[1] New Mission... Impossible?
[1] New Mission... Impossible?
Bumalik ako sa underworld tangay-tangay ang kaluluwa ng babaeng nabundol ng truck kanina. Tangina! Wala ka talagang kupas Cifer! Ang galing mo pa rin kahit kailan!
Dumiretso ako sa opisina ni bossing at iniharap sa kanya ang nanghihinang kaluluwa ng babaeng sinundo ko. Jeez! Makakarinig na naman ako ng papuri!
"Wow Cifer. Another record? Isang oras mo lang siyang sinundo?" Pahayag ni bossing na halatang tuwang-tuwa.
"Yes bossing! Babaeng puta kasi 'to kaya agad-agad na pumatol eh. Sayang, sexy pa naman! Kaso laspag na eh." Komento ko habang pinagmamasdan ang babaeng tangan-tangan ko sa aking bisig.
"Osya, ilagay mo na 'yan 'dun sa loob at bumalik ka kaagad dito. May bago ka ulit misyon."
Kaya dali-dali kong ipinasok 'yung babae sa isang maliit, masikip, madilim at mainit na kwarto. Dito kadalasang pinapa-deretso sa akin ni bossing 'yung mga nasusundo kung kaluluwa para ibigay ang nararapat sa kanila.
Tangina nga eh. Naranasan ko ring mapunta rito. Alam niyo na, nung sinuway ko si bossing. Ang tagal ko ring nakulong sa putanginang silid na 'to. Dito ako naghirap eh. Kapag nandito ka, makakalimutan mong patay ka na --dahil hihilingin mong mamatay ulit para lang matakasan mo ang paghihirap at sakit.
Dito ko ginugol ang mahabang panahong pangungulila ko kay Astarotte --pero kamusta na kaya siya? Naiisip niya pa rin kaya ako?
Bullsht kasi! Hindi ko siyang pwedeng puntahan. Kasi raw, 'yung mga susunduin ko lang ang pwedeng makakita sa akin at pwede kong puntahan. Pero putangina! Miss na miss ko na si Astarotte! Gusto ko na siyang makasama ulit!
Pero hindi na pwede eh. Bakit? Una, dahil hindi na niya ako Guardian Devil --tumaas na ang pwesto ko rito sa underworld mga dre! Tagasundo na ako ng mga pupunta sa impyerno. Kailangan kong masigurong dito talaga sila mapupunta.
Hindi naman mahirap 'yung trabaho ko. Ang dali-dali nga eh. Kaso ang mahirap? Itong nararamdaman kong pangungulila sa babaeng mahal ko. Shit!
Matapos kong magmuni-muni at sariwain ang mga naganap sa silid na ito, lumabas na ako at bumalik sa opisina ni bosing. Nakaupo siya habang nakangiti. Mukhang masaya siya dahil marami na namang tao ang mapupunta sa impyerno --marami na naman akong susunduin.
"May susunduin pa ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Nabaling ang tingin niya sa akin, "Ah oo. Ito siya..." Dahan-dahang nilapag ni bossing 'yung litrato ng susunduin ko at fvck!
"PUTANGINA! SI ASTAROTTE 'YAN AH?!" Bulalas ko.
Hindi ako pwedeng magkamali! Shit! Ipapasundo niya sa akin ang babaeng mahal ko? Nababaliw na ba siya? Alam naman niyang mahal ko 'yang taong 'yan eh! Kaya kong tiising hindi siya makasama pero hinding-hindi ko matitiis makita siyang naghihirap dito! Fvck! Hindi!
"Kumalma ka!" Sigaw sa akin ni bossing.
Masama pa rin ang tingin ko sa litrato. Ayoko! Ayoko siyang sunduin! Ayoko siyang mapunta rito! Mas pipiliin ko pa namang mapunta siya sa langit at makasama si Gelle kesa sa makakasama ko nga siya rito, pero makikita ko naman siyang nahihirapan. Tangina hindi ko makakaya 'yun!
"Susunduin mo siya. Sa ayaw at sa gusto mo." Si bossing.
FVCK! Ayoko!
"AYOKO!" Sigaw ko.
"Wala kang magagawa Cifer. Pwera na lang... kung magpapalamang ka sa anghel na susundo sa kanya." Pahayag ni bossing.
Oo nga pala. Kapag may sinusundo ako, palagi akong may nakikitang anghel sa tabi nung taong 'yun. Kesyo binabantayan nila 'yung tao dahil umaasa pa silang magbago 'yun bago mamatay o sila mismo ang susundo kung hindi naman ganun kasama 'yung tao. Parang fifty-fifty kumbaga.
Kaya 'pag minsan kailangan ko pang makipaglaban sa anghel nung taong 'yun. Pero madalas, bumibigay kaagad 'yung anghel eh. Lalo na kung masyado ng masama 'yung taong susunduin ko.
"Puta!" Napamura na lamang ako. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, dahil alam kong hindi ko naman matatakasan 'to.
"Look at the bright side Cifer. Makakasama mo ulit siya, hindi ba gusto mo 'yun?" Napangiti siya ng nakakaloko na parang may binabalak na masama.
Oo gusto ko siyang makasama ulit pero ayoko siyang masaktan at mahirapan. Ayoko siyang mapunta rito at magdusa kagaya ko. Pero anong magagawa ko?
"Tanggapin mo na --ah mali! Tatanggapin mo rin naman ito eh. Kahit anong gawin mo, wala kang takas dito Cifer. Tyaka, pwede ka namang magpatalo sa anghel niya 'di ba? Kung kakayanin nga lang ng pride at ego mo." Napahalakhak siya.
Oo. Alam ni bossing na ayaw na ayaw kong magpatalo. Minsan na akong natalo ng anghel at putangina dahil parang gusto kong putulan ng pakpak 'yung anghel na 'yun at iprito siya. Bwiset lang. Kaya kung makakaya ko --hindi ako magpapatalo.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Involve na si Astarotte at lahat kakayanin ko para lang sa kanya. Kahit pa magpatalo...
Oo tama! Magpapatalo na lang ako. Makakasama ko si Astarotte, pero hindi ko siya susunduin, magpapatalo ako sa anghel niya. Magpapatalo ako kay Gelle.
Napa-close fist ako, "Sige. Tatanggapin ko na."
"Hindi mo talaga matiis ang babaeng 'yun ano? Pero binabalaan kita Cifer. Huwag mo na ulit gagawin ang ginawa mo noon. Tandaan mo, last chance mo na ito. Kapag pumalya ka ulit, alam mo na ang mangyayari sa'yo." Sabi ni bossing.
Binigyan kasi ako ni bossing ng isa pang pagkakataon para makabawi sa kanya. Paborito niya raw ako kaya niya 'yun ginawa. At ito nga... naging tagasundo na ako.
"So ano? Handa ka na ba ulit makita siya? Handa ka na bang...
sunduin siya?" He smirked.
Shit! Nanghihina ang loob ko kapag naiisip kong isasama ko siya rito. Pero hindi... magpapatalo ako. Magpapatalo ako sa anghel niya para hindi ko siya maisama rito. Just stick to the plan Cifer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro