Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[15] Fallen Angel

[15] Fallen Angel

//Ava’s Point of View//

Ah sht! Anong ginagawa ni Bossing ‘dun?! Bakit kasama niya ‘yung anghel?! At bakit… bakit… bakit nasa katawan siya ni Dale kanina?! Anong nangyayari?! Hindi ko maintindihan! Bakit bigla siyang naging si Bossing?! Aish! 

“Tahan na…” Sabi ni Bossing kay Anj habang hinahagod ‘yung likuran niya. Pero habang ginagawa niya iyon nakangiti siya nang para bang may masamang binabalak. Hindi… hindi maganda ‘to! 

Napalingon si Anj sa kanya, “S-Sino ka?!” Gulat na gulat ito, “W-Wag kang lalapit sa akin!!” Napatayo si Anj tapos lumayo kay Bossing.

Napangisi si Bossing at mas umigting ‘yung apoy na bumabalot sa buong katawan niya. Nakakatakot… nakakapaso kahit sobrang layo ko na, damang-dama ko pa rin ang init ng apoy niya. At kahit demonyo ako… kinilabutan ako sa nakita ko.

Tumayo si Bossing at lumapit kay Anj, habang si Anj naman ay takot na takot. Hindi ba talaga niya kilala kung sinong kaharap niya?! Ang bobo naman ampucha! 

“Huwag kang matakot sa akin, Anj. Dahil sa larong ito, tayo na lang ang magkasama.” Hinawakan ng malapad ng palad ni Bossing ang pisngi ni Anj, “Tayo na lang ang magkakampi.”

“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo! Hindi kita kilala! At bakit… bakit nag-aapoy ka?! Demonyo ka rin ba?! Sino ka?!” Tuloy-tuloy na tanong ni Anj. 

Aish! Ang bobong anghel! Hindi lang basta demonyo ang kaharap mo shunga! Yan ang pinakamataas na demonyo! Yan ang pinakamakapangyarihang demonyo! Umayos ka, tutustahin kitang anghel ka! Ulol ‘to. Ang bobo-bobo. Nakakainis! 

“Ako? Ako ang magiging susi mo para makuha si Cifer,” Napakunot ako ng noo. Bakit nasama rito si Cifer? Anong makuha? “’di ba mahal mo siya?” Ngumisi muli si Bossing. 

Mahal?! The fvck! Mahal ng bobong anghel na ‘yan si pareng Cifer?! Oshet! Ang malas naman niya! Sa lahat na nga lang ng mamahalin niya ‘yung total opposite pa niya! Demonyo pa! Ogags na anghel ‘to! Parang gusto ko na tuloy maniwala talaga na lahat ng hawt at seksi nasa underworld! Panis ata lahat ‘yung mga nasa anghel na nasa langit eh. Ewww~

Teka! Fvcking shet naman kasi! Bakit ba?! Anong meron?! 

“P-Paano mo nalaman?!” Bulalas ni Anj. 

So talagang mahal niya si Cifer?! Hala! Alam kaya ni Cifer ‘to?! Maygash. Pati anghel nadadagit niya! Ang taray! 

“Alam ko ang lahat-lahat, Anj. Lahat-lahat. At alam ko, punong-puno ng galit ngayon ang puso mo. Tama ako, hindi ba?” 

Hindi nakasagot si Anj. Nakatingin lang siya kay Bossing. 

Shet. Gets ko na. Galit si Anj? Nagagalit si Anj kaya biglang sumulpot si Bossing! Yung galit na nasa puso ni Anj ang dahilan kung bakit nakakalapit sa kanya si Bossing! Sinasamantala ‘yun ni Bossing para makalapit siya kay Anj! Pero ang hindi ko maintindihan—bakit puno ng galit ang puso ni anghel? Eh ‘di ba dapat ‘yung mga anghel pure ‘yung puso? As in talagang walang bahid ng kung anong galit, poot o kasalanan? Tyaka bakit pinupuntirya ni Bossing si Anj? O__________O

“Galit ka kay Astarotte. Galit ka sa kanya dahil alam mong kahit kailan—hinding-hindi ka mamahalin ni Cifer.” Sambit ni Bossing. 

Napatakip ng tenga si Anj. 

“Hindi! Sinungaling ka! Huwag mong sabihin ‘yan! Hindi ko kayang magalit kay Queen Astarotte! Anghel niya ako! Hindi ako magagalit sa kanya!” Patuloy na sabi ni Anj. 

Napahalakhak ng malakas si Bossing. Naramdaman ko ang mainit niyang presensya at ang unti-unting paglindol ng paligid. Bakit nagkakaganito si Bossing? Bakit niya pinapakialaman si Cifer sa mission niya? Hindi ko naiintindihan… 

“Sinungaling ka. Ngayon, mas dinungisan mo lang ang puso mo. Sa tingin mo, tatanggapin ka pa sa langit? Una, nagmahal ka ng demonyo, pangalawa, nagagalit ka at punong-puno ng poot ang puso mo—pangatlo, nagsisinungaling ka. Katanggap-tanggap ka pa kaya sa langit, ha?” 

“Huwag mong sabihin ‘yan! Parang awa mo na! Tumigil ka na!!” Tumulo ang luha sa mga mata ng anghel habang patuloy na tinatakpan ang tenga nito. Pero kahit ilang beses niyang takpan ang tenga niya—puso ang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ni Bossing sa harapan niya. 

“Sumama ka sa akin, Anj. Ipinapangako ko sa’yo—mapapasayo si Cifer. Magiging masaya kayo. Kayong dalawa lang. Hindi ba ganun ang gusto mo? Mamahalin ka niya, Anj. Kakalimutan niya si Astarotte. Kaya kong iutos ‘yun sa kanya at wala siyang magagawa kundi ang sumunod—sumama ka lang sa akin Anj. Ibibigay ko lahat ng hinihiling ng puso mo.” 

Kitang-kita ko ang determinasyon ni Bossing habang nakikipag-usap kay Anj. Gusto niya talagang makuha ang anghel na ‘to. Pero bakit? Para saan? 

“P-Pero paano… paano ang langit? Ang mga anghel? Paano si—”

Mabilig na pinutol ni Bossing ang sasabihin ni Anj, “Tumingala ka sa langit Anj! Sa tingin mo tatanggapin ka pa nila?! Sa tingin mo kailangan pa nila ng isang anghel na hindi na dalisay ang puso?! Tanggapin mo na, nilalamon ka na ng galit mo!” 

At sa isang kurap ko’y nawala ang mga mapuputing pakpak ni Anj. Agad siyang napatingin sa likuran nito. Mas lalong umagos ang luha nito. Kitang-kita ang lungkot sa mukha niya nang makita niyang wala na ang pakpak niya. Ang pakpak niyang simbolo ng katungkulan niya sa langit. 

“Nasaan ang pakpak ko?! Ang mga pakpak ko?! Asan na sila?!” Tanong ni Anj kay Bossing subalit nakangisi lamang ito, “Anong ginawa mo sa mga pakpak ko?! Ibalik mo sila!!” 

Humalakhak ng malakas si Bossing. Lumabas sa magkabilang palad nito ang dalawang bola ng nagbabagang apoy at ilang sandali pa ay ibinato niya ang dalawang iyon kay Anj. 

Ang buong akala ko ay susunugin niya ang anghel pero—nagkamali ako. 

“Ano ‘to?! Hindi ito ang mga pakpak ko!!”

Binigyan ng dalawang malalapad at maiitim na pakpak ni Bossing si Anj. Yung mga pakpak ni Anj… napakaganda. Kahit ako ay hindi mapigilang mamangha sa mga pakpak na iyon. Napakaganda. Napaka… makapangyarihan. 

“Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Bossing sabay ngisi. 

“Ano ‘to?! Anong ginawa mo sa mga pakpak ko?!” 

“Higit na mas bagay sa’yo ang mga pakpak mo ngayon. Kasing itim ng puso mo, hindi ba?” Humalakhak muli si Bossing, “Hindi lang ‘yan ang ibinigay ko sa’yo. Ilahad mo ang mga palad mo, Anj. Ilahad mo.”

Bagamat hindi maintindihan ni Anj ang nangyayari ay napatingin siya sa magkabilang palad niya. Sa unang tingin ay parang walang nangbago ngunit nang walang kung anu-ano’y…

“Ilahad mo, Anj. Sige na, sayang ang ganda nun kung hindi mo makikita.”

Inilahad ni Anj ang mga palad niya at biglang sumiklab ang apoy sa magkabilang palad niya. Subalit hindi tulad ng apoy na meron kaming mga demonyo, higit na kakaiba ang apoy na meron si Anj. Sobrang kakaiba. Ngayon ko lamang nakita. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong apoy. 

Kulay asul ang mga apoy na iyon. 

Narinig ko lamang kay Bossing ang uri ng apoy na iyan. Ang sabi niya dati sa amin, ang apoy na ‘yan ay espesyal. Espesyal dahil galing iyon sa kanya. Galing mismo sa loob niya. 

“Maganda ‘di ba? Ngayon, para naman hindi masayang ang ibinigay ko sa’yo. Bakit hindi mo gamitin?” Inilahad ni Bossing ang palad niya na animo’y may tinuturo. 

Napatingin si Anj sa direksyon ng itinuturo ni Bossing…

Si Astarotte habang nakatayo at parang nagpapahangin sa harapan ng bahay nila. Sht! 

Mas lalong lumapit si Bossing kay Anj at bumulong sa kanya, “Sige na. Gamitin mo na. Alam ko, naririnig ko ang tibok ng puso mo, gusto mo siyang mawala. Gusto mo siyang gawing abo.” 

“Hindi… hindi!!” Umiling-iling si Anj. 

“Hindi? Tignan mo siya, siya ang mahal ni Cifer. Siya ang babaeng mahal niya. At habang nabubuhay siya. Habang nabubuhay ang babaeng ‘yan, hinding-hindi ka papansinin ni Cifer. Hinding-hindi ka niya mamahalin. Isipin mo na lang kapag nawala siya. Isipin mo na lang ang pwedeng mangyari. Lalo na’t pwede mo na siyang makasama, kahit saan pa.” 

Ah sht! Sht! Papatayin niya si Astarotte! Gustong ipapatay ni Bossing si Astarotte kay Anj! Pero bakit?! Atyaka, anong nangyari kay Dale?! Nasaan si Dale?! 

Iisa lang ba talaga sila ni Bossing?!

Fvck sht talaga! So isang ilusyon lang pala si Dale?! Ibig sabihin, hindi siya totoo?! SHT!! 

Nagulat na lamang ako ng tumili si Astarotte at napatumba sa semento. Agad akong napatingin kay Anj. Sunod niyang ibinato ang isang bola ng asul na apoy mula sa kanyang kaliwang kamay. Napalibutan si Astarotte ng asul na apoy na iyon. 

Papalapit ng papalapit si Anj kay Astarotte. Kitang-kita ko ang mga mata ni Anj na nagniningas sa galit. Ganito pala ang nagagawa ng pag-ibig. Ginagawa kang masama, ginagawa kang makasalanan.

“A-Anghel kita ‘di ba?! B-Bakit mo ‘to ginagawa sa akin?!” Tanong ni Astarotte habang nakasalampak sa semento. 

Pinipilit niyang tumayo pero para bang sumasayaw ang asul na apoy sa paligid niya at konting galaw niya lang ay handa na siyang lamunin ng apoy na iyon. 

Samantalang nakangisi lamang si Bossing habang pinapanood si Anj. Si Anj na dating anghel… nang dahil sa pag-ibig, nahulog siya sa kasamaan. 

“Anghel ka, ‘di ba?” Nahihirapang tanong ni Astarotte kay Anj. 

Nagulat ako dahil bigla na lamang sumilay ang ngisi sa labi ni Anj. Isang ngisi na punong-puno ng galit. 

“Hindi na ngayon.” 

Muling ibinato ni Anj ang asul na bolang apoy pero hindi iyon tumama kay Astarotte… tumama iyon kay Cifer.

Fvckshet! Sa wakas andito ka na ring gago ka! Kung hindi baka tostado na ‘yang mahal mo! :3 Bagal umaksyon eh! >_________<

“Cifer…” Nanlaki ang mata ni Anj. 

Sa tingin ko, wala na talagang pag-asa pang mahalin ni Cifer ‘tong Anj na ‘to. Syempre, sa tingin pa lang ni Cifer sobrang galit na galit na siya o! Yung mahal mo naman daw kasi ang saktan, sinong hindi magagalit ‘dun?! Tsk tsk… hala ka Anj. Imbes na mahalin ka baka ikaw pa ang tustahin ni Cifer! 

“Anong ginagawa mo?!” Naiinis na tanong ni Cifer kay Anj.

“Cifer…” Umiyak na ulit si Anj. 

“Hindi mo ba maintindihan ha?!” Biglang nagliyab ang buong katawan ni Cifer dala ng galit, “Mahal ko si Astarotte! Siya lang! Wala ng iba!!” 

At ilang sandali pa ay natumba si Anj at tuluyan nang nanghina nang batuhin siya ng isang malaking bola ng apoy ni Cifer. Kawawang ex-anghel :3 

Lumingon na si Cifer kay Astarotte pero paglingon nito… 

“Mukhang madami ka nang natutunan sa underworld ah.” Wika ni Bossing habang hawak-hawak si leeg si Astarotte na kasalukuyang umiiyak. 

Sht. Hostage ni Bossing si Astarotte! Anong gagawin ni Cifer?! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: