Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Found

“ALAM mo ba, kung sakali na magkaroon ako ng sariling pamilya, hindi pa rin ako papayag na mawala sa poder ko si Ayeth.” Pinagmamasdan ni Xaniel si Roma habang sinasabi iyon. Gusto niyang subukin ito. Gusto niyang alamin kung ano ang stand nito sa sinabi niya. Parang hindi na niya makakaya ang isa na namang heartbreak kung ang babaeng susunod na mamahalin niya ay tutol sa ideya. Si Ayeth ang nag-iisa niyang pamilya.
“Tama ka naman. Bata pa siya. Saka kayong dalawa na lang sa pamilya.”
“Kung mag-aasawa ka ba, at namalan mo na kasama pala ninyong titira sa bahay ang ibang members ng family niya, okay lang sa iyo?” Pinakaswal lang ni Xaniel ang tono pero napakahalaga para sa kanya ng magiging sagot ni Roma.
“Oo naman. Pamilya ko na din sila, if ever. Parte ng asawa ko. May mga instances na mas mabuting may kasamang kapamilya kaysa kung dalawa lang kayong magsasama sa iisang bubong. Para hindi umaabuso ang isa sa inyo. Para lang may pangingilagan dahil hindi lang kayong dalawa ang tao sa bahay.”
Napangiti siya. Ibang-iba ang pananaw nito kaysa kay Libby.
“Isipin mo nga, kung mag-aasawa ka at iiwan mo rito si Ayeth on her own, mapapalagay ba ang loob mo? Di ba hindi?”
“Actually… kaya kami naghiwalay ng naging girlfriend ko, ayaw niyang makasama namin si Ayeth. Ayaw niya na titira sa amin ang kapatid ko.”
“Ah?” sabi nitong parang hindi makapaniwala.
“Oo. Last year, no’ng mag-propose ako sa kanya, sinabi niya agad sa akin na kapag mag-asawa na kami, gusto niyang kaming dalawa lang sa bahay. Ayaw niya na may ibang tao, kahit pa ang kapatid ko. Mas gusto niya raw na tumira sa isang bahay na kami lang ang tao.” Nang sabihin iyon sa kanya ni Libby ay nadismaya siya. Tumutol agad siya. Sinabi niya na hindi niya maaaring pabayaang mag-isa sa bahay ang kapatid. Pero hindi niya natinag ang stand ni Libby. Nagmatigas ito sa gustong mangyari. Dumating pa sa punto na tinanong siya nito kung sino ang pipiliin niya—ito o si Ayeth. Masakit sa kanya ang magdisisyon. Pero sa kahit anong punto o panahon ng buhay niya, hindi niya puwedeng pabayaang mag-isa ang kapatid niya. Hirap na hirap ang kalooban niya nang makita kung gaano iniyakan ni Libby ang kanyang pasya. Mahal niya ito at ayaw niyang saktan. Pero labag sa loob niya ang gusto nitong mangyari. At mas pipiliin niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan kaysa pabayaan ang sarili niyang kapatid. Kaya naghiwalay sila ng landas ni Libby.
“Mahal mo pa ba siya?”
Umiling siya at ngumiti sa tanong ni Roma. Parang gusto niyang kiligin. Inaalam nito kung mahal pa niya ang kanyang ex. Interesado itong malaman. He should not read too much from it but he cannot help it. “Ikaw na ang mahal ko, di ba?”
Namula ito at nag-iwas ng tingin. Pero nakita na niya ang nahihiyang ngiti na itinago nito. Pinigilan lang niya ang sariling mapatalon sa tuwa.

ITINULOY pa rin ni Valtus ang pagtungga sa hawak na wine glass sa kabila ng pagtapik ni Fitch sa balikat niya. Kanina pa siya nito pinipigilan sa pag-inom. Baka raw makasama na sa kanya. Dalawang buwan na mula nang mawala si Lani. Dalawang buwan na rin niyang pinagbabalingan ang alak. Hindi niya matanggap na nilayasan siya ng asawa. Ito na nga lang ang mayroon siya at nawala pa. Mahal na mahal niya ito. Ano pa ang silbi ng buhay niya ngayong wala na ito? “Tell me, Fitch, saan ko pa siya puwedeng makita? Kahit ilang PI ang idagdag mo na maghahanap sa kanya, gawin mo. Magbabayad ako kahit ilan pa sila. Mahanap lang ang asawa ko.”
“Sabihin mo nga sa akin, Valtus. Kapag ba nahanap natin ngayon si Lani, anong guarantee na hindi na niya uulitin ang ginawa niyang pagtakas sa iyo?”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan. There was an undertone of censure in Fitch’s voice.
“At kung mahanap nga natin siya, paano mo siya pipilitin na bumalik sa iyo? Will you use force?”
Tuluyan na siyang nainis sa kaibigan. “What are you talking about? She is my wife! If and when we find her, she will come with me whether she likes it or not!”
“Whether she likes it or not. ’Yon ba ang gusto mo? Na makisama ulit siya sa iyo kahit napipilitan na lang? Mahal ka pa kaya niya para magtiis na naman? For all we know baka gawin niya ang lahat makalayo lang sa iyo.”
Napamura siya sabay tayo at duro kay Fitch. “What are you driving at? May gusto ka ba sa asawa ko?”
“Hindi ako. Pero sa ngayon, baka lang,” sabi niya sabay guhit ng mga daliri sa ere ng invisible na panipi, “baka ang ibang lalaki nagkakagusto na sa kanya at nagsisimula na rin niyang magustuhan.”
Hindi na niya pinigilan ang sarili. Sinunggaban niya si Fitch at kinuwelyuhan. “Don’t ever say that again! I won’t let it to happen!”
Walang anumang pinagpag nito ang kamay niya. “Mag-relax ka nga. Hindi mo nakukuha ang punto ko.”
Hindi man lang nabawasan ang pagkainis niya kay Fitch. “Ano ba kasing punto mo?!”
“Valtus, kahit hindi ko nakausap ang asawa mo bago ka niya layasan, alam ko ang dahilan ng pag-alis niya. Pinagsabihan na kita noon. Pero hindi ka nakinig sa akin…”
Natigilan siya. Natatandaan niya ang sinasabi nito. Dalawang buwan pa lang yata silang naikakasal noon ni Lani. Minsan dumating sa kanila si Fitch para ihatid ang burglary incident report na kailangan niya. Nadatnan nito na umiiyak si Lani sa sofa habang yakap ang sarili. Katatapos pa lang nilang magtalik doon sa mismong sofa na kinauupuan ng asawa. Napanggigilan niya si Lani kaya nagkagalos ang dibdib. Walang sinabi noon si Fitch, pero kinabukasan, nang magkita sila sa opisina ay pinagsabihan siya nito. Mukha raw may epekto pa sa kanya ang ginawa ng stepmother niyang si Zita. Pinayuhan siya ni Fitch na sumangguni sa isang psychiatrist. Tinawanan lang niya at ipinagwalambahala ang sinabi nito.
“Kung babalikan mo si Lani, if ever na makita pa natin siya, mas malaki ang chance na mapatawad ka niya at pumayag na makipagbalikan kung naayos na ang problema sa iyo. Dahil kung ngayon kayo magkikita, isang monster pa rin ang magiging tingin niya sa iyo. Hindi pa rin mawawala sa kanya ang matinding takot sa iyo at posibleng dalhin na niya sa legal court ang pakikipaghiwalay nang  tuluyan.”
“Kung magsalita ka parang ang dami mong alam tungkol sa pagsasama namin ni Lani. Bakit, nagko-confide ba siya sa iyo? Malapit ka ba sa kanya? Kailan pa kayo naging mag-bestfriend?”
“Cut the sarcasm, Valtus! I’m your friend and I only want what’s best for you. That’s why I’m telling you this. You are sick. You needed professional help. And the sooner you accept that to yourself, the better.”

NAPALINGON si Valtus sa nakasalubong na jeepney ng sinasakyan niyang taxi. Nasa Manila siya para sa meet up nila ng ilang bagong kliyente. Hindi siya maaaring magkamali. Si Lani ang nakita niya. “Manong, mag-U-turn ka! Bilis!” utos niya sa driver. “Pakisundan ‘yong jeep na nakasalubong natin!” Nakalingon pa rin siya sa jeep at tinandaan ang plate number, ang ruta at ang pagkakakilanlan niyon.
“Sir, hindi po natin puwedeng gawin ‘yan,” sagot ng driver. “May mga designated lang pong parte ng kalye na puwedeng mag-U-turn. Bawal po dito.”
“Ipara mo na lang sa tabi! Bilis!”
Pumara nga ang taxi at ibinaba siya. Basta na lang iniwan ni Valtus dito ang isang five hundred-peso bill at tumakbo na siya patawid sa kabilang kalsada.
Nakarinig siya ng mga busina pero wala siyang pakialam. Basta tumawid siya at hindi pinakinggan ang pagmumura ng mga motoristang muntik nang makabundol sa kanya. Tumakbo siya at naghanap ng taxi. Nang ma-traffic ang isang taxi ay basta na lang niya binuksan ang pinto at sumakay sa passenger seat kahit na may pasahero pa iyon. Ikinabit niya agad ang seatbelt.
“Sir, bumaba po kayo,” sabi ng taxi driver, medyo yamot ang tono. “May pasahero po ako.”
Hindi niya pinansin ang sinasabi nito. “Pare, sundan mo ang jeep na ‘yon!” turo niya sa jeep na medyo malayo na ang agwat sa kanila. “May hinahabol lang ako. Babayaran kita. Sige na!”
Nag-react ang lalaking pasahero sa likod. “Aba’t tarantado to, ah. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya, may pasahero! Bumaba ka na bago pa kita hilahin palabas d’yan!”
“Kaya nga nakikiusap lang!” inis na sigaw din niya. Hindi ba nakikita ng mga taong ito na importanteng maabutan niya si Lani? “’Ayun lang ‘yong jeep, o. Puwedeng habulin.”
Sukat dahil doon ay dinamba siya ng lalaking pasahero at sinapak siya sa tainga. Nabingi siya sa lakas ng pagkakasapak. Pero nagsikap siyang gantihan ito ng suntok. Hindi nga lang umabot dahil nalimitahan ng suot niyang seatbelt ang galaw niya.
Namalayan na lang niyang sinasapak na siya pati ng driver. Sinikap niyang makaganti sa mga ito pero napagtulungan siya ng dalawa. Hanggang sa magawa ng mga ito na ihulog siya sa gilid ng kalsada. Humarurot na ang taxi pagkatapos.
Masasakit ang suntok at sapak na inabot niya. Pero mas masakit doon ang katotohanan na isang saglit lang na naging abot-kamay niya si Lani. Ngayon ay nakawala na naman ito at hindi niya alam kung mahahanap pa.

ENJOY na enjoy si Lani. Panay ang irit nila ni Ayeth habang naglalaro sa game arcade ng mall na pinuntahan nila nito at ni Xaniel. Araw ng Linggo noon. Pagkatapos nilang magsimbang tatlo ay dinala sila ng binata sa mall. Ipapanood daw sila nito ng sine. Pero dahil maaga pa ay nagyaya muna si Ayeth sa game arcade.
“May token ka pa, Kuya?” hopeful na tanong ng dalagita kay Xaniel.
Nagkibit-balikat ang binata at ikinumpas ang mga kamay. “Wala na.”
“Mero pa ako,” sahod ni Lani. Ibinigay niya sa dalagita ang natitirang token sa kanya.
“Sobrang spoiled ng isang ‘yan sa iyo,” sabi sa kanya ng binata na lumapit at tumabi sa kanya. Idinikit pa nito ang tagiliran sa braso niya. “Kaya gustung-gusto ka niya…”
Napapangiting tiningnan lang ito ni Lani. Wala siyang ginawa para bawalan si Xaniel sa paglapit sa kanya. Hindi siya umiwas. At bakit nga ba siya iiwas? She loved his nearness. His warmth. She felt cherished everytime he smiled at her. In his eyes she felt special, respected and loved.  Ipinagpapasalamat niya ang malasakit nito na naranasan na niya sa maraming pagkakataon. Hindi lang ito isang kaibigan para sa kanya. Pakiramdam niya may kakampi siya tuwing nasa malapit lang ito. May protektor siya at tulong na maaasahan. Sa loob ng limang buwan ay naging parte na ito ng buhay niya, ito at si Ayeth.
“Kaya din gustung-gusto kita…”
Natawa siya at mahinang siniko si Xaniel. Nasanay na siya sa mga pahaging at diga nito. Aminado siya sa sarili na may feelings na siya sa binata. Sa tingin niya ay alam na rin nito. May mutual understanding lang sila na hindi pa puwedeng palalimin ang kung ano man na mayroon sila ngayon.
“Gustung-gusto na kitang pakainin. Ano ba sa akala mo? Tayo na, gutom na ‘ko.”
Lalo siyang natawa. “Awatin mo na pala ang kapatid mo.”
“Iwan na lang natin dito ang isang ‘yan.” Kinuha nito ang kamay niya at ikinawit sa braso  nito. “Para magmukha namang may date talaga ako at hindi lang chaperone ng dalawang magagandang babae.”
Natatawang tumayo na si Lani sa kinauupuan. Napapansin niya, kapag si Xaniel ang kanyang kasama, lagi siyang may dahilan para ngumiti at tumawa. Inakala niya noong una na mahihirapan siyang itayong muli ang sarili pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Valtus. Hindi pala. Nagpadala ang Diyos ng mga taong tutulong sa kanya para makatindig muli. Para makapagsimula uli. At kahit na hindi pa siya maaaring tumirang kasama ng mama niya at ni Robbie, may paraan naman para magkita sila. Member ang mag-asawang Ivony at Prince sa Anvaya Cove Beach and Nature Club. Isinasama siya ng mag-asawa tuwing gustong mag-out-of-town trip ng mga ito roon. Doon sila nagkikita ng Mama niya at ni Robbie.
Kapwa sila umiiyak ng mama niya nang una silang magkita pagkatapos ng halos isang taon. Pareho nilang naramdaman ang labis na pangungulila sa loob ng maraming mga buwan na hindi sila nagkita. Kaya ganoon na lang ang pasasalamat nila sa mag-asawang Ivony at Prince.
Nasa ibang palapag ng mall ang kainan kaya umakyat silang tatlo nina Xaniel at Ayeth sakay ng escalator. Paglinga ni Lani ay siya namang pagdaan ng pababang escalator sakay ang taong kinakaiwas-iwasan niyang makita. Nagtama muna ang mga tingin nila ni Valtus bago ito makalampas.
“Okay ka lang?” tanong ni Xaniel sa kanya. “Bakit parang bigla kang namutla?”
Hindi siya okay. Ang bagong buhay na itinatayo niya, sa isang sulyap lang ng tao na nagmula sa malapit na nakaraan, ay unti-unti nang gumuguho.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro