Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[10] Bye Cifer

[10] Bye Cifer

//Astarotte Serafica’s Point of View//

Nakabalik na si Cifer mula sa underworld. Dun pala siya galing kaya hindi ko siya naabutan sa tabi ko nang magising ako. 

Uuwi na si Dale mamaya. Susunduin ko siya. Iiwanan ko na si Cifer…

Napabuntong hininga na lamang ako. Agad namang lumapit sa akin si Cifer at umupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa kama ngayon. 

“May problema ba?” Tanong nito sa akin at inayos ang buhok ko na tumatakip sa pisngi ko. 

Pinilit kong tumingin sa mga mata niya, “W-Wala. Masaya lang ako.” At pinilit ko ring ngumiti. 

Hindi mo lang alam Cifer. Hindi mo alam na peke ‘yung ngiti ko. Hindi mo alam na baka ito na ‘yung huli. Yung huling beses na makakasama kita, na mahahawakan kita, na mayayakap, na mahahalikan… na mamahalin. Huli, ito na ang huli. 

“Masaya?” Tanong nito.

“O-Oo, masaya ako kasi nandito ka. Masaya ako kasi ako ‘yung mahal mo. Masaya ako… kasi ikaw ‘yung mahal ko at masaya ako kasi kasama kita.” Hindi Cifer, hindi ako masaya. 

Paano ako magiging masaya kung alam kung panandalian lang ang lahat ng ito? Paano ako magiging masaya kung alam kong sa huli, kailangan kitang iwanan? Kung alam kong sa huli, kailangan kitang isuko. Kung alam kong sa huli, kailangan kitang saktan. Paano ako magiging masaya?! Paano?! 

Gustong-gusto na ng mga luha kong kumawala at umagos ng parang gripo. Pero hindi ko alam kung anong nagpapatatag sa akin at nakakaya ko pang pigilan. Siguro nga, si Cifer. Ang mga ngiti ni Cifer ang nagpapalakas sa akin. Ang nagpapatatag sa akin. Pero paano na kapag dumating na ‘yung oras na kailangan ko na siyang iwanan? 

Paano ako magiging malakas ‘pag wala siya?

“Ako rin. Sobrang masaya. Sana… sana palagi na lang ganito. Sana, habang buhay na lang na ganito.” Sambit niya tyaka ako niyakap ng mahigpit. 

Pero masakit mang isipin, puro ‘sana’ lang ang lahat. Gusto nating matupad, gusto nating mangyari pero hindi. Hindi pwede. 

Bakit ko nga ba pinili si Dale? Simple lang, kasi mas kailangan niya ako. At alam kong tuluyan akong makokonsensya kapag pinagpatuloy ko pa ‘tong relasyon namin ni Cifer. Ayokong sa huli, pareho ko silang masaktan. Kaya mas mabuti na lang ‘tong ganito. Isa lang ang masaktan sa kanilang dalawa. Si Cifer.

Alam ko namang kaya ni Cifer eh. Alam ko namang matatag siya. Alam kong makaka-move on siya kaagad. Pero si Dale? Baka ako pa nga ang maging sanhi ng pagkamatay niya eh. Kaya tama na siguro ‘yung desisyon ko. 

“Hindi mo ‘ko iiwan ‘di ba?” Tanong niya sa akin habang nakayakap pa rin. 

Sa tanong na ‘yun, unti-unti nang kumawala ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. 

Hindi mo ‘ko iiwan ‘di ba? 

Hindi. Hindi ko siya kayang iwan. Pero kailangan. Kailangan. Para kay Dale. Tama… para kay Dale. 

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Cifer nang mapansin niyang umiiyak ako. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang palad niya. 

“Bakit ka ba umiiyak?” 

“Masaya lang talaga ako.” 

Masaya ako… masaya ako… tama, masaya nga ako. 

Kahit hindi. 

//Cifer Capulet’s Point of View//

Hindi ko maintindihan. Bakit kahit ilang beses sabihin ni Star na masaya siya, bakit pakiramdam ko hindi? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling siya? Pakiramdam ko nagsisinungaling siya, pakiramdam ko may tinatago siya. 

Ano nga bang bumabagabag sa’yo ha, Astarotte? 

Niyakap ko na lamang siya. Hindi ko na tatanungin kung bakit siya umiiyak. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi. Ang mahalaga sa akin ngayon, nandito siya. Kasama ko, yakap-yakap ko. Masaya kaming dalawa sa piling ng isa’t isa. 

Yun lang naman ang mahalaga ngayon ‘di ba? 

Hindi ko naman hahayaang may mangyari ulit para magkahiwalay kami. Hindi na. 

Hinayaan ko ulit matulog si Astarotte kahit tanghali na. Nang magising siya, niyaya niya akong pumunta run sa puno kung saan niya ako sinagot. Nung una naguluhan ako pero sumunod na lang din ako sa kanya. 

Pumunta kami run nang magkahawak ang kamay. 

Nang makarating na kami sa mismong puno ay agad niya akong niyakap na ikinabigla ko. 

“Cifer, I’m sorry…” Umiiyak siya. Bakit? “Sorry… sorry kung gagawin ko ‘to. Sorry…”

Hindi ko maintindihan. Wala akong mantindihan ni katiting. Bakit siya nagsosorry?! Bakit siya umiiyak?! Anong sinasabi niya?!

Bakit bigla na lamang akong kinabahan sa inaasal ni Astarotte? Bakit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Bakit pakiramdam ko may gagawin siyang hindi ko magugustuhan. Bakit pakiramdam ko may sasabihin siyang ikasasakit ng puso ko? 

Bakit?

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin. Hawak ko siya sa magkabilang braso niya. Nakita ko ang mukha niya, ang mga mata niya. Nalulungkot, nasasaktan. Ano bang nangyayari?

“Ano bang sinasabi mo?!” Naguguluhan kong tanong sa kanya. 

“I’m sorry Cifer…”

Akala ko kanina puro ‘akala’ lang ang lahat. Yun pala, totoo… may sasabihin siyang ikasasakit ng puso ko…

“…Ayoko na. Maghiwalay na tayo.”

//Astarotte Serafica’s Point of View//

Katulad nga ng inaasahan ko, ang hirap. Ang hirap sabihin sa kanya ng mga katagang ‘yun. Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga habang sinasabi ko ‘yun sa kanya. Pero kung tutuusin, mas pipiliin ko na lang mawalan ng hininga kesa sabihin ‘yun sa kanya. 

Pero nasabi ko na. 

Tapos na.

Wala nang kami.

Wala nang Cifer sa buhay ko. 

Nakatingin lang siya sa akin pagkatapos ko ‘yung sabihin. Ilang segundo pa ang nakalipas ay unti-unti nang namuo ang luha sa mga mata niya. Hindi ko inaasahang makikita ko muli siyang umiyak.  At dahil pa rin sa akin. 

Hindi ko kaya… hindi ko siya kayang makita ng ganito. Hindi ko siya kayang panooring nasasaktan. Hindi ko kaya… masakit… sobrang masakit… 

Sana mamatay na lang ako… sana mawalan na lang ako ng lakas… sana mawalan na lang ako ng hininga… sana mawala na lang ako… 

“I knew it. Alam kong gagawin mo ‘to. Pero bakit?” Tanong niya sa akin.

Sabi ko na nga ba, malakas si Cifer. Hindi niya hinayaang tumulo ang mga luha sa mata niya. Kaya niya naman ‘di ba? Kaya niya naman kahit wala ako. 

“Dahil kay Dale?” Tanong nito.

Nagulat ako. Paano niya nalamang dahil kay Dale?! 

“Tama ako ‘di ba?!”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Galit si Cifer and at the same time, nasasaktan siya. Hindi ako sanay na ganito siya. Hindi! 

“Ako naman ‘yung mahal mo ‘di ba? Pero bakit siya ‘yung pinili mo? Bakit mo ginagawa sa akin ‘to Astarotte? Bakit?!” 

Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Wala akong maisagot. Hindi kaya ng bibig kong sagutin pa ang mga tanong ni Cifer. Masyado na akong nasasaktan at masyado ko na siyang nasasaktan. Hindi ko na kaya. 

Ang sakit, sobrang sakit. 

“Ako ‘yung mahal mo ‘di ba?” Hinawakan niya ang magkabila kong braso, “Sinabi mo ako ‘yung mahal mo! Bigyan mo ako ng rason kung bakit mo ‘to ginagawa Astarotte! Bigyan mo ‘ko!” Pasigaw niyang tanong habang niyuyogyog ako. 

Damang-dama ko ang matindinding galit na may kalakip na lungkot sa bawat salitang binibitawan niya. Nararamdaman ko pa ring nasasaktan siya kahit hindi ko siya nakikita, kahit hindi ako tumitingin sa kanya. Damang-dama ko, tagos na tagos sa puso ko. 

“S-Sorry…” Ang tanging salita na nasambit ko. Masyadong masakit para sa akin kung magsasalita pa ako. Hindi ko na talaga kaya.

“Bigyan mo ako ng rason! Kahit ano na lang! Huwag mo lang sabihin na hind mo na ako mahal. Huwag mo lang sabihin na kasinungalingan lang lahat. Huwag mo lang gawing rason… na hindi talaga ako.”

Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihing siya talaga ‘yung mahal ko. Gusto kong ipagsigawan sa kanya na totoo ang lahat. Gusto kong iparating sa kanya na siya lang, na siya lang talaga ‘yung mahal ko at gusto kong mahalin kahit kailan. Pero bakit ganito… bakit hindi ko kaya! Bakit kahit anong pilit kong ibukas ang bibig ko, bakit walang lumalabas na tinig?! Bakit hindi ko masabi?!

Alam ko na… tama, masyado na pa lang masakit. Masyado na pala akong nahihirapan. 

“M-May sakit siya Cifer. K-Kailangan niya ako!” Sigaw ko sa kanya. 

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Hindi na rin ako halos makahinga dahil sa patuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko. 

Hindi ko na talaga kaya… sobra ng sakit…

Tumakbo na ako papalayo kay Cifer dahil hindi ko na kayang makipag-usap sa kanya. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan lalo na nang dahil sa akin. Mas lalo lang nadadagdagan ang bigat na nararamadman ko sa dibdib ko ngayon. 

Pero ilang sandali pa ay napahinto ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod. Napapikit ako. Ito na ang huling beses na mayayakap ko siya. Ito na. 

“Huwag mo namang gawin ‘to. Parang awa mo na.” Wika nito sa akin. 

Sorry Cifer… sorry… 

Kailangan kong isipin na malalampasan niya rin ‘to. Kailangan kong isipin na hindi kami para sa isa’t isa. Kailangan kong isipin na magiging masaya rin siya kahit wala ako. Kailangan kong isipin… para lang mabawasan ‘yung sakit dito sa puso ko. 

“Kung may sakit din ba ako, ako rin ba ‘yung pipiliin mo? Kung naging mahina ako, ako pa rin ba ang pipiliin mo? Hindi mo ba ako iiwanan? Hindi mo ba ako sasaktan?” 

Hindi ko alam… hindi ko alam. 

“Tama na Cifer, just… let me go…” Sambit ko sa kanya. 

Naramdaman ko ang unti-unting paglisan ng mga braso niyang kanina ay mahigpit na nakayakap sa akin. Lingid sa inaasahan ko –mas masakit pala ‘to? Mas masakit pala ‘yung pakiramdam na pinapakawalan ka na ng taong mahal mo. Ang sakit-sakit. 

Nagkalakad na ako papalayo. Papalayo sa nag-iisang nagpapasaya sa akin. 

Papunta na ako sa taong mas nangangailangan sa akin. 

Bye Cifer… 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: