Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ chapter five;; prom invitation }

{ chapter five;; prom invitation }

Hindi na rito nakatira si Yannie.” Malamig na sagot ni Warner sa babae.

Ah, eh si Leomer?” Napakunot ng noo si Warner nang marinig nito mula sa babae ang pangalan ng tatay niya. Mas lalo siyang nagtaka sa tunay na pakay ng babae.

Patay na po ang Daddy ko.” Sagot ulit nito.

Nalungkot ang ekspresyon ng babae, “Paano ko mababawi ang anak ko?” Naluha ang babae.

Lalong naguluhan si Warner kung kaya’y minabuti niyang itanong dito kung sino ba talaga siya at kung anong koneksyon niya sa tatay niya.

A-Ako ang…” Lumunok ang babae, “…nanay ni Y-Yannie. B-Binenta ko siya sa… sa Daddy mo. Isasauli ko na sana itong—” Napatingin si Warner sa brief case, “—p-pera. Walang bawas ‘yan. G-Gusto ko lang makita ulit ‘yung anak ko. Gusto ko lang ulit siyang makasama.

May naging relasyon ba sila ng Daddy ko?” Desididong tanong ni Warner sa babae.

W-Wala. Wala silang naging relasyon. Malapit lang talaga sila ni Leomer dahil ninong niya ‘yun at tinuring na din niya ‘yung anak.” Sagot ng babae.

Hindi makapaniwala si Warner sa mga narinig niya. Matagal na panahon siyang binulag at biningi ng galit niya. Napagtanto niya na ‘yun pala ang gustong ipaliwanag sa kanya ni Yannie noon pa man, pero hindi siya nakinig. Mas inuna niya ang galit niya. Mas pinaniwalaan niya ang galit niya.

Sabi ni Leomer, hindi niya pwedeng ampunin bilang anak si Yannie kasi ayaw mo raw ng kapatid. K-Kaya ang alam ko S-Salazar pa rin ‘yung apleyido ng anak ko.” Maluha-luha ng ang babae subalit nagawa pa rin nitong mapangiti ng unti.

Kaya pala hindi maipaliwanag ng Daddy niya noon kung ano si Yannie sa buhay nila. Kasi mismong siya ay hindi rin alam kung ano ba talaga. Gusto niya lang tulungan si Yannie pero minasama ‘yun ni Warner. Nang dahil dun naging impyerno parehas ang buhay nilang dalawa. Galit na galit si Warner pero ngayon ay hindi na kay Yannie—kung sa sarili na nito mismo.

Hindi na nakapagpaalam si Warner sa babae at agad nang sumakay ulit sa motorsiklo niya’t pumunta sa pinakamalapit na bar sa kanila. Doon ay nagpakalasing siya at nilunod ang sarili sa alak. Gusto niyang makalimutan lahat ng problema niya. Gusto niyang makalimutan lahat ng pananakit na ginawa niya sa babaeng mahal niya. Gusto niyang bawiin lahat ng masasakit na salitang kinalat niya sa buong school at ang mga sinabi niya kay Yannie. Lahat-lahat gusto niyang kalimutan… gusto niyang itama.

Magsasara na ang bar na pinagiinuman niya kung kaya’y wala siyang choice kundi umalis doon. Unang pumasok sa isip niya ang puntahan muli si Yannie para humingi ng tawad. Alam niyang sobrang daming kasalanan ang nagawa niya run at kahit ilang beses siyang humingi ng tawad ay hinding-hindi pa rin ‘yun makakalimutan ni Yannie. Pero ganun pa man ay hindi pa rin siya nag-atubiling puntahan ‘yun.

Bumuhos ang malakas na ulan habang naglalakad si Warner papunta sa bahay ni Yannie pero hindi niya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Nang makarating siya sa tapat ng pinto ay agad siyang kumatok. At dahil hindi makatulog si Yannie dahil sa lakas ng ulan ay minabuti niyang bumaba at silipin kung sino ang taong kumakatok. Nung una ay nag-atubili siya’t natakot. Maghahatinggabi na nun at maaaring masamang tao ang nasa likod ng pinto pero narinig niya ang malakas na boses ni Warner na tumatawag sa pangalan niya.

Agad niya itong binuksan at tumambad sa kanya ang basang-basa sa ulan na si Warner at agad niya ring nahalata na lasing ito.

Warner—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil agad siyang sinunggaban ng halik ni Warner.

Gusto niya sanang manlaban pero alam niyang wala siyang panama sa lakas ni Warner. Sumunod ay ang mas lalong ikinagulat ni Yannie.

Yannie I love you. I’m sorry.” Mabilis na sabi ni Warner. Hindi nito binigyan ng pagkakataong makapagsalita si Yannie at hinalikan muli niya ito, “I’m sorry. I’m sorry for everything. I love you Yannie. I love you.” Paulit-ulit na sinasambit ni Warner sa gitna ng mga halik nila.

Naguguluhan si Yannie pero hindi niya maikakaila sa sarili niya na gusto niya ang mga nangyayari. Gustong-gusto niya ulit marinig na mahal siya ni Warner. At hindi niya ini-expect na maririnig muli niya iyon mula sa kanya. Sobrang bilis ng mga pangyayari pero tingin niya ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo para sa kanilang dalawa.

Hawak-hawak ni Warner ang magkabilang pisngi ni Yannie, “Alam ko na ‘yung totoo. Alam ko nang binenta ka ng nanay mo—Yannie I’m so sorry but I love you. I love you so much and I will do everything to be with you again. Please, please give me another chance…

Nagulat si Yannie pero ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ni Warner. May parte ng puso’t isipan niya na ayaw maniwala at pinipilit na baka parte na naman ‘to ng pangbubully sa kanya. Pero may isa ring parte ng puso’t isipan niya na gustong maniwala na naliwanagan na ang isipan ni Warner. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya kung kaya’y pinili na lamang niyang i-consider na lasing lamang si Warner kaya niya nasasabi ang mga iyon.

Lasing ka lang. Halika pumasok ka sa loob basang-basa ka—

Yannie I know that I’m drunk but I also know what I am doing and what I am saying… and I mean it. I love you.” Determinadong sabi ni Warner. Ibinalik muli nito ang labi niya sa labi ni Yannie at dahan-dahan niya itong hinalikan.

Hindi na nag-isip pa nung kung ano-ano si Yannie at hinayaan na lamang si Warner. Kung panaginip man ang lahat, bahala na kapag nagising siya. Kung parte man iyon ng pangbubully ni Warner, bahala na. Dahil hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman niya. Hindi niya kayang ihinto ‘yung pagtibok ng puso niya para kay Warner.

***

Maagang nagising si Yannie at ang una niyang ginawa ay tignan ang espasyo sa gilid ng kama niya kung saan nahiga si Warner kagabi. Oo, may nangyari sa kanilang dalawa ni Warner pero wala siyang nakita kahit anong sulat man lang mula sa kanya. Basta-basta na lamang itong naglaho ng walang pasabi. Doon na nakumbinse si Yannie na parte lamang iyon ng mga planong pagpapahirap ni Warner sa kanya. Gusto niyang pagsisihan ang lahat pero huli na.

Naibigay niya na kung ano mang meron siya kay Warner.

Napasuklay na lamang ito sa buhok niya gamit ang kamay nito at muling nahiga sa kama.

***

Matamlay at tahimik lang si Yannie habang nakaupo sa cafeteria kasama si Adam. Napansin naman ‘yun ni Adam at agad na nagtanong kung anong problema nito.

Are you okay?” Tanong ni Adam.

Tumango lamang si Yannie. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Warner kagabi. For her, it’s not about the sex. It’s about those words that Warner told her. Magkasalungat ang puso’t isipan niya ngayon. Gustong maniwala ng puso niya pero gustong magalit ng isip niya. Hindi niya maintindihan kung paano nalaman ni Warner na binenta siya ng nanay niya samantalang siya, ang nanay niya at si Adam lang ang nakakaalam ng katotohanang iyon. Hindi na alam ni Yannie ang iisipin. Gulong-gulo na siya.

Are you still thinking about him?” Tanong muli ni Adam.

Alam ni Adam ang totoo. Kahit anong mangyari, kahit anong kawalanghiyaan pa ang gawin ni Warner kay Yannie, hinding-hindi pa rin magagawa ni Yannie na kalimutan siya. Mahal nila ang isa’t isa at walang magawa si Adam sa katotohanang iyon.

Hindi.” Pagsisinungaling ni Yannie.

Pero ang totoo ay hindi maalis sa isipan niya ang bawat salitang binitawan ni Warner kagabi. ‘Yung tingin ni Warner sa kanya habang sinasabi ‘yung mga ‘yun. ‘Yung halik na pinagsaluhan nila kagabi. Yannie still believes that he made love to her last night… because that’s what she felt.

Samantalang hindi naman naniwala sa sagot ni Yannie si Adam. Pero nagpanggap na lamang siya. Iniba niya ang topic sa pamamagitan ng paglapag ng promenade invitation sa lamesa. Tinignan lamang ito ni Yannie atyaka siya napatingin kay Adam. Ngumiti si Adam sa kanya.

If you really want to change the past and choose again, this is your chance.” Sambit nito.

Gustong ikwento ni Yannie kay Adam ang lahat ng nangyari kagabi pero alam nitong hindi ‘yun makakatulong lalo na kay Adam. Alam niyang mahal siya nito ang hindi niya ma-figure out ay kung anong gagawin niya sa pagmamahal na ‘yun na alam niyang hindi niya kayang suklian.

Pag-iisipan ko muna kung pupunta ako o hindi.” Sagot naman ni Yannie sa alok nito.

The truth is, he wants her to choose him. At sa tingin niya ay ang pagpili ni Yannie sa kanyang makasama sa prom ang simula nun. Naisip niya na siguro ngayon ay may pag-asa na siyang mapili ni Yannie dahil sa sunod-sunod na pananakit sa kanya ni Warner.

Doon humuhugot ng pag-asa si Adam.

***

Hindi sanay si Yannie sa naging takbo ng buong araw niya. Tahimik ‘yun at halos walang nanggulo sa kanya. Walang tumatawag ng slut o pinagtatawanan siya. Walang kahit anong pananakit ang nangyari ngayong araw sa kanya. Pati si Warner hindi niya nakita. Mabilis ang naging araw niya dahil walang nagpahirap sa kanya ngayong araw.

Pauwi na sana siya at si Adam na nag-volunteer ihatid siya subalit nang makalabas sila ng gate ng school ay hindi inaasahang makikita niya si Warner na nagaabang doon kasama ang motorsiklo niya.

Agad na napansin ni Warner ang dalawa, lalong-lalo na si Yannie. Nakita niyang magkasama silang dalawa kung kaya’y hindi niya napigilan ang agad na pagseselos. Dali-dali siyang lumapit kay Yannie at nang makita nito ang prom invitation sa kamay nito ay mas lalo pang umigting ang inis nito.

You’re going to the prom with him?” Hindi makapaniwalang tanong ni Warner kay Yannie sabay turo kay Adam, “You’re still hanging out with him?!

Warner ano ba—

You already gave yourself to me last night Yannie but what is this?!” Ayaw ni Yannie na pinaguusapan ang nangyari sa kanila kagabi lalo pa’t kasama nila si Adam. “I figured out that you’re not a slut but please stop acting like one!

Doon na napuno si Yannie at sinampal ng malakas si Warner.

Ano? Parte pa rin ba ‘yun ng pangbubully mo? Masaya ka na kasi sa wakas mapapatunayan mo na sa kanilang lahat na tama ka?! Na slut ako?!” Napapikit si Yannie at doon na ulit muling bumuhos ang mga luha nito, “Tama na Warner… pagod na pagod na ‘ko…” Atyaka na ito tumakbo papalayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro