”

Oh ‘di ba? Imba sa ka-sweet-an. Hahaha! Kaya masaya naman ako kahit papaano kapag kasama ko si Dale. Yung apat na taon, siya ‘yung kasama ko. Lagi niya akong pinapasaya. Una niya akong niligawan nung collegekami eh. Alam niyo ba kung ilang beses ko siyang na-busted? Tatlong beses! First, Second at Third Year College! Actually, kakasagot ko lang sa kanya last year. Kaya kahit papaano may isang taon na rin kaming magkasintahan ni Dale.

Pero kung tatanungin ninyo kung mahal ko siya? Oo, mahal ko siya –kaibigan. Hindi naman ako magpapaka-ipokrita. Alam ko naman sa sarili kong si Cifer pa rin ‘yung mahal ko pero sinusubukan kong kalimutan siya. Sinusubukan kong mahalin si Dale. 

Hindi naman sa ginagawa kong panakip butas si Dale –sinabi niya kasing para maka-move on, dapat magkaroon ka ng bagong tao sa buhay mo na papalit dun sa taong nasa puso mo. Kaya ngayon? Kumakatok pa rin sa puso ko si Dale and I’m hoping na sana makapasok na siya at makalabas na si Cifer.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at dumiretso sa kwarto ko. Agad akong pumasok sa banyo at nag-shower.

Habang nagsho-shower ako biglang tumayo ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko may nanunood sa akin. Kaya dahan-dahan akong lumingon sa likod ko… at hindi nga ako nagkamali.

“Cifer…”

“Dale pala ha?” Sabi niya sabay smirk. God! I missed that trademark smirk!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: