Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10. Lost


Matagal nang hinihintay ni Reina ang tawag o kahit text man lang ni Linus ngunit lampas na ang lunchtime ay hindi pa rin ito tumatawag.

Mula nang maghiwalay sila nang nagdaang gabi hindi pa ito tumatawag sa kanya. Kaya nang sumapit ang coffee break siya na ang tumawag sa cellphone nito. Naka-divert sa landline sa bahay ang tawag sa cellphone nito. Nang sagutin naman siya ng isa sa mga katulong, ayon dito ay wala roon si Linus. Hindi raw nito alam kung nasaan ang amo. Kaya hindi rin niya ito nakausap.

Hanggang sa makauwi siya sinisikap niyang makontak si Linus. Tumawag uli siya sa landline nito dakong alas-nuwebe ng gabi. Ayon sa maid na nakasagot sa kanya may bisita raw ito at hindi maaaring abalahin.

Imposibleng hindi maaaring abalahin si Linus kahit na may bisita ito. Tawag  iyon sa telepono na puwedeng saglit lang na sagutin. Kaya naghinala siya na baka nagbilin si Linus sa mga maids nito na kung siya ang tatawag ay huwag nang ibigay rito ang telepono.

Nasaktan si Reina sa isiping iyon. May kinalaman kaya iyon sa namagitang halik sa kanila nang nagdaang gabi? O baka naman pinagbabawalan ni Katrina na huwag na itong makipagkita o makipag-usap man lang sa kanya?

Nang nagdaang gabi, bago pa matuloy ang namagitang halik sa kanila sa isang bagay na maaaring kapwa nila pagsisihan ng binata ay pinutol nito iyon. 

Alam ni Reina na tulad niya ay darang na rin si Ln. Ngunit nagawa pa rin nitong ilayo sa kanya ang sarili. Wala silang napag-usapang anuman pagkatapos ng nangyari. Basta nagkusa na lang si Linus na ihatid siya pauwi.

“Nagkita na kami ng iyong ama.”

Nabaling sa mommy niya ang kanyang pansin. “Talaga po?”

“Oo. Pinuntahan ko siya.”

“Ano po’ng napag-usapan ninyo? Nakumbinsi ba ninyo siya na magpagamot?”

“Oo, anak. Sinamahan ko siya kanina sa ospital. Kinunan siya ng mga tests at bukas babalik uli kami doon. Nailipat ko na rin siya sa ibang bahay. Malapit din sa lugar na iyon pero maayos-ayos na.”  

Natuwa siya sa nalaman. “Mabuti naman at nakumbinsi n’yo siya. Ahm, Mommy, naisip n’yo ba na iuwi na lang siya rito?”

Malungkot ang ngiti na lumitaw sa mga labi nito. “Wala akong ibang gusto sa ngayon kundi ang magkasama-sama tayong tatlo, anak. Pero sa nakita ko sa iyong ama, hanggang ngayon nananatili na ang iyong ina pa rin ang mahal niya.
“Pero patay na ang nanay ko.”

“'Yon na nga ang nakalulungkot. Patay na ang asawa niya pero hanggang ngayon, ito pa rin ang mahal niya. Hayaan na lang natin na masunod ang gusto niya, anak. Kilala ko ang tatay mo. Ma pride din ang isang 'yon. Hindi siya mapapalagay na siya pa ang bubuhayin at hindi siya ang bubuhay sa sarili niya. Hirap na hirap nga ako sa pagkumbinsi sa kanya na lumipat ng tirahan. At alam kong napapayag ko lang siya dahil sa iyo.”

“Sa akin?”

“Oo. Nag-aalala siguro siya sa kaligtasan mo tuwing dadalaw ka sa kanya. Nakita mo naman 'yong dati niyang lugar. Mabuti nga, hindi ka natiyempuhan ng mga loko roon.”

Nang muling bumalik ang mommy niya at ang kanyang ama sa ospital, nalaman ng mga ito na may sakit sa baga ang kanyang ama. Mababa rin ang bilang ng pulang dugo nito.

Siya na ang bumili ng mga gamot at lahat ng kailangan ng kanyang ama. Tiniyak niya na maayos ito sa bagong tirahan. Nagtalaga naman ang mommy niya ng isang mapagkakatiwalaang houseboy na makakasama ng kanyang ama sa bahay at magpapaalala sa pag-inom nito ng gamot sa tamang oras.

Tuwing hapon, pagkagaling niya sa opisina ay dinadalaw niya ang kanyang ama. Kahit paano nalibang siya sa pag-iisip sa hindi pagtawag at pakikipagkita sa kanya ni Linus.

Ngunit sa gabi, sa kanyang pamamahinga okupado lang ni Linus ang isip niya. Nasasaktan pa rin siya sa ilang araw na hindi nila pagkikita. Nangungulila siya rito nang husto.

Huwebes ng gabi, pag-uwi niya sa bahay ay ibinalita ng Lolo Roberto niya na tumawag doon si Linus. Kinukumpirma nito na tuloy ang lakad nila patungong Subic, Sabado ng madaling-araw iyon.

Nasorpresa siya. Hindi niya inaasahang itutuloy pa rin ni Linus ang sinabi nito sa kanya. Pero bakit hindi siya ang tinawagan nito?

Kinabukasan, paglabas niya ng opisina, sa halip na dumaan sa tinitirhan ng kanyang ama ay nagtuloy na lang siya sa bahay ni Linus. Tatlo ang dahilan niya. Una, kailangan nilang mag-usap kung bakit hindi na ito tumatawag, nagte-text o nakikipagkita sa kanya. Ikalawa ay sabik na sabik na talaga siyang makita ito. Gusto niyang kumustahin ito, alamin kung may problema ba ito at bigla na lamang pinutol ang komunikasyon nila. Ang ikatlo ay hindi niya alam kung magagawa niya. Dahil isipin pa lang ay nilulukuban na siya ng labis na kahihiyan sa sarili.

Subalit wala si Linus sa bahay nito pagdating niya roon. Ayon sa katulong na napagtanungan niya, kaaalis lang daw nito. Inihatid daw nito si Katrina.

Para na namang sinundot ng matalas na bagay ang dibdib ni Reina sa nalaman. Si Katrina pa rin talaga ang mahal nito.

Bakit nga ba umasa siya na magbabago pa ang pagtingin dito ni Linus pagkatapos ng dinner nila noong Lunes ng gabi? Hindi pala maiimpluwensiyahan iyon ng halik na namagitan sa kanila. Kunsabagay, nilinaw naman iyon ng binata noon pa mang una nilang pag-usapan ang tungkol sa kanila.

Ngayon ay malinaw na rin sa kanya ang dahilan ni Linus sa hindi pagtawag nito at pagpapakita sa kanya ng linggong iyon—si Katrina.


...................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro