Truth Slap
13
“ANONG nangyayari, Valtus? Bakit nandito ka na? Bakit hindi mo kasama si Lani?”
Nag-angat lang ng ulo si Valtus nang agawin sa kanya ni Fitch ang hawak niyang lata ng beer.
“Nagkausap na ba kayo?” tanong uli ni Fitch. “Anong sabi niya?”
“Hindi kami nagkausap, pare. Hindi na ako nagpakita sa kanya.”
“Ano?” Naupo ito sa bar stool at hinarap siya. “Bakit? Di ba sabi mo sa ‘kin hindi ka uuwi dito hangga’t hindi mo siya kasama?”
Nagbuntong-hininga siya. Hindi man lang napagaan noon kahit kaunti ang bigat sa dibdib niya. Bigat na hindi na nawala mula nang malaman niyang nilayasan siya ng asawa. “Hindi pala gano’n kadali, Fitch.”
“That’s why you’ve been drinking. Huwag mo sanang kakalimutan na maayos ka na, pare. ”
“I saw her with him. Masaya na siya, Fitch. Pagkatapos ng kasal namin noon, hindi ko na nakitang tumawa si Lani. But with that man, it looked so easy for her to smile and laugh. Laughed that carefree laughter that I never saw when we’re still together. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon, pare? Sobrang sakit. Sobra-sobrang sakit na parang namatayan ako ulit ng ina at ama.”
Tinapik siya nito sa balikat. “So what happens now?”
“Hindi ko alam, pare,” sagot niya kasunod ng isa uling buntong-hininga. Pinipigilan lang niyang mapaiyak sa labis na bigat ng dibdib. “Ang alam ko lang, hindi ko makakaya na mawala sa akin nang tuluyan ang asawa ko.”
“Then you have to do something. Ikaw na ang nagsabi. Asawa mo siya. Kaya ikaw ang mas may karapatan sa kanya. Balikan mo siya. Bawiin mo. Ask forgiveness. Woo her again. Valtus, pare, between you and that man, you have the upperhand. Kaya bakit ka magpapatalo?”
“Wala akong balak na magpatalo sa kahit na kaninong lalaki kung si Lani rin lang ang involved. Hindi ko lang alam kung paano ulit siya lalapitan. I can’t stand to see her cringing away from me again.”
“Sa ngayon wala ka pang magagawa kundi tiisin ‘yon if ever na mangyari. Dahil kailangan mong makalapit uli sa kanya. Kailangan na malaman niyang nag-undergo ka na ng treatment. Na wala na siyang dapat ikatakot sa iyo. At deserve mo din naman ng second chance. Afterall, kasal kayo.”
Pero may malaki siyang takot na hindi na niya mapapabalik si Lani sa kanya. Nakita niya ang ekspresyon ng mga mata nito habang nakatingin sa lalaking iyon at tumatawa. It pained him to see the look of love in her eyes, so to speak. Sobrang sakit na makitang hindi na siya ang mahal ng pinakamamahal niyang asawa kundi ibang lalaki na. At napakasakit din na makita ang takot sa mga mata ni Lani nang magtama ang mga tingin nila.
Paano niya buburahin iyon? Paano niya isisingit muli ang sarili sa buhay ng asawa kung kinasusuklaman at kinatatakutan pa siya nito?
Ilang gabi siya na halos hindi napagkakatulog dahil sa pag-iisip. Pero habang dumadaan ang mga oras at araw, mas nagiging matibay ang kanyang resolve na balikan at bawiin si Lani.
Nang sumunod na araw ay lumipad uli si Valtus pabalik sa Maynila.
Tiyempo na bumaba si Lani sa palengke nang lapitan niya. Napakaganda pa rin nito. Simpleng jeans at t-shirt lang ang suot pero namumukod pa rin ang ganda sa karamihan. Mula sa report na ibinigay sa kanya ng private investigator ay alam na niya ang oras ng pagpunta sa pelengke ng asawa. Namimili ito ng ingredients para sa mga iluluto. Ayon sa PI, may maliit na catering business si Lani at ang customer nito ay ang boarders sa mga paupahan na nakapaligid sa kasalukuyang tinitirhan nito.
Hinintay muna ni Valtus na makalayo ang kotseng naghatid sa asawa. Kahit hindi niya nakikita dahil sa tinted na salamin, alam niya na sakay noon ang lalaking nakita niyang kasama ni Lani sa mall. Naiinis siya pero kailangan niyang kalmahin ang sarili. May misyon siya na kailangang gawin. Misyon na maibalik sa poder niya ang asawa. At hindi siya dapat mabigo. “Lani…”
Gulat na gulat ang asawa niya nang lumingon ito at makitang nakaagapay lang siya. “V-Valtus?” Pagkabigla at takot ang nasa mga mata nito. Takot na nakita niya noon sa mall nang magtama ang mga mata nila.
“Puwede ba tayong mag-usap sandali?” Hindi makapaniwala si Valtus na iyon ang unang sasabihin niya kay Lani pagkaraan ng halos anim na buwan mula nang takasan siya nito. Kung kagaya pa siya ng dati, malamang na walang sabi-sabing kinaladkad na niya ito at sapilitang dinala sa kotse.
Napansin niya ang panginginig ng mga kamay nito. Nasaktan siya. Pero masisisi ba niya ang asawa kung takot pa rin ito sa kanya?
“Huwag kang matakot sa akin, Lani. Hindi kita sasaktan. I won’t even touch you. Gusto ko lang talaga na magkausap tayo. Doon naka-park ang kotse ko.”
Nanatili lang itong nakatayo at nakamata sa kanya.
Sumagap siya ng hangin dahil parang hindi siya makahinga. Napakasakit pala na makitang ang taong mahal na mahal mo ay takot na takot sa iyo. “If it will help, gusto kong malaman mo na sinunod ko ang sinabi mo sa akin dati. I’ve sought the helf of a professional. Nag-undergo na ako ng treatment sa isang psychiatrist.”
Hindi alam ni Valtus kung nakatulong ang sinabi niya. Pero sumunod ito nang humakbang siya patungo sa dala niyang rented car.
“It’s been five months and twenty-two days since you left me…” simula ni Valtus nang pareho na silang nakaupo sa loob ng kotse. Nakikita pa rin niya ang bahagyang panginginig ni Lani. Gustung-gusto na niyang yakapin ito nang mahigpit at huwag nang bitiwan kahit kailan. “Kumusta ka na?”
“O-okay na ako. Okay na ako ngayon.”
Naiintindihan niya ang mga salitang hindi nito sinabi. Hindi ito maayos noong tumakas sa poder niya. At hindi niya ma-imagine kung gaanong takot at hirap ang sinagupa nito para lang makalayo sa kanya. At ngayon pa lang ito nagiging okay. Ngayon pa lang umaayos ang buhay nito. Na guguluhin na naman niya. “I’m sorry… I’m so sorry, Lani. Hindi tama ang mga ginawa ko sa iyo noon. Hindi tama na gamitin kita para ma-gratify ang sexual urges ko. You don’t deserve to be raped… to be manhandled. And by your own husband at that. Na dapat nagmamahal lang at n-nag-iingat sa i-iyo.” Sa puntong iyon, hindi na niya napigilang mapapiyok. Ngayon bumabalik sa isip niya kung gaanong sakit at pambabastos at pangmamaliit ang nagawa niya sa sariling asawa. Puwede siyang bitayin sa mismong oras na iyon bilang kabayaran ng kanyang nagawang kasalanan dito; at wala siyang karapatang tumutol. “I’m truly sorry, Lani. Alam kong hindi sapat na mag-sorry lang ako para sabihin kung gaano kalaki ang pagsisisi ko sa mga nagawa ko sa iyo. Siguro hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon… Pero umaasa ako, Lani. Sana… sana dumating din ang panahon na mapatawad mo pa ako.”
“Napatawad na kita, Valtus. Sa ikagagaan ng dibdib ko, pinili ko na lang na patawarin ka.”
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Lani. At natutuwa siya. “Thank you. Thank you so much. I promise you, kapag nakabalik na tayo sa atin, hinding-hindi mo na mararanasan ang mga pangit na dinanas mo sa akin. Nagbago na ako, Lani. Tutupad na ako sa wedding vows natin. I will take you with me to take care of you. To love and to cherish, to have and to hold…”
“Pinatawad nga kita pero hindi ibig sabihin noon na makikisama pa ako sa iyo, Valtus. Hindi ko makakayanan na bayaran ang gastos kapag nag-file ako ng marriage annulment natin. Kaya makikiusap ako sa iyo na ikaw na ang gumastos. ‘Yon na lang ang hihingin kong kabayaran sa mga kasalanan na ginawa mo sa akin.”
“M-marriage annulment?” Nabingi yata siyang bigla sa narinig.
“Oo. Makikipaghiwalay na ako sa iyo, Valtus. Hindi na ikaw ang mahal ko. Matagal na. At ngayon, may mahal na ‘kong iba.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro