Drew
PAGBABA sa Pier 4 sa Maynila ay humanap si Lani ng mabibilhan ng bagong SIM card. Itinapon na niya ang lumang SIM card ng kanyang cell phone kasama ng ticket niya sa barko. Nang i-on niya ang cell phone ay numero lang ng kaibigan niyang si Ivony ang inilagay niya sa contacts at ang bagong numero na itinawag sa kanya ng kapatid na si Robbie.
Nagbuntong-hininga siya bago sumakay ng jeep. Hindi niya alam kung ano ang signboard niyon. Basta na lang siya sumakay. This is it, Lord. I’m praying for Your guidance ang protection. Nang makaramdam ng gutom ay bumaba siya at kumain sa isang fast food restaurant. Nasa Recto na pala siya. Naglakad-lakad siya matapos kumain.
Napadaan si Lani sa bangketa na may hilera ng mga nagtitinda ng mga second hand text books. Bigla na lang may isang matangkad na dalagitang umakbay sa kanya.
“Ate, ba’t ngayon ka lang dumating? Kanina pa kita hinihintay,” sabi nito sabay giya sa kanya sa gilid ng bangketa.
Kinabahan si Lani. Bago niya naisip na kumalas at umatras ay nadala na siya ng dalagita sa maliit na space sa pagitan ng mga librong nakasalansan. “Nagkakamali ka,” sabi niyang niyakap agad ang kanyang sling bag. Dasal siya nang dasal s aisip na hindi sana ito miyembro ng Budul-Budul Gang. Ang maliit na backpack sa likod niya ay iilang pirasong damit lang ang laman. Nasa sling bag ang kanyang pera na kailangan niyang ingatan nang husto. Hindi siya puwedeng mawalan ng pera sa gitna ng isang lugar na wala siyang kilala at wala pang matutuluyan. Huling ginamit niya ang ATM card ay noong bago siya sumakay sa barko. Hindi pa niya puwedeng gamitin ang card kung ayaw niyang mas mapabilis ang pag-trace sa kanya ni Valtus. “Hindi kita kilala. Napagkamalan mo lang yata ako. Hindi tayo magkakilala.”
Binitiwan na siya ng dalagita. “Alam ko. Ginawa ko lang ‘yon kasi nakita ko na nakasunod sa ‘yo ang tropa ni Drew. Magpasalamat ka dapat sa akin na dinala kita dito,” ngingisi-ngising sabi ng dalagita.
“Drew? Sinong Drew? Saka sino ka ba?” Naguguluhan si Lani sa sinasabi ng kausap. Sana lang ay hindi ito masamang tao. Ngayong magkaharap sila, napansin niyang maganda ito. Maganda ang hubog ng mukha. Bilugan ang mga mata at medyo matangos ang ilong. Shapely ang mga labi nito pero ang prominente sa mukha ng dalagita ay ang eleganteng noo. Parang noo ng 1969 Miss Universe Gloria Diaz.
“Drew, as in man-drew-kot, gets mo?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro