6. Hope Ruiner
Walang intensiyon si Robielle na palalimin ang halik. She had no intention of kissing him in the first place. She just wanted to make her point to Salvador. At iyon ang unang pumasok sa isip niyang gawin—ang halikan ito.
Gusto lang niyang makasiguro na hindi lang siya ang apektado sa paglalapit nilang dalawa. At kung totoo nga ang hinala niya, gusto niyang ipamukha iyon kay Salvador.
Hindi nga siya nabigo, kaagad na kinubkob nito ang mga labi niya. Ito na ang humahalik ngayon.
Parang sandcastle na ginapangan ng alon ang kanyang mga tuhod. Nanlambot kaagad ang mga iyon sa pagkalat ng mga sensasyong dumadagsa sa kamalayan niya. She had never thought a kiss could be moral-meltingly sweet. Wala na siyang naiisip nang mga sandaling iyon kundi ang pinagsasaluhan nilang halik.
Halos mapugto na ang kanyang hininga nang lubayan nito ang bibig niya. “You got what you asked for,” humihingal na wika nito, binitiwan na siya, “what you came here for. Siguro naman, uuwi ka na.”
She was stunned. Sa tono nito ay lumalabas pang pinagbigyan lang pala siya.
Gumalaw na ang kanang kamay niya upang sampalin ito. Ngunit napigil niya iyon. Nag-init bigla ang sulok ng kanyang mga mata.
Bago pa niya lalong ipahiya ang sarili at mapaiyak sa harap nito ay tumayo na siya. Halos takbuhin niya ang pagbaba sa bahay nito.
PINAGMAMASDAN ni Salvador si Andrea. Kahihiga lang nito sa tabi niya. It was their first night and he understood her shyness. Napakaganda talaga ng asawa niya, napakaamo ng mukha. He knew she would grow into a very lovely woman. But something in him prevented him to show tenderness to her. “Lumapit ka rito.”
Nabigla ito. “H-ha?”
“Umisod ka palapit sa akin.”
“E-eh, ano... kuwan...”
Nagpakita siya ng inis sa pag-aatubili ni Andrea. Bumangon siya at inialsa ito. Ibinaba niya ito sa gitna ng kama.
Napatili ito.
“Huwag ka ngang eskandalosa. Wala pa akong ginagawa sa 'yo.” Tinabihan uli niya ito. Sadyang idinikit niya rito ang kanyang katawan.
Tumili na naman ito.
Sa magkahalong inis at pagkapahiya sa sarili ay bigla na lang niyang dinukwang ito at hinalikan sa bibig.
Tahimik lang na umiyak ito habang nagpapasasa siya sa mga labi nito. He tried to coax some response from her. Noong una ay para lang tuod ito. Ngunit nang magtagal, nadala na rin ito ng mga halik at haplos niya. Tinugon nito ang paglalambing niya. May pag-aalangan man ay gumanti ito sa mga halik at haplos niya.
Alam niya na kapwa na sila darang nang tangkain niyang angkinin ito. Ngunit hanggang pagtatangka lang ang nakaya niyang gawin.
Binitiwan niya ito. Humihingal na napaupo siya sa ibabaw ng kama. Frustrated na dinaklot niya ang mga kamay sa kanyang buhok kasabay ng impit na hiyaw.
Ipinilig ni Salvador ang kanyang ulo sa pagdalaw ng alaalang iyon. Magkaibang-magkaiba sina Andrea at Robielle. Kaya nagtataka siya kung bakit pareho ang reaksiyon ng katawan niya sa dalawang babae. Samantalang sa iba naman, kahit doon sa halos ipagduldulan na ang sarili sa kanya, ay hindi.
Umahon siya sa divan at dinala sa kusina ang naiwang ice bag ni Robielle.
Hindi pa man siya nakakaabot sa kusina ay narinig na niya ang sigaw ng dalaga. Hindi na nasundan iyon. Parang may spring ang kanyang mga paa na napapihit siya. Patakbong bumaba siya ng bahay patungo sa kabila. Tumatahol na sumunod naman si Jagger sa kanya. Naunahan pa siya nitong makarating sa bahay ng dalaga.
Ginalugad niya ang kabahayan. Narinig niya ang kahol ni Jagger sa gawi ng kusina. Nang makalapit siya roon ay nagulat siya sa nakita. Nakasandal at nakahawak pa ang takot na si Robielle sa kitchen counter. Ang isang kamay nito ay may hawak na tinidor. Sa kabilang panig naman ng kusina ay naroon ang isang lalaking sapo ang tagiliran. May sugat ang itaas ng braso nito at ang kamay na sumasapo sa tagiliran nito ay inaagusan din ng dugo.
Nang makita siya ni Robielle ay sumugod ito ng yakap sa kanya. Nanginginig ang katawan nito sa takot. “H-he tried to grab me. B-bigla na lang siyang lumitaw dito a-at—”
“Sshh,” aniya rito, sabay hapit sa katawan nito. “I got you. Now go to your room like a big girl. I-lock mo ang pinto. Ako na ang bahala rito.”
May pag-aatubiling sumunod ito sa kanya. Siya naman ay hinawakan na ang lalaki at kinaladkad itong palabas. Kilala niya ito. Ito ang pinuno ng kulto. Sa katunayan, pulos pasa pa ang mukha nito at may putok sa kilay at labi dahil sa suntok niya kagabi. Ganoon na lang ang pagsisikap niyang kontrolin ang galit. Hindi niya makatkat sa isip ang takot sa mukha ni Robielle nang mapasukan niya ang mga ito sa kusina. Kung hindi nga lang masamang pumatay ng tao, baka pinilipit na lang niya ang leeg ng lalaki.
Nang makarating sila sa balkonahe, umaakyat na roon ang pulis na nakatanod sa labas ng bahay ni Robielle. “May narinig akong sumigaw at—” nahinto ito sa pagsasalita nang mapagmasdan ang lalaking kaladkad niya.
NARINIG ni Robielle ang tawag ni Salvador mula sa labas ng silid niya. Pagkatapos ay kumatok ito. Pinagbuksan niya ito.
“Are you all right?” usisa nito, iginagala ang tingin sa kanyang kabuuan na para bang may hinahanap na mali roon.
Tumango lang siya at pinahid ang natitirang luha sa kanyang mga mata. Hindi na siya nagdalawang-isip nang ilahad ni Salvador sa kanya ang mga bisig nito. Kusa siyang pumaloob doon.
Mahigpit siyang niyakap nito, nagbibigay ng lakas at katiyakan ng kanyang kaligtasan. Sa kabila ng mga nangyari, ganoon ang pakiramdam niya—ligtas dahil kasama niya ang kanyang protektor.
Mayamaya ay kumalas na ito. Iniupo siya nito sa kama at tinabihan siya roon. “Kailangan nating magpunta sa istasyon ng pulisya. Pero kung hindi mo pa kaya, okay lang. Makapaghihintay naman sila. Ano ba talaga ang nangyari?”
Sympathetic ang hitsura nito habang kinakausap siya. Hindi tulad kanina na sinusungitan siya nito. Ayaw tuloy umahon ngayon sa dibdib niya ng inis at pagkapahiya rito kanina.
Bumuntong-hininga si Robielle. Hanggang maaari sana ayaw na niyang alalahanin pa kung ano ang mga nangyari. It gave her the creeps. “Nang umakyat ako rito kanina, tumuloy ako sa kusina para uminom ng tubig. Bigla akong hinawakan ng lalaking 'yon. H-he tried to kiss me. Mabuti na lang at malapit ako sa drawer ng mga kubyertos. Nakakuha ako ng tinidor at iyon ang isinaksak ko sa kanya.
“Kaya lang, hindi pa rin niya ako tinigilan. He mauled me. Kaya napilitan akong saksakin uli siya ng tinidor. 'Yon nga 'yong tama niya sa tagiliran. Tell me, m-mabubuhay pa ba siya?”
“Of course, siguradong dadalhin siya n’ong pulis sa clinic. Don’t worry, hindi mo mapapatay ang taong 'yon sa gano’n lang. Siya dapat ang matakot. He won’t get away with what he did.”
“Pero bakit niya ginawa sa akin 'yon? Hindi naman kami magkakilala. I swear, kanina ko lang nakita ang hitsura ng lalaking 'yon.”
“Masasagot na siguro ang tanong mong 'yan mamaya. Get a grip of yourself. Hihintayin kita sa balkon. Puntahan mo ako roon kapag ready ka na.”
Sinampahan na nila ng kaso ang lalaking nagpakilala sa pangalang Muldon Tubanak. Isa nga ito sa mga katutubo ng isla. Pinuno rin ito ng relihiyon o kulto ng mga katutubo roon. Minsan daw sa isang taon ay inaalayan ito ng mga kasaping lalaki ng isang birhen. Ngunit kadalasang isa ring katutubo ang birheng iyon.
Nakita raw siya ni Muldon malapit sa barangay hall minsang samahan niya ang maid ni Dina na ipatala sa barangay bilang bagong mamamayan doon. Siya raw ang hiniling nito sa mga kasama nito bilang regalong birhen.
Pati ang dalawang lalaking dumukot sa kanya at kasapi ng kultong punamumunuan ni Muldon ay kinasuhan din.
Inilipat si Muldon at ang dalawa pa nitong kasama sa piitan sa Agno, ang bayang nakasasakop sa Heron Island. Doon maghihintay ang mga ito hanggang magkaroon ng pagdinig at paghatol ang sakdal laban dito.
Muling nanumbalik ang kapanatagan sa isip ni Robielle.
“BAKIT mo ako binibigyan ng regalo?” puno ng pagtataka na tanong ni Salvador nang abutan ito ni Robielle ng isang bagay na ibinalot niya sa soft pastel papers at tinalian ng satin ribbons.
Kanina pa siya urung-sulong na ibigay iyon. Hindi kasi niya maunawaan ang sarili kung bakit pakiramdam niya manliligaw siya ni Salvador na nanunuyo rito. Babae siya at nakakaramdam pa rin naman siya ng hiya kahit pa maraming beses na siyang nagpaka-daring sa harap nito.
Ngunit dahil nga hindi naman niya ugaling umatras sa isang hamon, o sa kahit anong bagay na inisip niyang isagawa, narito siya at lakas-loob na lumapit kay Salvador. Nang makita niyang lumabas ito sa terrace ay bumaba kaagad siya at lumipat sa beach house nito.
“Gusto ko lang bigyan ka ng token of appreciation ko sa mga nagawa mo sa akin. Ilang beses mo na akong nailigtas. Kung tutuusin, kulang na kulang pa nga 'yan.”
“Hindi mo kailangang gawin ito. Hindi mo kailangang tumanaw ng utang-na-loob. Kahit naman sinong nangangailangan at nagkataon din na kaya kong tumulong, tutulong ako.”
“Pero gusto ko talagang ibigay 'yan sa 'yo.”
“Ano ba ito?”
“Buksan mo.”
Kinalag nga nito ang ribbon ng regalo. Isang malaking sigay ang laman ng gift box, makintab at maganda ang natural na disenyo, kamay ng Diyos ang gumawa. “Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng shell.”
“Ako rin. Isang beses, bumagyo rito noon nang malakas. Wala kang maririnig noon dito kundi maingay na tunog ng alon na humahampas sa dalampasigan. Pero nang humupa ang mga alon at naglakad ako sa beach, napulot ko 'yan.”
Bahagyang tumango ito.
“Do you know that when you hold it close to your ear, you’ll hear the roaring of the sea?”
Tila amused na tumingin ito sa kanya at nang matiyak na hindi siya nagbibiro ay tumawa ito.
Pumitlag ang dibdib ni Robielle nang makitang nag-transform ang mukha nito. Noon lang niya ito nakitang tumawa at hindi niya inaasahan na lalo palang magpapalutang iyon ng kaguwapuhan nito.
“Do you honestly believe that?”
Napapangiting napanguso siya sa panunudyo nito. “Totoo naman, ah. Bakit hindi mo subukan?”
Inilapit nga nito ang shell sa tainga. Eksaheradong pinalaki nito ang mga mata ngunit tatawa-tawa pa rin ito. “Oo nga, ano?”
Lalo siyang napanguso. “Alam ko naman na hindi totoo 'yon pero pareho nga sila ng tunog.”
Huminto na ito sa pagtawa at tinitigan siya. “Minsan, naiisip ko na isang paslit ka lang na na-trap sa katawan ng isang dalaga. Sometimes you are a frightened kid. Oftentimes I see you as a sprite full of mischief. And sometimes you just look like a playful girl without a care in this world whatsoever.”
Medyo touched siyang malaman na inoobserbahan pala nito ang mga kilos niya. Hindi naman pala ito dead-ma sa kanya tulad ng palaging ipinakikita nito. “Is it good or bad?”
“I won’t tell. Baka kung anong kalokohan pa ang maisip mo.”
Pasulimpat ngunit pabirong tiningnan niya ito. May palagay siyang “good” iyon para dito. “Tell me about your wife.”
Nawala ang masayang ngiti nito. “Bakit naman doon nalipat ang topic?”
“I’m just curious. At huwag mong sabihin na hindi mo gustong i-discuss ang tungkol doon. Kaibigan mo naman na ako. Natural lang na malaman ko ang ilan tungkol sa iyo.”
Bumuntong-hininga ito at tumanaw sa laot. “Sino sa kanila?”
Nanlaki ang mga matang napatingin siya rito. “What? Are you telling me you had more than one wife?” Noong dampian niya ang mga pasa nito ng ice bag ay nakita niyang naiwan ni Salvador ang wallet nito sa ibabaw ng refrigerator. Naakit siyang tingnan iyon. Nakita niya roon ang larawan ng isang magandang babae.
Naka-dedicate para dito ang larawan. Kaya nalaman niya na iyon ang dating asawa nito. “Andrea” ang pangalang nakalagay sa likod niyon. May isa pang larawan sa wallet na magkasama ang dalawa. They looked good together. Na-curious tuloy siyang malaman kung ano talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay ng mga ito.
“I was divorced twice.”
“Really?”
“Really...”
“You are that bad, huh?”
Pinagalaw lang nito ang mga balikat.
“What happened to your last wife?”
“She loves someone else. So I set her free.”
“Sa dalawang 'yon, hindi ka man lang nagkaanak?”
Umiling lang ito. “Kailan nga pala ang balik nina Dina rito?”
Dismayado siya sa pag-iiba nito ng paksa. Iginalang na lang niya ang kagustuhan nito. Talaga sigurong hindi nito gustong isiwalat sa ibang tao ang sariling buhay nito. “Wala siyang sinabi kung kailan. May sakit pa raw ang biyenan niya.”
Ilang paksa na ang kinauwian ng pag-uusap nila. Ngunit ang tungkol sa kanilang dalawa ay hindi man lang nito tinangkang pahagingan. At hindi siya papayag na papanaog siya roon nang hindi iyon nasasagi man lang. “Mahal mo pa rin ba siya?”
Nalito ito at nagulat sa pagkambiyo na naman niya ng paksa. “Who are you talking about?”
“Your second wife.”
“No,” mabilis na sagot nito. “I never loved anyone. Kaya hayaan mo na lang ako, Robielle. Ayokong isipin mo na napaasa kita or anything like that. Huwag mong isubo ang sarili mo sa akin. Ayokong saktan ang damdamin mo.”
Daig pa niya ang tinarakan ng patalim sa dibdib.
.....................
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro