Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[16] Unveiling the Truth

[16] Unveiling the Truth

//Cifer’s Point of View//

Hindi ko maintindihan! Putangina bakit ba gustong saktan ni Bossing si Star?! At bakit—bakit nasa katawan siya ni Dale?! Ginamit ba niya ‘yung katawang ‘yun?! Pero bakit?! Para saan?! Anong nangyayari?! 

“Sige na, Cifer—patayin mo na ako.” Sabi ni Dale—mali, si Bossing habang nakangisi. 

Pero bakit?! Bakit ko siya papatayin?! Bakit gusto niyang patayin ko siya?! Oo, gusto kong mawala si Dale pero… naging biktima na rin siya rito. Ginagamit ni Bossing ang katawan niya! 

Napatingin ako kay Star—ah sht! Umiiyak siya! Alam kong marami na siyang pinagdaanan pero higit na mas mahirap ‘to sa lahat. Naaawa ako kay Star… hindi niya dapat maramdaman ito. Hindi siya dapat maghirap ng ganito. Hindi niya dapat maranasan ang lahat ng ito. 

Lahat ng ito… nang dahil sa akin. Nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Talaga bang malabong maging kami hanggang sa huli? Talaga bang malabong magmahal ang isang katulad ko? 

“C-Cifer…” Sambit ni Star. Umiiyak pa rin siya. 

“Ano, Cifer? Naririnig mo ba siya? Naririnig mo ba ang iyak niya? Kaya mo ba siyang tiisin? Patayin mo na ako Cifer! Patayin mo na ako!” Utos ni Bossing sa akin. 

May mali. Alam kong may mali. Kung papatayin ko si Dale—lalaya si Star, sobrang dali! At alam kong kapag madali, may mali. Alam kong hindi ito ang plano ni Bossing. Alam kong meron pa. Nakikita ko ‘yun sa mapanuksong ngiti niya. Ang hindi ko alam, kung ano pang binabalak niya. 

Ang sabi niya noon sa akin—bumalik ako ng lupa, isama ko si Astarotte sa underworld, sunduin ko siya—pero bakit biglang may ganito?! Bakit bigla niyang ginagawa ‘to?! Ano ba talagang iniisip niya?! 

“Ano bang binabalak mo?! Bakit mo ‘to ginagawa?!” Tanong ko kay Bossing.

Hmm… dahil kaya ko?“ Humalakhak ito. 

“Sagutin mo ako! Bakit mo ‘to ginagawa?!” Muli kong tanong sa kanya. 

Mas humigpit ang hawak niya kay Astarotte at bigla na lang siyang naging si Bossing—hindi na si Dale. Kung ganun, nasaan si Dale? Anong ginawa niya kay Dale? 

“Nagulat ka ba, Cifer? Alam kong marami kang tanong. Pero dali na Cifer, patayin mo na ako! Ako pa rin naman si Dale! At ‘yun naman ang gusto mo ‘di ba? Ang mawala si Dale? Ang mawala ang karibal mo? Para masolo mo na si… Astarotte?” 

Bigla siyang bumalik sa katauhan ni Dale. 

“Kung hindi mo ako papatayin,” Tumingin siya kay Astarotte, “si Astarotte na lang ang papatayin ko.” Ngumisi ulit ito. 

Ah sht!

“Tangina wag! Bossing naman e! Bakit ka ba nandyan sa katawan ni Dale?! At bakit mo ba ‘to ginagawa?!” Tanong ko sa kanya. 

Dali-daling kumunot ang noo ni Dale—este, Bossing. Tapos ngumisi ulit siya. Tangina talaga. Parang hindi na siya si Dale! Ibang-iba na siya! 

“Naiinip na ako!” Bulalas nito, “Sige na nga! Sasabihin ko na!” Tapos bigla na lang ulit siyang naging si Bossing—wala na si Dale. “Ako talaga ‘to. Ako ang bossing mo—ang iniidolo mo. Ako si Satanas.” Sabi nito sabay ngisi. 

“Nasan si Dale?!” Agad kong tanong. 

Umakto itong parang nag-iisip, “Si Dale? Hmmm—teka, may Dale nga ba talaga?” Muli itong nagpakawala ng isang mapanuksong ngiti. 

Nabaling ang tingin ko kay Astarotte—shet! Umiiyak si Star! Putek! Hindi ko na dapat pinapatagal ang pag-uusap na ‘to! Alam ko namang walang gagawing matino si bossing—mali! Hindi ko na siya dapat tawagin pang bossing. Alam ko sa sarili kong gusto ko ng tumiwalag sa kanya. Gusto ko ng maging malaya. Gusto ko ng kumawala sa kanya. Simula nang gawin niya ‘to—simula nang saktan niya ang babaeng mahal ko, hindi ko na gustong maglingkod pa sa kanya. 

Gusto ko lang namang makasama ‘yung babaeng mahal ko e. Gusto ko lang siyang pasayahin, kaming dalawa! Gusto ko lang siyang mahalin habang buhay. Yun lang ang gusto ko—si Astarotte lang ang gusto ko. Pero bakit parang ang hirap-hirap nun? Bakit parang ang imposible?! 

Hindi ko man gustong aminin—pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon…

“Walang Dale, Cifer! Ako lang iyon! Si Dale at ako—iisa lang kami! Pinaikot ko lang kayo! Kayong lahat! Ginawa ko ‘yun para sa isang kasunduan.” Wika ni Satan.

“Anong kasunduan?” Tanong ko. 

“Hah. Kasunduan namin ni Gelle. Tignan mo nga naman ‘nu? Sinong mag-aakalang makikipagkasundo ang isang anghel sa isang katulad ko?” Humalakhak muli ito. 

Bakit naman makikipagkasundo ang anghel na ‘yun kay Satan?! Gagu ba siya?! Alam niya namang hindi patas sa kahit anong bagay si Satan tapos makikipagkasundo siya?! Adik ba ‘yun?! Tangina non! Nang dahil sa kanya nagkanda-leche-leche ang buhay namin ni Star! Bobong anghel!! 

“Anong kasunduan?!” Pasigaw kong tanong. 

“GUSTO KA NIYANG KUNIN SA AKIN!!” Biglang naglagablab ang lahat! Lahat ng nasa paligid ko, “Gusto ka nilang isama! Doon!” Sabay turo niya—langit? “Gusto ka nilang maging katulad nila! Pero naisip ko—Cifer, hindi mo bagay ang nakaputi. Mas bagay ka, kasama ko, sa underworld. Di ba, ‘yun naman ang pangarap mo?” 

Sandali—bakit ba nila ako gustong isama run sa langit? The fvck! Kahit anong mangyari—hinding-hindi ako pupunta run! Di ako sasama run! Dito lang ako! Sa tabi ni Astarotte! Langit, impyerno—wala akong pipiliin! Si Astarotte, siya lang ang pipiliin ko! 

“Sabi nila, hindi ka raw bagay sa underworld, simula raw ng magmahal ka,” Tinignan nito si Star, “simula nang magmahal ka, hindi ka na nabagay sa underworld—‘yun ang sabi nila! Pero hindi—hindi ako papayag na kunin ka nila, Cifer! Sa underworld ka nababagay—sa tabi ko! Dahil ikaw ang susunod na ako, alam mo ba ‘yun? Gagawin kitang katulad ko, Cifer! Makapangyarihan! Mapapasa’yo ang underworld. Hindi ba, ‘yun ang gusto mo?” 

“Gago! NOON ‘YON! Hindi na ngayon! Kung ‘yun ang problema mo—pwes, sige! Hindi ako sasama sa kanila! Hindi ako sasama sa kahit kaninong anghel pa ‘yan! Mananatili ako sa underworld pero putangina pakawalan mo si Star! Pakawalan mo na siya!!” Bulalas ko kay Satan. 

Nagulat na lang ako nang mabitawan ni Satan si Astarotte at biglang mapaluhod si Satan—tangina ngayon ka pa dumating na anghel ka! Gagu talagang Gelle ‘to! Late na late na e!

“Talagang hindi ka patas maglaro…” Wika nito tyaka nito isinaksak sa likuran ni Satan ‘yung dala niyang espada. 

Agad naman tumakbo papalapit sa akin si Star pero hindi na ito nakarating sa akin dahil bigla na lang nagpaulan ng bolang apoy si Satan—natira si Star! 

“Astarotte!” Sabay naming sigaw ni Gelle. 

Agad na tumakbo si Gelle kay Astarotte at sinalo ito, sunod namang nagpaulan ng bolang apoy sa direksyon ko si Satan kaya hindi na ako nakalapit pa kay Astarotte. 

Fvck! 

Mabilis na nakatayo si Satan at dinampot ako.

“Hindi niyo siya makukuha sa akin Gelle! Hindi siya sasama sa langit! Sa underworld siya nababagay! Siya! Siya ang susunod na Satan! TANDAAN NIYO ‘YAN!” Sigaw ni Satan. Wala nang nagawa si Gelle dahil tuluyan na kaming nawala sa paningin niya. 

Nawalan na ako ng malay dahil sa sakit na dulot ng bola ng  apoy na ipinukol sa akin ni Satan. Wala na akong ibang nakita—pero nasa isip ko pa rin si Star. 

Star…

//Gelle’s Point of View//

Tangan-tangan ko sa aking braso ang walang malay na si Astarotte. Lumipad ako papasok sa bintana ng kwarto niya at ipinasok siya roon. Inihiga ko siya sa kama niya. 

Kasalanan ko kung bakit nakuha ni Satan si Cifer—pero hindi ko naman kasi kayang pabayaan na lamang si Astarotte. Hindi ko lang talaga kaya. Mahal ko pa rin naman siya. At para sa akin, mas mahalaga siya kesa kay Cifer. 

Alam naman talaga namin bago kami makipagkasundo kay Satan na madumi siyang maglaro, na hindi siya patas—pero itinuloy pa rin namin. Dahil alam naming kami naman talaga ang magwawagi sa huli. Kami ang tatapos ng lahat-lahat ng ito. 

Madami nang isinakripisyo ang langit para kay Cifer, marami na itong ginawa para mabawi siya sa underworld. Hindi naman kasi talaga dapat mapupunta si Cifer dun—Satan deceived him. Niloko siya ni Satan. Hinarangan niya ‘yung mga anghel na dapat e kukuha kay Cifer at magdadala sa langit. Bago mamatay si Cifer, humingi siya ng tawad sa lahat-lahat lalong-lalo na sa Diyos. Naghihingalo na siya noong mga panahong iyon pero naramdaman ng Diyos na totoo ang paghingi ng tawad na iyon ni Cifer. 

Haaay… ang dami ng nangyari. Kamakailan ko lang naman kasi nalaman e. 

Sinuotan ko ulit siya ng angel ring. Hinalikan ko ang noo niya…

“Matatapos na ang lahat Astarotte, malapit na…” 

Pumagaspas muli ang mga pakpak ko at tuluyan ng lumipad papalabas ng kwarto ni Astarotte, papalayo sa kanya… 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: