Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8. Hopeful Bride




"Wake up, sleeping giant. It's time for breakfast." Ipinatong muna ni Sarah ang tray ng kanilang almusal sa gilid ng kama. He did not stir a bit. Pinagmasdan niya ang payapang pagtulog ni Harmon.

Napagod ang pobre. Napapangiti siya habang naiisip ang pinagsaluhan nila nang nagdaang gabi. He was such a considerate, tender lover. Nang malaman nitong salat siya sa karanasan ay matiyaga siyang inihanda nito at tinuruan.

They enjoyed the lovemaking immensely. It left them both spent and satiated. Mag-uumaga na nang makatulog sila.

At wala siyang pinagsisisihan.

Sumampa siya sa kama at niyuko ang esposo niyang himbing pa rin. Pinaulanan niya ng magagaan na halik ang mukha nito. Saka pa lang ito nagising.

"'Morning," nakangiting bati niya rito nang magmulat ito ng mga mata.

"The best morning of my life, indeed," anito habang tinititigan siya.

Kakabigin sana siya nito ngunit maagap siyang nakaiwas. "Baka matapon ang almusal natin." Natatawang bumangon na siya sa kama.

Bumangon na rin ito at nagsalo na sila sa almusal. "Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko para bigyan ako ng Diyos ng isang asawa na kagaya mo," madamdaming pahayag nito pagkatapos humigop ng kape.

"Don't be modest. Napaka-lovable mo nga. You are a good man, Harmon... You have proven that in more ways than one. Huwag ka na nga lang sigurong magsusungit."

"Iyon na nga, eh. Madalas kitang pagsungitan noon. Marami na rin akong nasabing masasakit na salita sa iyo pero hindi pa rin nawala ang pagka-'crush' mo sa akin."

Nilukutan niya ng ilong ang panunudyo nito.

Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa kanila. Manaka-nakang sinusubuan siya nito ng itlog at toast na pinahiran nito ng butter.

"Nakakahalata na ako, ah," aniya. "Mukhang mas marami pa akong nakakain kaysa sa iyo."

"Gusto ko kasi na makabawi ka ng lakas. Pinagod kita nang husto kagabi... At mamaya, papagurin na naman kita." Mas mahina ang boses nito sa huling sinabi.

Napahagikgik siya, sabay pindot ng ilong nito.

Ngumiti ito at huminto habang mataman siyang pinagmamasdan.

"Bakit kung makatitig ka, parang gusto mo akong idagdag sa almusal mo?" biro tuloy niya para itaboy ang biglang pagkailang.

"Puwede?"

"Seryoso ka?"

Ito naman ang humalakhak. Halos mag-umapaw ang kaligayahan sa dibdib niya habang napagmamasdan itong ganoon kasaya. I love you, Harmon. Hindi ko alam kung kailan ko masasabi iyan sa iyo. Because I fear to see you cringe at the thought of you hearing it from me.

Mayamaya ang naging seryoso uli ito. "Mommy... sino ba talaga ang tunay na mommy ni Chesie? Bakit hindi mo itinama ang akala ko noon na talagang anak mo siya?"

Wala siyang nagawa kundi ipagtapat ang totoo.

"You sacrificed a lot for Chesie," sabi nito pagkatapos siyang magkuwento.

"Kaligayahan para sa akin ang kapalit ng sakripisyong sinasabi mo. I have learned to love her so much. Kulang na lang na manggaling siya sa akin. And what more? She led me into marrying you."

"Gusto mo na ba ngayon ang pagpapakasal sa akin?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"After last night, oo," pakikay na sagot niya na ikinahalakhak na naman nito.

"AY, GUTOM!" Kay lakas ng tawa ni Sarah nang makitang bumagsak si Harmon sa damuhan.

Papasok sana sila sa cafeteria ng resort nang yayain siya nitong mag-swing muna sila sa Indiana Jones swing na nasa katabing playground. Single rope swing iyon na ang upuan ay bilog na steel plate. Naka-hang iyon sa mahabang kable sa itaas na palusong sa gilid ng bundok.

Kusang dudulas ang lubid sa kable at mabilis ang pag-slide ng swing. Masarap sumakay roon ngunit pagdating sa dulo, sa pinakamabilis na speed ng nakasakay, saka iyon hihinto at pipigilin ng gadget sa dulong kable. Tatalsik paitaas ang nakasakay roon. Kaya kung hindi mahigpit ang pagkakahawak sa lubid ay tiyak na plakda ang sakay ng swing sa damuhan. Tulad na lang ng nangyari kay Harmon.

Kunwa ay iinut-inot na lumapit sa kanya si Harmon nang makabangon ito. Ngunit nang makalapit sa kanya ay bigla siyang binuhat at iniitsa pataas.

Napatili siya. Ngunit nang bumagsak siya ay sa mga bisig pa rin naman nito. Kinagat niya nang marahan ang ibabang labi nito. "Naughty!"

"Naughty?" protesta kunwari nito. "Hindi n'yo pa po ako nakikitang maging naughty. Pero bago tayo makaalis sa resort na ito, I'll show you that side of me," anitong sinundan pa ng isang pilyong kindat.

"'Tagal!" kantiyaw naman niya.

"Sige, kantiyawan mo lang ako. Humanda ka mamaya."

Kumakain na sila sa loob ng cafeteria nang mapansin niyang may galos ang braso nito. "Hey, dumudugo ang braso mo."

"Kaunting gasgas lang 'yan. Malayo sa bituka." Pinunasan lang nito ng tissue paper ang sugat.

Ngunit nang makakain sila ay tumanggi siya nang sabihin nitong mamasyal pa sila. Hindi pa sila nakakapunta sa waterfalls ng resort at doon ito nagyayaya. "Gamutin muna natin ang braso mo."

Siya nga ang nasunod. Umuwi muna sila sa cottage.

"Hindi ka ba nagsisisi?" tanong nito habang ginagamot niya ang sugat nito.

"Ano naman ang pagsisisihan ko?"

"'Yong nagpakasal ka sa akin. Alam mo namang hindi kita mabibigyan ng anak. Kahit capable kang magbuntis, hindi mangyayari iyon dahil baog nga ako."

Tumitig siya sa mga mata ni Harmon. Kulang na lang ay ideklara niya ang unrequited love niya rito. Ngunit sa huling sandali napigil niya ang sarili. "Sapat na sa akin na may isang Chesie tayo. At mas kompletong atensiyon ang maibibigay ko kung kayong dalawa lang ang aasikasuhin ko. Hindi naman ako mapaghanap. Basta habang 'crush' mo 'ko, kontento na ako n'on," pagpapakuwela pa niya. And as if to reassure him, she tilted her face and snatched a kiss from his lips.

Napabuntong-hininga ito pagkatapos. Hinawakan siya nito sa baba at pinagdikit ang kanilang mga noo. Pinagkiskis nito ang kanilang mga ilong. Nang umunat ito para tumayo ay tangay na siya.

"Bukas na lang tayo mamasyal, Mommy," pilyong bulong nito bago pagapangan ng halik ang gilid ng kanyang mukha at punong-tainga. "Gusto nang ipakita nitong daddy mo kung gaano siya ka-naughty..."

Itinuloy na nga siya nito sa silid nila.

"KASAL ka na 'kamo kay Mon?" hindi makapaniwalang tanong ni Ayanna kay Sarah.

Kahapon lang sila dumating na mag-asawa mula sa limang araw nilang honeymoon sa Davao. Lumipad na rin pabalik sa Maynila kaninang umaga ang mga biyenan niya at si Helen. Pumasok na sa opisina ang kanyang asawa. Naiwan sila ni Chesie sa bahay.

"Oo. Pasensiya ka na, ngayon ko lang naitawag sa iyo."

"Paanong nangyari? Akala ko ba..."

"Mahabang kuwento, Ayanna. Pero si Chesie ang dahilan ng lahat." Ikinuwento niya rito ang tungkol sa banta ng kanyang ama at ang proposal ni Harmon.

"Well, in a way, natutuwa ako para kay Mon. Pero hindi ba unfair naman yata sa kanya na nagpakasal na naman siya sa isang babaeng hindi siya mahal?"

"Hindi siya mahirap mahalin, Ayanna. Ngayon pa lang, mahal ko na siya." Iyon na lang ang kanyang sinabi dahil nahihiya siyang aminin sa kaibigan na matagal nang nasa puso niya si Harmon.

"Really?"

"Oo. Lovable nga pala siya. Lalo ngayon, hindi na siya nagsusungit. At mahal din niya si Chesie."

"Well, if that's the case, masaya na rin ako para kay Mon. And I'm also happy for you. You married a great guy, Sarah. Sana, kahit dumating ang mga pagsubok sa inyo, huwag mong iiwan si Mon. Nasaktan ko siya nang husto dati. Gusto ko naman na umigaya rin siya sa pagkakataong ito."

"Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mapaligaya siya."

"Salamat, Sarah. I wish the best for both of you."

Hindi niya inakalang ganoon lang pala kadali ang magiging pagtatapat niya sa kaibigan. Hangad ko rin iyon, Ayanna. At titiyakin kong liligaya sa piling ko si Harmon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro